Saturday, July 21, 2012

Muling Mahalin (by request)

Sa post ko pong Sana'y Laging Magkapiling (by request) ay nag comment ang blogger na si Mai Yang ng parang nagpaparamdam na maging bahagi sa portion ng by request sa blog ko. Narito po ang sinabi niya at ang blog niya ay http://www.florathemostawesomegoddess.com/

Mai Yang said...
fanatic ka pala ni April Boy? hehe..

hmmm..bakit sya lang? hahahah!
July 9, 2012 11:09 PM


It hurts when the one you love left you and say....."you deserve someone better" then all you can say is "maybe I do". But deep inside you are crying because you know you cannot find better if  you already found the best.

MULING MAHALIN (by request)
Ni: Arvin U. de la Peña

Pagmamahal muling pinanabikan
Halik at yakap nais uli madama
Pag-iibigan na minsan nangyari
Binabalik tanaw sa bawat araw.

Nagawang pagkakamali pinagsisisihan
Mga pagkukulang ay pinagdurusahan
Hapdi at kirot na nararamdaman
Kakayanin hanggang sa huling sandali.

Tukso at pang-aakit pilit lalayuan
Iiwasan hindi mahumaling sa iba
Kapalit man ng lahat ay pighati
Walang pag-alinlangan na tanggapin.

Muling mahalin ang tangi lang hangad
Wagas na pag-ibig ang ialay
Sa minsan naging bahagi ng buhay
Mahal pa rin hanggang ngayon.

Lilipas ang mga araw
Maraming mangyayari sa isa't isa
Tanging hiling lang sa maykapal ay patawarin
Pag-ibig muling maghahari sa puso.
Delete

50 comments:

KULAPITOT said...

muli at muling mahalin :)

Mai Yang said...

aws? haha! muling mahalin talaga?unfortunately, ang taong gusto kung muling mahalin ay kailan man hindi na babalik :(

but anyway, thank you for taking all the effort and time..

by request talaga? nakakahiya naman. hahaha!

joy said...

Galing mo talagang gumawa ng tula. :)

sherene said...

May mga bagay na dina puwedeng balikan,
Pero masayang isipin:))

Balut said...

nice one Arvin!

Lagi kong inaabangan ang mga tula mo lalo na pag pinapagbigyan mo ang "by request" :)

Anne said...

senti ah...pero maganda, tagos sa puso. :)

Tal | ThePinayWanderer said...

May mga bagay na mahirap na uling gawin o ibalik, gaya ng pag-ibig. Ganon pa man, dapat ay muli at muli tayong magmahal, di man sa taong nanakit sa atin, kundi sa mga taong darating sa buhay natin. Magandang araw Arvin... :)

pusangkalye said...

akala ko MULING IBALIK ANG TAMIS NG PAG-IBIG.Although ganun din yun no?Dimo pwedeng mahalin muli unless maibalik mo yung spark :)

joanne said...

Wow, galing ah! Naaliw ako sa by request na to.. Binabase ba ito sa true story?haha.. Pero mahirap yang muling mahalin, tsk tsk! Char!

eden said...

Nice poem, Arvs.
But ayaw ko ng balikan ang nakaraan..hehehe

Maria Gemma Hilotin said...

wow! you'll go places for sure! galing mga poems mo!

Noblesse Key said...

naks naman! April Boy!!! natawa ako sa background music, hindi ako handa..wahahaahah...


Ang galing talaga ng word play mo Arvs... Astig!

Arvin U. de la Peña said...

@KULAPITOT...........opo, sapagkat kapag ang muli ay nangyari sa dalawang nagkahiwalay ay may kasiyahan uli sa puso....ganun din kung muli ay umibig sa iba..

Arvin U. de la Peña said...

@Mai Yang........di ba iyon ang sinabi ko sa iyo sa facebook....ganun ba....nakita ko nga sa blog mo at ang tungkol sa kanya....mahal mo nga talaga siya......walang anuman iyon....maganda na rin kung may nag rerequest kasi kahit paano ay nagsusulat ako ng may hinahandugan..

Arvin U. de la Peña said...

@joy......salamat sa sinabi mo....marami rin po ang maganda ang mga sinusulat na nababasa ko dito sa blog na mula sa ibang blogger.......

Arvin U. de la Peña said...

@sherene.........kay ganda naman ng sinabi mo....tama ka diyan....sa ganun na paraan kahit paano ay nagpapasaya pa rin kahit alaala na lang ang natitira....mahirap nga naman kung magpumilit sa isang tao na ayaw na sa atin...

Arvin U. de la Peña said...

@Balut..........salamat naman kung ganun.....kapag ako ay mag ikot ikot sa mga blog ay siguro mapupuntahan talaga kita........salamat sa iyo na ng makilala kita ay napapadalas ang pagpunta mo sa blog ko.....sana tumulad ka rin ng iba na hindi nag iba ang pakikitungo sa akin.....ilang taon na rin ako dito sa blog at may mga noong una ay madalas sa akin pumunta at pagtagal ay hindi na....nauunawaan ko naman sila....siguro busy lang at wala ng time para ako puntahan....kung ayaw naman akong puntahan na ay siguro ayos lang kasi muli at muli ay may mga makikilala at kaibigan din ako dito sa blog na lagi rin titingin sa blog ko.........ganun pa man ay nais ko pa rin magpasalamat sa kanila na naging bahagi sila sa blog ko lalo na noong nag uumpisa pa lang ako....

Arvin U. de la Peña said...

@Jo Anne.....kumusta po kayo....salamat at napuntahan mo ang blog ko....puntahan ko ang blog mo kapag nag ikot ikot ako sa ibang mga blog.....

Arvin U. de la Peña said...

@Tal/The PinayWanderer.....agree ako sa sinabi mo....move on sa madaling salita.....hindi lang siya ang tao na puweding mahalin.....pero alam mo may mga tao na stick to one lang....kapag naging sila at nagkahiwalay ay hindi na naghahanap pa ng iba.....

Arvin U. de la Peña said...

@pusang kalye........kanta iyon...nasa song hits ko iyon...kung di ako nagkakamali ay naging background music ko na iyon......yup, hanggat hindi ka uli minamahal ng tao na iniwan ka ay hindi mo uli maipapadama sa kanya ang pagmamahal mo....

Arvin U. de la Peña said...

@Joanne..........salamat....darating ang araw na ikaw ay magiging bahagi sa by request ng blog ko.......ang iba kong mga sinulat dito lalo na iyong madamdami na tula ay base din sa nangyari sa akin....ang iba naman ay gawa gawa ko lang......katulad ng mga sinulat kong kuwento dito sa blog ko at sa mga napublish ko sa diaryo noon.....mula lang sa imahinasyon.........

Arvin U. de la Peña said...

@eden........thanks....may mga tao na dahil sa pait at sakit na naidulot ng tao na nag iwan sa kanya ay isinusumpa na talaga ang tao na iyon...pinandidirihan na....kasi pagkatapos ng sarap ay bigla mag iiba at iiwan ang minahal...masaki nga iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@Gemma/My Dallies..........hindi ako mahilig mag punta punta sa ibang mga lugar kasi kulang ng budget,hehe.....kung manalo ako ng suwertres lotto ng malaki ay bakasyon uli ako ng cebu.....salamat sa sinabi mo...

Arvin U. de la Peña said...

@Noblesse Key......hanggang ngayo ay sana'y laging magkapiling pa rin ang naririnig na kanta sa blog ko...hindi ko pa pinapalitan....wala kasi sa mixpod ang muli mong mahalin na inawit din ng april boys......iyon sana ang ibackground music ko.......maraming salamat sa sinabi mo tungkol sa mga ginagawa kong pagsusulat para dito sa blog ko....

Lady_Myx said...

ang galing mo talaga kuya :)

Myxilog

Teng said...

love is on the e-air. :)

Anonymous said...

hi po! exchange links nman... visit my blogs po

http://cholojean.blogspot.com
http://yushincute.wordpress.com
http://mimhijean.com

kamilktea_ said...

wow... gumagawa ka pa din ng mga tula... nice! hehehehe ako si kamila from the old ROAD to KILL.. tagal di nakadalaw noh? hehehe but got here my new blog na :)

Phioxee said...

ang lungkot ng poem. errr kaka-relate ako.
there's this BEST guy ive ever met. naging feelingera kasi ako kya naki pa break ako. tapos after a year, couldnt forget him, nakigbalikan ako and asking him na muling mahalin. tanga ko talaga. sabi niya siya nanaman ang hihingi ng TIME. hahaha funny talaga.pero okay lang. at least ive done everything to win him back.

kimmyschemy said...

ay, na-hurt naman ako dito, Arvs!

a visit from The Story Teller!

eden said...

Nice poem, Arvs. Thank you for sharing.

Unknown said...

i was here arvs,,

ganda ng song ah..hehehe

fiel-kun said...

Galing mo talaga pareng Arvs :) Ito talaga yung isa sa mga namiss ko nung matagal akong nawala sa mundo ng blogshere, you're well written poems.

Keep it up!

Yen said...

Muling Ibalik ang alin? hehe. jok lang. danda ng bago mo feature ah. True to life story ba to? base on your own experience? :)

=supergulaman= said...

ahhh....ganun pla yun...ahehehe..aprang dati lang...:)

Arvin U. de la Peña said...

@Lady Myx..............salamat sa sinabi mo....nakapagbibigay iyon ng inspirasyon sa akin na magsulat pa at magpaunlak sa by request..

Arvin U. de la Peña said...

@Christeen.........haha..nakakahiya naman kay Mai Yang kung ganun.....magkaibigan lang kami sa facebook pero maganda siya....madalas kung bisitahan ang fb niya at tingnan ang ibang mga pictures niya.....

Arvin U. de la Peña said...

@mimhiejean..........ok..mag exchange link tayo.....puntahan ko ang blog mo kapag nag nag punta punta ako sa mga blog...

Arvin U. de la Peña said...

@Kamilkshake.......opo....kung anuman ang mga nakita mo sa blog ko noon ay ganun pa rin sa ngayon....mga sinulat kong kuwento, poems, at tula na gawa gawa lang ang post ko......

Arvin U. de la Peña said...

@Phioxee..........una ay salamat sa pagbisita mo sa blog ko at sa pag comment....ng makipag break ka muna sa kanya mabuti ay hindi ka na inlove sa ibang lalaki....may nanligaw ba sa iyo na iba pagkatapos mong makipag break sa kanya.....mabuti at naging kayo pa rin...para talaga kayo sa isa't isa.......mabuhay kayong dalawa..

Arvin U. de la Peña said...

@simply kim.........di ko sadya kong nasaktan ka man sa sinulat kong ito....gawa gawa ko lang ito.....may pagka sad nga ang sinulat kong ito...

Arvin U. de la Peña said...

@eden.............thanks...kumusta po kayo ngayon.......ok ang profile pic mo.....

Arvin U. de la Peña said...

@Pretty Girl.........salamat sa muli mong pagbisita sa blog ko....ang kanta na Sana'y Laging Magkapiling ay naging hit song....compose iyon ni April Boy Regino para kay Sharon Cuneta.....kaso ay reject ng kampo nila Sharon.....hindi nagustuhan kaya silang magkakapatid na lang ang umawit..at nabuo ang April Boys...kung si Sharon Cuneta ang umawit ewan kung ano nangyari....siguro hit song din....pero maganda talaga ang pagkakaawit ng April Boys...

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun............salamat din sa iyo........nag blog po ako para ma share ang mga sinulat ko....

Arvin U. de la Peña said...

@Yen.........ang sinulat kong Muling Mahalin ay para rin iyo sa mga tao sa kabila na hiniwalayan ay umaasa pa rin na babalikan....gawa gawa ko lang ito...si Mai Yang ay maganda po talaga siya....friend ko din sa fb....katulad mo na friend ko din pero ikaw pa lang ang na meet ko...ang layo ni Mai Yang kaya ewan kung ma meet ko siya,hehe...

Arvin U. de la Peña said...

@supergulaman...........opo...ang dati ay gustong maibalik...haha..

eden said...

thank you sa visit, Arvs!

Indistinctive Writer said...

thanks sa comment on my blog ^_^

emo naman nang blog na to... parang bagay kay kristen stewart! LOL

have a nice day! ^_^


"Diaries of an Indistinctive Writer"

xoxo_grah said...

sa akin, it depends...kasi its hard if trust issues eh...but maybe if pwede pa...but i highly doubt it...hehhe

nakikisali lang po...:)

Mel Avila Alarilla said...

Isa na namang obra maestra nang isang makabuluhang tula tungkol sa pagibig at buhay. Ikaw lamang ang nakakapagsulat nang ganyang obra maestra. Salamat sa tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.