Sunday, January 31, 2010

Ang Kaibigan Kong Nagbakasyon (by request)

Nang aalis na ang kaibigan kong ito para bumalik uli sa California ay nagtext siya sa akin kung nagsulat na raw ako ng tula na ang pamagat ay "ang kaibigan kong nagbakasyon". Medyo nagulat ako sa text niyang iyon kasi wala naman kaming usapan na handugan ko siya ng isusulat ko. Ang ginawa ko ay reply ko siya at sinabi ko na "i will try na magsulat ng tula na ganun ang pamagat". Sa dami na rin na post ko sa blog ko na may hinahandugan ako o kaya ay by request ay ako ang nagpapasya ng pamagat. Kaya ang sinulat kong ito ay medyo nahirapan ako kasi siya ang nagbigay ng ipamagat. Ilang araw din bago ko nabuo ang sinulat kong ito. Wala kasing pumapasok sa isip ko na mga salita para sa tula na siya ang nagbigay ng ipamagat. Pero pinilit ko talaga na mapagbigyan ang request niya kasi ilang bote rin ng san miguel beer, red horse, o kaya tuba ang nainom ko dahil sa kanya, hehe. Suko nga ako sa inuman kasi madami lagi ang inumin. Madalas talaga akong malasing noong pagbakasyon niya. Sa post ko noong November 15, 2009 na ang pamagat ay Bahay Ni Kuya ay siya iyong nasa unahan ng picture na may tattoo sa braso.

"Shoes never meet, yet share the same ground. The moon and the sun could not be one, yet cross the same sky. Same with friends who don't meet often, but never stop being friends."

ANG KAIBIGAN KONG NAGBAKASYON
Kay: Felix Arbis
Ni: Arvin U. de la Peña

Masayang alaala ang hatid mo
Hindi lang sa akin kundi sa iba pa
Na mga naging kaibigan mo
Noong tayo ay mga bata pa.

Sa bawat araw na tayo ay nagsasama-sama
Kaharap minsan ang nakakalasing na inumin
Pati na ang mga pagkain at pulutan
Masaya talaga ang pakiramdam.

Muli nating naiisip mga nakaraan
Ang mga pangyayari noong tayo'y bata
Binabalikan ang mga panahon
Kung saan nabuo ang pagiging magkaibigan.

Ikaw na kaibigan ko
Kaibigan namin na nagbakasyon
Maraming salamat sa iyo
Sa muli mong pakikipag-isa sa amin.

Hindi ka namin makakalimutan
Na kahit malayo na ang narating mo
Hindi mo kami kinalimutan
Mabuhay ka, hanggang sa muling pagbakasyon.

(ito nga po pala ang blog ni mitz na siyang nakasagot sa bugtong http://crazylife-mitz.blogspot.com)

66 comments:

Jag said...

Base!

Mukhang namiss mo nga ang kaibigan mo bosing jijiji...

Tanging masasayang alaala n lng ang maiiwan kahit saan pa mang lupalop ng mundo ang isang mabuting kaibigan magpunta...

Arvin U. de la Peña said...

@Jag..............ikaw nga ang nakauna..hehe.......tama ka sa sinabi mo..kapag umalis na talaga ang kaibigan lalo na kapag nasa ibang bansa naninirahan ay tiyak naaalala ang masasayang sandali na magkasama..lalo na iyong inuman na sagot lahat ng tao na nagbakasyon..ganun naman kasi kadalasan di ba,hehe..

Unknown said...

Anu ba ito? hehehehe... anyway, ako kasi arvin, naiinis ako pag ako naiiwan, kasi it is better to leave than to be left alone. masakit minsan.

Fex said...

wow, ganda naman ng mensahe ng tulang ito, I'm sure na touch yung friend mo pagnabasa niya ito. pwde gawa mo rin ako ng tula haaa joke....anyway, I sometimes check your poem and ang galing mo.


Keep it up!!!

Bryan Anthony said...

why not?

Chyng said...

Next time ikaw naman ang bumisita.

Verna Luga said...

Ang gwapo naman ng friend mo! Regards... Daan me Arvin ...

Arvin U. de la Peña said...

@tim..............ganun......may kanya kanya kasi tayong buhay at pananaw..di naman puwede na ang isang kaibigan mula sa pagbakasyon ay manatili kasi may trabaho din iyon..ang mahalaga lang pag umuuwi ay mag inuman,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Fe................yes, siguro ma touch siya..request kasi niya iyon na magsulat ako ng tula na iyon ang pamagat na hango sa pagbakasyon niya....i will try na gumawa ng tula na handog sa iyo..not now..walang problema..basta by request kapag kaya ko ay pinagbibigyan ko..salamat sa iyo sa palaging pagbabasa ng mga sinulat ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Bryan Anthony.............tama ka..bakit hindi nga..nagpainom at nakipagkita sa amin kaya nararapat lang talaga na pagbigyan ang request niya..

Arvin U. de la Peña said...

@Chyng..........haha..ngeh..di ko kaya iyon..ang layo kaya ng California.........

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz................marami nga ang nagsasabi na siya ay guwapo..kahit ang iba kong mga kaibigan ay nagsasabi na guwapo siya..pero 7 paligo lang ang agwat namin sa kung kaguwapuhan ang pag uusapan,hehe..joke..

JENIE=) said...

hi dear friend.i need your advice on http://heniperrr.blogspot.com/2010/02/attention-what-do-men-say-about-your.html hope to see you on the comment page ;)

wanderingcommuter said...

aaaawwww ang sweeet!

Enhenyero said...

gusto ko din magrequest ng ganyan jejejeje

pusangkalye said...

gusto ko yung mga quotes---ang lalalim. ganun talaga siguro ang friendship---parang trees---pag malaki na-di na kailangang diligan lagi. pag secure na kung baga....

Pretsel Maker said...

Chocolate pahingi

eden said...

this is a nice poem for your friend. How sweet of you to make this for him. Sana mabasa niya ito.

have a nice day

Glenn said...

mejo napangiti lang ako dun sa nahirapan ka kasi ang kaibigan mo ang nagbigay ng title. hehehe^^.
Well, cguro naman may communication pa kau. ^^ friends forever^^

Xprosaic said...

Naks! uso na pala ngayon ang by request... jejejejejeje

Don said...

wow, sweet naman..hehehehe sarap naman maging friend mo.... me mga tula pa sa tuwing lilisan ....

Xprosaic...jejejeje panget ka hahahaha (Sorry arvin, nakikigulo lang)...jijiji

fiel-kun said...

aww... ang ganda naman ng tulang ito Arvin ^_^

dapat may background music ka na:

"Farewell to you my friend, we'll see each other again. Don't worry coz it's not the end of everything..."

Glampinoy said...

Isa kang tunay na kaibigan Arvin.

Arvin U. de la Peña said...

@JENIE.....................ok..pinuntahan ko na ang sinasabi mo..ewan kung puwede ang suggestion ko na iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@wanderingcommuter..............siguro nga..basta pagkakaalam ko ay magugustuhan ng kaibigan kong ito ang sinulat ko na tula..di ko pa kasi siya sinasabihan..baka mamaya pagsabihan ko na..

Arvin U. de la Peña said...

@I AM ENHENYERO, AND THIS IS MY BLOGS........ganun ba..ok sige pagbibigyan ko ikaw..kayo ni Fe pero di pa sa ngayon..mga ilang araw pa..as by request..

Arvin U. de la Peña said...

@PUSANG-kalye.............maganda nga ang quotes na iyon na send sa cellphone ko..tama ka..pero ang tunay na pagkakaibigan ay wala talagang limutan..ang iba kasi ay lumilimot..kapag umangat na ay hindi na namamansin,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Pretsel Maker..................haha..nakakahiya po yata kung hihingi ako..kung magbigay ay tatanggapin ko..di po ako nanghihingi sa mga kaibigan ko ng kung ano lalo na kapag sila ay galing sa amerika..sapat na iyong magpainom..

Arvin U. de la Peña said...

@eden...............talagang mababasa niya ito kasi mag message ako sa kanyang friendster at facebook..ngayon na pagsagot ko sa comment mo ay pagsabihan ko na siya na napagbigyan ko na ang request niya..

Arvin U. de la Peña said...

@Glenn Kun................totoo po na nahirapan ako kasi siya ang nagbigay ng title..di po ako sanay na iyong nagrerequest ang nagbibigay ng title..lahat po na hinandugan ko ng tula at mga nagrequest na sila din ay handugan ko ay ako ang nagpasya ng pamagat..kakaiba talaga itong sa ngayon..buti nga nakagawa ako..oo naman may communication pa kami..

Arvin U. de la Peña said...

@I am Xprosaic..............may mga nagrerequest po sa akin..dito ngayon na post ko ay dalawang bloggers na at sila ay pagbibigyan ko..ikaw kung magrerequest ka ay pagbibigyan ko ikaw..pero ako na ang bahala sa pamagat kasi mahirap po kung ikaw ang magbigay ng pamagat kasi baka di ko makaya o kaya baka sumakit ang ulo ko,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@donster..............ganun ba..okey naman ako na kaibigan........request niya lang iyon..alam niya kasi na may blog ako at nagsusulat ng mga kuwento, poems, at tula..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu..................mas importante ang iyong pag aaral kaysa dito sa pag blog para sa akin..good luck sa iyong pag aaral..salamat sa suggestion mo tungkol sa mga sinusulat ko..

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun.............salamat at nagandahan ka sa tula kong ito na sinulat..sa katunayan ay gusto ko ng mag iba ng background music pero mas gusto ko pa sa ngayon ang kanta ng sa voltes v..

Arvin U. de la Peña said...

@Glampinoy...................ikaw din para sa akin ay isang tunay na kaibigan..sana walang pagbabago dito sa mundo ng blog..

Mel Avila Alarilla said...

Importante nga ang mga kaibigan sa buhay nang bawat tao. Sila yung kasa kasama natin sa hirap at ginhawa at sa panahong tila tayo'y nagiisa. Ang tunay na kaibigan ay talagang bibihira katulad nang isang mamahalin at katangi tanging diamante. Salamat sa artikulo. Pagpalain ka palagi nang Panginoon.

edison said...

by request pala..sana pwede din magrequest yung ibang viewer and follower ng blog mu..I'm sure click yun!

Azumi's Mom ★ said...

isa na namang magandang tula.. sana magawan mo din ako minsan haha (kafal).. natawa naman ako sa yo, ang dami na nya pala napainom sa yo kaya ok lang na bawiin mo yun sa tula.. Hanggang sa muli..

chingoy, the great chef wannabe said...

friends forever... haaay....

EngrMoks said...

kung babae lang ito..malamang kayo magkatuluyan...jejejeje

Arvin U. de la Peña said...

@ayu................ako din parte ko na ang pag blog..mahirap para sa akin kapag hindi ko na nakikita ang blog ko ng ilang araw..siguro ganun ka din..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla............tama ka..dahil ang isang kaibigan lalo na kapag tunay talaga ay ating nasasandalan kapag tayo ay gipit o kaya ay kailangan ng tulong o kung ano pa..minsan nga lang may mga kaibigan na siya pa ang nagpapasama sa atin..sila iyong mga kaibigan na hindi dapat pakisamahan talaga kasi napapasama lang tayo..sa huli ay naunawaan ko na mahirap makatagpo ng isang tunay na kaibigan..

Arvin U. de la Peña said...

@engr.kemm.coe....................puwede naman po talaga mag request..may mga bloggers na nga na nagrequest na sila rin ay sulatan ko..tumatanggap po ako ng by request basta kaya ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Bambie dear..................walang problema........gagawan kita ng tula..opo madami po akong nainom na nakakalasing dahil sa kanya..siguro nga pambawi ang sinulat kong tula,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Chingoy....................para sa akin ay walang dahilan para kami ay magkaroon ng di pagkakaunawaan na maging dahilan para di na maging magkaibigan..forever friends di lang ako pati sa iba pa..

Arvin U. de la Peña said...

@Mokong............haha..napatawa naman ako sa sinabi mo..

Azumi's Mom ★ said...

ei kuya kahit di ka mahilig sa awards, may award ako sa yo http://www.labambita.com/2010/02/happiness-award.html

Azumi's Mom ★ said...

thanks kuya ha.. kinilig naman ako sa yo kasi di ko naman expect.. may by request portion ka pala talaga.. naku salamat ha, nahihiya tuloy ako pero wag mo pilitin ha.. thanks

Anonymous said...

Magandang araw! Nakita ko lang yung message mo sa spam folder ko sa mail. Hindi ko alam kung para sakin talaga yun o mali lang ang pagpapadala sakin. :) Eto, pabisita lang sa blog mo. :)

D.L. Verzosa said...

Hello, I've been busy these past few days... Good thing my mom and dad are back in each others arms again after two years of separation... Want to know more, visit my current post....
http://passionatestar92.blogspot.com/2010/02/blessings-for-my-parents.html (Dad's Seattle and Vancouver Trip)

THANKS!

JTG (Misalyn) said...

What a lovely poem for a friend. It is always nice to rhyme and make those neurons and neuroglia firing up.

Arvin U. de la Peña said...

@Bambie dear....................salamat sa award..talagang may by request ako para sa aking blog..tumatanggap po ako ng request..ang hindi ko na gagawin ay iyong maghahandog ako ng tula para sa isang tao lalo na kapag bloggers..kapag naghahandog kasi ay ako ang magsasabi sa isang tao o bloggers na hahandugan ko siya..kung by request naman ay ang tao o bloggers ay siyang kusa na humihiling na magsulat ako ng para sa kanya..kaya pag ganun pinagbibigyan ko kasi request..post ko sa aking blog as by request..at ikaw ay pagbibigyan ko..ikaw ang unahin ko..sa next post ko ay ang tula na para sa iyo as by request..post ko iyon sa blog ko with your pic..

Arvin U. de la Peña said...

@Carizza...........para po sa iyo iyon..nakita ko ang site mo sa filipinowriter.com.........may post ka doon na nagsorry ka dahil about sa babae na post mo..thanks sa pagbisita mo..pinuntahan na rin kita..

Arvin U. de la Peña said...

@Ailee Verzosa............ic..mabuti naman at muli ay nagkasama ang parents mo..alam ko masayang masaya ka ngayon..

Arvin U. de la Peña said...

@Misalyn................thanks..kaibigan ko kasi kaya mahirap na tanggihan,hehe..

Sam D. said...

salamat sa pagbisita mo sa site ko. nalungkot naman ako sa tula mo para sa kaibigan mo. bigla ko tuloy namiss sobran mga kaibigan ko diyan. sinundan ko pala ang blog mo. sana sundan mo rin blog ko. salamat :)

Anonymous said...

Wow! swerte naman ng kaibigan mo, nakasulat ka ng tula para sa kanya... Sensya na tlaga Arvin kung hindi ako nkabsita lately, busy ako kasi malapit na bday ng bunso ko... pagpasensyahan mo tlaga...

Anywy, invited ka ha... punta ka dito.. hehehe

Life
Women
Mom
Abbeymae

Anonymous said...

Mahirap talagang magsulat minsan. Kailangan muna nating maglakad-lakad upang makapag-refresh.

Anonymous said...

Hehe. Salamat po sa pagdaan.

Nanaybelen said...

Miss mo talaga ang inuman nyo ha? este friend. Siguradong homesick narin sya ngayon. Ganon talaga ng buhay...

Arvin U. de la Peña said...

@ayu..................ang mabuti mo na lang gawin para matigil na iyan at hindi ka na pagdudahan ay pagsabihan mo siya na open ang cbox niya at tingnan ang IP address ng nagpapanggap at ng sa iyo..tiyak ay magkaiba iyon..talagang ganun dito sa blog..may mga tao na nagmemessage ng pangit..huwag mo na lang pansinin iyon..pag may nagmessage ng di maganda ay delete mo at ban ang IP address para di na makaulit..

Arvin U. de la Peña said...

@Sam................walang anuman..ok lagi ko na rin ikaw susundan..lalo na kapag may new post ako ay puntahan ko ikaw..salamat sa lagi mo ng pagsusubaybay sa blog ko..pag uwi mo ay hanapin mo agad ang mga kaibigan mo at magsaya kayo,hehe..mag inuman din..joke..

Arvin U. de la Peña said...

@Kathy................nakasulat ako kasi request niya..salamat sa pag imbita mo sa akin para sa birthday ng anak mo..ok punta ako diyan..sa pangarap nga lang,hehe..okey lang kung paminsan minsan di ka nakakagala sa blog ko..nauunawaan kita..

Arvin U. de la Peña said...

@philippineplace..............tama ka..minsan wala talagang pumapasok sa isipan natin kung ano ang isulat..minsan naman ay mayroon kahit madami pa ang isulat..parang makina na minsan ayaw umandar,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@forcedengineer.................walang anuman..sa iyo din salamat sa pagpunta sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Nanaybelen.............miss ko na nga ang inuman namin kasi siya lagi ang gumagasto sa lahat,hehe..ngayon kapag nag iinuman kami ng mga barkada ay share lang kung magkano ang gastos namin..