Saturday, September 29, 2012

Daang Matuwid (by request)

Itong post kong ito ngayon ay pagbibigay daan para sa request ng isang kaibigan din na blogger sa mundo ng blog. Una po siyang nagparamdam sa by request portion ng blog ko sa post kong Sana'y Laging Magkapiling (by request). At pagkatapos sa post kong Araw (by request) ay nagsabi ulit siya. Narito po ang dalawang comment niya sa dalawa kong post na iyon. At ang blog niya ay http://jhoweiyne.blogspot.com/

Blogger Joanne ;p said...
pwede pa lang by request dito? pero next time na lang, mukhang maraming nakapila e! :)

July 7, 2012 4:51 PM


 Blogger joanne said...
Daya mo, ako ang tagal ko na din nag-request ah? haha, inggitera lang! :D

September 26, 2012 1:31 AM





DAANG MATUWID (by request)
Ni: Arvin U. de la Peña

Isinulat sa papel
Inunawa ng lahat
Nakasulat sinunod
Lahat ay di lumabag.

Problema naiwasan
Nawala ang sigalot
Hustisya naging pantay
Pag-asa ay nakamit.

Pagtulong pinaramdam
Humihingi nabigyan
Kailangan ay anuman
Pamahalaan mayrun.

Pera may napuntahan
Lungsod naging maunlad
Korapsyon ay natigil
Sagana mamamayan.

Batas ayaw labagin
Ramdam ng taumbayan
Ang daan na matuwid
Tagumpay nating pinoy.
Delete

16 comments:

joanne said...

Hahaha, napaghahalatang makulit ako! Thanks Arvs!!

Short but meaningful yun tula.. Reminded me of Noynoy nun kampanya mode pa siya.. Hopefully nga e mapagtagumpayan naten ang daang matuwid na yan..

Thanks ulet! :D

Balut said...

Uy napagbigyan din si Juana!

... at ang lalim Arvs, di ko maarok :)

eden said...

Nice poem. Yan ang hinahangad natin,ang daang matuwid, sana mapagtagumpayan natin.

Anonymous said...

very nice very nice :))

Lady Fishbone said...

mahusay! BOW!

hehe.

anney said...

Napakagandang tula para sa isang napakagandang dilag!

Pink Line said...

wow si twin sis naman ngaun..galing ng tula :)

KULAPITOT said...

akala ko kung sinong magnda si joanne pala ..
bagay sa knya yung tula hahahah :)

nice arvs!

joy said...

Wow, galing mo talaga tumula. Makata ka talaga.

Jag said...

Sana nga makamtan natin ang tagumpay...

Noblesse Key said...

Di ko alam kung bakit ako natawa...basta natawa ako...wahahahahahahah

fiel-kun said...

Woohoo! as always, ganda lagi ng mga isinusulat mong mga tula dito parekoy :)

http://fiel-kun.blogspot.com
http://fiels-inner-sanctum.blogspot.com/

eden said...

thank you for the visit.

TAMBAY said...

hindi yata pumasok ang aking komento. hala naman :)

ang daang tuwid ay unti unting bumabaluktot dahil sa pagkakatatag ng isang batas na bubusal sa ating tinig.

:)

Genskie said...

Kelan kaya natin makakamit to?

Ishmael F. Ahab said...

How I wish na daang matuwid nga ang tinatahak ng bansa natin ngayon.