Sunday, August 5, 2012

Balikbayan Box

"Sa buhay hindi mahalaga ang kung anong mayroon ka. Ang mahalaga ay iyong may respeto ang tao sa iyo."

BALIKBAYAN BOX
Ni: Arvin U. de la Peña

Ang pagdeliver ng mga balikbayan box ang trabaho ni Noel. Sa bawat bahay na kanyang pinaghahatiran ng balikbayan box kasama ng driver at ang pahinante ay pansin talaga niya na tuwang-tuwa ang mga nasa bahay. Naririnig pa niya minsan sa iba't ibang pinaghatiran ang mga salita na "chocolate na naman", "nariyan sa loob ang pabango kong hingi", "bagong dvd mula kay ate", "touch screen na cellphone", "new model ng iphone galing kay daddy", "corned beef at kung anu-ano pang de lata na naman ang lagi nating mauulam", "mga bagong t-shirts at pantalon na naman", at kung ano pa na mga salita na nakakainggit pakinggan.

Sa tuwing aalis na si Noel mula sa bahay na hinatiran ng balikbayan box ay minsan nakikita niya ang ibang mga tao na nakatingin banda sa kanila. At alam niya ang mga nasa isip at usapin ay patungkol sa balikbayan box. Dahil hindi naman lahat ng bahay ay mayroong nasa abroad na nagtrabaho na maaaring makapagpadala ng balikbayan box.

Minsan habang kumakain sila ng pamilya ay tinanong siya ng kanyang anak na walong taong gulang kung kailan raw sila magkakaroon ng balikbayan box. Nang sa ganun raw makatikim ng imported na chocolate. Sinabihan lang niya ang kanyang anak na "malapit na".

Kinabukasan ay maagang pumasok si Noel. Tinawagan niya ang kanyang driver at ang pahinante na maghintay na lang sa kanilang bahay dahil dadaanan niya. Siya na lang muna ang mag drive. Dala ang mga balikbayan box ay nagmaneho si Noel. Pumunta muna siya sa kanila na wala doon ang misis niya at ang anak na babae dahil namamalengke. At doon ay binaba niya ang isang balikbayan box na alam niya maraming chocolate dahil para kay Ginang Pascual na ang dalawang anak na babae ay nandoon sa Amerika at ikinuwento sa kanya na ang bawat padalang balikbayan box ay maraming chocolate ang laman kasi iyon ang paborito niya.

Pagkatapos malagay sa loob ng bahay ang balikbayan box ay agad tinawagan ni Noel ang driver na papunta na siya ganun din ang pahinante para mag umpisa na sila maghatid ng mga balikbayan box. Bawat bahay na kanilang pinaghahatiran ng balikbayan box ay kung ano ang kasiyahan na nararamdaman ng mga tao sa bahay ay nasasabi niya na mararamdaman na rin ng anak niya.

Pag-uwi ni Noel galing sa trabaho ay agad nakita niya ang misis niya at ang anak na malungkot at nakatingin sa balikbayan box. Ipinaliwanag niya ang dahilan. Ngunit sinabihan siya ng kanyang anak na di bale ng hindi makatikim ng imported na chocolate basta huwag lang daw siyang mawalan ng trabaho. Ganundin ang sinabi ng misis niya dahil tiyak malalaman din pagtagal ang ginawa niya kung hindi makarating ang balikbayan box na para kay Ginang Pascual. Doon ay napag isip-isip ni Noel na tama ang sinabi ng misis niya at anak. Kung malaman ang ginawa niya at matanggal sa trabaho ay wala siyang maipapakain sa kanyang pamilya. At isa pa ay mahihirapan siyang makahanap uli ng trabaho lalo na kung may bad record na siya. Niyakap ni Noel ang kanyang misis at anak at humingi ng patawad.

Ang buhay ng tao ay hindi pantay-pantay. May mayaman at may mahirap. Masuwerte ang mga tao na ng isilang ay may kaya ang pamilya dahil hindi na siya masyadong magbabanat ng buto para mabuhay. Kung ano ang kailangan ay nagkakaroon agad ng katuparan. Samantala kung ng isilang ay mahirap tiyak kakayod ng husto para mabuhay. Matinding pagsakripisyo ang mangyayari. Ganunpaman kung anuman ang buhay mayroon tayo ay huwag tayong mainggit sa ibang tao. Tanggapin natin kung anong uri ng buhay mayroon tayo, mayaman man o mahirap. Sapagkat kung anuman ang mayroon tayo dito sa lupa ay hindi natin iyon madadala kapag kapiling na natin ang Diyos na siyang lumikha ng lahat.

50 comments:

sherene said...

Ang ganda nito Arvin, kahapon habang bumibyahe kami pauwi ng probinsiya, nadadaanan namin yung mga taong natutulog sa daan daan, eh ang lakas lakas ng ulan. Sabi ng anak ko, mama kawawa naman sila bakit kc ganyan sila. Hindi ko maipaliwanag, ang sabi ko nalang sa kanya, kaya ikaw anak be thankful sa lahat ng nasa sa iyo.
Nakakalungkot tlga.

KULAPITOT said...

this made me realize how lucky i am :)

fiel-kun said...

Thanks for this very inspiring story parekoy. I feel a bit guilty, minsan kc mejo nagiging "mapaghanap" na ako at hindi ko nari-realize kung anu ang meron ako.

Have a great day!

joy said...

Ganda ng aral nitomg post mo ngayon arvin. If you have time, hope youcan visit my orher blig and join my otherblog too " willyouhearfromme.blogspot.com" thanks

Malou said...

maganda ang story at talaga namang nakakapagbigay ng lesson sa bawat taong makakabasa nito. on the other hand ang comment ko lang po tungkol sa "respeto ng tao" unfortunately not all the people ay meron nyan nakakalungkot man but i had to say there's a lot of jerks in this world at recently lang biktima kami ng kawalanghiyaan ng taong walang respeto sa kanyang kapwa. just want to vent this out that's why im saying this but forgive and forget na lang kumbaga...thanks for the comment space Arvs :)

kamilktea_ said...

tama.. minsan nga mas maswerte pa nga ang hindi gaanong may kaya.. db? minsan mas sila pa yung bonded at close sa isa't isa.. lahat naman tayoo blessed eh.. yung ibang tao nga lang hindi nila makita yun kase busy sila magcontemplate sa kung anong wala sila

joanne said...

ganda ng kuwento.. always appreciate what you have, hindi naman sa material things lang nakukuha ang happiness e.. thanks arvs!

Unknown said...

God is just waiting for us to accept the blessings na para sa atin.. minsan di lang natin napapansin..

Anonymous said...

nice!

we may never know kung kelan kumakatok si God para ibigay ang blessing natn :)

Arvin U. de la Peña said...

@sherene..........salamat po sa sinabi mo....hangad ko na maging mabuti din katulad mo ang iyong mga anak....paglaki na ng mga anak mo ay maunawaan na nila kung bakit doon natutulog ang nakita sa daan...

Arvin U. de la Peña said...

@KULAPITOT.........mabuti at ganun na ang nararanasan mo ng maisilang ka at mamulat na ang isipan sa totoong buhay.........di ko alam kung mayaman o medyo may kaya ang buhay niyo....for sure sa sinabi mo hindi kayo mahirap,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun............walang anuman...ito ay gawa gawa ko lang na kuwento....baguhin mo ang istilo mong iyan...makuntento ka sa kung anuman ang mayroon at nakukuha mo.....huwag maghanap baka sa kahahanap mo ay mapaano ka pa....

Arvin U. de la Peña said...

@joy.........salamat din sa sinabi mo...may aral ngang mapupulot ito na sana kung hindi sa atin ay huwag kunin...kapag ng punta punta ako sa mga blog ay puntahan ko ang isa mong blog...at exchange link din tayo..

Arvin U. de la Peña said...

@Malou...........thanks po..sadyang may mga tao na walang respeto sa kapwa.....may mga tao na nasa dugo na nila ang panloloko....kadalasan ay dahil sa pera....magkaroon lang ng pera kahit kaibigan ay tataluhin....sapagkat isa ang pera na dahilan bakit nabubuhay ang tao...may mga magkakapamilya na nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan dahil sa pera.....huwag na kayong magtiwala sa tao na nagwalanghiya sa inyo....aral iyon sa inyo..

Arvin U. de la Peña said...

@Kamilkshake..........tama ka sa sinabi mo....sa daan ang mga taong halos nakatira sa lansangan kung makikita mo ay salu salo sila sa pagkain....kumpara sa pamilya na may sariling mesa at masarap pa ang pagkain ay hindi....lahat tayo ay pinagpala sa iba ibang paraan...iyon po....

Arvin U. de la Peña said...

@Joanne........may punto ang sinabi mo na hindi lang sa material things nakukuha ang kaligayahan....pero iba pa rin kung may mga material ka na hangad mo kasi kung mayroon ka ng ganun ay sasaya ka....sa modernong panahon ngayon ay marami talaga ang naglalabasan sa market na nakakaengganyo...kaya lang hindi magkaroon ng ganun dahil walang pera....

Arvin U. de la Peña said...

@Untied Escape.......may mga pagkakataon nga na tumatanggi tayo sa kung ano lang.......at maunawaan natin na pagtagal kung hindi tayo tumanggi ay sa atin ang biyaya na nakakamit....halimbawa na lang ay may mag offer sa iyo ng kung ano at tumanggi....ang pumayag ay sinuwerte......nasa huli ang pagsisisi sa ganun..

Arvin U. de la Peña said...

@T.R. Aurelius.....thank sa sinabi mo.....sabi nga ay maghintay lang at may darating din para sa atin...huwag lang mainip kasi hindi naman lahat ay nabibigyan agad ng biyaya mula sa ating Panginoon....

Indistinctive Writer said...

ang pinaka importante ay ang magpasalamat sa nagpadala nang balikbayan box. dahil hindi biro ang hirap para mapuno ng laman ang box at mapadala ito sa mga taong hindi marunong magpasalamat at nagrereklamo pa sa natanggap

have a nice day po!

"Diaries of an Indistinctive Writer"

kimmyschemy said...

kakaiyak naman to..

a visit from kim!

Mai Yang said...

jealousy kills fun! :D

Balut The Lucky Blogger said...

salamat sa kwento na eto kapatid. maraming mata ang mamumulat...

Pinch of thoughts said...

This made me realize that in every thing we receive, maliit man o malaki, blessing pa din and we should be thankful for it. ganda.

Arvin U. de la Peña said...

@Indistinctive Writer.....ang mga pinapadalhan ng balikbayan box ay nagpapasalamat naman sa nagpadala....kung hindi man nasa loob ang hinihingi ng tao na may gusto ay unawain na lang kasi baka nakalimutan na ipadala o kaya hindi nakabili....may mga tao naman na kahit hindi gusto ay tinatanggap ang bigay kasi nakakahiya kung tumanggi...binibigyan na nga ayaw pa....

Arvin U. de la Peña said...

@simply kim......ganun ba....di ko sinadya na malungkot ka sa sinulat kong ito...gawa gawa ko lang ito at nakakalungkot nga ang kuwentong ito kasi tungkol sa kung ano ang wala ang isang tao na ang iba ay mayroon....

Arvin U. de la Peña said...

@Mai Yang..........kumusta po kayo....kapag nag facebook ako at nakikita ko ang pictures mo pansin ko ay bumabata ka....gumaganda pa..hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Balut The Lucky Blogger....maraming salamat sa sinabi mo.......umaasa ako na makapagbibigay ito ng aral sa mga tao na huwag mainggit sa kapwa.....matutong tanggapin ano ang buhay na kinagisnan at mapuntahan sa pagharap sa buhay....

Arvin U. de la Peña said...

@mathea.........tama ka diyan..kesa naman sa walang natatanggap.....darating din naman ang araw na may biyaya din na matatanggap na malaki talaga at ikasasaya natin....

Henry said...

May mga time na maiinggit talaga tayo pero kelangan lang ay self-control at isipin ang mga posibleng mangyari. Nice story, nice post!




www.vankaizer.com

Genskie said...

Well written Arvin,.. im sorry ha ngayon lang ako nakadalaw sa blog mo... hindi ko din masagot text mo kasi nga hindi ako nag loload :)

Keep on writing at ingat lagi :)

eden said...

Tama Arvs.. tanggapin natin kung ano ang binigay ni Lord. lahat naman tayo ay blessed in different ways.

Yen said...

hay buhay, ganun talaga aminin man naten o hindi darating yung time na maghahangad ka rin kung anong meron yung ibang nakaaangat sa buhay. Minsan sila pa nga ang nagiging motivation ng iba para maging maginhawa rin ang buhay nila. :)

Anonymous said...

maging masaya at kuntento tayo kung naman ang meron sa atin...pasasaan ba balang araw ang pagsisikap na ating ginagawa ay may bungang hatid!

kakainspayr sir arvs!

Unknown said...

nice story again...
pero alam mo arvin ang pagiging mayaman ay hindi swerte the same of isang mahirap hindi iyan kapalaran...kaming mga tibak naniniwala kami na ang dahilan ng kahirapan ng mayorya ng mamamayan pilipino ay dahil sa:
1. pyudalismo - ito ang pagmamay-ari ng iilang malalaking hasyendero, tulad ng mga cojuangco sa malalawak na lupain ng pilipinas vis a vis sa ilang milyong magsasaka na walang sariling lupa
2. imperyalismo - ito ang patuloy na pagkontrol at pagdikta ng US sa ekonomiya, pulitika at kultura ng pinas - nagdidikta ng batas tulad ng wage freeze, mining act at iba pa na pabor sa US at kasabwat nilang malalaking negosyanteng pilipino na andyan sa malacanang, kongreso at senado; sila ang nakikinabang sa lakas paggawa ng mga pinoy, sa likas na kayamanan ng pinas na patuloy na winawasak nila
3. burukrata kapitalismo - ito ang paggamit ng mga pulitiko sa posisyon nila upang magpayaman, di magserbisyo
ito ang mga sanhi ng paghihirap ng mamamayang pilipino...ito ang dahilan kung bakit sumasali ako sa mga protesta, sumasama ako sa pagtatayo ng mga organisasyon at nagsasagawa kami ng mga seminar upang ipaalam ang mga bagay na ito
have a nice weekend, arvin

Anonymous said...

Arvin, gusto ko magreply sa mga comments.Pero parang yung setting ng blog mo, ayaw pumayag. I'm having fun reading them all.

anney said...

Tama! Di dapat maiingit kung anong meron ang iba.Dapat makuntento tayo sa kung ano ang meron tayao at magpasalamat sa Diyos sa mga biyayang natatangap natin.

eden said...

Thank you for the visit, Arvs.

Arvin U. de la Peña said...

@Henry................tama ka....hindi nga maiiwasan iyon....lalo na ngayon na madami ang naglalabasan na mga gadget.....ang iba dahil gusto na magkaroon ng ganun ay nagnanakaw........

Arvin U. de la Peña said...

@Genskie...........thanks.....ok lang iyon..naiintindihan ko po ikaw.....kumusta naman ang ikaw..

Arvin U. de la Peña said...

@eden...........ang pagtanggap sa kung ano ang ating buhay ay patunay iyon ng isang mabuting nilalang.....masama ang magnakaw dahil lang sa inggit...

Arvin U. de la Peña said...

@Yen...........may iba talaga na ginagawang inspirasyon ang kinaiinggitan nila na buhay ng isang tao.....at minsan pa kapag nagtagumpay sila ay nahihigitan pa nila ang naging inspirasyon nila....

Arvin U. de la Peña said...

@JaY RuLEZ.......tama ka sa sinabi mo....basta magsikap lang at magtiyaga ay makakamtan din ang ating hangad sa buhay....huwag lang mainip....sabi nga sa kanta ang umaayaw ay hindi nagwawagi..

Arvin U. de la Peña said...

@reese..............napakaganda ng mga sinabi mo.........para kang isang guro talaga........ang masabi ko lang sana ay ingat ka sa mga pagsasali mo sa rally minsan....hindi bagay sa isang tulad mo na maganda talaga.....hehe...

Arvin U. de la Peña said...

@Itin Bique Calvo..........tiningnan ko ang setting ng blog ko at wala ang puwede na reply to comment ng isang blogger na nag comment....hndi naman po puwede na ibahin ko ang template ng blog ko.....

Arvin U. de la Peña said...

@anney..........minsan pa nga reklamo ng reklamo sa kinatatayuan na buhay samantala kung titingnan ay mayroon pang iba na mahirap talaga at hindi nag rereklamo....

Arvin U. de la Peña said...

@wRey and RObby..........salamat sa iyo at muli ay nagustuhan mo ang sinulat ko....

Dhemz said...

another impressive composition Arvin...way to go!

Anonymous said...

nainspire ako dito.

Life is unfair .

But God is always fair :)

Noblesse Key said...

Naka-starbuck sila manong ah! Sosyalan!!!

Gusto ko talaga yung quote na "Baha ka lang, Pilipino ako" then a photo depicting Filipinos baring their big smiles. This is a very nive and inspiring poem Arvz!

Genskie said...

Hi Arvs,
Mabuti naman ako, pasensya ka na ha hindi ko na sasagot ang text mo. Salamat nga pala sa mga text qoutes ha.. napaka thoughtful mo :)