Tuesday, August 21, 2012

Dukha (by request)

Ito ay pagbibigay daan para sa request ng blogger na si Jessica ng http://uberjessicalopez.blogspot.com/. Ginawa niya po ang pagrequest para sa post kong Sana'y Laging Magkapiling (by request).

Blogger Jessica said...
NAKS. pwede ako din??? hehehehe

July 7, 2012 7:34 AM


"Magkaiba man ang buhay ng bawat isa, tao pa rin."


DUKHA (by request)
Ni: Arvin U. de la Peña

Nadaanan ko na ang walang pera
Sa nais bilhin hanggang tingin lang
Sinusulyapan ko na lang ang mga bumibili
Nakangiti habang hawak na ang binili nila.

Ang malipasan ng gutom dahil walang pambili
Alam ko talaga ang pakiramdam
Mahapdi sa tiyan
Walang magawa kundi tiisin muna.

Mga magnanakaw ay nauunawaan ko sila
Dahil alam ko pakiramdam ng walang makain
Maraming beses na rin nakatulogan ko na lang pagkagutom
Katulad din ng iba pa.

Nasasaktan ako kapag may nakukulong dahil nagnakaw
Pagkat hindi sila naging katulad ko
Kahit walang mabili at makain minsan
Natutunan kong tiisin ang ganun.

Kung anuman ako ngayon
Maging anuman sa hinaharap na buhay
Ang mga dukha ay patuloy kong lilingunin
Hanggang sa tuluyang pagpikit ng mga mata ko.
Delete

46 comments:

Steph Degamo said...

wow. isang katha na nakakanga-nga na naman :)) thumbs up

joy said...

Very touching post. You are right. Wag kalinutan lumingon sa pinanggalingan. Have a nice day:)

sherene said...

:( speechless lng, nakakasad.

fiel-kun said...

Ganda ng poem mo parekoy!

Genskie said...

kailangan mong lumagay sa sitwasyon nila para malaman mo at maunawaan kung bakit ang ilan ay nakagagawa ng hindi magandang bagay :)

Lady Fishbone said...

galing... malungkot.
nakakarelate ako tula mo.
kasi may mga bagay na gusto ko bilhin pero hanggang tingin na lang ako.

pero dapat pa din maging masaya, diba??? :)

joanne said...

ang lungkot naman nito..

eden said...

Another nice poem, Arvs! Thank you for sharing

Spanish Pinay said...

hindi talaga dapat tayo makalimot sa ating pinaggalingan :)

Spanish Pinay

Dhemz said...

tumpak Arvin! ang galing...ganda naman nag request...:)

good job!

Pinch of thoughts said...

naranasan ko ding kumulo ang tyan sa gutom hahaha..at tama lang na wag nating kalimutan ang ating pinagdaanan. dahil in time that will be our inspiration to help others.salamat sa pagbisita palagi sa aking blog kapatid, sana wag ka mag sawa. magandang araw!

Arvin U. de la Peña said...

@Ester Yaje.............salamat sa sinabi mo.....siguro ang request mo ay nabasa mo na....napagbigyan na kasi kita para sa by request dito sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@joy.............may iba po na kapag tumaas na ang estado ng buhay nila ay ayaw na nilang bumalik sa nakaraan nila.........marami ang nagbabakasakali na mahirap lang sila at kapag yumaman ang mga naging kaibigan habang mahirap pa ay hindi na pinapansin......kung umuwi man ay hindi na pupunta sa tambayan noon ng mahirap pa...

Arvin U. de la Peña said...

@sherene..........malungkot nga ang tema ng sinulat kong ito...salamat sa pagbasa.....

Arvin U. de la Peña said...

@fiel kun............maraming salamat....ang mga ganun na salita ay nakakapagbigay sa akin ng inspirasyon para magsulat pa para mabasa din ng ibang mga tao.....

Arvin U. de la Peña said...

@Genskie..........tama ka sa sinabi mo......hindi mararamdaman ng isang tao na may pera ang pakiramdam ng tao na walang pera.....malaki talaga ang pagkakaiba sa laging may pera at wala.....

Arvin U. de la Peña said...

@Jessica.......napagbigyan na po kita.....naging bahagi ka ng by request para sa blog ko......hindi lang ikaw kundi may iba pa na hanggang tingin lang talaga muna para sa nais na bilhin.....makuntento sa kung ano ang buhay na ating nararanasan at higit sa lahat maging masaya kung anuman iyon....

Arvin U. de la Peña said...

@Joanne...........bawat magbabasa ng sinulat kong ito siguro ay makakaramdam talaga ng lungkot lalo na kung naranasan nila ang minsan walang pera...

Arvin U. de la Peña said...

@eden...............thanks for visiting again to my blog...

Arvin U. de la Peña said...

@Spanish Pinay.........dapat ganun talaga....may iba na nakakalimot.....pero mayroon naman na hindi....kapag nagkaroon na ng maraming pera ay hindi nagbabago ang pakikitungo para sa mga naging kaibigan niya ng mahirap pa..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz...........salamat....maganda nga po siya........sa baguio city po siya nakatira.........

Arvin U. de la Peña said...

@mathea.........walang anuman iyon....kapag ako ay nag internet at ginusto na pumunta sa ibang mga blog ay madami po akong napupuntahan....nakagawian ko na iyon noon pa.......may mga tao na mula sa mahirap kapag yumaman na ay nagbabahagi din sa kapwa ng kung ano....namimigay din sila...

Pink Line said...

this is sad :(
dapat gumawa ng paraan para hindi manatiling dukha...

Teng said...

Reality bites talaga :|

Grace said...

super touching 'to ah.
Of course, I can relate. Galing din ako dyan eh. Dukha.
Salamat, Arvin, sa walang sawa mong paghipo sa mga puso namin.

kimmyschemy said...

ka-touch naman ito...

by the way, can you please check THIS out?

Malou said...

nice post ...

Arvin U. de la Peña said...

@Pink Line...........dapat nga pero alam mo pera ang dahilan kung bakit minsan kahit gusto ng isang tao na umangat ay hindi magawa......ang kawalan ang siyang nagpapanatili minsan sa kung anong kinalalagayan ng isang tao..

Arvin U. de la Peña said...

@Christeen........may punto ang sinabi mo.....masakit din naman sa sarili kapag wala ka talaga pero ang iba nakakaya na tiisin ang ganun.....kaysa gumawa ng hakbang para makaahon pero mali naman..

Arvin U. de la Peña said...

@Hi I'm Grace........mabuti at nakaahon ka sa hirap ng buhay....siguro kapag umuuwi ka sa inyo ay hindi mo nakakalimutan ang mga naging kababata mo....

Arvin U. de la Peña said...

@simply kim.............marami nga ang nakarelate sa sinulat kong ito....malungkot kasi ang tema ng tula na ito....ok...puntahan ko iyan....

Arvin U. de la Peña said...

@Malou.............salamat sa sinabi mo....kumusta po kayo...

Unknown said...

maraming ganyan sa lipunang Pilipino, milyon ang nagugutom at sa nabanggit mo sa tula may mga tao na nakakagawa ng masama dahil sa kadukhaan...
gusto ko mabago ito

Balut The Lucky Blogger said...

congratulations Arvin for another beautiful piece, napakaganda kahit napaka-lungkot nga lang...

lucky jessica that u granted her wish, ako naman sa susunod ha :)

Verna Luga said...

Hello Kaibigan.. OO nga Arvin, pagkumakalam ang sikmura mu lahat gagawin para makaraus.. kahit pa magnakaw.. sad naman :( salamt sa pasyal :)

w0rkingAth0mE said...

always thumbs up.. visiting here.

KULAPITOT said...

arvin namiss kita :) galing galing mo tlga gumawa ng tula :) .. ako papagawa din .. free nmn diba?

Arvin U. de la Peña said...

@reese......marami nga ang ganito........ewan ko lang kung mawawala ang ganito....pero maiibsan ang ganito kapag naging mabuti ang mga politiko....hindi sarili ang isipin nila....kundi kapakananan ng mga tao....

Arvin U. de la Peña said...

@Balut The Lucky Blogger.....salamat sa sinabi mo.....ok...pagbibigyan ko po ang kahilingan mo.....

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz..........may iba na ganun lalo na kung walang mahingan ng pagkain o pera para pambili....magnanakaw talaga....marami na rin ang nakulong dahil sa pagnanakaw para makaraos sa buhay......konting halaga lang ang ninakaw pero ang mga politiko na malaking halaga ang ninanakaw minsan sa bayan pero hindi nakukulong.....

Arvin U. de la Peña said...

@wOrkingAthOme.......thanks for visiting again my blog....

Arvin U. de la Peña said...

@KULAPITOT.........salamat sa sinabi mo....wala pong bayad ang by request...kung may nag comment at nagparinig o nagsabi mismo na gusto masali sa by request ay pinagbibigyan ko.....minsan nga lang ay natatagalan..........pagbibigyan po kita pero hindi muna sa ngayon....may mga nauna na kasi....

Jag said...

Mas mabuti pang nanggaling sa pagiging mahirap at umunlad kesa marangya tas bumulusok pababa...

Nice poem bosing! :)

eden said...

Thanks sa visit, Arvs!

anney said...

Kailangan pa ring magsikap kahit dukha man para may marating sa buhay.

Harun Ar said...

Dumalaw sa gabi ..., Pagbati