Saturday, June 9, 2012

KM3: TINIG (HALALAN 2013)

KM3: TINIG (HALALAN 2013)
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa susunod na taon ay eleksyon na naman. Ngayon pa lang ay kanya-kanya ng pa pogi ang mga kakandidato. Kung saan ang may fiesta kadalasan ay naroon sila. Matatamis na wika ang pinaparinig. Kung mahilig sa sabong ang kakandidato ay laging naroon sa sabong sa baranggay kung saan ay malapit ng mag piyesta. Kung hihingan ng pambili ng alak o sigarilyo ay tiyak magbibigay. Sa madaling salita nagpapakita ng pagka galante ang mga tao na tatakbo sa susunod na halalan.

Hindi maipagkakaila na tuwing halalan may nagsilbi na sa bayan ang matatalo at mayroon din naman naipagpapatuloy pa ang pag serbisyo dahil nanalo. Ang mga natatalo sa halalan ay malaking halaga rin ng pera ang nawala sa kanila. Kumpara sa mga nanalo na may suweldong makukuha at may komisyon pa sa mga proyekto.

Bago pa man maghalalan sana ay alam na kung sino talaga ang karapat-dapat na mailagay sa posisyon. Alam na kung sino ang karapat-dapat na manalo dahil pansin na talaga na magiging tapat ang pagsilbi sa bayan. Hindi magiging corrupt habang nakaupo sa puwesto.

Kung mapapansin niyo kung kailan malapit na ang halalan saka gagawa ng mga proyekto para sa lugar. Samantala sa mga nakalipas na taon o buwan ang mga dapat ayusin ay hindi inaayos. Masakit ang ganun pero kung ang opisyal ng inyong lugar ay mabuti ay hindi magkakaganun dahil aayusin ang dapat ayusin kahit malayo pa ang halalan. Ang ganun na istilo na kung kailan sa susunod na taon ay halalan na saka gagawa ng mga proyekto ay walang masayadong pagmamahal sa bayan ang namumuno.

Ang perang ipamimigay ng mga kandidato ay tanggapin pero kung hindi karapat-dapat na makaupo sa puwesto ay huwag iboto. Hindi masama ang tumanggap ng pera lalo at iyon ay galing sa politiko o gustong maging politiko.

At sa mga botante na tumatanggap ng pera para iboto talaga ang isang kandidato kahit hindi karapat-dapat ay makonsensya na kayo. Sandali lang ang pera na bigay sa inyo dahil mauubos din iyon. Pero tatlong taon kayong masusuklam para sa ibinoto niyo na binigyan kayo ng pera. Mag isip-isip na kayo dahil hindi pa huli ang lahat. Dapat ang nasa isip niyo sa pagboto ay maririnig ang tinig niyo ng mga politiko na mananalo. Hindi magbibingi-bingihan ng mga hinaing niyo. Dahil dapat ang boses ng mamamayan ay tinig ng mga politiko.

26 comments:

sherene said...

Tama ang lahat ng sinabi mo:))

Nikki said...

boboto na ako next year. yipeee. :D yer so right kuya. kung kelan malapit na dun pa gagawa nang mabuti at namimigay nang kung anu anu. tss. @@

Unknown said...

pasok na ako sa edad para makaboto kaya kailangan ko nang magparehistro. Magandang mensahe ito lalo na sa isang baguhang botante tulad ko.

joy said...

good luck to the election in the Philippines. May a God fearing man win and with a heart to serve his kababayan.

Spanish Pinay said...

Naku, botohan nanaman... Sana yung tama na talaga ang maiboto ng mamamayang Filipino.

Spanish Pinay

Unknown said...

well written

CaptainRunner said...

True! Sana nga tayong mga Pilipino ay magkaroon ng tunay na pagmamalasakit sa ating bansa at bumoto ng naaayos sa kakayanang mamuno.

May God Bless our country.

Sam D. said...

Tumpak lahat ng sinabi mo Arvs. Pero sa palagay ko kapag ang iboboto mo iyong kandidato na super yaman na talaga maybe hindi na sila magiging corrupt compare sa galing sa super hirap of course ma-aattempt sila na mangurakot to live a good life later on kapag hindi na sila nakaupo sa pwesto :)

Balut said...

meron pa Arvin - yung kahit di nila kilala yung patay pinapadalan ng napakagandang "korona ng patay" at nakasulat ng maliwanag sa ribbon pangalan ng kandidato (kasuka lang) :(

Arvin U. de la Peña said...

@sherene............salamat naman kung ganun....nangyayari talaga ito tuwing halalan....

Arvin U. de la Peña said...

@CHEEN..........mabuti naman at kasali ka na sa magdedesisyon kung sino ang dapat malagay sa puwesto....tiyak maranasan mo na ang nabibigyan ng pera ng mga kandidato.....uso na kasi ang bigayan kaya tiyak sa lugar niyo ay ganun din.........pa pogi points din kasi na gagawa ng proyekto kung malapit na ang halalan...

Arvin U. de la Peña said...

@Inong...........magparehistro ka na......sana iboto ang tao na karapat dapat sa puwesto....pero mahirap minsan alamin kasi ang ibang politiko ay balimbing talaga....tumatawid sa ibang partido para sa sariling interes niya sa politika..

Arvin U. de la Peña said...

@joy..........ibig pa lang sabihin nito ay hindi ka na talaga bumuboto sa Pilipinas,hehe....mas mabuti na rin iyong diyan ka boboto na mga kandidato kasi halos lahat ay matitino sila...

Arvin U. de la Peña said...

@Spanish Pinay.........next year ay election na nga....may mga lugar din na ang nanalo na kandidato ay nagiging mabuti talaga ang panunungkulan sa bayan....hindi nagiging kurakot....hindi nagpapayaman..

Arvin U. de la Peña said...

@reese.............thanks....bilib din ako sa mga post mo.....may pagka matapang ka,hehe...sumasali ka kasi minsan sa mga rally..

Arvin U. de la Peña said...

@CaptainRunner........kung ang lahat na mga politiko na naninilbihan ay may malasakit talaga sa bansa o lugar na pinagsisilbihan ay maganda sana ang Pilipinas.....wala sanang mga kalsada na hindi pa sementado....wala sanang mga inumpisahan na proyekto na makikita na hindi pa tinatapos....at madaming pang iba.....kaso may ilan talaga na binubulsa minsan ang para sa proyekto........kinucorrupt....
binabawasan ang budget..

Arvin U. de la Peña said...

@Sam D........hindi naman lahat na mahirap na naging politiko ay nangungurakot talaga.....minsan naman ang isang mayaman kapag nanalo sa politika ay lalong nagpapayaman....kasi ang isang mayaman na kandidato ay malaking halaga kung mamigay ng pera at kung manalo ay tiyak ang nagasto ay babawiin habang nakaupo na sa puwesto.....

Arvin U. de la Peña said...

@Balut..............ganun minsan ang isang tao na gustong maging politician o kaya ang isang nakaupo na sa puwesto para maalala pa rin kung maghalalan at siya ay iboto pa rin....

Jewel Delgado said...
This comment has been removed by the author.
Jewel Delgado said...

Great post! :) Pero may mga tao na tinatanggap ang binibigay pero hindi naman talaga sila ang iboboto. Pero sa totoo lang, nakakainis din minsan eh. magaling magpakitang gilas pag kampanya pero pag nakaupo na, hindi natin ramdam ang serbisyo nila.

Jewel Clicks

Yen said...

Lapit na pala next year na. Nasa kamay naman naten talaga ang pagbabago, ang kaso saten din nagmumula ang pag ka halal nila kasi karamihan saten ay kulang sa kaalaman, kaya kung sino ang makukuhanan sa eleksyon ng kaunting pera, dun napupunta ang mahalagang boto.nasasayang lang.

Anonymous said...

kahit di man nakasali.. ayus parin :)

J. Kulisap said...

Malapit na naman ang eleksiyon. Napapanahon ang iyong tinig.

Sana ito'y magsilbing paalala kungdi man maging gabay ng mga taong may kinalaman sa eleksiyon.

para sa mga boboto sana, maging mapanuri at tingnan ang kakayahang maglingkod at higit sa lahat, medyo ala "Juan Flavier", basta para sa akin, si Flavier ang tunay na pulitiko...walang bahid ng pagiging pulitiko..malinis ayon sa aking pananaw..hindi ko alam pero para sa puso ko..siya na 'yown. Let's DOH it...kilala mo ba siya Arvin? hahaha.

Tayong mga nabigyan ng mas "mataas na karunungan" pang-akademiko at higit na may kaalaman tungkol sa kalakaran ng ating bansa ay siyang dapat na gumagabay sa mga kababayan natin na hindi nabigyan ng karapatang makapag-aral at unawain o masaklaw ang karunungan dapat na nalaman din nila. Sila'y ang kadalasang bumuboto kesa sa ating nakapag-aral. paano na?

Sana naman. Sana naman, mapansin ang iyong tinig.

Makiisa. Pumili.

salamat sa iyong suporta. :)

Noblesse Key said...

naks naman..eto ang post na nakakabukas ng kamualatan sa mag tao para maging mapagmatiyag sa mag pangayayri sa lipunan para sa kaunlaran...

TAMBAY said...

bumoto na matalino at naaayon sa konsensya.

eden said...

Magbubutuhan na pala next year. Di ko alam. Thanks for this Arvs. Nice post.