Thursday, June 28, 2012

An Iroy Nga Banwa

Ako ay isang Waray. Ibig sabihin ang salita ko talaga ay waray. At ito ang una kong pagsulat para dito sa blog ko ng salitang waray. Translate ko sa tagalog para din maintindihan ng marami.

"Para sa akin ang isang hindi maganda sa politika ay ang requirement na one-year residency. Napakasakit kung ang nanalo sa inyong lugar sa halalan ay hindi masyado taga roon o kaya tumira lang doon para magbakasakali na manalo sa kung anuman ang takbuhan sa halalan. Lalong masakit kung hindi naging maganda ang panunungkulan at naging corrupt lang."


In Waray:

AN IROY NGA BANWA
sinurat ni: Arvin U. de la Peña

An iroy nga banwa natubo bisan diin
Bis ano pa kalimpyo an tuna pagtutubuan
Kon papabay-an nagtitikadamo
Kon mauran malaksi la tumubo.

Kon pagdadaluson amo la gihapon

An banwa matubo la liwat
Ha katikangan la maupay kitaon
Pira ka adlaw maraot na liwat siplatan.

An iroy nga banwa sugad hin mga tawo nga politiko

Bisan diri ira tuna nga gintubuan
Ira pag ookoparan nga masakop
Waray kaawod awod ha mga molupyo.

An iroy nga banwa nga mga politiko purisyo

Kay mga tawo ha bungto at uma puwede nira mauwat
Natuod ha mga istorya ngan kinakarawat hinahatag nga kuwarta
Kabalyo diri pagserbisyo hin maupay, pangurakot la.

Bisan anun reklamo han mga nangungukoy ha tuna waray nahihimo

Mahitungod nga hira bayad man
An iroy nga banwa diri makakatubo kon may semento
Pero an iroy nga banwa nga politiko maturok la gihapon.

Mintras nakakalakat pa iton iroy nga banwa nga mga politiko makandidato gud

Kay kada lugar may gamot nira nga mabulig para hira magdaog
An iroy nga banwa makuri gud mapuo
Banwa nga natubo ha tuna o banwa nga mga politiko.


In Tagalog:

PESTENG DAMO
Ni: Arvin U. de la Peña

Ang pesteng damo sumisibol kahit saan
Kahit gaano pa kalinis ang lupa
Kung hahayaan lang ang damo
Kapag maulan mabilis tumaas.

Kung tanggalin ay ganun pa rin
Ang damo ay sisibol din
Sa umpisa lang magandang tingnan
Paglipas ng ilang araw ay pangit na.

Ang pesteng damo parang tao na mga politiko
Kahit hindi lupang sinilangan
Kanilang sasakupin ang lupain
Walang kahiya-hiya para sa mga mamamayan.

Ang pesteng damo na mga politiko ay pahamak
Dahil ang mga tao sa lugar ay kaya nilang mauto
Naniniwala sa mga pangako at tinatanggap ang  pera para sa pagboto
Kapalit ay pagserbisyo ng hindi maganda at pangungurakot lang.

Kahit anong reklamo ng mga naninirahan walang nagagawa
Iyon ay dahil sila ay binayaran sa halalan
Ang pesteng damo hindi makasibol sa semento
Subalit ang pesteng damo na politiko ay sisibol.

Hanggat nakakalakad pa ang pesteng damo na politiko ay tatakbo pa rin sa halalan
Dahil ang lugar na sasakupin ay may mga ugat na tutulong sa kanila para manalo
Ang pesteng damo mahirap talagang malipol
Damo na sumisibol sa lupa o damo na mga politiko.

45 comments:

Anonymous said...

marami sa amin dito sa office ang mga waray...

Orange Pulps ♥ said...

waray is like ilonggo like bisaya like tagalog like karay-a. haha

joy said...

Thanks ay may tagalog, maintindihan ko:) anyway, need talaga na bunutin lagi ang pesteng damo or Else They Will sufffocate the good plants. It is up to us people.

Mai Yang said...

life's like that :)

sherene said...

Ang ganda ng pagkakasabi mo, expose ako sa mga politician kaya alam ko yan, mga kalakaran hayy!

Ishmael F. Ahab said...

Sa amin, ang mga masasamang damo at talahib ay sinusunog para hindi na maging perwisyo. Kung hindi naman pwedeng sunugin ay tinatabas na lang.

Kim, USA said...

Ewan ko lang bakit merong mga tao na magpa-uto naman sa ganitong mga klaseng politiko. ^)^ Happy weekend!

Noblesse Key said...

Galit ka? wahahahahahahah... Siguro kung may powers ako, iniisa-isa ko na yang mga kurakot na pulitiko na yan. TSK!

Balut said...

pesteng damo talaga!!!

KULAPITOT said...

ikaw lng friend ko n waray!

Teng said...

totoo ba yan? lapit na kasi halalan eh. :)

Arvin U. de la Peña said...

@KikomaxXx.............talaga...tiyakmay taga Leyte na nasa office na nag work din..

Arvin U. de la Peña said...

@Orange Pulps......hmmmmmmmmm..dito sa ating bansa ay iba iba talaga ang salita....may mga salita na hindi ka talaga makaintindi...katulad ng salitang waray ay hindi masyado maintindihan ng mga tagalog....pero ang mga waray ay nakakaintindi ng salitang tagalog,hehe....

Arvin U. de la Peña said...

@joy..........translate ko talaga sa tagalog para maintindihan talaga..........sumasakop nga ng lupain ang damo.....mabuti kung may mga alagang kambing kasi iyon ang pagkain o kaya kalabaw...katulad din ng isang tao na politiko na maipluwensya ay sasakupin ang lupain...

Arvin U. de la Peña said...

@Mai Yang.........marahil nga ganun talaga.....kaya nga hanggang himutok na lang ang karamihan para sa politiko na kinaiinisan kasi wala ng magagawa kasi nanalo na..at nakapanglingkod na sa bayan...

Arvin U. de la Peña said...

@sherene..........salamat sa sinabi mo....ibig mo bang sabihin ay may koneksyon ka parte sa politika.....sumasama sama ka ba sa pangangampanya....o sa pagmaniobra para manalo ang sinusuportahan mo,hehe.....tiyak nag vote buying din kayo,haha....

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab.........ang mga damo iyan na nasa lupa....bakit wala bang kalabaw o kambing o anong hayop na kumakain ng damo diyan...pero sa mga politiko na maituturing na pesteng damo hindi niyo magagawa ang ganun,hehe...

Arvin U. de la Peña said...

@Kim, USA..........dahil po sa pera kaya ganun nauuto.....ang perang bigay para iboto ang politiko ay para sa kanila ay malaking halaga na at makakabili na ng pangangailangan......wala silang pakialam kahit ramdam nilang hindi magiging maganda ang pagserbisyo...ang mahalaga ay makatanggap sila ng pera sa halalan.....

Arvin U. de la Peña said...

@Noblesse key........hindi naman...hindi naman ako naiinis sa kanila,hehe......sana magkaroon ka ng powers para malipol silang mga corrupt na politiko.....para umunlad ang ating bansa...

Arvin U. de la Peña said...

@Balut..............talagang peste sila......ang marijuana ang tawag din ay damo,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@KULAPITOT.........talaga....siguro pagtagal ay may makakaibigan ka din na waray.....may mga waray din naman siguro diyan sa lugar niyo....di mo lang kilala pa..

Arvin U. de la Peña said...

@Christeen.........gawa gawa ko lang ito.....written feelings....

Tal | ThePinayWanderer said...

Kaya't nararapat lamang na tayong mga tao ay maglinis ng ating kapaligiran, tabasin ang mga pesteng damong ligaw na yan, huwag hayaang lumago at mangibabaw. :D

Hi Arvs, salamat sa laging pagbisita sa lungga ko. :)

Anonymous said...

tapusin na mga peste na yan!

:)

Anonymous said...
This comment has been removed by the author.
Anonymous said...
This comment has been removed by the author.
eden said...

Ganoon din sa amin may mga pesteng damo. Sana sa darating na halalan di na ang mga tao magpadala sa pera nila.

eden said...

Salama sa mga visits, Arvs

Unknown said...

Sagot ka na dito... Here's your award:

http://untiedescape.blogspot.com/2012/07/versatile-blogger-award.html

eden said...

Thanks for the visit, Arvs!

Arvin U. de la Peña said...

@Tal/The Pinay Wanderer...may iba din na hinahayaan na lang ang mga damo.....pag malago na saka tatabasin.....para naman sa mga politiko ganun din....hinahayaan na lang ang pamamayagpag nila.....ang mahalaga sa mga botante ay magkaroon sila ng pera mula sa damong politiko kung halalan..

Arvin U. de la Peña said...

@T.R. Aurelius..........kung magkakaisa ang mga mamayan at hindi na talaga iboboto ang pesteng damo na politiko kahit mamigay pa ng malaking halaga ay magagawa iyan..

Arvin U. de la Peña said...

@Itin Bique Calvo...........okey lang po ako....magkalapit lang po tayo ng lugar......i hope to see you soon kung makapunta me ng cebu.....salamat sa pag puri mo sa akin dito sa mga sinulat ko sa blog...

Arvin U. de la Peña said...

@eden............kahit siguro saang lugar ay may damo talaga...sana nga para naman maging maayos ang lugar at hindi magreklamo ang mga tao sa pununungkulan sa isang politiko na maituturing na damo....

Arvin U. de la Peña said...

@Untied Escape..........salamat sa pagbigay mo sa akin ng award.....

Pinch of thoughts said...

ang galing mo sumulat bro, masyadong mayaman ang iyong isip. sana ganyan din ako heheh

anney said...

Dami namn talaga corrupt e di na bago yun. Kahit kailan i dont think mawawala ang corruption.

eden said...

Thanks for the visit, Arvs!

Arvin U. de la Peña said...

@iamjessiegarcia...........salamat sa pagbigay mo ng award sa akin..

Arvin U. de la Peña said...

@mathea..........thank you so much sa iyong sinabi......

Arvin U. de la Peña said...

@anney...........talagang madami ang mga corrupt.........hindi mawawala ang corruption.........lalo lang magiging malala..

Arvin U. de la Peña said...

@eden.............walang anuman..salamat din sa iyo..

Indistinctive Writer said...

hi! thanks for following my blog! and thanks to mai for bringing you there! ^_^

makata ka pala! parang bisaya din pala ang waray... interesting! ^__^

have a nice day!

"Diaries of an Indistinctive Writer"

eden said...

Thank you for the visit, Arvs.

Tal | ThePinayWanderer said...

di naman pala nawala ang comment ko, haha, aling post kaya ang nabuksan ko? anyway, maraming salamat sa laging pagdalaw sa lungga ko Arvin. :)