Thursday, June 14, 2012

Angal Pinoy

"Winning is habit. Unfortunately, so is losing."

ANGAL PINOY
Ni: Arvin U. de la Peña

Likas na talaga sa mga Pilipino ang pagiging reklamador. Hindi matanggap ang pagkatalo. Sa nakaraang laban ni Manny Pacquiao laban kay Timothy Bradley ay marami ang hindi matanggap na siya ay natalo. Dahil kitang-kita sa laban na siya raw dapat ang panalo. Dinaya daw siya.

Sa mga umaangal sa pagkatalo ni Manny Pacquiao ay sana respetuhin niyo na lang ang kinalabasan ng laban. Pagkat noong laban ni Manny Pacquiao kontra kay Juan Manuel Marquez ay marami rin naman ang kumbinsido na talo dapat siya pero siya pa rin ang nanalo. Dahil doon na nanalo si Manny Pacquiao ay sumaya naman kayo. Pero ngayon na natalo siya dahil dinaya daw ay aangal kayo. Ang ganun na gawain na pag-uugali ay hindi maganda. Dahil gusto niyo ay kayo lang ang sasaya sa oras na may laban si Manny Pacquiao. Hindi niyo gusto na sumaya rin ang mga tao na nagnanais na malasap naman uli ni Manny Pacquiao ang pagkatalo.

Huwag kayo na maging makasarili. May damadamin din ang mga sumusuporta kay Timothy Bradleyna na kung siya ay natalo masasaktan din sila. Matuto kayo na magbigay ng kasiyahan para sa ibang mga tao.

Sa buhay hindi lahat ng tao ay laging malakas. Hindi lahat na magaling ay laging magaling. Naroon ang pagkupas para sa isang tao. Hindi naman sa kupas na ang galing ni Manny Pacquiao kundi may nag-iba na sa kanya ngayon pagdating sa pag boksing. Hindi katulad noon na mabilis siya. Minsan sunod-sunod kung sumuntok. At kung makatama talaga ng malakas ay bumabagsak ang kalaban. Pero ngayon ay hindi na. Nakailang beses din na tinamaan si Timothy Bradley pero hindi na knock out. Hindi dahil sa matanda na si Manny Pacquiao. Hindi rin dahil sa matibay si Timothy Bradley dahil ang mga nakaraan na kinalaban ni Manny Pacquiao ay matibay din naman. Kundi sadyang dumating na kay Manny Pacquiao na nag-iba na ang galing niya sa larangan ng pag boksing. At iyon ang dapat na intindihin. Hindi ang umangal.

32 comments:

Dhemz said...

tama! kaya accept the fact nalang...tapos na eh!

sensya at ngayon lang nakadalaw Arvin...thanks for dropping by always!

joy said...

Right. Life is like that.sometimes up, Sometimes down. Good to ser the positive things in life. Be happy for Those who win. There is as saying' may the best man win' . This time is not manny

Diamond R said...

May punto ka dito.Kailangan lang siguro gawing mas malinaw ang batayan sa pag bibigay ng puntos sa boxing kasi maraming naguguluhan.Ganon na lang ba yon? though wala naman tayong mapapala kung di ito tatangapin dahil di naman tayo ang lumaban malay ba natin sa mga napagusapan nila.halatang bitter much.

anney said...

Di sa lahat ng oras lagi nasa itaas diba? Siguro nga di talaga para kay Manny ang laban na to.

Anonymous said...

tama ka, karamihan talaga ng mga pinoy eh hindi kayang tanggapin ang pagkatalo, gusto lagi nasa taas

eden said...

That was controversial. But sana respetuhin nalang ang desisyon. Ganoon talaga ang buhay di lahat ay laging nanalo tayo.

Noblesse Key said...

AYOKO!!! dapat si Manny talaga ang nanalo!!! tsk! pati ba naman boxing hahaluan ng pandaraya dahil lang sa pera...

dapat tanggapin ang pagakatalo, pero dapat ipaglaban mo ang karapatan sa patas na paghatol!

Lady Fishbone said...

basta be proud to be filipino nlang... kahit talo sa manny, panalo pa din siya sa ating mga pilipino ^^

Unknown said...

for me, if you would look the stats of the fight, panalo talaga si pacquiao
kaya lang it was a fix game - pinasukan ng pulitika at negosyo ang laban nila ni bradley eh, watch out the november fight

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz.......oo nga..tapos na ang laban at hindi na puwede mabawi pa ang ipinarangal kay Bradley....kung gusto ni Pacquiao na mabawi ay mag rematch na lang....okey lang..

Arvin U. de la Peña said...

@joy...........dapat tanggapin talaga ang desisyon..hindi lahat ay nasa itaas ang pangalan ni Pacquiao sa tagumpay........makuntento siya na matagal din bago niya nalasap ang pagkatalo....sa sunod sunod niyang tagumpay ay tumaas ang presyo niya sa pag boksing....tumaas ang bayad....kahit natalo siya ay malaking halaga pa rin ang matatanggap niya..

Arvin U. de la Peña said...

@Diamond R........nabasa ko sa diaryo ang sinabi ng isang judge na pumabor kay Bradley ay hindi raw niya pinagbabasihan ang stats ng pag boksing...hindi raw siya doon nag base para sa pag hatol sino ang panalo.......hindi siya naging kumbinsido sa ipinakita ni Pacquiao kaya pumabor siya kay Bradley...

Arvin U. de la Peña said...

@anney........tama ka.....baka sa susunod na laban ay panalo na si Pacquiao.........kung matalo pa siya ay papalaos na siya.....

Arvin U. de la Peña said...

@T.R. Aurelius......salamat...ganun nga din sa American Idol....marami din ang hindi sumang ayon sa pagkatalo ni Jessica Sanchez...eh buti nga nakarating siya sa finals...talagang mahihirapan siyang manalo sa nagwagi kasi ang tao na iyon ay mula umpisa hindi nalagay sa posibilidad na puwedeng matanggal..save nga lang siya ng mga judge...

Arvin U. de la Peña said...

@eden............talagang controversial......ang promoter nga ng laban ay mag papaimbestiga daw...pero ang dalawang nag boksing ay pareho niyang hawak ang career.....

Arvin U. de la Peña said...

@Noblesse Key........hehe....may nagsasabi nga din na pinasukan ng mafia ang laban.........malaki kasi ang maipapanalo kung pupusta kay Bradley.....desisyon na iyon at hindi na mababawi pa.....

Arvin U. de la Peña said...

@Jessica.........at least sa laban na iyon muling nakilala ang ating bansa...ang mga pilipino...naipagmamalaki talaga si Pacquiao sa ating bansa kasi kilalang kilala siya halos buong mundo....

Arvin U. de la Peña said...

@reese.......gaya ng nasabi ko na nabasa ko sa diaryo na mula sa isang judge ay hindi niya pinagbasehan ang stats para sa pag iskor....may mga nagsasabi din na sadyang ipapatalo si Pacquiao para magkaroon ng rematch...at sa pag rematch ay mananalo si Pacquiao at dahil doon na pareho na ang iskor ng laban nila ay magkakaroon pa ng third fight.....pera pera na lang talaga.....

TAMBAY said...

sa mga nakapanood ng laban, sadyang nakalulungkot ang pangyayari. iba ang tingin ng tao sa TV kesa sa actual na laban, malay natin may nakitang puntos ang mga hurado na sa tingin nila ay tama. isa lamang yan sa hakahaka.

magkaganon pa man, tanggapin na lang natin na maluwag sa kalooban ang nangyaring pagkatalo ng pambansang kamao, diyan tayo kilalang mga pinoy. Bukod sa masayahing lahi, may kababaang loob din.

may susunod pa naman na laban. duon na lamang tayo bumawi :)

Mitch said...

Very sad and disappointed pero ganun talaga, may talo at may winner! at si Pacman pa rin yun para sa ating mga Noypi! Hmp! Laban lang ng laban... Papa ko tuloy, karamihan ng kalalakihan tinamad na tuloy manuod dahil sa nalamang pagkatalo niya.. ewan ko ba, Isang malaking sayang lang! Nag iiba ang pinoy pag si pacquiao na ang lumalaban!

sherene said...

Pareho tayo ng opinyon, marquez issue noon.
Ang ganda ng pagkakasabi mo, akmang akma sa mga nagbubulagan at masama pa ang loob sa pagkatalo ni manny. Aside na humina na ang performance niya, ay may pinaniniwalaan na kc siya ngayon, ang Bibliya.

Anonymous said...

hahaha tapos na ang lahat... hahaha

Arvin U. de la Peña said...

@ISTAMBAY............maraming salamat sa sinabi mo at naunawaan mo talaga ang kinalabasan ng laban.....opo hindi sa stats tumingin ang judge na pumabor kay Bradley.......sa susunod na lang na laban bumawi ng sa ganun ay muling mapatunayan na magaling talaga si Pacquiao.........

Arvin U. de la Peña said...

@Mitch........sadyang kung may laban si Pacquiao halos lahat ay nakatutok sa panonood ng laban.....higit sa lahat ay bumababa ang krimen.....ang nangyaring laban na ang nanalo ay si Bradley medyo nakakawalang gana ng manood ng boksing ang mga mahilig kasi akala nila ay laro laro na lang at pera pera ang laban na kung sino ang gustong magwagi ay siyang nagwawagi kahit dapat ay talo..

Arvin U. de la Peña said...

@sherene.........sa laban nga na iyon ay marami ang nagsasabi na panalo si Marquez pero talo pa rin.....kaya nga nais ni Marquez na kung maglaban sila uli ay sa lugar na niya ganapin ang laban....ang mga humahanga at umiidolo kay Pacquiao ay sadyang hindi matanggap na siya ay natalo.....

Arvin U. de la Peña said...

@KikomaxXx........tapos na nga at masaya pa rin si Pacquiao kasi malaki ang kinita niya sa laban kumpara sa nanalo.....

kimmyschemy said...

korek! hindi naman talaga pwedeng palaging win diba?

a visit from kim!

Colors and Grays said...

kahit pa magwelga ang madlang bayan dyan. hindi na mababago desisyon ng mga judges

Arvin U. de la Peña said...

@simply kim...........oo naman...kaya nga sa laro may panalo at talo.....nagkataon ngayon na si Pacquiao ay natalo........

Arvin U. de la Peña said...

@Lawrence............tama ka....napagdesisyunan na talaga at ang magagawa na lang ni Pacquiao para mabawi ang korona ay manalo kung mag rematch man sila..

outtacontroltroll said...

Manny Pacquiao is Done!!!

http://www.youtube.com/watch?v=7gYpQxd-LKU

Tal | ThePinayWanderer said...

awww, nawawala comment ko Arvs, pa-check sa spam box... :)