Saturday, July 7, 2012

Sana'y Laging Magkapiling (by request)

Ito ay pagbibigay daan para sa sinabi ng isang blogger para sa sinulat kong Walang Hanggan (by request). Sa iyo ay pasensya na kung ngayon lang kita napagbigyan. Narito po ang comment niya at ang blog niya ay
http://esteryaje.blogspot.com














Ester Yaje said...
kakahiya naman. parang gusto ko ring ma feature. in fairness, ang galing mong gumawa ng tula


Sana'y Laging Magkapiling (by request)
 Ni: Arvin U. de la Peña

Bawat araw ay nais na makasama
Minamahal ay mayakap
Paghihirap ng puso
Hangad na ito ay matapos.

Sa gabi na nag-iisa
Mga alaala lang ang kasama
Larawan na laging dala
Kalungkutan ay nababawasan.

Malayong distansya pilit pinagdudugtong
Pag-iibigan hindi nawawala sa isip
Patuloy na ginugunita
Pagmamahal sa isa't isa.

Sa araw at gabi hangad ang mahal umuwi na
Pagtrabaho sa ibang lugar matigil muna
Kung hindi lang para sa kinabukasan
Dalawang puso na nag-isa hindi magkakalayo.

Ilang tag-araw at tag-ulan man lumipas
Pag-aalala ay hindi nawawala
Makapiling muli ang mahal
Siyang laging hangad bawat sandali.

44 comments:

Lady Fishbone said...

NAKS. pwede ako din??? hehehehe

joy said...

Para naman patunkol sa akin ang tula na to dahil seamam asawa ko. Hi hi

Balut The Lucky Blogger said...

ehem... pwede pala mag-request dito (nagpaparinig) he he

joanne said...

pwede pa lang by request dito? pero next time na lang, mukhang maraming nakapila e! :)

Noblesse Key said...

wow...nilalanggam na tong page mo Arvz! Galing mo talaga pag ganito ang usapan..directly opposite sa akin...wahahahahahaha

Akoni said...

Hindi ako puwedi sa mga ganito, wala akong alam sa tula..hehe. Maganda, maganda si Fifi..hehe

anney said...

Medyo malungkot ang tema ng tula pero ganun talaga ang buhay. Minsan kailangan magkahiwalay para na rin sa future.

Unknown said...

hahaha, such a nice song,,,

gusto ko din yan dati..how are you arvin?

can we exchange links sa bago kung site?

www.iwriteabout.com

thanks

Olivr said...

sweet. haha

Tal | ThePinayWanderer said...

mahirap talaga ang malayo sa minamahal pero magkaminsan ay kailangan para sa ikabubuti ng lahat. :)

sherene said...

Para sa kinabukasan, bakit hindi...

Arvin U. de la Peña said...

@Jessica..........sure....darating ang araw na pagbibigyan kita.....ikaw pa...

Arvin U. de la Peña said...

@joy...........ganun ba.....hindi lang patungkol sa seaman kundi sa iba pang uri ng pagtrabaho sa ibang lugar o bansa..

Arvin U. de la Peña said...

@Balut The Lucky Blogger.....puwede po...katunayan ay marami na akong napagbigyan...makita mo iyan sa mga older post ko....

Arvin U. de la Peña said...

@Joanne............opo....kaunti lang po ang nakapila........hayaan mo balang araw ay masali ka sa post kong patungkol sa by request.....

Arvin U. de la Peña said...

@Noblesse Key.........salamat sa sinabi mo....nakakapasaya iyon...

Arvin U. de la Peña said...

@Akoni...........kung pipilitin ay siguro makakagawa ka rin ng kung anuman ang makita o mabasa mo sa blog ko.......

Arvin U. de la Peña said...

@anney...............tama ang sinabi mo......hindi iyon naiiwasan....lalo na sa ngayon na marami ng high tech kaya kahit magkalayo ay ayos lang kasi nagkakausap naman lagi o nag web cam para makita ang isat isa..

Arvin U. de la Peña said...

@Pretty Girl........maganda nga ang song na Sana'y Laging Magkapiling na inawit ng April Boys....naging hit song iyon....ang awit na iyon na compose ni April Boy Regino ay ginawa niya para sana kay Sharon Cuneta pero inayawan.....kaya ang ginawa niya ay siya na lang ang umawit kasama ng dalawa niyang kapatid.....doon naisilang ang April Boys......

Arvin U. de la Peña said...

@Olivr.........salamat sa pagbisita mo sa blog ko.....

Arvin U. de la Peña said...

@Tal/ The PinayWanderer.....yup, lalo na kung bago pa lang na nagsasama o kaya nagkakaasawa....mabahala ka kung nasa mabuti bang kalagayan lagi ang mahal.....nag work naman talaga para sa future..

Arvin U. de la Peña said...

@sherene...........basta para sa ikagaganda ng buhay ay kung kailangan lumayo ng isa para doon magtrabaho ay gagawin talaga....kahit ang paglayo ay magiging dahilan ng pag ka miss..

Unknown said...

visit and follow...

eden said...

Nice poem, Arvs..Mahirap ang magkalayo but with the modern technology ngayon we can communicate very easily.

Wanderer Tolentino said...

nice poem ganda ^^

fiel-kun said...

hey Arvin!

I'm back! nice poem btw :)

Wonder Woman said...

Awww. So sweet. :)

Win a Tomato watch on my blog:
http://wonderwomanrises.blogspot.com/2012/07/tomato-now-open-in-alabang-town-center.html

Wonder Woman said...

Awww. So sweet. :)

Win a Tomato watch on my blog:
http://wonderwomanrises.blogspot.com/2012/07/tomato-now-open-in-alabang-town-center.html

Anonymous said...

hahaha at si ester pa talaga ang nafeature.. hahaha

Balut The Lucky Blogger said...

ako'y nagbalik upang sumagot sa yong mensahe sa aking chat box. link ka na po :) salamat!

Mai Yang said...

fanatic ka pala ni April Boy? hehe..

hmmm..bakit sya lang? hahahah!

Mel Avila Alarilla said...

Maganda ang iyong tula tungkol sa dalawang pusong kailangang maghiwalay para sa kinabukasan nilang pareho. Salamat sa tula. Pagpalain ka palagi nang Panginoon.

Vivian said...

ayos ah! ang ganda :-)

Arvin U. de la Peña said...

@eden............may punto ang sinabi mo....kasi hindi tulad noon na walang web cam....ngayon mayroon na kahit magkalayo ay puwedeng magtinginan dahil sa web cam.....nariyan din ang cellphone na madali lang makausap ang gustong tawagan basta may pang tawag,hehe...

Arvin U. de la Peña said...

@Wanderer Tolentino.......maraming salamat sa sinabi mo....nakapagbibigay iyon ng inspirasyon sa akin para magsulat pa para sa blog ko...

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun...........matagal kang hindi nag blog napansin ko kasi madalas ko pa rin puntahan ang blog mo....naging busy ka siguro....mabuti at bumalik ka na sa blog world..

Arvin U. de la Peña said...

@Wonder Woman......salamat sa muling pagbisita mo sa blog ko...puntahan ko ang blog mo kapag nag blog hop ako..

Arvin U. de la Peña said...

@KikomaxXx.....opo siya po ngayon ang napagbigyan ko......sana mabasa niya ito....

Arvin U. de la Peña said...

@Balut The Lucky Blogger.....salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo...add din kita..

Arvin U. de la Peña said...

@Mai Yang...........hindi naman masyado,hehe...parang nagpaparinig ka na gusto mong masama sa by request.....parang ikaw ang uunahin ko kung muli ay mag post ako ng by request kasi nagagandahan ako sa iyo,haha........friend yata kita sa facebook..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla.........marami talaga ang ganun na kailangan magkalayo muna para sa kinabukasan....ang iba nga ay parehong pumupunta ng ibang lugar para mag trabaho at ang kanilang anak ay iniiwan muna sa kapamilya nila...

Arvin U. de la Peña said...

@Vivian........salamat.....kumusta po kayo..

Ishmael F. Ahab said...

Sikat ka talaga Arvs. Madaming gustong magpagawa ng tula sa iyo. ^_^

Chubskulit Rose said...

Makata ka nga Arvin!