Sunday, July 15, 2012

Buwaya Sa Lungsod

"Minsan sa politika mas pinapaboran ang pera kaysa kadugo. Kaya hindi nakapagtataka na tuwing halalan may mga lugar na bigyan lang ng pera ang mga botante ay iboboto ka na kahit hindi ka karapat-dapat iboto."


BUWAYA SA LUNGSOD
Ni: Arvin U. de la Peña

Natatawa ako minsan sa ilang tao na nagpapakita ng pagmamahal sa kanilang lungsod na gusto ng magkaroon ng pagbabago ng liderato. Paanong hindi ako matatawa kung mismo ang tunay na dapat talagang magmahal na pinuno at mga opisyales dahil ibinoto ng karamihan na naninirahan ay hindi masyadong mahal ang lungsod. Hindi naman sa lahat pero may ilan na inuuna muna ang pansariling kapakanan.

It is too late to be hero, ganun ang maituturing ko para sa ilan na mga tao na masyado ng mahal ang kanilang lungsod gayong noong una pa lang ay suportado ng sobra-sobra ang namumuno. Ikinakampanya ng mabuti para manalo. Tapos pagtagal ay kokontra dahil hindi nagugustuhan ang ginagawang pagserbisyo sa lungsod. Kagaguhan ang ganun, balimbing na maituturing.

Ang ganun na pangyayari ay hindi katanggap-tanggap kahit magsisi pa. Kahit lumuhod pa sa harap ng mga mamamayan at humingi ng tawad. At kahit pa ipagsigawan sa plaza gamit ang mikropono sa ginawang maling pagsuporta.

Ang pagpasok sa politika ay hindi biro. Gagasto ng malaki para talaga manalo. Namimigay ng pera para sila ay iboto. At kung sakali man na manalo ay hangad talaga na hindi na maalis sa puwesto dahil doon ay mababawi ang mga nagasto sa halalan at kikita pa ng malaki. Pagkat may pera sa politika. Kaya kahit ano pa ang gawin ng ilang mga tao para maalis sa puwesto ang hindi nagugustuhan na namumuno ay mahihirapan talaga dahil mayroon ring mga sumusuporta para sa nais na mapatalsik sa puwesto. Aalis lang sa puwesto kung tapos na ang termino. Pero ang papalit ay kakampi din. At puwede pang bumalik paglipas ng ilang taon kung naisin.

Matutong magtiis kung anuman ang inyong nakikita na hindi maganda na ginagawa ng namumuno sa lungsod. Dahil walang ibang dapat na sisihin kung hindi ang tao na talagang ginamit ang impluwensya para manalo ang kandidato at ang mga bumoto din mismo. Mayroon din naman nagagawang mabuti ang namumuno sa inyong lungsod. Hindi niyo lang napapansin. Ang pinapansin niyo lang ang kamalian. Sabi nga "we are a very good lawyer for our own mistakes, and a very good judge for others mistakes."

41 comments:

KULAPITOT said...

maraming gnyan na pulitiko :( onli in the pilipins arvin :)

Tal | ThePinayWanderer said...

kaya dapat matuto ang mga tao na bumoto ng nararapat, di yun pera ang tinitingnan sa pagboto.

Spanish Pinay said...

naku, nagkalat talaga ang ganyang mga politiko.. hindi lang sa pilipinas ha! sa buong mundo!

Spanish Pinay

fiel-kun said...

Ganyan din dito sa amin. Magagaling lang mangako, pero kapag nakaupo na sila sa pwesto, nagkalimutan na! /sigh

joy said...

Tama ka dyan Arvin. dapat nag na tingan din ang kabutihang nagagawa at mag contribute din ng kabutihan. Kung ano itinanim, yon din aanihin.

sherene said...

Sobrang tama, at ang siste pa, ang mga ibang pulitiko kung maka critic ng mga ibang pulitiko akala mo kung sino silang santo.yay.

Arvin U. de la Peña said...

@KULAPITOT......talagang madami mo po.....siguro ganun din sa inyo...may mga lungsod na ang ibinoto nila at sinuportahan para manalo ay ng manalo na parang nakahuli sila ng malaking buwaya...

Arvin U. de la Peña said...

@Tal/The PinayWanderer........sa ngayon bihira na lang ang tao na bumubuto ng nararapat lalo na sa mga lungsod kasi ang pinapairal talaga ay pera.....kahit gaano pa kalakas at kasikat ang kalaban kung hindi mamigay ng pear ay malabong manalo....kung mamigay man na kaunti lang at ang kalaban ay malaki ay talo pa rin....mga mukhang pera na ang kadalasan na mga botante..

Arvin U. de la Peña said...

@Spanish Pinay.........ibig mo bang sabihin pati sa ibang bansa ay bilihin din ng boto........kung mayroon man sa ibang bansa ay palagay ko ang pagserbisyo lang ng hindi maganda kaya nababalita....

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun......ganun talaga ang mga politiko......... para sa kanila ay sorry na lang ang maniwala sa kanila....kapag nakaupo na kasi sa puwesto ay nag iiba na ang pananaw sa buhay...

Arvin U. de la Peña said...

@joy......salamat...ang hirap kasi sa mga tao na kontra sa namumuno sa kanilang lungsod ay kamalian lang ang tinitingnan....mas masakit kung noon ay kakampi tapos kokontra na....kaya kokontra dahil siguro hindi nakakatamasa sa perang nakukuha ng namumuno para sa mga proyekto......nagpapaka bayani samantala pangit na ang pagtingin ng karamihan na tao sa kanya...

Arvin U. de la Peña said...

@sherene............haha....sadyang ganun ang ibang mga politiko....akala nila hindi sila marumi kaya kung maka pagsalita sa kalaban ay kung ano na lang...bago sana magsalita ng pangit ay tingnan muna ang sarili nila kung hindi rin ba dapat pagsalitaan ng pangit..

Noblesse Key said...

Hmmmmmm...that's quite sad...evil triumphs because good men do nothing...eto yun eh!

Anonymous said...

ay pero sana marunong tayong bumalanse ng ginagawa natin...

Mitch said...

Ay bet ko yung last quote mo dun. tama un.
Ganto lang yan eh, wala ko tiwala sa mga politiko dahil ang trabahong pulitika ay madumi, dun ka pa ba magta trabaho? ewan, un ang alam ko. Sana matagal na may nagbago sa pinas kung maayos at malinis ang politics dito. At walang manloloko kung walang magpapaloko!

Indistinctive Writer said...

hay... nakakalungkot ang politikang pilipinas

ang sa akin lang po, sana bumoto tayo nang matalino and may konsensya

have a nice day!

mjomesa said...

di na ata yan matatanggal sa sistema natin....

Teng said...

haha hindi sila mawawala at mauubos kaya lets fly with the flea :)

eden said...

Tama ka Arvs.. Parang wala ng pag asa..

joanne said...

kaya nga vote wisely dapat ang peg pag botohan na! nalalapit na naman ang mga ganyang eksena..

*sorry naman, ngayon lang nakadalaw! nag-ffreeze browser ko, topak kasi ata sa flash, hindi nagloload tong website mo ng maayos, dami ko nakikita na x, hay!*

Anonymous said...

ok na pare :)

Balut said...

haist! ewan ko ba sa mga corrupt na yan. ang gagaling pag kampanya pag nahalal na... ewan!

@joanne, I share the same comment on Arvin's site waaah tagal ko na sinasabi sa kanya ang hirap mag load ng site nya nagpi-freeze & collapse din sakin. I have to try several times.

siguro arvin, try letting go of the "stars" :) pls...

Ishmael F. Ahab said...

Ganyan talaga ang mga 'yan. Mas matino pa nga si Lolong kesa sa mga iyan.

Mai Yang said...

corrupt?

Arvin U. de la Peña said...

@Noblesse Key...........tama ka....walang nagagawa ang mga matitino kasi mapapahamak lang sila lalo kung sila ay magreklamo sa dapat pagsumbungan....hindi na lang nakikialam lalo kung marangya ang buhay.....

Arvin U. de la Peña said...

@KikomaxXx............dapat ganun nga kaso may ilan talaga na ang mali lang ang pinagdidiskitahan....hindi pinag uusapan ang mga kabutihan....pag sira rin kasi iyon sa isang politiko..

Arvin U. de la Peña said...

@Mitch............salamat sa sinabi mo....mahirap mag work sa isang munisipyo kung pinapasok ka lang ng politiko tapos hindi ka ma regulat kasi kung magpalit ng administrasyon ay puwede ka matanggal.....may mga tao na sadyang nauuto talaga dahil sa pera....naloloko sila..

Arvin U. de la Peña said...

@Indistinctive Writer........ang iba ay ganun kaso mas maraming botante na mas mahalaga ang pera sa kanila kaya iboboto nila ang namigay ng malaking pera....ganun kasi ang kalakaran na ngayon sa politika....kung bakit pa kasi nauso ang bilihan ng boto,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@mjomesa...............talagang hindi na....lalo pang lalala siguro....baka nga pagtagal ay tru ATM na ang pagbili ng boto kung sakali na maging mahigpit talaga,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Christeen..........ang iba ay ganun sumasabay na lang sa agos....nakikiisa kahit hindi maganda.....ang mahalaga naman sa lahat ay ang may makain sa araw araw.....kasi ang paninindigan ng iba kung kokontra ay walang kakainin....kay makikiisa na lang..

Arvin U. de la Peña said...

@eden..............hanggang himutok na lang kung patuloy na makikialam....kaya mabuti talaga na hayaan na lang anuman ang makita na hindi maganda sa pag serbisyo ng isang politiko sa lugar...

Arvin U. de la Peña said...

@Joanne..............sana nga ganun pero may mga lugar na kahit alam na hindi maganda kung mag serbisyo ay iboboto pa rin kasi kapalit ay pera....mahalaga sa kanila na sa isang araw ay magkaroon ng pera na makakabili ng kung anong pangangailangan....tinanggal ko na po ang mga stars at iba pa sa blog ko....isang widget na lang iyan ng snowflakes..siguro naman ok na kung open mo ang blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Balut...........may ilan naman na kung ano ang mga ipinangako ay tinutupad....may ilan din na hindi...kung madami man ang ipinangako hindi lahat ay tuparin.....dati ay maraming widget ng snowflakes sa blog ko....ngayon ay isa na lang....siguro naman ay madali ng mag load ang blog ko kung open mo...

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab..hehe...ang pagkakaiba lang siguro kung makakasalubong sa daan ang politiko at si lolong na buwaya ay matatakot talaga kay lolong....kakaripas ng pagtakbo...samantala kung sa politiko ay maiinis lang..

Arvin U. de la Peña said...

@Mai Yang..............tama..diyan sa inyo siguro madami din mga corrupt.....

Balut said...

I'm back arvin to THANK YOU! wow naman ang bilis ng react. at totoo nga dahil sa mga widgets kaya sobrang hirap i-load ng site mo. ngayon ok na yey! mabilis na ako makakadalaw dito.

THANKS ulet & thanks also for taking your time na dumalaw sa blog ko para ibalita ang inalis mong widget :)

eden said...

have a great weekend, Arvs!

farjah said...
This comment has been removed by the author.
farjah said...

kawawa ang katulad namin na wala pang kamuwang muwang sa Pinas, ano pa kaya ang aming kinabukasan sa tinaguriang "Bayan kong Sinilangan"? Kung ang mga buwaya'y di na matanggal sa pwesto ng kanilang kaskiman kami'y mga kabataan ay handang silang hindi tularan sa puso't isipan maging man sa kaugalian.

shykulasa said...

politicians suck! thanks for the visit :)

Harun Ar said...

Ang bawat tao'y nais upang mabuhay prosperously....