MANGINGISDA
Ni: Arvin U. de la PeñaSa isang maliit na isla ay isa si Mang Kanor na maituturing na mangingisda talaga. Kasi sa bawat araw ay nangingisda siya. Hindi katulad ng iba na bihira lang.
Si Mang Kanor ay nag-iisa lang sa buhay.Wala na ang kanyang asawa na noong malapit ng manganak at ililipat niya sa kabilang isla na doon ay may hospital ay hindi niya nasagip ng tumaob ang bangka isang gabi ng bigla ay lumakas ang alon.
Ang mga nahuhuling isda ni Mang Kanor ay binibenta niya sa mga kalapit na bahay. Kung walang perang pambili ay bigas na lang ang kapalit ng isda. Minsan naman ay utang lang muna para sa isda. At kung minsan na konti lang ang huli ay hindi lahat ng mga suki niya ay napagbebentahan niya ng isda. Sa ganun na paraan si Mang Kanor ay nakakaraos sa buhay. Nakakaipon pa siya ng kaunting pera. Araw-araw iyon ang gawain ni Mang Kanor basta wala lang bagyo dahil para sa kanya ay may obligasyon siya sa mga kababayan niya na kailangan niyang gampanan. Dahil kung hindi siya mangisda ay naiisip niya ang iuulam ng mga tao na pinagbebentahan niya ng mga isda. Lalo at may pagkamahal ang presyo ng karne at manok. Kaya sa kanilang isla si Mang Kanor ay kilalang-kilala.
Minsan isang gabi na medyo masama ang panahon dahil may paparating na bagyo si Mang Kanor ay nagpuwersa na mangisda. Hindi niya inalintana ang paparating na bagyo. Papunta pa lang siya sa laot para mangisda ay ayos pa ang panahon. Ngunit ng siya ay nasa gitna na ng dagat at nag uumpisang ihulog ang lambat ng bigla lumakas ang hangin. Kasabay din ng paglakas ng alon dahilan para tumaob ang bangka ni Mang Kanor. Sa sobrang lakas ng alon ay aksidenteng nahampas ang ulo ni Mang Kanor ng kanyang bangka.Dahilan para siya ay masawi sa dagat.
Kinabukasan ay nakita ang bangkay ni Mang Kanor sa dalampasigan. Napaiyak ang ilan lalo na ang mga malapit sa kanya. Nanghihinayang ang karamihan dahil wala na si Mang Kanor na laging nagbebenta ng mga huling isda sa kanila.
Dito sa mundo lahat tayo ay may obligasyon. Ngunit dapat din natin isipin ang ating sarili. Walang masama sa pagharap sa obligasyon basta hindi manganganib ang ating buhay. Iba pa rin kapag tayo ay nag-iingat.
47 comments:
nkakalungkot naman ang naging karanasana niya. ingat talaga ang pinakamahalaga sa lahat. pero minsan kahit anong ingat natin, kapag dadating ito sa buhay natin, alam natin itong harapin...
Sobrang nakakarelate much ako sa mga last lines mo, na kahit may obligasyon tyo minsan isipin naman natin ang ating mga sarili.
Kailangan mabasa ng aking asawa itong mga sinabi mo.
Slaamat...
nakaklungkot nmn yung story :(
Nakakalungkot naman ng ending.Ganoon talaga ang buhay we don't really know when our time comes.
Salamat sa dalaw.
What an awe-inspiring ending. Sometimes, we should think of ourselves first so that we could serve other better.
Really NICE!!!
Sad story pero nangyayari talaga sa totoong buhay ang mga ganyang aksidente.
nakakalungkot pero baka hangang dun nalang talaga sya :|
hi Arvin, ang ganda mong magsulat, sana may ganyan din akong talent. thank you for appreciating my blog. followed you back and keep on inspiring and writing. isang magandang araw!
tsk3. nakakalungkot. but of course, everything has to end. maybe sapat na ang nagawa nyang kabutihan kaya kinuha na sya ni Lord.
Naalala ko tuloy yung mga mangingisda na pumapalaot pa din kahit may bagyo. Marami sa kanila ang nasasawi.
:( sakit nun..
@Jessica..........yah...ito ay gawa ko lang na kuwento.........katulad ng mga iba ko pang sinulat na pawang mga imahinasyon lang...
@sherene................thanks....oo naman dapat ganun kasi tayo ay mayroon din pamilya at mga kamag anak....bago ang iba hanggat maaari ay isipin muna ang kapakanan natin.....kung ganun ay ipabasa mo sa asawa mo...
@KULAPITOT.............sad po talaga ang ending ng sinulat kong ito....ito ay mula lang sa imahinasyon ko na sinulat....
@eden............sad po talaga....iyon ang pumasok sa isip ko na para sa ending ng story....thanks for visiting again my blog.....
@Noblesse Key.....ang ibang mga tao ay ganun kung sila ay successful na sa buhay at may sapat ng pera na puwede itulong sa kapwa ay tumutulong na.........hindi dahil sobra sobra na ang pera nila kundi nais lang nila na maibahagi sa iba ang biyayang natanggap..
@anney...........siguro nga....dahil sa laot ay walang kasiguraduhan naman talaga.......baka biglay ay lumakas ang alon o kaya magkaroon ng ipo ipo....minsan din bigla ay nabubutas ang barko dahilan para lumubog.......sadyang may mga mangingisda na kahit medyo masama ang panahon o kaya maulan ay nangingisda pa rin..
@Christeen......malungkot nga at siguro sadya talaga iyon kasi nakaplano sa isip ko na ganun ang mangyayari sa main character..
@mathea..............maraming salamat sa pagtingin mo sa blog ko at sa sinabi mo........nakakainspire ang sinabi mo sa akin.....
@Orange Pulps..........ang lahat nga ay may katapusan..........siguro naman dahil wala na siya ay may papalit sa kanya na laging mangingisda at ibenta sa mga kalapit na bahay..
@Ishmael Fischer Ahab........bukod sa mangingisda ay kahit iyong barkong pampasahero ay nagpipilit pa rin na bumiyahe kahit masama ang panahon....ang iba tuloy lumulubog....
@KikomaxXx...........di ko sadya na may mga nakaramdam ng lungkot sa sinulat kong ito............
Thanks for the visit, Arvs. Have a great weekend.
nalulungkot ako dahil sa dalawang bagay:
una, dahil sa sinapit ni mang kanor, sobra syang masigasig
pangalawa, ang hirap i-load ng blog mo kapatid! ha ha ha
pero pwera biro, twing dadalaw ako dito mahirap syang i-load, check mo naman para lalo namang mapadalas ang pagdalaw dito. salamat :)
Kalunkot ng story, but may aral. Thanks for sharing.
akala ko maganda ung ending, kasi ginagampanan niya ang kanyang obligasyon, pero nasawi pala siya, nakaklungkot naman.
tama, may obligasyon din tayo sa sarili na tin.
:(
ang lungkot but I suppose these things happen...
Hi, Arvs..
Salamat sa dalaw..
Nakakalungkot naman tong kwento mo kay mang kanor, napabuntong hininga ko rito ha, hay.
Such a real life sad story...galing!
@eden............walang anuman iyon....salamat din sa palagi mong pagbisita sa blog kong ito......
@Balut............malungkot nga ang istoryang ito lalo na sa huli....tungkol naman sa sinasabi mo na mahirap iload ay hindi ko alam bakit ganun sa computer o laptop mo....baka naman nagkakataon lang na mahina ang internet connection sa oras na nais mong puntahan ang blog ko........hindi ko rin alam kung ang mga snowflakes ang dahilan para mahirap mong ma load ang blog ko....
@joy..........sa bandang huli ng sinulat kong ito ay naroon nga ang aral para sa mga tao.....salamat sa sinabi mo...
@CHEEN.........aakalain talaga ng magbabasa na maganda ang pagtatapos...pero sa isip ko ay iyon ang dapat na wakas ng kuwento.....minsan talaga unahin muna natin ang ating sarili para sa iba..kasi minsan hindi rin naman tayo nakakasiguro kung tayo ang mangailangan ng tulong ay tutulungan tayo....
@wRey and RObbY......thanks...ganun ba....kung ganun ay masyadong matulungin ang nanay mo na mas iniisip pa niya ang kanyang dapat na matulungan kumapara sa sarili niya...mabuti rin naman ang ganun pero masakit kung siya naman ang humingi ng tulong tapos hindi tulungan.....siguro kung may humihiram ng kung ano sa nanay mo ay nagpapahiram siya....kagaya ng pera,hehe...
@Mai Yang...........kumusta ka na....paganda ka ng paganda,hehe....
@Kristeta..........opo, sadyang may mga pangyayari ng ganun....may mga mangingisda talaga na kahit masama ang panahon ay nagpipilit mangisda kasi kailangan din nilang kumita ng pera.....kung madami silang pera ay hindi sila mangingisda kung masama ang panahon kasi manganganib ang buhay nila..
@Yen.............salamat.....at ito ay gawa gawa ko lang.......
@Sunny Toast.........maraming salamat sa sinabi mo....masusundan pa ang mga pagsusulat ko ng mga kuwento na gawa gawa ko lang..
may hangganan ang obligasyon ng abawat isa sa atin. hindi masama akuin ang mga responsibilidad pero dapat maglaan din naman ng para sa sarili.
Inspiring, pero nakakalungkot! Nabisita dito =)
Hi, Arvs,
Just dropping by,,,
ako'y nagbalik upang magpasalamat sa pagsagot mo sa aking katanungan (palagay ko nga yung "snow" ang dahilan :(
at isa pang dahilan, upang ihatid na ikaw ay nagawaran ng "award" dito:
http://balutmanila.blogspot.com/2012/06/versatile-blogger-award.html
Nakakaiyak naman ang ending pero gaya ng sinasabi ng karamihan dito we should take care of ourselves first before we take care of the others.
Thanks for visiting my blog. :)
Ang galing talaga ng imahinasyon mo Arvs marami ang nakarelate. Ang tanong meron pa kayaang katulad ni Mang Kanor dito sa napakagulong mundo natin ngayon?:)
good post!... galing mo din mag sulat ng tula... ipag patuloy po!
Post a Comment