Friday, December 21, 2012

Panggulo Na Kandidato

"Ito po ang last post ko ngayong taon. Maraming salamat sa lahat na kaibigan worldwide dito sa blog. Kita kits tayo sa susunod na taon."

PANGGULO NA KANDIDATO
Ni: Arvin U. de la Peña

Halalan na naman sa susunod na taon. Siguro sa inyong lugar kung saan man kayo alam niyo na kung sila sino ang mga kandidato. Higit sa lahat alam niyo na rin kung sino ang kandidato para sa inyong lugar na maituturing na panggulo.

Panggulo na kandidato, ano nga ba iyon? Ang panggulo na kandidato ay kandidato na angkop lang para sa isang lugar na kinaiinisan na ang kasalukuyan na namumuno dahil hindi maganda ang pagserbisyo at maraming isyu tungkol sa katiwalian. Lalo na patungkol sa pangungurakot o pagnanakaw sa pera ng bayan. At dahil doon ay may tatapat sa halalan na malakas ang karisma at malaki ang posibilidad na manalo kung mag one on one lang. Ngunit iyon ay maaaring hindi mangyari dahil sa pagtakbo rin sa halalan ng isa pa. At iyon na nga ang panggulo na kandidato. Kung bakit tumakbo sa halalan ay dahil gusto na manatili lang sa poder ang kinaiinisan na namumuno o kaya dahil sa binayaran.

Hindi makabayan, walang pagmamahal sa bayan. Ganun ang panggulo na kandidato. Sarili lang niya ang iniisip. Dahil kung mahal niya ang bayan, mahal niya ang mga naninirahan ay hindi siya tatakbo sa halalan para magtatlo ang kandidato o kaya hindi niya ipagbibili ang kanyang kandidatura.

Nakakainis, nakakasuklam ang panggulo na kandidato dahil siya ang magiging dahilan para hindi mag-iba ang administrasyon sa lugar. Hindi nga naman maganda kung ang boto ay mahahati pa. Pabor ang pagtakbo ng panggulo na kandidato para sa kinaiinisan na kandidato lalo na kung malaking halaga ng pera ang ibibigay ng kinaiinisan na kandidato para sa mga botante.

Ang hiling na lang ay magkaroon ng himala. Tatanggapin ang pera na bigay ng kinaiinisan na kandidato pero hindi siya iboboto. Ang iboboto ay ang kandidato na maaaring makapagbago sa lugar. At ang panggulo na kandidato ay babalewalain kahit pa mamigay ng pera. Dahil bistado na ang totoong kulay niya, panggulo. Ngunit may himala nga ba kung pera ang pinag-uusapan? Mayroon himala, iyon ay ang kanta na Himala na inawit ng Rivermaya

Saturday, December 8, 2012

Pasko Sa Kulungan

PASKO SA KULUNGAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa abot ng makakaya ay pilit na binubuhay ni Elizalde ang kanyang pamilya. Mula sa pagiging kargador sa palengke ng mga panindang gulay o ano pa hanggang sa pamamasada ng de padyak na tricycle. Ang halos dalawang daan na kita bawat araw ay pilit niyang kinakasya para sila ay mabuhay. Ang asawa niya na walang trabaho at ang dalawang anak niya na ang panganay ay pitong taong gulang at grade one at ang bunso na limang taon na hindi pa nag aaral.

Umagang-umaga pa lang ay gumigising na si Elizalde para pumunta sa palengke. Muling babalik sa kanila na may dalang tinapay. Aalis para mamasada ng tricycle at muling babalik ng tanghali na may dalang pagkain. Pagkatapos manghalian at makapahinga ng konti ay aalis uli at babalik ng gabi. Ganun lagi ang buhay sa araw-araw ni Elizalde. Ngunit kailanman ay hindi siya nagreklamo. Tinitiis niya ang hirap at pagod para sa kanyang pamilya.

Minsan isang gabi ay kumakain sila ng pagsabihan siya ng kanyang panganay na anak na sana sa pasko ay ibili ng bagong damit at sapatos para maisuot sa pag-aaral at ang bunso ay humiling na ibili ng bagong laruan. Para masiyahan ang mga anak ay nangako siya na ibibili kahit hindi siya sigurado na magkakaroon ng pera. Naantig ang damdamin niya ng makitang ngumiti ang dalawang anak.

Papalapit na ang pasko ay wala pa rin siyang pera na pambili para sa ipinangako sa dalawang anak. Nang tanungin siya ng kanyang dalawang anak ay sinabi niya na lang na ibibili talaga para hindi malungkot.

Bisperas ng pasko ay wala pa rin siyang pambili para sa ipinangako sa mga anak. Gabi ay umalis siya para mamasada ng tricycle. Nang may sumakay sa kanya na matandang babae at nakita na maraming pera ay hinoldap niya sa madilim na kalsada. Nang makuha ang pera ay agad pumunta sa mall at bumili para sa kahilingan ng dalawang anak.

Tuwang-tuwa ang dalawang anak niya pag-uwi na dala ang pangako at may pagkain pa. Kahit paano, galing man sa masama ang pera ay nasiyahan si Elizalde dahil napagbigyan ang hiling na kanyang dalawang anak.

Araw ng pasko, nasa bahay lang si Elizalde. Lingid sa kaalaman niya nakilala siya ng matandang babae na hinoldap niya dahil nagtanung-tanong at pumunta pa sa presinto para humingi ng tulong. Hindi na nagtaka si Elizalde ng may dumating sa bahay nila na mga pulis kasama ang matandang babae na hinoldap niya. Ipinaliwanag ni Elizalde kung bakit niya nagawa iyon. Pero kahit anong paliwanag niya at babayaran na lang paunti-unti ay hindi siya pinakinggan ng matandang babae. Kahit pa nagmakaawa siya pati ang asawa at dalawang anak. Kailangan daw niyang pagbayaran ang kanyang ginawa. Walang nagawa si Elizalde kundi tanggapin ang magiging kaparusahan. Inihabilin na lang ni Elizalde ang kanyang pamilya sa kanyang kamag-anak dahil ulila na siya sa magulang at wala pang kapatid. Nakulong si Elizalde sa araw ng pasko.

Sa buhay, minsan nakakagawa tayo ng hindi kanais-nais. Labag man sa kalooban ay kailangan natin gawin. Hindi para sa ating sa sarili, kundi para sa ating mahal sa buhay. Iyon ay dahil mahal natin sila.

Wednesday, November 28, 2012

Pipi

Ito ay mula pa rin sa mapaglaro kong imahinasyon. Salamat sa laging nagbabasa ng sinulat ko.

PIPI
Ni: Arvin U. de la Peña

Kung may mahal man na maituturing si Jericho ito ay walang iba kundi si Kyla. Pero hindi niya masabi dahil pipi siya. Si Kyla na kahit sa isang night club ang trabaho ay labis ang kanyang pagkagusto. Lubos ang kanyang kasiyahan kapag nakikita niya si Kyla. Lalo na kapag bago pumasok sa club ay bibili muna ng fish ball o candy sa kanya. Ang pagtinda niya sa may harapan ng night club ay umaabot minsan hanggang alas dose ng gabi. Masyado siyang nasasaktan kapag nakikita niya na tinitake out si Kyla ng isang customer.

Kung gaano kadalas itake out si Kyla ng isang customer ay ganun din kadalas ang lungkot niya tuwing matutulog na. Sa isipan niya siguro kung hindi lang siya pipi baka nagmahalan na sila ni Kyla.

Ang kanyang nararamdaman kay Kyla ay sinusulat niya na lang sa maliit na notebook. Lahat na nais niyang sabihin at mga plano para kay Kyla ay nakasulat sa maliit na notebook.

Minsan isang araw habang papasok na si Kyla sa night club ay bumili muna sa kanya ng candy. Nang iabot niya ang candy ay ipinakita niya ang kanyang maliit na notebook sa pahina na may nakasulat na "mahal kita Kyla, matagal na." Nang mabasa iyon ni Kyla ay minura niya si Jericho. At pinagsabihan pa bago umalis na "hindi ikaw ang tipo ng lalaki na gusto ko at higit sa lahat pipi ka."

Nakaramdam siya ng lungkot ng marinig iyon kay Kyla. Ganunpaman ay hindi siya nagtanim ng sama ng loob dahil mahal niya si Kyla at nauunawaan kung bakit iyon nasabi.

Isang gabi ay nakita niya si Kyla na lumabas agad ng night club. Nagtaka siya bakit mas nauna pa yata si Kyla na umuwi. Naisip niya na lang na baka masama ang pakiramdam.

Habang pauwi na siya at nasa madilim na kalsada ng may marinig siya na may sinasaktan na babae sa may damuhan. Inalam niya kung saan nagmumula ang tinig. Laking gulat niya ng makita na si Kyla ang sinasaktan ng lalaki. Pilit na hinuhubaran ng damit. Higit sa lahat ay nagmamakaawa. Walang pag-aksaya ng nilapitan niya ang lalaki at sinuntok. Doon agad ay nakatakbo si Kyla. Susuntukin pa sana niya ang lalaki ng biglay siya ay undayan ng saksak. Agad ay nasawi si Jericho at ang lalaki ay mabilis na tumakas.

Sa pagbalik ni Kyla kasama ng mga pulis sa pinangyarihan ng insidente doon ay nakita niya na wala na si Jericho. Ang lalaking nagligtas sa kanya sa kapahamakan. At higit sa lahat ang lalaking may lihim sa kanya na pagmamahal pero binalewala niya. Napahagulgol ng iyak si Kyla.

Sa buhay, minsan ang tao na binabalewala natin ay siya palang magbibigay halaga sa atin. Kung kailan wala na at hindi na puwede ay saka mararamdaman ang tunay na pagmamahal sa kanya.


Sunday, November 18, 2012

Luha, Ligaya, at Langit (by request)

Mahirap para sa akin na ang nagrerequest mismo ang nagbibigay ng magiging pamagat para sa by request portion ng blog ko. Pero ganun pa man ay pilit kong kinakaya dahil ang mapagbigyan sila ay kasiyahan sa akin. Ang sinulat kong ito ay pagbibigay daan para sa request ng isang kaibigan na blogger dito sa mundo ng blog. Ginawa niya ang pag request sa pag post ko ng Araw (by request). Narito ang sinabi niya sa comment at ang blog niya ay http://joysnotepad.blogspot.com/

Blogger joy said...

wow, ang dami ng nga request sa yo:) Galing mo kasi.
I wonder if I am going to request you to write for me something with the title " Luha, Ligaya at langit. Coz, it is my life.
Joke only. kawawa ka naman. pinahirapan ka namin. hi hi.
Anyway, gusto ko ang last part ng sinulat mo:
Iba't ibang pangyayari ang nagaganap
Sa bawat nilalang nagbibigay kahulugan
Bata man o kaya matanda
Nararanasan ang halaga ng araw.

We all have a story to tell, and that what makes one's life exciting.
Have a nice day kababayan!

September 23, 2012 1:46 AM

 
LUHA, LIGAYA, at LANGIT (by request)
Ni: Arvin U. de la Peña

Kabiguan na natamo
Luha man naging kapalit
Di pinanghinaan loob
Hinarap ang kapalaran.

Taas noo pinagyabang
Pagbangon mula ng iwan
Sa ligaya na nakamit
Kapiling ang bagong mahal.

Ang delubyo na sinapit
Parang bula na naglaho
Pagbuhos ulan sa buhay
Sikat ng araw pumalit.

Mistula ng lumilitaw
Langit na ang pakiramdam
Nangyari sa nakaraan
Sa isipan ay limot na.

Luhang tumulo sa mata
Nangyaring sama ng loob
Ligaya ngayon sa puso
Katulong Diyos sa langit.
Delete

Wednesday, November 7, 2012

Lumang Damit

"Ako ay nagbabalik mula sa isang buwan na bakasyon sa pag blog. At ito ang una kong handog sa inyo na laging bumibisita sa blog ko kung may post akong bago. Mula pa rin sa mapaglaro kong imahinasyon."

LUMANG DAMIT
Ni: Arvin U. de la Peña

Mula ng mag-aral si Enrique ay laging lumang damit na ang suot. Mga damit na pinagdaanan ng suotin na hiningi ng nanay niya sa mga kakilala. Iyon ay dahil wala silang pambili ng mga bagong damit. Ang nanay niya kasi ay isang labandera. Minsan pa may araw na wala siyang pinaglalabhan kaya walang pera. At ang tatay niya ay isang konduktor ng pampasaherong jeep. Kaya ang kita nila sa isang araw ay sapat lang.

Ang lumang damit na sinusuot niya ang dahilan kung bakit hindi siya nakikipagbarkada sa kapwa niya bata sa elementarya. Iyon ay dahil tinutukso siya sa kanyang suot. May mga bata kasi na kaklase niya at hindi na binigyan ng damit ang nanay niya ng magulang nila dahil humingi.

Hanggang sa pag high school ay ganun din ang mga kasuotan ni Enrique. Mga lumang damit na hiningi ng nanay niya. Iyon ang dahilan kung bakit ang crush niyang si Kristine ay hindi niya malapitan. Dahil ramdam niya na iiwasan siya. Higit sa lahat ay kilalang may kaya sa buhay sina Kristine at matapobre ang pamilya. Nakakaramdam siya ng selos kapag si Kristine ay nakakasama ng ibang ka school mate niya na may kaya rin sa buhay ang pamilya at higit sa lahat hindi luma ang suot na damit. Wala siyang magawa kundi tanggapin na ganun ang kalagayan niya.

Pagkatapos mag graduate ng high school ay nag-apply siya sa SM Department Store dahil walang pera ang magulang niya para pagpaaral sa kolehiyo. Habang nakapila siya sa pag-aapply ay kita ng dalawa niyang mata na siya lang ang may damit na luma. Nasa ganun siyang sitwasyon nakatayo dahil mahaba ang pila ng mga gustong mag apply ng bigla lapitan siya ng isang lalaki para lumayo ng konti at mag usap na sila lang.

Doon ay tinanong siya kung bakit lumang damit ang suot at may mantsa pa para sa pag apply. Walang pagkukunwari na sinabi niya ang totoo. Hinangaan siya ng lalaki na nakaranas din ng ganun na laging luma ang suot na damit noon na mataas pala ang katungkulan sa SM Department Store lalo na ng sabihin niya na "hindi naman nasa damit nakikita ang tunay na kakayahan ng isang tao. Kung ikaw ay nagpapakita ng pagiging maginoo at mabait kahit pa punit ang damit ikaw ay hahangaan."

Walang kahirap hirap na nakapasok siya sa trabaho sa tulong ng lalaki. Naging checker siya. Nakatulong siya sa kanyang magulang sa mga pangangailangan. Higit sa lahat nakabili siya ng mga bagong damit.

Sa buhay, huwag nating husgahan ang isang tao kung hindi man maganda ang kanyang kasuotan. Unawain natin siya at intindihin ang kalagayan. Marahil ay mayroon siyang pinagdaraanan kung bakit ganun ang pananamit niya. Higit sa lahat minsan ang magandang kasuotan ng isang tao ay balat kayo lang para sa gagawing hindi maganda sa kapwa.

Monday, October 8, 2012

Blog 4th anniversary

"We have only one birthday, all the rest are anniversary."


Ito ngayon ang pang 4th anniversary ng blog ko. Pagkatapos kong magkaroon ng blog war ay nakaugalian ko na kung sino man ang madalas mag comment sa blog ko bukod sa ka exchange link ay nilalagay ko ang pangalan at site ng blog nila sa e-mail ko. Kapag may bagong blogger na mahilig din mag comment sa post ko ay copy paste ko ang nasa e-mail at ilagay ang bago at send sa e-mail ko rin. Kapag gusto ko mag punta sa mga blog ay madalas sa e-mail ako dumaraan. Mula sa sent items ay doon click ko ang bloggers list at kung click ko ang isang nasa lista ay makita na ang blog niya. Minsan lang ako mag punta sa isang blog na sa blog list ako dumadaan. Kung bakit ko ginawa na isave sila na mahilig mag comment sa blog ko ay dahil tumatanaw ako ng utang na loob sa kanila sa mga pagbisita nila sa blog ko lalo na sa pag comment nila.

Visit me and I will visit you. Ganun ako sa blog world. Mas inuuna kong bisitahin ang mga nasa lista ko sa e-mail na mga bloggers kaysa sa iba. Noong October 8, 2010 ng mag post ako para sa 2nd anniversary ng blog ko ay 112 pa lang iyan na mga bloggers. Nasa comment sila nakalagay. Ngayon ay 315 na at ang masabi ko ay marami ang nadagdag. Pero sa mga iyan na makita niyo na mga bloggers list ko ang ilan sa kanila ay hindi na aktibo sa pag blog. Ang iba naman ay di na makita ang blog. Higit sa lahat marami sa kanila ang hindi ko na ramdam ang pagpunta nila sa blog ko. Ganun pa man ay nauunawaan ko sila. Siguro mauunawaan din nila ako kung bakit bihira na rin lang ako magpunta sa blog nila. Wala akong sama ng loob na hindi na sila katulad ng dati. Kasi mayroon din naman bloggers na masasabi kong hindi ako tinalikuran at alam ko naman na may mga iba pang darating na masasabi kong magiging kaibigan sa blog.

Para sa 4th anniversary ng blog kong ito ay nais kong pasalamatan ang lahat na bloggers na nasa lista. Salamat at naging bahagi kayo ng blog kong ito. Sakali mang  dumating ang araw na magsasawa na kayo sa pagpunta sa blog ko ang masabi ko lang ay salamat at minsan naging bahagi kayo ng Written Feelings.

At nasa comment po ang lista ng mga bloggers na nais kong pasalamatan.

Wednesday, October 3, 2012

Cybercrime Law


CYBERCRIME LAW
Ni: Arvin U. de la Peña

Mainit na usapin ngayon ang tungkol sa pagsasabatas ng Cybercrime Law dahil sa pagkakasingit ng libel. Hindi nga naman tama iyon. Dahil labag sa saligang batas under bill of rights. Higit na masakit ay dahil mas mabigat pa ang magiging kaparusahan sa ilalim ng Cybercrime Law sa libel case kumpara sa nasa saligang batas.

Ninais ni Ninoy na mapatalsik si Marcos para din maging malaya ang mga Pilipino. Magkaroon ng freedom of expression, freedom of speech. Nagtagumpay iyon ng mapatalsik si Marcos at maging pangulo si Cory. Bumalik sa pagiging demokrasya ang bansang Pilipinas. Ngayon nasaan ang pagiging demokrasya ng ating bansa kung mayroon Cybercrime Law na puwede doon makasuhan ng libel. Kung buhay lang si Ninoy at Cory siguro hindi iyon matutuwa na pinirmahan ng anak nila na pangulo ng bansa para maging ganap na batas ang Cybercrime Law.

Tuwid na daan ganun ang sinusulong ng kasalukuyang gobyerno, ang gobyerno ni Pnoy. Ngunit tuwid na daan ba ang pagkakatatag ng Cybercrime Law? Hindi ang sagot, dahil sa baluktot na daan iyon. Pagkat masyadong naging madali ang Cybercrime Law kumpara sa RH Bill o kaya ang Freedom of Information Bill na mas nauna pa pero hanggang ngayon hindi pa nagiging batas. Mabilis na naisabatas ang Cybercrime Law, kasingbilis ng kidlat. Kung gusto na maging batas ay madali maaprubahan pero kapag hindi ay mabagal. Ganun ba ang tuwid na daan? Kung nasa tuwid na daan ang Cybercrime Law ay hindi masyadong marami ang kokontra.

Dito sa Pilipinas masyadong marami ang gumagamit ng computer. Masyado ring marami ang may facebook. Kung mag like o share ka sa post na libelous ay kasama ka ng makakasuhan. Ano pa kaya kung mag comment ka. Paano pa kung hindi naman ikaw ang nag like, nag share, o kaya nag comment kundi ay ginamit lang ang pangalan mo. Ikaw ang madidiin o makakasuhan sa kasalanan na hindi mo naman ginawa lalo kung maimpluwensya ang kalaban. Hindi yata napag aralan ng mabuti para iyon maging batas.

Masyadong mahigpit ang batas na iyon. Hindi maganda para sa isang demokrasya na bansa. Daig pa ang Martial Law ng batas na Cybercrime Law. Ayaw ni Ninoy at Cory ng Martial Law pero gusto yata ng anak nila na si Pangulong Noynoy Aquino ng Martial Law ngunit sa ibang paraan nga lang.

Saturday, September 29, 2012

Daang Matuwid (by request)

Itong post kong ito ngayon ay pagbibigay daan para sa request ng isang kaibigan din na blogger sa mundo ng blog. Una po siyang nagparamdam sa by request portion ng blog ko sa post kong Sana'y Laging Magkapiling (by request). At pagkatapos sa post kong Araw (by request) ay nagsabi ulit siya. Narito po ang dalawang comment niya sa dalawa kong post na iyon. At ang blog niya ay http://jhoweiyne.blogspot.com/

Blogger Joanne ;p said...
pwede pa lang by request dito? pero next time na lang, mukhang maraming nakapila e! :)

July 7, 2012 4:51 PM


 Blogger joanne said...
Daya mo, ako ang tagal ko na din nag-request ah? haha, inggitera lang! :D

September 26, 2012 1:31 AM





DAANG MATUWID (by request)
Ni: Arvin U. de la Peña

Isinulat sa papel
Inunawa ng lahat
Nakasulat sinunod
Lahat ay di lumabag.

Problema naiwasan
Nawala ang sigalot
Hustisya naging pantay
Pag-asa ay nakamit.

Pagtulong pinaramdam
Humihingi nabigyan
Kailangan ay anuman
Pamahalaan mayrun.

Pera may napuntahan
Lungsod naging maunlad
Korapsyon ay natigil
Sagana mamamayan.

Batas ayaw labagin
Ramdam ng taumbayan
Ang daan na matuwid
Tagumpay nating pinoy.
Delete

Saturday, September 22, 2012

Araw (by request)

Ang post ko pong ito ay pagbibigay daan para sa request ng isang kaibigan din na blogger dito sa mundo ng blog. Nag request po siya sa pag post ko ng Dukha (by request). Narito po ang sinabi niya ng mag comment at ang blog niya ay http://kulapitot.blogspot.com/







Blogger KULAPITOT said...

arvin namiss kita :) galing galing mo tlga gumawa ng tula :) .. ako papagawa din .. free nmn diba?

August 27, 2012 6:52 PM


ARAW (by request)
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa pagsikat ng araw ay ang pagliwanag
Mula sa madilim na kalangitan
Mga tao ay muling haharapin
Pakikipagsapalaran sa buhay.

Kalsada makikita iba't ibang tao
Naglalakad at ang iba nasa sasakyan
Patungo kung saan sila nagtratrabaho
Ang iba naman humahanap ng mapagkakakitaan.

Mga tindahan at opisina ay makikita ng nakabukas
Mga naghahanap-buhay ay nasisilayan
Ang iba nag-uusap ng kung anong bagong balita
Ang iba naman nakaupo at nakatayo lang.

Umulan man ganun pa rin
Gawain sa araw pinipilit na gawin
Tinatapos hangga't ito ay kaya
Para sa sarili at sa bayan.

Iba't ibang pangyayari ang nagaganap
Sa bawat nilalang nagbibigay kahulugan
Bata man o kaya matanda
Nararanasan ang halaga ng araw. Delete

Friday, September 14, 2012

Reflection

Nagsisisi ako na minsan ang mga babae na naging bahagi ng buhay ko ay hindi ko man lang naiisip. Tiningnan ko ang ibang mga gamit ko noon ng nag-aaral pa at nakita ko ang larawan niya. Napa smile ako ng makita uli ang picture niya. Dahil doon ay pumasok sa isip ko na magsulat ng poem na ang pamagat ay reflection.


REFLECTION
By: Arvin U. de la Peña

So long I didn't see you
Even hear your voice
The days that we are together
Moments and laughters that we shared
Still I remember.

Leaving me alone
Makes me feel empty
For the time that I love you
And you love me too
I never thought it would end.

You and I are meant for each other
That's what I thought
The hug and kisses that we shared
Will remain as sweet memories
That inked inside of me.

Perhaps it is destiny that we've been apart
Despite of our effort that we love endlessly
And hope to be together for the rest of our lives
Became useless, didn't work
Just a reflection of me now.

Though we've already separated
Never be together, never be again
Wish someday we meet again
Reminisce our past
For you are tattooed on my heart.

Wednesday, September 5, 2012

Saksi (by request)

Bago po dito ay lahat ng napagbigyan ko sa by request portion ng blog ko ay puro tula ang naisulat ko para sa kanila. At ito ang unang pagbibigay daan para sa request ng isang blogger din na kuwento ang handog ko. Ginawa niya po ang pag request sa post kong Dukha (by request). Narito po ang sinabi niya at ang blog niya ay  http://www.theluckyblog.info/




Blogger Balut The Lucky Blogger said...

congratulations Arvin for another beautiful piece, napakaganda kahit napaka-lungkot nga lang...

lucky jessica that u granted her wish, ako naman sa susunod ha :)

August 25, 2012 6:36 PM

SAKSI (by request)
Ni: Arvin U. de la Peña

Pagtitinda ng diaryo ang hanapbuhay ni Manuel. Araw-araw ay ubos ang paninda niyang diaryo. Hindi umaabot ng tanghali ay nasa kanilang bahay na siya at may dalang pagkain para sa ina niyang maysakit. Sila na lang dalawa ang magkasama dahil iniwan sila ng itay.

Sa dalawang daan na kita niya sa pagtinda ng diaryo ay sapat na sa kanya. Nasa bahay na lang siya kung tanghali nagpapahinga. At para rin may kasama ang ina niya.

Minsan isang umaga habang papunta siya para kumuha ng mga diaryo ay nakasaksi siya sa pagpatay sa nasa mercedes benz na sasakyan. Kitang-kita niya na habang mahina ang takbo ng mercedes benz ay bigla pumagitna ang isang toyota innova at bumaba ang dalawang lalaki at barilin ang mga nasa loob ng mercedes benz. Namukhaan niya ang isang bumaril at tinandaan ang plate number ng umalis ang toyota innova.

Agad-agad ay may mga nagresponding pulis. Marami ang umusyoso sa dalawang binaril. Isang lalaki at babae na nasa hustong gulang na. Nagtanong ang mga pulis kung sino ang nakasaksi pero walang sumasagot. At paglipas ng ilang sandali ay umalis na si Manuel para kumuha ng mga ibebentang diaryo. Habang nagtitinda ng mga diaryo si Manuel ay balisa siya kung sila sino ang pinaslang. Nang maubos ang mga diaryo ay pumunta si Manuel sa pinagkukunan niya ng mga diaryo para bumayad. At doon ay usap-usapan na ang pinatay ay anak ng Senador at Congressman. Anak ng Senador ang lalaki at anak naman ng Congressman ang babae. Magkasintahan ang dalawa. Baka raw selos ang dahilan kung bakit sila ay pinaslang.

Kinabukasan ay laman ng mga pahayagan ang nangyari. Anak ng mga prominenteng tao pinaslang. Ang masakit pa malapit na raw ikasal ang dalawa. Gusto ni Manuel na magkaroon ng hustisya ang nangyari. Pagkatapos maubos ang mga diaryo at makabayad sa pinagkukunan ng mga diaryo ay agad umuwi siya sa kanilang bahay. Pagkatapos kumain ay nagpaalam siya sa ina na aalis muna.

Sa pulisya ay isinalaysay niya ang nangyari. Tinawagan ng pulis ang mga magulang ng biktima dahil may testigo na. At agad naman na dumating. Sa mga tinanong ng pulis at ipinakitang larawan ng mga suspek at naituro ni Manuel ang bumaril. Anak ng isang negosyante. Ang kasamang isa ay hindi niya namukhaan. Sinabi rin niya kung anong plate number ng Toyota Innova. At na confirm sa pagberika sa LTO na anak nga ng isang negosyante ang may ari ng sasakyan.

Naging kredible witness si Manuel. Pansamantala siyang pinatira at ang ina niya sa bahay ng Senador. Naging laman ng mga pahayagan si Manuel lalo na ng mag umpisa ang kaso. "Dating nagtitinda ng mga diaryo, ngayon laman ng mga pahayagan." Hindi si Manuel nagpatalo sa mga tinanong sa kanya ng abogado ng akusado. Kahit ano pang panglilito para hindi siya paniwalaan sa korte. Kampante lang siya habang tinatanong. Pawang katotohanan ang lahat ng mga sinabi niya sa korte. Hanggang sa mahatulan ng korte ang anak ng negosyante at ang kasama. Labis ang pasasalamat ng mga magulang ng biktima kay Manuel dahil nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang anak.

Naipagamot ng Senador ang ina ni Manuel sa sakit at sila ay binigyan ng malaking halaga ng pera. At sinabihan sila na kung may kailangan man ay pumunta lang sa bahay dahil handang tumulong.

Ang buhay natin ay hindi pang habang buhay. May araw na tayo ay mamamaalam sa mundo. Habang tayo ay buhay dapat gumawa tayo ng kabutihan sa kapwa. Huwag matakot na maging saksi sa nakita na hindi maganda lalo na kung krimen ang insidente. Dahil ang pagiging saksi ang siyang magiging tulay para sa katarungan. Dahil kung hahayaan lang natin sila sa kanilang ginawa na hindi makatarungan ay gagawin pa nila ulit iyon sa iba.
Delete

Wednesday, August 29, 2012

Tambayan (siday)

"Hindi talaga maiiwasan na may mga tao na mahilig magbigay ng malisya sa kung anong nakikita o nababasa."


Ito na po ang huli kong pag post ng tula o siday kung tawagin sa Waray. Pagkat masama ang loob ko. Hindi ko na ipagmamalaki ang salitang Waray kahit ako ay Waray. Mabuti pa ang mga Tagalog kasi marunong umunawa. Sapagkat napansin ko na talagang hindi mabuti ang ibang mga Waray. Sa facebook po ay nag join ako sa group Tambayan Hin Mga Waray na ang mga members doon ay pawang mga Waray. At para sa first anniversary ay nagkaroon po ng Mr. and Miss. Tambayan 2012. Sa talent portion po ay ang paggawa ng tula/siday na ang theme ay about tambayan. Masakit sa kalooban na pagkatapos ng halos isang buwan mula ng isulat ko ng isubmit ko na ay hindi raw tanggap dahil may bahid politika daw ang sinulat ko. At ang isa ang opinyon na admin din ay irrelevant daw. Dahil doon ay hindi puwede ma post ang sinulat ko ng admin sa facebook group. 

Napakamalisyoso ng pag iisip ganun ang palagay ko sa kanila. Ang sa akin lang sana kung palagay nila ay may bahid politika o irrelevant ay masali ang sinulat ko para sa talent portion ng sa ganun ay ma post doon sa group kahit na bawas na ng puntos. Tutal ay mayroon naman mga judge para sa tula/siday na magdesisyon pero sila mismo na ilang admin ang nag desisyon na huwag isali ang sinulat ko. May mga nakaka chat akong admin dahil ang admin ay almost 30 yata at ang sabi ay majority daw ay accept ako. Wala silang magawa dahil sa founder. Kung ano ang gusto ng founder iyon dapat. Sunod-sunoran ang mga admin sa kung ano ang gusto ng founder. Hindi na lang sila umiimik. Ang mga nagsasalita laban sa akin na ilang admin ay matatawag na sipsip sa founder. Hindi puwede ma post ang sinulat ko doon para din mabasa ng mga members. Ang sabi din ng dating admin na naka chat ko ay di talaga mabuti ang ugali ng founder dahil kapag tapos ka na niyang gamitin sa group as admin ay ilaglag ka, hindi na maging admin kung di na magustuhan. Nanghihingi pa daw ng pondo para sa group. Kahit ikaw ay admin at nagbigay ng pondo para sa group ay puwede ka na ilaglag kapag sumalungat sa gusto ng founder. Ganun kasama ang ugali ng founder.

Nilaglag ako ng group na iyon. Anong klaseng patimpalak iyon. Mula ng masali ako sa contest ay halos bawat pag punta ko ng internet cafe ay focus sa facebook at tingin kung ilan na ang likes ko at message sa mga kakilala na elike ako at mag request sa kanila na maging member ng group tapos masasayang lang pala. Halos nakalimutan ko ang pag blog sa halos isang buwan. Sa mga makakabasa nito maging bloggers man o hindi kapag may makita kayo about sa group na iyon na sila ay nagsasama sama ay huwag kayong humanga na sila ay may pagkakaisa. Dahil para sa akin hindi sila dapat hangaan. Lumalaglag sila ng kasamahan sa grupo. Nagpapakita ng hindi magandang asal. 

Akala nila sobra ng sikat ang group nila. Kayabangan ang ganun na akala nila sobra ng sikat ang group. Akala nila ay pang habang buhay ang facebook. Ang facebook ay pagtagal ay kukupas pero ang blog ay hindi, laging mananatili. Ungroup ko na iyon dahil basura lang sa notification ng facebook ko. At sa mga kaibigan ko sa facebook na nag request ako na maging member kayo ng page na iyon ay humihiling po ako na sana ay ungroup niyo na rin iyon.

Ang group na iyan ay naka register sa SEC. May Hong Kong chapter na at KSA chapter na minsan nakikita ko ang banner habang nagtitipon sila o di kaya may pagkikita kita. Dahil SEC register ibig sabihin ay legal ang group. Iyan lang yata ang facebook group na pina register sa SEC. Puwede na sila makapag fund raising, puwede makabigay ng solicitation letter sa isang tao lalo na kung politiko para sa kung anong plano ng group at diyan mag-uumpisa ang corruption. Baka ang group na ito pagtagal ay sumali sa party list kung election. Malaking banta kung ganun para sa An Waray party list. Kaya ngayon pa lang sa mga sumusuporta sa An Waray party list kung member kayo sa group na iyon ay mas mabuti pang magpa ungroup kayo dahil para sa akin hindi mabuti ang group na iyon. Baka ma brain wash pa ng mga namumuno ang isipan niyo. 

Sinabihan nga ako ng founder sa pag chat namin noon na kung maging aktibo ako sa group ay puwede daw na magtatag ng chapter sa aming lugar at may pondo daw. Ako ang hahawak sa chapter sa aming lugar pero umayaw ako dahil ayoko na maging utusan ng kung sino lang. Mabuti kung inuman puwede ako pumayag na utusan bumili ng San Miguel Beer o kaya Red Horse. Nakakasuklam ang facebook group na iyon. Mistulang sagmaw na dapat ng ipakain sa baboy. Ito ang sinulat ko na inayawan ng ilang admin lalo na ng founder.

Tagalog:

TAMBAYAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa tambayan ng mga apo ni Datu Gara
Ang mga usapin ay walang katapusan
Pinapauwi ng ina para kumain
Pinupuntahan ng itay para pagalitan.

Ang mga minamahal pinapaalam sa mga kaibigan
Kapag nalulungkot ay kusang nawawala na lang
Inuman na inuumaga minsan
Pangarap ay unti-unti nararating.

Nalalaman ay masyadong marami
Sa pagtirador sa pusa na gala
Pagpunta ng tao mula isang lugar para makipag asawa
Pagnanakaw ng pera ng matabang babae sa bayan.

Sa kung anuman ay hindi nawawalan ng pag-asa
Mga kaibigan ay handang tumulong
Salita na parang ginto sa pandinig
Dibdib ay parang binabaril.

Kahit saan man na mapunta
Sa ibayo ay iba-iba ang makaharap
Sakit at saya na nangyari
Ang tambayan hindi makakapagsinungaling.


Waray:

TAMBAYAN
Ni: Arvin U. de la Peña

An tambayan han mga apo ni Datu Gara
Istoryahon waray wantas
Gin papauli han nanay para kumaon
Gin kakadto han tatay bubusaan.

Higugmaon pinapabaro ha kasangkayan
Kon nabubudlay nawawara nala
Irignom nga gin aagahan usahay
Hingyap hinay-hinay nahihikaptan

Nababaruan damo hin duro
Pagsantika han misay nga layaw
Pagtabok taga Barugo para mangasawa
Pangawat hin kuwarta ha bungto han matambok nga babaye.

Paglaum ha kon ano la diri nawawarayan
Mga sangkay andam bumulig
Yakan nga bagan bulawan pamation
Dughan sugad hin gin pupusil.

Bisan diin man mahingain
Ha langyaw duro dilain nga tawo makaharampang
Kasakit ngan kalipay nga nahitabo
Tambayan diri gud makakapaglirong.

Tuesday, August 21, 2012

Dukha (by request)

Ito ay pagbibigay daan para sa request ng blogger na si Jessica ng http://uberjessicalopez.blogspot.com/. Ginawa niya po ang pagrequest para sa post kong Sana'y Laging Magkapiling (by request).

Blogger Jessica said...
NAKS. pwede ako din??? hehehehe

July 7, 2012 7:34 AM


"Magkaiba man ang buhay ng bawat isa, tao pa rin."


DUKHA (by request)
Ni: Arvin U. de la Peña

Nadaanan ko na ang walang pera
Sa nais bilhin hanggang tingin lang
Sinusulyapan ko na lang ang mga bumibili
Nakangiti habang hawak na ang binili nila.

Ang malipasan ng gutom dahil walang pambili
Alam ko talaga ang pakiramdam
Mahapdi sa tiyan
Walang magawa kundi tiisin muna.

Mga magnanakaw ay nauunawaan ko sila
Dahil alam ko pakiramdam ng walang makain
Maraming beses na rin nakatulogan ko na lang pagkagutom
Katulad din ng iba pa.

Nasasaktan ako kapag may nakukulong dahil nagnakaw
Pagkat hindi sila naging katulad ko
Kahit walang mabili at makain minsan
Natutunan kong tiisin ang ganun.

Kung anuman ako ngayon
Maging anuman sa hinaharap na buhay
Ang mga dukha ay patuloy kong lilingunin
Hanggang sa tuluyang pagpikit ng mga mata ko.
Delete

Monday, August 13, 2012

Tuloy Ang Buhay

"Bago ang lahat ay nais kong magpasalamat kay Itin ng http://missacidic.blogspot.com/ dahil siya ang bago kong advertiser. Ibig sabihin isa na siya sa Written Feelings Sponsor. May pera akong natanggap sa kanya para sa paglagay ko ng badge ng blog niya sa sidebar ng blog ko. I love blog, her weird state of health and her sarcastic humor."

Ang larawan na makita ay nakita ko sa facebook sa mga pag share sa kasagsagan ng habagat sa Metro Manila at karatig na lugar.
 TULOY ANG BUHAY
Ni: Arvin U. de la Peña

Lupit ng kalikasan man ang dumating
Huwag lang tayo panghinaan ng kalooban
Sa bawat pangyayaring hindi kanais-nais
Lahat ng iyon ay may pagtatapos.

Matuto tayong tumanggap sa mga kalamidad
Isipin na ang mga iyon ay pagsubok
Dito sa mundong ibabaw
Hindi nagwawagi ang umaayaw.

Bagyo, lindol, at habagat man
Dulot ay matinding panganib
Kaba na sa sarili nararamdaman
Huwag masyado na ito ay dibdibin.

Ituloy pa rin ang pagharap sa buhay
Ipakita sa lahat na tayo ay matatag
Kapalit ng pagsisikap na makabangon
Bagong buhay at pag-asa ang naghihintay.

Magtulungan lang makakaahon rin sa dinaranas
Ang krisis unti-unti malalagpasan
Hindi tayo pababayaan ng poong maykapal
Sa bawat sandali siya ay ating gabay.

Sunday, August 5, 2012

Balikbayan Box

"Sa buhay hindi mahalaga ang kung anong mayroon ka. Ang mahalaga ay iyong may respeto ang tao sa iyo."

BALIKBAYAN BOX
Ni: Arvin U. de la Peña

Ang pagdeliver ng mga balikbayan box ang trabaho ni Noel. Sa bawat bahay na kanyang pinaghahatiran ng balikbayan box kasama ng driver at ang pahinante ay pansin talaga niya na tuwang-tuwa ang mga nasa bahay. Naririnig pa niya minsan sa iba't ibang pinaghatiran ang mga salita na "chocolate na naman", "nariyan sa loob ang pabango kong hingi", "bagong dvd mula kay ate", "touch screen na cellphone", "new model ng iphone galing kay daddy", "corned beef at kung anu-ano pang de lata na naman ang lagi nating mauulam", "mga bagong t-shirts at pantalon na naman", at kung ano pa na mga salita na nakakainggit pakinggan.

Sa tuwing aalis na si Noel mula sa bahay na hinatiran ng balikbayan box ay minsan nakikita niya ang ibang mga tao na nakatingin banda sa kanila. At alam niya ang mga nasa isip at usapin ay patungkol sa balikbayan box. Dahil hindi naman lahat ng bahay ay mayroong nasa abroad na nagtrabaho na maaaring makapagpadala ng balikbayan box.

Minsan habang kumakain sila ng pamilya ay tinanong siya ng kanyang anak na walong taong gulang kung kailan raw sila magkakaroon ng balikbayan box. Nang sa ganun raw makatikim ng imported na chocolate. Sinabihan lang niya ang kanyang anak na "malapit na".

Kinabukasan ay maagang pumasok si Noel. Tinawagan niya ang kanyang driver at ang pahinante na maghintay na lang sa kanilang bahay dahil dadaanan niya. Siya na lang muna ang mag drive. Dala ang mga balikbayan box ay nagmaneho si Noel. Pumunta muna siya sa kanila na wala doon ang misis niya at ang anak na babae dahil namamalengke. At doon ay binaba niya ang isang balikbayan box na alam niya maraming chocolate dahil para kay Ginang Pascual na ang dalawang anak na babae ay nandoon sa Amerika at ikinuwento sa kanya na ang bawat padalang balikbayan box ay maraming chocolate ang laman kasi iyon ang paborito niya.

Pagkatapos malagay sa loob ng bahay ang balikbayan box ay agad tinawagan ni Noel ang driver na papunta na siya ganun din ang pahinante para mag umpisa na sila maghatid ng mga balikbayan box. Bawat bahay na kanilang pinaghahatiran ng balikbayan box ay kung ano ang kasiyahan na nararamdaman ng mga tao sa bahay ay nasasabi niya na mararamdaman na rin ng anak niya.

Pag-uwi ni Noel galing sa trabaho ay agad nakita niya ang misis niya at ang anak na malungkot at nakatingin sa balikbayan box. Ipinaliwanag niya ang dahilan. Ngunit sinabihan siya ng kanyang anak na di bale ng hindi makatikim ng imported na chocolate basta huwag lang daw siyang mawalan ng trabaho. Ganundin ang sinabi ng misis niya dahil tiyak malalaman din pagtagal ang ginawa niya kung hindi makarating ang balikbayan box na para kay Ginang Pascual. Doon ay napag isip-isip ni Noel na tama ang sinabi ng misis niya at anak. Kung malaman ang ginawa niya at matanggal sa trabaho ay wala siyang maipapakain sa kanyang pamilya. At isa pa ay mahihirapan siyang makahanap uli ng trabaho lalo na kung may bad record na siya. Niyakap ni Noel ang kanyang misis at anak at humingi ng patawad.

Ang buhay ng tao ay hindi pantay-pantay. May mayaman at may mahirap. Masuwerte ang mga tao na ng isilang ay may kaya ang pamilya dahil hindi na siya masyadong magbabanat ng buto para mabuhay. Kung ano ang kailangan ay nagkakaroon agad ng katuparan. Samantala kung ng isilang ay mahirap tiyak kakayod ng husto para mabuhay. Matinding pagsakripisyo ang mangyayari. Ganunpaman kung anuman ang buhay mayroon tayo ay huwag tayong mainggit sa ibang tao. Tanggapin natin kung anong uri ng buhay mayroon tayo, mayaman man o mahirap. Sapagkat kung anuman ang mayroon tayo dito sa lupa ay hindi natin iyon madadala kapag kapiling na natin ang Diyos na siyang lumikha ng lahat.

Saturday, July 28, 2012

Glenda: Ang Babaeng Separada

"May pagkakataon talaga na minsan bigla nag-iiba ang pagtingin ng isang lalaki para sa babaeng minahal niya. Dahilan para makipaghiwalay.."

GLENDA: ANG BABAENG SEPARADA
Ni: Arvin U. de la Peña

Walang nagawa si Glenda  ng bigla siya ay iwanan ni Jake at sumama sa ibang babae. Kahit anong uri ng pagmakaawa at iyak ang ginawa niya ay hindi pa rin siya pinakinggan. Tuluyan pa rin siyang iniwan. Binigyan siya ng kaunting halaga ng pera at siya na lang daw ang bahala magpalaki sa kanilang anak na tatlong taong gulang na babae.

Sa pag alis ni Jake doon ay naunawaan ni Glenda na tama ang sinabi ng mga magulang niya na hindi mapagkakatiwalaan si Jake dahil babaero. Hindi iyon pinansin ni Glenda dahil mahal na mahal niya si Jake na limang taon ang agwat sa edad niya at nasa Landbank ang trabaho. Iyon ang dahilan kung bakit kinontra siya ng kanyang mga magulang at hindi na sinuportahan.

Gustong umuwi ni Glenda sa kanyang mga magulang para hindi na umupa ng apartment dahil alam niya mauubos din ang pera na bigay ni Jake pero natatakot siya na pagagalitan lang. Dahil mula ng magsama sila ni Jake pagkatapos niyang mag graduate ng college ay parang itinakwil na rin siya ng mga magulang niya. Kahit ng ikasal sila ni Jake ay hindi dumalo ang mga magulang niya. Ang nag-iisa niya lang na kapatid ang laging bumibisita sa kanya.

Hindi nawalan ng pag-asa si Glenda. Paglipas ng ilang araw ay nagpasya siyang maghanap ng mapagkakakitaan. Pinapunta niya muna ang kanyang kapatid sa kanyang apartment para mag-alaga sa anak niya. Dahil may pinag aralan naman ay hindi hindi siya nahirapan sa pag apply bilang call center agent. Dalawang araw bago siya mag umpisa sa pag trabaho ay kumuha siya ng yaya na kamag anak lang din nila para sa anak niya. Nalaman din niya na masaya ng nagsasama sina Jake at ang bagong babae.

Nagkaroon ng trabaho si Glenda. Naging masipag siya at hindi umaabsent. Kahit masama ang pakiramdam ay pumapasok si Glenda sa trabaho. Minahal niya talaga ang kanyang trabaho bilang call center agent. Hinangaan siya hanggang sa ma promote bilang supervisor. Kasabay ng pagiging supervisor niya ay pinatawad na rin siya ng kanyang mga magulang. Pinatira na rin siya sa kanilang bahay kasama ng anak niya na limang taong gulang na. Naging masyadong masaya si Glenda kasi muli ay makakasama na niya ang kanyang mga magulang at kapatid lagi.

Dito sa mundo ang pag-iwan sa atin ng ating minahal minsan ay siyang dahilan para mag improve ang ating sarili. Ang siyang dahilan para tumuklas tayo ng ibang mamahalin. Hindi man sa pisikal na anyo kundi sa paraan na kumikita tayo ng pera dahilan para tayo ay may mabili, may makain, at higit sa lahat ay mabuhay kasama ng pamilya.

Saturday, July 21, 2012

Muling Mahalin (by request)

Sa post ko pong Sana'y Laging Magkapiling (by request) ay nag comment ang blogger na si Mai Yang ng parang nagpaparamdam na maging bahagi sa portion ng by request sa blog ko. Narito po ang sinabi niya at ang blog niya ay http://www.florathemostawesomegoddess.com/

Mai Yang said...
fanatic ka pala ni April Boy? hehe..

hmmm..bakit sya lang? hahahah!
July 9, 2012 11:09 PM


It hurts when the one you love left you and say....."you deserve someone better" then all you can say is "maybe I do". But deep inside you are crying because you know you cannot find better if  you already found the best.

MULING MAHALIN (by request)
Ni: Arvin U. de la Peña

Pagmamahal muling pinanabikan
Halik at yakap nais uli madama
Pag-iibigan na minsan nangyari
Binabalik tanaw sa bawat araw.

Nagawang pagkakamali pinagsisisihan
Mga pagkukulang ay pinagdurusahan
Hapdi at kirot na nararamdaman
Kakayanin hanggang sa huling sandali.

Tukso at pang-aakit pilit lalayuan
Iiwasan hindi mahumaling sa iba
Kapalit man ng lahat ay pighati
Walang pag-alinlangan na tanggapin.

Muling mahalin ang tangi lang hangad
Wagas na pag-ibig ang ialay
Sa minsan naging bahagi ng buhay
Mahal pa rin hanggang ngayon.

Lilipas ang mga araw
Maraming mangyayari sa isa't isa
Tanging hiling lang sa maykapal ay patawarin
Pag-ibig muling maghahari sa puso.
Delete

Sunday, July 15, 2012

Buwaya Sa Lungsod

"Minsan sa politika mas pinapaboran ang pera kaysa kadugo. Kaya hindi nakapagtataka na tuwing halalan may mga lugar na bigyan lang ng pera ang mga botante ay iboboto ka na kahit hindi ka karapat-dapat iboto."


BUWAYA SA LUNGSOD
Ni: Arvin U. de la Peña

Natatawa ako minsan sa ilang tao na nagpapakita ng pagmamahal sa kanilang lungsod na gusto ng magkaroon ng pagbabago ng liderato. Paanong hindi ako matatawa kung mismo ang tunay na dapat talagang magmahal na pinuno at mga opisyales dahil ibinoto ng karamihan na naninirahan ay hindi masyadong mahal ang lungsod. Hindi naman sa lahat pero may ilan na inuuna muna ang pansariling kapakanan.

It is too late to be hero, ganun ang maituturing ko para sa ilan na mga tao na masyado ng mahal ang kanilang lungsod gayong noong una pa lang ay suportado ng sobra-sobra ang namumuno. Ikinakampanya ng mabuti para manalo. Tapos pagtagal ay kokontra dahil hindi nagugustuhan ang ginagawang pagserbisyo sa lungsod. Kagaguhan ang ganun, balimbing na maituturing.

Ang ganun na pangyayari ay hindi katanggap-tanggap kahit magsisi pa. Kahit lumuhod pa sa harap ng mga mamamayan at humingi ng tawad. At kahit pa ipagsigawan sa plaza gamit ang mikropono sa ginawang maling pagsuporta.

Ang pagpasok sa politika ay hindi biro. Gagasto ng malaki para talaga manalo. Namimigay ng pera para sila ay iboto. At kung sakali man na manalo ay hangad talaga na hindi na maalis sa puwesto dahil doon ay mababawi ang mga nagasto sa halalan at kikita pa ng malaki. Pagkat may pera sa politika. Kaya kahit ano pa ang gawin ng ilang mga tao para maalis sa puwesto ang hindi nagugustuhan na namumuno ay mahihirapan talaga dahil mayroon ring mga sumusuporta para sa nais na mapatalsik sa puwesto. Aalis lang sa puwesto kung tapos na ang termino. Pero ang papalit ay kakampi din. At puwede pang bumalik paglipas ng ilang taon kung naisin.

Matutong magtiis kung anuman ang inyong nakikita na hindi maganda na ginagawa ng namumuno sa lungsod. Dahil walang ibang dapat na sisihin kung hindi ang tao na talagang ginamit ang impluwensya para manalo ang kandidato at ang mga bumoto din mismo. Mayroon din naman nagagawang mabuti ang namumuno sa inyong lungsod. Hindi niyo lang napapansin. Ang pinapansin niyo lang ang kamalian. Sabi nga "we are a very good lawyer for our own mistakes, and a very good judge for others mistakes."

Wednesday, July 11, 2012

Dolphy

"Sa buhay ay mahirap ang magpatawa sa iyong kapwa."


DOLPHY
Ni: Arvin U. de la Peña

Paalam na sa iyo Dolphy
Ikaw ang hari ng komedya
Sa bawat nagiging pelikula mo
Nanonood masayang lumalabas sa sinehan.

Hindi ka man perpektong tao
Mayroon rin mga kahinaan
Ginagampanan mo sa pelikula at telebisyon
Nakakawala ng lungkot na nadarama.

Ang tulad mo mahirap ng mapantayan
Wala ng makakagaya sa iyong klase ng pagpapatawa
Isa kang alamat na maituturing
Malaki kang kawalan sa industriya na pinasukan mo.

Paalam na sa iyo Dolphy
Bilang isang nilalang hindi ka nagpabaya
Ginampanan mo ng mabuti naging tungkulin mo
Bilang isang ama at para sa mga tagahanga.

Wala ka naman sa lupa
Iyong alaala na naiwan hindi malimutan
Sa langit na naroon ang tunay na kaligayahan
Makapiling mo na ang hari ng lahat.

Saturday, July 7, 2012

Sana'y Laging Magkapiling (by request)

Ito ay pagbibigay daan para sa sinabi ng isang blogger para sa sinulat kong Walang Hanggan (by request). Sa iyo ay pasensya na kung ngayon lang kita napagbigyan. Narito po ang comment niya at ang blog niya ay
http://esteryaje.blogspot.com














Ester Yaje said...
kakahiya naman. parang gusto ko ring ma feature. in fairness, ang galing mong gumawa ng tula


Sana'y Laging Magkapiling (by request)
 Ni: Arvin U. de la Peña

Bawat araw ay nais na makasama
Minamahal ay mayakap
Paghihirap ng puso
Hangad na ito ay matapos.

Sa gabi na nag-iisa
Mga alaala lang ang kasama
Larawan na laging dala
Kalungkutan ay nababawasan.

Malayong distansya pilit pinagdudugtong
Pag-iibigan hindi nawawala sa isip
Patuloy na ginugunita
Pagmamahal sa isa't isa.

Sa araw at gabi hangad ang mahal umuwi na
Pagtrabaho sa ibang lugar matigil muna
Kung hindi lang para sa kinabukasan
Dalawang puso na nag-isa hindi magkakalayo.

Ilang tag-araw at tag-ulan man lumipas
Pag-aalala ay hindi nawawala
Makapiling muli ang mahal
Siyang laging hangad bawat sandali.

Thursday, June 28, 2012

An Iroy Nga Banwa

Ako ay isang Waray. Ibig sabihin ang salita ko talaga ay waray. At ito ang una kong pagsulat para dito sa blog ko ng salitang waray. Translate ko sa tagalog para din maintindihan ng marami.

"Para sa akin ang isang hindi maganda sa politika ay ang requirement na one-year residency. Napakasakit kung ang nanalo sa inyong lugar sa halalan ay hindi masyado taga roon o kaya tumira lang doon para magbakasakali na manalo sa kung anuman ang takbuhan sa halalan. Lalong masakit kung hindi naging maganda ang panunungkulan at naging corrupt lang."


In Waray:

AN IROY NGA BANWA
sinurat ni: Arvin U. de la Peña

An iroy nga banwa natubo bisan diin
Bis ano pa kalimpyo an tuna pagtutubuan
Kon papabay-an nagtitikadamo
Kon mauran malaksi la tumubo.

Kon pagdadaluson amo la gihapon

An banwa matubo la liwat
Ha katikangan la maupay kitaon
Pira ka adlaw maraot na liwat siplatan.

An iroy nga banwa sugad hin mga tawo nga politiko

Bisan diri ira tuna nga gintubuan
Ira pag ookoparan nga masakop
Waray kaawod awod ha mga molupyo.

An iroy nga banwa nga mga politiko purisyo

Kay mga tawo ha bungto at uma puwede nira mauwat
Natuod ha mga istorya ngan kinakarawat hinahatag nga kuwarta
Kabalyo diri pagserbisyo hin maupay, pangurakot la.

Bisan anun reklamo han mga nangungukoy ha tuna waray nahihimo

Mahitungod nga hira bayad man
An iroy nga banwa diri makakatubo kon may semento
Pero an iroy nga banwa nga politiko maturok la gihapon.

Mintras nakakalakat pa iton iroy nga banwa nga mga politiko makandidato gud

Kay kada lugar may gamot nira nga mabulig para hira magdaog
An iroy nga banwa makuri gud mapuo
Banwa nga natubo ha tuna o banwa nga mga politiko.


In Tagalog:

PESTENG DAMO
Ni: Arvin U. de la Peña

Ang pesteng damo sumisibol kahit saan
Kahit gaano pa kalinis ang lupa
Kung hahayaan lang ang damo
Kapag maulan mabilis tumaas.

Kung tanggalin ay ganun pa rin
Ang damo ay sisibol din
Sa umpisa lang magandang tingnan
Paglipas ng ilang araw ay pangit na.

Ang pesteng damo parang tao na mga politiko
Kahit hindi lupang sinilangan
Kanilang sasakupin ang lupain
Walang kahiya-hiya para sa mga mamamayan.

Ang pesteng damo na mga politiko ay pahamak
Dahil ang mga tao sa lugar ay kaya nilang mauto
Naniniwala sa mga pangako at tinatanggap ang  pera para sa pagboto
Kapalit ay pagserbisyo ng hindi maganda at pangungurakot lang.

Kahit anong reklamo ng mga naninirahan walang nagagawa
Iyon ay dahil sila ay binayaran sa halalan
Ang pesteng damo hindi makasibol sa semento
Subalit ang pesteng damo na politiko ay sisibol.

Hanggat nakakalakad pa ang pesteng damo na politiko ay tatakbo pa rin sa halalan
Dahil ang lugar na sasakupin ay may mga ugat na tutulong sa kanila para manalo
Ang pesteng damo mahirap talagang malipol
Damo na sumisibol sa lupa o damo na mga politiko.

Wednesday, June 20, 2012

Mangingisda

"Isang masarap na ulam ay ang isda."

MANGINGISDA
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa isang maliit na isla ay isa si Mang Kanor na maituturing na mangingisda talaga. Kasi sa bawat araw ay nangingisda siya. Hindi katulad ng iba na bihira lang.

Si Mang Kanor ay nag-iisa lang sa buhay.Wala na ang kanyang asawa na noong malapit ng manganak at ililipat niya sa kabilang isla na doon ay may hospital ay hindi niya nasagip ng tumaob ang bangka isang gabi ng bigla ay lumakas ang alon.

Ang mga nahuhuling isda ni Mang Kanor ay binibenta niya sa mga kalapit na bahay. Kung walang perang pambili ay bigas na lang ang kapalit ng isda. Minsan naman ay utang lang muna para sa isda. At kung minsan na konti lang ang huli ay hindi lahat ng mga suki niya ay napagbebentahan niya ng isda. Sa ganun na paraan si Mang Kanor ay nakakaraos sa buhay. Nakakaipon pa siya ng kaunting pera. Araw-araw iyon ang gawain ni Mang Kanor basta wala lang bagyo dahil para sa kanya ay may obligasyon siya sa mga kababayan niya na kailangan niyang gampanan. Dahil kung hindi siya mangisda ay naiisip niya ang iuulam ng mga tao na pinagbebentahan niya ng mga isda. Lalo at may pagkamahal ang presyo ng karne at manok. Kaya sa kanilang isla si Mang Kanor ay kilalang-kilala.

Minsan isang gabi na medyo masama ang panahon dahil may paparating na bagyo si Mang Kanor ay nagpuwersa na mangisda. Hindi niya inalintana ang paparating na bagyo. Papunta pa lang siya sa laot para mangisda ay ayos pa ang panahon. Ngunit ng siya ay nasa gitna na ng dagat at nag uumpisang ihulog ang lambat ng bigla lumakas ang hangin. Kasabay din ng paglakas ng alon dahilan para tumaob ang bangka ni Mang Kanor. Sa sobrang lakas ng alon ay aksidenteng nahampas ang ulo ni Mang Kanor ng kanyang bangka.Dahilan para siya ay masawi sa dagat.

Kinabukasan ay nakita ang bangkay ni Mang Kanor sa dalampasigan. Napaiyak ang ilan lalo na ang mga malapit sa kanya. Nanghihinayang ang karamihan dahil wala na si Mang Kanor na laging nagbebenta ng mga huling isda sa kanila.

Dito sa mundo lahat tayo ay may obligasyon. Ngunit dapat din natin isipin ang ating sarili. Walang masama sa pagharap sa obligasyon basta hindi manganganib ang ating buhay. Iba pa rin kapag tayo ay nag-iingat.

Thursday, June 14, 2012

Angal Pinoy

"Winning is habit. Unfortunately, so is losing."

ANGAL PINOY
Ni: Arvin U. de la Peña

Likas na talaga sa mga Pilipino ang pagiging reklamador. Hindi matanggap ang pagkatalo. Sa nakaraang laban ni Manny Pacquiao laban kay Timothy Bradley ay marami ang hindi matanggap na siya ay natalo. Dahil kitang-kita sa laban na siya raw dapat ang panalo. Dinaya daw siya.

Sa mga umaangal sa pagkatalo ni Manny Pacquiao ay sana respetuhin niyo na lang ang kinalabasan ng laban. Pagkat noong laban ni Manny Pacquiao kontra kay Juan Manuel Marquez ay marami rin naman ang kumbinsido na talo dapat siya pero siya pa rin ang nanalo. Dahil doon na nanalo si Manny Pacquiao ay sumaya naman kayo. Pero ngayon na natalo siya dahil dinaya daw ay aangal kayo. Ang ganun na gawain na pag-uugali ay hindi maganda. Dahil gusto niyo ay kayo lang ang sasaya sa oras na may laban si Manny Pacquiao. Hindi niyo gusto na sumaya rin ang mga tao na nagnanais na malasap naman uli ni Manny Pacquiao ang pagkatalo.

Huwag kayo na maging makasarili. May damadamin din ang mga sumusuporta kay Timothy Bradleyna na kung siya ay natalo masasaktan din sila. Matuto kayo na magbigay ng kasiyahan para sa ibang mga tao.

Sa buhay hindi lahat ng tao ay laging malakas. Hindi lahat na magaling ay laging magaling. Naroon ang pagkupas para sa isang tao. Hindi naman sa kupas na ang galing ni Manny Pacquiao kundi may nag-iba na sa kanya ngayon pagdating sa pag boksing. Hindi katulad noon na mabilis siya. Minsan sunod-sunod kung sumuntok. At kung makatama talaga ng malakas ay bumabagsak ang kalaban. Pero ngayon ay hindi na. Nakailang beses din na tinamaan si Timothy Bradley pero hindi na knock out. Hindi dahil sa matanda na si Manny Pacquiao. Hindi rin dahil sa matibay si Timothy Bradley dahil ang mga nakaraan na kinalaban ni Manny Pacquiao ay matibay din naman. Kundi sadyang dumating na kay Manny Pacquiao na nag-iba na ang galing niya sa larangan ng pag boksing. At iyon ang dapat na intindihin. Hindi ang umangal.

Saturday, June 9, 2012

KM3: TINIG (HALALAN 2013)

KM3: TINIG (HALALAN 2013)
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa susunod na taon ay eleksyon na naman. Ngayon pa lang ay kanya-kanya ng pa pogi ang mga kakandidato. Kung saan ang may fiesta kadalasan ay naroon sila. Matatamis na wika ang pinaparinig. Kung mahilig sa sabong ang kakandidato ay laging naroon sa sabong sa baranggay kung saan ay malapit ng mag piyesta. Kung hihingan ng pambili ng alak o sigarilyo ay tiyak magbibigay. Sa madaling salita nagpapakita ng pagka galante ang mga tao na tatakbo sa susunod na halalan.

Hindi maipagkakaila na tuwing halalan may nagsilbi na sa bayan ang matatalo at mayroon din naman naipagpapatuloy pa ang pag serbisyo dahil nanalo. Ang mga natatalo sa halalan ay malaking halaga rin ng pera ang nawala sa kanila. Kumpara sa mga nanalo na may suweldong makukuha at may komisyon pa sa mga proyekto.

Bago pa man maghalalan sana ay alam na kung sino talaga ang karapat-dapat na mailagay sa posisyon. Alam na kung sino ang karapat-dapat na manalo dahil pansin na talaga na magiging tapat ang pagsilbi sa bayan. Hindi magiging corrupt habang nakaupo sa puwesto.

Kung mapapansin niyo kung kailan malapit na ang halalan saka gagawa ng mga proyekto para sa lugar. Samantala sa mga nakalipas na taon o buwan ang mga dapat ayusin ay hindi inaayos. Masakit ang ganun pero kung ang opisyal ng inyong lugar ay mabuti ay hindi magkakaganun dahil aayusin ang dapat ayusin kahit malayo pa ang halalan. Ang ganun na istilo na kung kailan sa susunod na taon ay halalan na saka gagawa ng mga proyekto ay walang masayadong pagmamahal sa bayan ang namumuno.

Ang perang ipamimigay ng mga kandidato ay tanggapin pero kung hindi karapat-dapat na makaupo sa puwesto ay huwag iboto. Hindi masama ang tumanggap ng pera lalo at iyon ay galing sa politiko o gustong maging politiko.

At sa mga botante na tumatanggap ng pera para iboto talaga ang isang kandidato kahit hindi karapat-dapat ay makonsensya na kayo. Sandali lang ang pera na bigay sa inyo dahil mauubos din iyon. Pero tatlong taon kayong masusuklam para sa ibinoto niyo na binigyan kayo ng pera. Mag isip-isip na kayo dahil hindi pa huli ang lahat. Dapat ang nasa isip niyo sa pagboto ay maririnig ang tinig niyo ng mga politiko na mananalo. Hindi magbibingi-bingihan ng mga hinaing niyo. Dahil dapat ang boses ng mamamayan ay tinig ng mga politiko.

Saturday, June 2, 2012

Alamat Ng Panggagahasa

Sinulat ko ito dahil halos sa bawat araw na pagbabasa ko ng diaryo ay may nababalitaan ako ng ginagahasa. Kailangan ba ang ganun? Basta ako never akong maghahalik o mag ano sa isang babae na ayaw sa akin. Hindi sa pagmamayabang noong college ako sa Cebu ay babae na ang lumalapit sa akin. At sa bawat pinupuntahan namin ng barkada pag gabi na club o bikini bar ay ako ang pinaghahalikan ng babae dahil guwapo ako noon. May pagka look alike kaya kami ni Patrick Guzman,hehe....

ALAMAT NG PANGGAGAHASA
Ni: Arvin U. de la Peña

Noong unang panahon ay may lalaki na ang pangalan ay Solomon. Si Solomon ay nakatira sa kaharian ng kagandahan. Lahat na nakatirang babae ay pawang magaganda. Kaakit-akit pa ang mga katawan.

Bilang isang binata si Solomon ay umibig kay Salve. Bawat araw si Solomon ay pumupunta sa bahay nila Salve para magdala ng mga bulaklak at prutas. Malugod naman na tinatanggap ni Salve ang mga binibigay ni Solomon dahil nagugustuhan din naman niya ang pinapakita ni Solomon. Naging madalas pa ang kanilang pamamasyal.

Akala ni Solomon ay magiging sila na ni Salve. Pero hindi dahil sa isang iglap si Salve ay umibig kay Makisig. Hindi na pinansin ni Salve si Solomon lalo na ng sila ay ikasal agad. Pagtagal ay nabuntis at nagkaroon ng anak. Nasasaktan si Solomon kapag nakikita si Salve na karga ang anak nila ni Makisig  na magkasama. Dahil sa isip niya siya sana ang kasama ni Salve.

Ibinaling ni Solomon ang pagtingin niya kay Salve kay Maria na isa ring magandang babae. Kung ano ang ginagawa niyang panliligaw noon kay Salve ay ganun din ang ginagawa niya kay Maria. Umaabot na ng dalawang buwan ang panliligaw ni Solomon kay Maria ng bigla ay sinabihan siya na tigilan na dahil nahulog bigla ang loob niya kay Masculado na kapit bahay lang ni Maria. At paglipas ng ilang araw nabalitaan na lang bigla ni Solomon na nagsama na sina Maria at Masculado. Muli ay nasaktan na naman siya.

Lumipas ang taon na hindi muna nanligaw si Solomon dahil takot siya na mabigo na naman. Hanggang sa makilala niya si Dalisay. Unang tingin pa lang niya kay Dalisay ay tumibok kaagad ang puso niya. Dahilan para muli ay manligaw siya.

Araw-araw ay laging pinupuntahan ni Solomon si Dalisay sa kanilang bahay. May dalang bulaklak, pagkain, o kung ano na ikinasasaya naman ni Dalisay at ng kanyang mga magulang. Tumutulong pa si Solomon sa gawain sa bahay nina Dalisay kagaya ng pag igib ng tubig at ano pa. Palibhasa si Dalisay ay nag-iisang anak lang ay sinabihan talaga si Solomon ng mga magulang na ingatan ang kanilang anak.

Maglilimang buwan ng ganun ang sitwasyon nila ng magkataon na umulan pauwi na sila sa pamamasyal. Sa nakitang kubo doon ay sumilong sila na ang kubo ay walang nakatira. Masyadong malakas ang ulan, kumukulog at kumikidlat pa. Tinabihan ni Solomon si Dalisay at niyakap pero pumalag si Dalisay. Inulit niya uli ang pagyakap pero ganun pa din pumalag uli si Dalisay.

Sa pag-aakala ni Solomon na siya ay mabibigo din lang uli lalo kapag may nakilalang iba si Dalisay ay pinuwersa niya na lang na makuha ang pagkababae ni Dalisay. Sa ganun na paraan sa isip niya kapag nakuha na niya ang pagka birhen ni Dalisay ay pakikisamahan na talaga siya. Hinawakan niy ang kamay ni Dalisay. Nang pumalag ay sinuntok niya ang tiyan. Sinuntok pa niya ang magkabilang hita para lalong manghina. Ang sigaw ni Dalisay ay hindi marinig dahil malayo ang kubo sa ibang mga bahay. Doon ay sinamantala na ni Solomon na maangkin si Dalisay.

Pagtigil ng ulan ay tapos na rin ang panggagahasa ni Solomon kay Dalisay. Nakaraos na si Solomon. Pinasuot ni Solomon si Dalisay ng mga hinubad niya sa katawan at sinabihan si Dalisay na huwag magsumbong sa mga magulang at kung mabuntis man ay papanagutan niya. Hindi nga nagsumbong si Dalisay sa mga magulang niya na siya ay ginahasa ni Solomon pero itinigil na niya ang pakikipag-usap pa kay Solomon. Hindi rin naman siya nabuntis.

Natanggap ni Solomon na ayaw na sa kanya ni Dalisay dahil kasalanan rin naman niya. Nanligaw pa si Solomon sa ibang mga babae at pagtagal na nahuhulog na ang loob sa kanya ay pinupuwersa niya na lang ang babae para makuha ang pagkababae. Hindi rin naman siya napaparusahan. Ganun palagi ang ginagawa ni Solomon at umaasa siya na may gagawin siyang ganun sa babae na tatanggapin siya. Pakikisamahan na lang siya kahit ginahasa niya muna.

At paglipas ng panahon ang gawain ni Solomon ay nalaman ng ibang mga lalaki. Hanggang sa siya ay ginaya rin ng iba.

Friday, May 25, 2012

Royale Beauty, Melissa Pacheco

"What does goodbye really mean? Is it just letting you go? Telling I can't love you anymore? I guess....but goodbye simply means.....I Love You, but..............where not meant to be."

Mula ng mag graduate kami ng high school ay ilang taon din bago ko uli siya na meet iyon ay dahil sa alumni. At paglipas ng ilang taon muli ay nakita ko siya sa friendster. Hanggang sa facebook. Nang maging friend ko na siya sa facebook halos bawat pag open ko ng account ko ay tinitingnan ko ang profile niya. Kaya nga naging isa ko siyang paboritong model sa blog ko.

"Hinihintay ko na maramdaman mo kung ano ako para sa iyo. Mahirap umasa pero handa ako. Hindi dahil sa matatag ako. Kundi dahil kahit anong pilit ko, ikaw talaga ang mahal ko! Kahit sabihin pang tanga ako.

 
Una ko siyang naging model dito sa blog ko para sa sinulat kong Luha. Sinundan ng sinulat kong Boulevard. Tapos ang sinulat kong Salamat Sa Minsan. Nariyan din siya sa mga larawan para sa sinulat kong Noon at Ngayon patungkol sa batch namin. Hindi nga lang siya nag-iisa sa mga larawan.

"I've been a solo player in the game called love. I did my best and played good but still ended a loser. I then realized that in this game you cannot win without someone who is willing to fight the game with you."


Higit sa lahat inilagay ko siya sa sidebar ng blog ko para lagi din siyang makikita sa bawat titingin ng blog ko maging ito man ay sa mga previous post ko mula pag search sa google, yahoo, o kung ano pang search engine.

"Ang buhay parang gitara. Minsan nasa tono, minsan naman wala. Pero gusto ko malaman mo, nasa tono ka man o wala ay andito lang ako handang makinig sa tugtog ng buhay mo."


Parang naging special na siya sa akin para sa mundo ng blog ko. Kapangalan din kasi siya ng pinakamagandang artista sa akin sa ngayon na si Melissa Ricks.

"Special person are part of my memories that even time can never erase. And when I'm blessed with a person like YOU, my memories are worth keeping forever."


At sa totoong mundo ang masabi ko lang ay halos bawat araw naiisip ko siya.

"Thank you....is all I can say as a sign of my appreciation for your kindness, sweetness, thougthfulness, and for being good to me. Hope nothing will change. Take care always."


Hindi ko nakakalimutan ang mga sandali na nakikita ko siya ng harapan at nakakausap.

"Happiness isn't getting what we want but being satified with what we have. The way to be happy is to be grateful even with the small blessings we receive from God."



May pag-ibig akong nararamdaman sa kanya. Love ko siya. Sino nga ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya. Kaya lang may mga hadlang.


"Kung tutusin magkasama sana tayo. Sabi nga nila lahat ng bagay ay puwede, pero hindi lahat ng puwede ay dapat. Parang tayong dalawa, puwede pero mahirap maging dapat."



At kung hanggang kailan pagkagusto ko sa kanya na bawal naman ay hindi ko alam. Panahon lang ang makapagsasabi.

"Di sinasadya nagmahal ako ng dalawang babae ng sabay. Ang pagkukulang ng una ay napupunuan ng pangalawa. Ang wala sa pangalawa andun sa una. Pero kahit kailan di ko intensyong maglaro at manloko. At di ko rin naiplanong magsinungaling o manggago. Hindi rin naman sa di ako marunong makuntento. Siguro nagkataon lang na talagang tumibok ang puso ko para sa dalawang babae na parehong di ko kayang mawala sa buhay ko."


Basta sa ngayon lagi ko siyang nakakatext. Miss ko kasi siya palagi.

"I wish that one day you will miss me so much. That no matter how hard you look for me you won't find me. Why?, because I want you to miss me the way I'm missing you now."