"May pagkakataon talaga na minsan bigla nag-iiba ang pagtingin ng isang lalaki para sa babaeng minahal niya. Dahilan para makipaghiwalay.."
GLENDA: ANG BABAENG SEPARADA
Ni: Arvin U. de la Peña
Walang
nagawa si Glenda ng bigla siya ay iwanan ni Jake at sumama sa ibang
babae. Kahit anong uri ng pagmakaawa at iyak ang ginawa niya ay hindi pa
rin siya pinakinggan. Tuluyan pa rin siyang iniwan. Binigyan siya ng
kaunting halaga ng pera at siya na lang daw ang bahala magpalaki sa
kanilang anak na tatlong taong gulang na babae.
Sa pag alis ni
Jake doon ay naunawaan ni Glenda na tama ang sinabi ng mga magulang niya
na hindi mapagkakatiwalaan si
Jake dahil babaero. Hindi iyon pinansin ni Glenda dahil mahal na mahal
niya si Jake na limang taon ang agwat sa edad niya at nasa Landbank ang
trabaho. Iyon ang dahilan kung bakit kinontra siya ng kanyang mga
magulang at hindi na sinuportahan.
Gustong umuwi ni Glenda sa
kanyang mga magulang para hindi na umupa ng apartment
dahil alam niya mauubos din ang pera na bigay ni Jake pero natatakot
siya na pagagalitan lang. Dahil mula ng magsama sila ni Jake pagkatapos
niyang mag graduate ng college ay parang itinakwil na rin siya ng mga
magulang niya. Kahit ng ikasal sila ni Jake ay hindi dumalo ang mga
magulang niya. Ang nag-iisa niya lang na kapatid ang laging bumibisita
sa kanya.
Hindi nawalan ng pag-asa si Glenda. Paglipas ng ilang
araw ay nagpasya siyang maghanap ng mapagkakakitaan. Pinapunta niya muna ang kanyang kapatid sa kanyang apartment para mag-alaga sa anak
niya. Dahil may pinag aralan naman ay hindi hindi siya nahirapan sa pag
apply bilang call center agent. Dalawang araw bago siya mag umpisa sa
pag trabaho ay kumuha siya ng yaya na kamag anak lang din nila para sa
anak niya. Nalaman din niya na masaya ng nagsasama sina Jake at ang
bagong babae.
Nagkaroon ng trabaho si Glenda. Naging masipag siya
at hindi umaabsent. Kahit masama ang
pakiramdam ay pumapasok si Glenda sa trabaho. Minahal niya talaga ang
kanyang trabaho bilang call center agent. Hinangaan siya hanggang sa ma
promote bilang supervisor. Kasabay ng pagiging supervisor niya ay
pinatawad na rin siya ng kanyang mga magulang. Pinatira na rin siya sa
kanilang bahay kasama ng anak niya na limang taong gulang na. Naging
masyadong masaya si Glenda kasi muli ay makakasama na niya ang kanyang
mga magulang at kapatid lagi.
Dito sa mundo ang pag-iwan sa atin
ng ating minahal minsan ay siyang dahilan para mag improve ang ating
sarili. Ang siyang dahilan para tumuklas tayo ng ibang mamahalin. Hindi
man sa pisikal na anyo kundi sa paraan na kumikita tayo ng pera dahilan
para tayo ay may mabili, may makain, at higit sa lahat ay mabuhay kasama
ng pamilya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
40 comments:
Natawa naman ako sa Glenda...pangalan kase ng Auntie ko Glenda..wahahahaha
This is a very thought-provoking post. This actually reflects the actual life in some of the relationships. Very Nice post Arvz.
i admire glenda, inspite of what happened she remain strong ang responsible for her kid; i am certain, she will eventually find her true love
hey, nag-message ka pala sa FB, kanina ko lang nabasa - sorry, bihira ako magbukas ng FB eh
salamat sa bisita at sa mga comment sa aking blog
Oh diba happy ending pa din, ang galing naman kung makalagkuwento ka parang feel na feel mo yung story, nadadala tuloy kami:))
Right ka dyan. I can relate to that kasi I have better now than after na iwanan nong na nakasama ko before na babaero rin.
Tama ka Arvs.Sometimes things happen in our life to make us stronger and move us toward the future.
Thank you sa visit.
Ganyan talaga ang mga Glenda, di nagpapagupo sa anumang pagsubok ng buhay, lumalaban at bumabangon at nagtatagumpay. hahaha, ako ba si Glenda?
hi..i dont understand what you wrote..but i'm happy visit here and support you...keep happy blogging :)
Nice kuya Arvin.. :) Fiction toh..pero kung nangyari talaga toh sa totoong buhay.. kung sino man si Glenda..for sure sobrang paghihirap din ang naranasan niya bago niya sinubukan mag-move forward..
Ang mga magulang.. magpapatawad yan kahit anong mangyari.. for sure.. walang katumbas magmahal ang mga yan..
Ang ganda rin ng value kuya ng kwento.. totoo yun.. minsan may mga nangyayari sa atin na magpapatatag sa atin..ang actually magugulat pa tayo na it was for the best..
Kuya nga pala.. hindi ako maglalagay ng blog list sa page ko eh..kaya di kita ma-aadd tulad ng nasabi mo.. lahat lang ng blog na binabasa ko ngayon ay mga blog na finofollow ko :)
God Bless kuya.
@Noblesse Key.........at ako din ay may kakilala na ang pangalan ay Glenda.....pero hindi ang nasa kuwento ay hindi nangyari sa kanya....at hindi ko rin sinadya na ang maging pangalan ng character ay Glenda......sa umpisa pa lang ng pagsulat ko ay Glenda na ang nasa isip ko na maging pangalan ng babae......may mga ganito ngang pangyayari sa dalawang nagsama....marami na rin ang naghiwalay dahil nahumaling sa iba...maging lalaki man ang naghanap ng babae o kaya ang babae ay humanap ng ibang lalaki....
@reese...........opo....sinadya ko na maging ganun siya sa kuwento.....nag message po ako sa fb mo para sana mahingi ang cellphone number mo.....bakit ayaw mong ibigay...hanggang ngayon kasi ay curious pa ako sa pagkatao mo.....sumasali ka sa mga rally at mga post mo sa blog ay aktibistang aktibista talaga....walang anuman iyon..thanks din sa palagi mong pagtingin sa blog ko...
@sherene............salamat sa sinabi mo...ito po ay gawa gawa ko lang na kuwento....salamat at naappreciate mo ang isa na namang sinulat ko mula sa mapaglaro kong imahinasyon....
@joy............ganun ba...ibig pa lang sabihin ay matagal ka ng hiwalay sa asawa mo.....kailan ka hiniwalayan....iniwan ka ba ng nasa Pilipinas ka pa o kaya nasa Amerika na....palagay ko kasi ngayong nasa Amerika ka na work ay hindi ka iiwan,hehe.....siyempre hingi datung para pang bisyo like sugal o anu pa...siyempre para din sa pamilya niyo pang gasto din,haha.....
@eden..........madalas ang ganun na sa hindi magandang nangyari ay nagkakaroon ng panibagong pangyayari na magpapasaya sa atin......ang mahalaga pa rin naman ay nagmahal....kung hindi man sinuklian ng maganda ang ipinakitang pagmamahal ay wala ng magagawa kasi hindi siguro feel ng kapartner....
awww - thats life, we don't always get what we give :) most important is we do it heartfuly and that it makes us happy.
glenda mode hahahahahaa... idol ko si glenda ahahaha,,, bihira n ang gnyang mga klasing tao ngayon arvin
@Tal/The PinayWanderer.......hindi lang sa kung ang pangalan ay Glenda....may mga babae din na ginawa na ang kung anuman ang ginawa ni Glenda sa kuwento....hindi ko alam kung ang tunay mong pangalan ay Glenda......baka nga ikaw si Glenda,hehe...
@BlogS of Hariyanto......ok...thanks for visiting my blog...
@Kamilshake......fiction lang po ito....gawa gawa ko lang katulad ng mga iba pang nabasa mo na sa blog ko at hindi pa nabasa.....halos dalawang taon din muna talaga bago si Glenda nakarecover ng husto kasi iyon din ang panahon na siya ay pinatawad na ng kanyang mga magulang dahil sa kanilang bahay na pinatira.....hindi matitiis ng mga magulang ang kanilang anak kaya pinapatawad pa rin.....ngunit may ilan din na magulang na hindi mapagpatawad sa anak.......kapag nag away at itinakwil ang anak ay hahayaan na lang.....opo at blessing in disguise ang ganun na kung kailan iniwan ng mahal saka medyo umunlad ang buhay.....ganun ba.....nauunawaan ko ikaw kung hindi ka maglalagay ng blog list sa blog mo.....thanks again sa pagbisita mo sa blog ko..
@Christeen..........minsan talaga kahit palagay na natin ay binigay na ang best ay kulang pa rin sa pinag aalayan......at wala tayong magagawa kundi tanggapin na lang ang katotohanan na hindi siya pang habang buhay sa atin..
@KULAPITOT..........sana ang sinulat kong ito na kuwento ay makapagbigay ng inspirasyon sa mga makakabasa lalo na ang mga iniwanan ng kanilang mahal...
Ganyan talaga ang buhay, paminsan-minsan. Masaklap at masakit.
tama ganyan sana katatag ang lahat pagkatapos ng bagyo...
"Everything happens for a reason.Nothing happens by chance or by means of good or bad luck. Illness, injury, love, lost moments of true greatness and sheer stupidity all occur to test the limits of your soul."
... quoting from my blog post. perfect for your post. thanks for the story.
a good quote for women... "never let any man define you"
natawa ako sa title...
have a nice day po! ^_^
happy ending :)
Pasaway si Jake ah! Irresponsable! Char, affected ako?haha.. Buti survivor ang babaeng separada, haha, angg cool ng title..
thank you for the visit, arvs!
@Ishmael Fischer Ahab........tama ka diyan...hindi lang sa pag ibig kundi sa iba pa na nagpapasakit at nagpapasaya sa atin....
@KikomaxXx...........sana nga..pero may iba na mahina talaga ang loob.....hindi kaya harapin ang buhay kapag hindi kaagapay ang mahal sa buhay.....mahirap sa kanila ang mag move on....
@Balut..............salamat sa pag bisita uli sa blog ko....kapag ng blog hop ako ay puntahan ko ang blog mo.....
@Indistinctive Writer........nice quote....sa una ang gusto kong title ay Separada na lang.....kaso nag share din ako sa facebook at may friend ako sa facebook na ang pangalan ay Glenda kay ay ito ang pinamagat ko....pero ang nasa kuwento ay hindi nangyari sa friend ko sa facebook....
@Olivr...........sinadya ko na ang ending ng kuwento ay maging masaya.....para naman masiyahan din ang mga bumabasa....
@Joanne..........opo, hindi nakuntento si Jake kay Glenda...naghanap pa ng ibang babae.......sabagay ganun ang iba....naghahanap ng ibang putahe....haha..
@eden..........walang anuman iyon...salamat rin sa iyo..
Ang sipag naman ni glenda di pala absent. Naalala ko tuloy from a few line of Regine's song. ..Cause you made me stronger by breaking my heart, you ended my life and made a better one start. Wagi Si glenda, hehe
Have a great weekend! Arvs.
ganda ng pagkkwento mo brad tungkol kay glenda. mukhang mapapabasa ako sa mga sulat mo a. nga pala nadagdag na kita sa bloglist ko :)
Have a great week, Arvs!
nice posting I like your idea and your article please tell more about your idea.
Web design india
ang ganda nitong theme mo Arvin...great job!
Post a Comment