Monday, August 13, 2012

Tuloy Ang Buhay

"Bago ang lahat ay nais kong magpasalamat kay Itin ng http://missacidic.blogspot.com/ dahil siya ang bago kong advertiser. Ibig sabihin isa na siya sa Written Feelings Sponsor. May pera akong natanggap sa kanya para sa paglagay ko ng badge ng blog niya sa sidebar ng blog ko. I love blog, her weird state of health and her sarcastic humor."

Ang larawan na makita ay nakita ko sa facebook sa mga pag share sa kasagsagan ng habagat sa Metro Manila at karatig na lugar.
 TULOY ANG BUHAY
Ni: Arvin U. de la Peña

Lupit ng kalikasan man ang dumating
Huwag lang tayo panghinaan ng kalooban
Sa bawat pangyayaring hindi kanais-nais
Lahat ng iyon ay may pagtatapos.

Matuto tayong tumanggap sa mga kalamidad
Isipin na ang mga iyon ay pagsubok
Dito sa mundong ibabaw
Hindi nagwawagi ang umaayaw.

Bagyo, lindol, at habagat man
Dulot ay matinding panganib
Kaba na sa sarili nararamdaman
Huwag masyado na ito ay dibdibin.

Ituloy pa rin ang pagharap sa buhay
Ipakita sa lahat na tayo ay matatag
Kapalit ng pagsisikap na makabangon
Bagong buhay at pag-asa ang naghihintay.

Magtulungan lang makakaahon rin sa dinaranas
Ang krisis unti-unti malalagpasan
Hindi tayo pababayaan ng poong maykapal
Sa bawat sandali siya ay ating gabay.

48 comments:

Phioxee said...

korek tuloy ang buhay kahit ano pang bagyon dumaan :-)


just me,
http://phioxeetravel.blogspot.com
htp://phioxeeAwareness.blogspot.com

Anonymous said...

tama ka jan pare :)

joy said...

That is right. We should never give up. Kasi, part ng life ang mga pagsubok, although some har less while others has more. If we have God with us, we can pass through it all. Keep it up kababayan.

Kim, USA said...

Yup no matter what happen tuloy pa rin ang buhay! Thanks sa bisita!


Kim,USA

hana said...

tama tama!
... tagal ko nang di nakadalaw dito
:(( musta ka na arvin?
nubayan, parang nalungkot naman ako bigla sa background music mo..waaaaah...

Lady Fishbone said...

tama ka kuya! :D

michymichymoo said...

Life goes on, no matter what. :)

http://www.dekaphobe.com/

fiel-kun said...

Very resilient ang mga Pinoy. Anu mang unos ang dumating, kayang-kaya natin itong lampasan. Basta kapit-bisig lang palagi at huwag bibitiw!

Nice post parekoy!

sherene said...

tuloy lng ang laban!

joanne said...

Tama! Survivors kaya tayo!

Taray nina kuya oh, naka-starbucks!

eden said...

Tama..kahit aning krisis unti-unti nating malalagpasan.

Arvin U. de la Peña said...

@Phioxee.........tama kasi ang mga iyon ay hindi naman palagi....salamat sa muli mong pagbisita sa blog ko....

Arvin U. de la Peña said...

@bagotilyo...............thanks sa pagbasa mo sa sinulat kong ito....nasa blog list na po kita....

Arvin U. de la Peña said...

@joy.............duwag kung susuko sa mga pagsubok......talagang hindi pare pareho ang buhay ng tao....may nakakaangat sa buhay at hindi.....

Arvin U. de la Peña said...

@Kim, USA.............opo tuloy pa rin kasi hindi maiiwasan ang ganun...ang mga bagyo, lindol, at habagat ay walang makakapigil....hindi iyon katulad ng mga missiles na puwedeng tirahin sa taas at doon na lang sasabog na sana para sa isang pasasabugin...

Arvin U. de la Peña said...

@hana banana.........matagal ka na ngang hindi nakakapunta dito.....pero alam mo minsan napupuntahan ko talaga ang blog mo....siguro busy ka lang lagi at hindi ka nagpupunta punta sa mga blog kaya hindi mo ako napupuntahan....

Arvin U. de la Peña said...

@Jessica.............salamat sa sinabi mo.....kumusta ka na diyan....

Arvin U. de la Peña said...

@michymichymoo.........thanks for visiting again my blog.....ituloy ang buhay dahil mahirap ang nasa tabi lang,hehe....

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun.........sa mga ganun na pangyayari ay nagpapakita talaga ng pagkamatulungin ang mga pinoy.....pati mga artista at politiko ay tumutulong talaga sa pamimigay ng mga relief goods....masakit nga lang na kung kailan may ganun saka ang pamimigay nila...kung walang bagyo, lindol, at habagat na marami ang naapektuhan ay hindi sila tumutulong....hinahayaan lang nila ang mga tao na mahirap...maganda sana kung paminsan minsan kahit walang kalamidad ay magbigay ng biyaya sa kapwa ang mga nakakaangat masyado sa buhay.....lalo na sunod na taon ay eleksyon na ay papogi points na ang mga gustong kumandidato..

Arvin U. de la Peña said...

@sherene............kumbaga sa boxing ay tuloy ang laban hanggat hindi pa tapos ang oras.....kasi kahit palagay talo na ay puwede pang manalo sa last minute...

Arvin U. de la Peña said...

@Joanne.........bawat taon ay marami ngang pinagdadaanan ang ating bansa....pero nakakaraos tayo....ang picture na iyan na nakita ko sa facebook ay sa comment ganun nga patungkol sa starbucks pa....hindi natin alam baka kahit ganyan sila ay may pera talaga sila para sa ganun.....

Arvin U. de la Peña said...

@eden..........korek ka diyan.....basta maghanap lang ng kalutasan at makipagtulungan.....

Malou said...

Correct!

KULAPITOT said...

tuloy ang buhay kahit ano pa ng mangyari ... astig ang post na to arvin! nakakainspire!

Genskie said...

Tama dapat patuloy ang buhay :)

eden said...

Thank you for the visit, Arvs.

kimmyschemy said...

inspiring naman.. korek ka jan, Arvs!

a visit from kim!

Jag said...

Exactly...we Filipinos don't easily give up...nakikibasa lang bosing hehe...

Arvin U. de la Peña said...

@Malou..........thanks for visiting again my blog and read my post..

Arvin U. de la Peña said...

@KULAPITOT..........may mapupulot ngang aral ang sinulat kong ito....sa mga nabiktima ng habagat ay maunawaan niyo sana na ang iyon ay hindi mapipigilan....ang pagbaha ay sanhi rin ng wala ng masyadong madaluyan ang tubig ulan na dulot ng habagat....tao ang dapat sisisihin doon..

Arvin U. de la Peña said...

@Genskie.............salamat sa iyo sa muling pagbasa ng sinulat ko...

Arvin U. de la Peña said...

@eden.............walang anuman iyon...salamat din sa iyo....at lagi mong pinupuntahan ang blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@simply kim............salamat sa sinabi mo......appreciate ko iyon....na may mainspire sa post ko...

Arvin U. de la Peña said...

@Jag.............kumusta ka na...matagal na rin na hindi ka nag post sa blog mo......siguro busy talaga....ganunpaman ay salamat at pinuntahan mo ako kahit hindi ka na masyado active sa pag blog....

Pink Line said...

natawa ako nung una kong makita ang picture na to sa facebook.. hang taray nila kuya..naka sbucks pa hehe..

with prayers we will always survive :)

Hi! I am LiLi! said...

Labay lang! :)

Balut said...

buhay pinoy... tapang pinoy!

eden said...

Have a great weekend, Arvs!

anney said...

Kaya nating lagpasan ano mang krisis ang dumaan sating buhay. Just always stay positve.

Unknown said...

tuloy ang buhay...ganyan ang katangian ng mga pinoy - matiisin, masakripisyo, mahaba ang pasensensya sa kahirapang dinaranas araw-araw
and i believe malalagpasan at mapagtatagumpayan ng sambayanang pilipino ang mga kahirapan at pakikibakang ito...
have a nice weekend!

Ishmael F. Ahab said...

Ha ha! Pa Starbucks Strabucks na lang ang mga tambay ah. He he.

Wow. Ikaw na ang kumikita sa blog. :-P

eden said...

thanks sa visit, Arvs

Anonymous said...

Talagang bumabangon tayo matapos ang mga kalamidad. Yan ang bagay na kinahahangaan ko sa Pinoy.

onie said...

You are right.
www.jntkfuntime.com

Yen said...

Tuloy ang buhay na makulay :)

Tal | ThePinayWanderer said...

Tama, tuloy pa rin ang buhay kahit gaano kahirap, kahit maraming pagsubok, dahil sabi nga, habang may buhay may pag-asa. :)

Spanish Pinay said...

lupit! starbucks eh no? :)

I can't agree more about not giving up.

Spanish Pinay

SunnyToast said...

Ang bonggels nila kuya starbucks!

I agree dont give up!