"Palagay ko mas mabuti talaga kung ang isang nahalal na sa isang posisyon sa gobyerno ay hindi na puwedeng kumandidato uli para maiwasan ang tinatawag na kasakiman sa posisyon. Isa pa kung ganun din siguro ay walang mangyayaring mga pangugurakot kasi ang pondo ay itutuon talaga para sa bayan para kung umalis na sila sa puwesto ay may maganda silang maiiwan sa mamamayan. Kasi ang iba ginagawa ang mga proyekto kapag malapit na ang halalan. Kung ang isang opisyal sa gobyerno ay hanggang isang termino lang tiyak pagbubutihin nila talaga ang pagserbisyo kasi nakakaisa lang. Kaya dapat may nagawa silang maganda sa bayan sa termino nila."
GUSTO
Ni: Arvin U. de la Peña
Sa halalan na darating
Kung puwede lang doon ako
Sa lugar niyo ay boboto
Pupunta sana ako para iboto ka.
Kasi iyon ang gusto mo
Ang laging nasa poder
Nakamit mo na ang mataas na posisyon
Pero hindi ka pa rin kuntento.
Gayong sa iyong panunungkulan
Maraming anomalya ang nangyari
Ang maraming pinoy ay ayaw na sa iyo
Pero hindi mo sila pinakikinggan.
Ano ba talaga ang gusto mo
Bakit ayaw mong mamuhay uli ng normal
Hindi ka naman maghihirap na
Dahil napakayaman mo na.
Mahiya ka na sana sa sarili mo
Huwag ng mag ambisyon na mamuno uli
Dahil hindi ka na talaga nakakatuwa
Nakakainis ka na alam mo ba iyon.
Wednesday, January 6, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
44 comments:
Totoo iyong sinabi mo Arvin, sana manahimik na lng sya dahil matagl na rin naman syang namuhonan sa ating bayan... Kasakiman sa kapangyarihan ang nag-uudyok sa kanya.. Hindi na nahiya...
Salamat sa bisita at ipagpatuloy mo ang paggawa ng mga tula ukol sa mga taong sakim sa pulitika...
one term is 3 years. first year to recover or get back the money what they had spent during elections, second year self investments and third year another corruption to prepare for the elections.
inorder to have good leaders, voters must be educated. BUT HOW?
wow! love my own ka sa language ha..
HI Arvin... Ang pagiging kurakot ng mga pulitiko sana kung pwede kasi nkakabagot na ang ginagawa nilang pangungurakot...
Alam mo walang makakapigil sa isang greedy at anomalous president maski isang termino lang ang itinatadhana nang batas. Hindi pa nagkasya si Marcos sa dalawang term niya at nagdeclare siya nang martial law nung 1972. Ngayon naman, nagpipilit si PGMA na ma amend ang constitution para mapalitan ang form of government at maging parliamentary na para qualified siyang maging prime minister. Hindi lamang greed for power at posisyon ang tangka ni PGMA. Takot din siya na makasuhan nang plunder katulad ni Erap kaya ayaw niyang bumaba nang pwesto. Ngayon tatakbo siya bilang kongresista sa 2nd distrcit nang Pampanga at ambisyon niyang maging speaker at amiendahan ang constitution para maging parliamentary at eventually maging prime minister siya. Kapit tuko at napakakapal ng mukha. Salamat sa post. God bless you always.
@kathy............dapat talaga na manahimik na ang isang nahalal na sa gobyerno..ipaubaya na lang sa iba ang pamamalakad..sakim nga sa kapangyarihan..iba kasi kapag makapangyarihan lahat nagagawa kahit iyon ay labag sa kalooban ng maraming tao..ganun ipagpapatuloy ko..hehe....abangan mo na lang ulit ang mga post ko na may kaugnayan sa politics..
@Faye............parang tama iyong mga sinabi mo..ang hirap kasi sa halalan ay gumagasto talaga ng malaki para lang sakali ay manalo..kapag nanalo na ay kukunin sa pangungurakot ang mga nagasto..pero sino ang dapat iboto na karapat dapat talaga..kung lahat na mga propaganda ay ginagawa lang para sa ikapapanalo sa halalan..at kapag nanalo na ay hindi na tutuparin..kung may tuparin man ay kaunti lang ang makakabiyaya..
@gracia.........opo..pinoy na pinoy ang dating ng mga sinusulat ko sa blog ko..madalas ay tagalog talaga..mostly kasing bumibisita sa blog ko ay mga pinoy..katulad mo,hehe..
@abbymae..........talagang masama sa pandinig ang mga ginagawang pangungurakot ng mga politiko..ang ibang nakukurakot ay ginagamit sa pagsugal..
@Mel Avila Alarilla...........haha..siguro nga ay takot siya..pero sana hindi siya matakot..harapin niya at ipagtanggol kung anuman ang mga reklamo sa kanya..ang bawat tao kapag may ginagawang hindi maganda ay bago nila gawin iyon ay alam na nila ang puwedeng ikaso o kahinatnan nila..kaya dapat be prepare..sa case niya siguro ay di pa siya prepare sa mga akusasyon..walang anuman..salamat din sa pagbasa mo sa post kong ito..
I agree with your views, Arvin.
Sana makauwi ako diyan on this coming election day. :)
Kapalan na ng mukha yan Hindi na aalis yan Sana hindi manalo yan Sana manalo sa susunod yung may takot sa Dios para hindi nangungurakot kawawa naman bayan natin
Tingin ko talaga karamihan ng Pinoy ay Korap. Hindi lang si Gloria. Maski ung mga dating aktibista noon na ngayon e nasa poder ay kung anu-anong kinasasangkutan na anomalya. Kaya nagtatagal si Gloria ay dahil birds of the same feather support each other.
Yeah, sana. If only there is magic n mg change sa pilitika natin gawin ko. but wala eh, it is still existing kahit anu pa gawin, ganun parin..
do you have any idea how to educate the voters? wake them up that they should not engage in vote-buying.
Sana Arvin manahimik nalang siya para sa atimg mga kababayn. Pwede pa naman e withdraw ang candidacy. I just wish she will realize it na tapos na serbisyo nya at di na siya kailangan ng mga tao.
KASAKIMAN tawag jan...
matamaan sana nasa pposisyon ngayon...
HAPPY NEW YEAR...
hello try your luck to win $5,000 from this link http://www.jewelryartdesigns.com/jewelry-jad.asp?p=Win-Jewelry&xref=istarblog.com goodluck
napakalalim naman nit Arvin...good points too....great job!
@Hi! I'm Grace.............thanks..ganun ba..so plano mo palang umuwi ngayong summer dito..kailan ang huli mong pagbuto sa lugar mo..
@Pretsel Maker........sana nga hindi na manalo kasi marami ng ayaw sa kanya..ang ibang politiko ay may takot sa diyos puro kabutihan talaga ang ginagawa..ewan ko lang ang iba kung may takot sila..hehe..
@Glampinoy............siguro ay may punto din ang sinabi mo..kaya siguro siya gumanun naging korap at maraming anomalya na kinasangkutan dahil ang mga nauna sa kanya na politiko rin ay may hindi rin magandang ginagawa..gaya gaya lang..hindi naman agad nakukulong kapag may anomalyang kinasangkutan kasi idaan pa sa korte..at kung ang korte ay panig pa sa gumawa ng kasalanan ay balewala lang ang reklamo..
@tim.............kung ako rin lang ang may super powers ay tiyak ang mauupo sa gobyerno puro mga mabubuting tao..yah, ganun pa rin talaga..kahit ano pa ang gawin at mga salita mahirap ng baguhin ang sistemang politikal dito sa ating bansa..
@FaYe...............marami ng mga sinabi kahit sa iba pang mga concern citizens kung paano ma educate ang mga botante pero minsan hindi iyon sinusunod lalo kapag may perang kapalit..boboto ka lang kapalit ay pera..karamihan ay ganun na lang ang ginagawa para kahit paano ay may matanggap sila sa politiko kasi kapag nakaupo na ay wala naman silang natatanggap na biyaya..sa halalan na lang sila bumabawi na may makuha mula sa politiko..
@eden..........sana nga..pero ang tulad niya ang tao siguro na gusto laging nasa posisyon..walang balak iyan na iwasan na ang politika..kung may balak iyan dapat noon pa..
@ayu..........yes, kung isang beses lang talaga..3 years lang ay maganda talaga iyon kasi ibubuhos ang ikagaganda ng bayan para kapag wala na siya sa puwesto ay may maganda siyang nagawa na hindi makakalimutan ng mga kababayan..kung ganun ay parang pagalingan iyon kung sino ang nakaupo na maraming proyekto at aktibidad na nagawa.....
dahil nga sa politika tayo ay namulat kung ano talaga ang nasa likod nun..nalaman natin na sa potilika may tao na yumayaman dahil sa pagnanakaw sa pondo ng gobyerno, pangungurakot, panggigipit sa ibang tao lalo na iyong mga negosyante ng ginigipit at hindi bigyan ng permiso..bibigyan ng permiso pero may kapalit..at ang pinakamasakit dahil rin sa politika ay may mga tao na pinapatay sa utos rin ng isang politiko..ganun ang sa politika na nalaman natin ng tayo ay magkaisip na..
@chuwie.........yup kasakiman nga..sana nga matamaan ang mga nasa posisyon pero parang mahirap silang masapol kasi makakapal na ang katawan,hehe..happy new year din sa iyo..
@chiel........ah ok..
@Dhemz...........yah, malalim nga..salamat muli sa iyo..good luck rin lagi sa iyo..
mukang hindi pa nga siya kuntento. mula sa isang mataas na posisyon bumaba para simutin ang natitira pa. grabe. ang kapal ng balaat. lol.
Hay naku Arvin sinabi mo pa. Ganyan talaga ang karamihan (di ko naman nilalahat) ng pulitiko dito sa bayang magiliw natin. Syempre, masarap at masagana ang pwesto nila sa gobyerno kaya ayun, ayaw talaga nilang umalis... gustong-gusto pa nilang magpahaba pa ng termino para lustayin ang kaban ng bayan.
Sana sa darating na eleksyon, mabawasan na ang ganitong mga klase ng pulitiko. Sawang-sawa na si Juan sa mga trapo.
Nice poem btw ^__^
Alam mo Arvin.. yung politikong ayaw umalis sa pwesto, pag nakikita ko sa Tv gustong gusto kong batuhin..
wala na ako ma say jan matagal ko na nabasa at narinig ang mga ganyang argumentations about politicsss.... the best is vote for the best... nothing change and never change if we people dont know how to select the right person.
uwi ako jan para iboto ko si arvin ayos ba dong hehehe... ingats dong visita lang sa iyo..
ching
galing ng poem na toh... i can relate to it, kz im a registered voter na... heheheh
thanks for always dropping by at my blog site...
I so mych agree kuya! sana nga ipasa ang batas na yan, pero palagay ko malabo dahil nga lahat ayaw alisa posisyon nila =( ay naku, kelan kaya magbabago ang gobyerno natin =(
@jeszieBoy.............oo nga eh..biruin mo lahat ng tao ay hangad ang mataas na posisyon..nakamit na niya pero ngayon ay bababa para sa isa ring posisyon na mas mababa sa nakamit niya..anong klaseng pag iisip niyan..hangad talaga lagi ang may posisyon sa gobyerno..
@fiel-kun.............oo nga eh, kapag nakaupo na talaga sa puwesto sa isang posisyon sa gobyerno ay ayaw na talagang umalis kasi malaki ang naitutulong sa kanilang sarili ang pananatili sa puwesto..kahit pa ang pananatili ay may ginagawang hindi maganda..halimbawa na lang ang pangungurakot sa bayan..kahit pa ang iboto natin ay mabuti pagtagal siguro ay nagiging masama rin dahil sa impluwensiya ng ibang politiko..
@Nanaybelen............ganun ba..hehe..huwag mong babatuhin kasi baka masira ang tv mo..manalig ka na lang na ang politiko na iyon ay hindi na manalo sa halalan..
@Ching.............bumoto nga tayo ng karapat dapat talaga..ganun ba..hehe..huwag ako ang iboto mo..si richard gomez na lang ang iboto mo kasi palagay ko ay karapat dapat iyon sa isang posisyon sa gobyerno..
@Ailee Versoza...............salamat at nagalingan ka sa sinulat kong ito..ic..baguhan ka pala sa pagboto..sana ang piliin mo ay iyong sa palagay mo talaga ay mabuti ang magagawa sa bayan..
@Bambie dear...............kung may magpapasa nga ng batas na iyan na hanggang isang termino lang dapat na mamuno ay malabo talagang mangyari dahil ang mag aaprove ng batas na iyan ay mga sakim sa posisyon at ayaw na maalis sa puwesto..di ko alam kung kailan mababago ang sistemang politika dito sa ating bansa..
hahahaha naku sa pinas ang mga pulitiko hanggat me halalan tatakbo... dapat hindi ganun... dapat me proyekto cla na gusto nilang makitang pagbabago tapos ng termino tama...hay
@donster.........tama ka..hanggat may termino pa ang politiko ay tatakbo talaga kasi sayang ang perang makukuha habang nasa posisyon..
hello, galing mong magsulat. May punto ka,,,sana mga politiko ay hindi sakim sa kapangyarihan na kung tapos na ang termino eh hindi na tatakbo muli
Post a Comment