Wednesday, October 3, 2012

Cybercrime Law


CYBERCRIME LAW
Ni: Arvin U. de la Peña

Mainit na usapin ngayon ang tungkol sa pagsasabatas ng Cybercrime Law dahil sa pagkakasingit ng libel. Hindi nga naman tama iyon. Dahil labag sa saligang batas under bill of rights. Higit na masakit ay dahil mas mabigat pa ang magiging kaparusahan sa ilalim ng Cybercrime Law sa libel case kumpara sa nasa saligang batas.

Ninais ni Ninoy na mapatalsik si Marcos para din maging malaya ang mga Pilipino. Magkaroon ng freedom of expression, freedom of speech. Nagtagumpay iyon ng mapatalsik si Marcos at maging pangulo si Cory. Bumalik sa pagiging demokrasya ang bansang Pilipinas. Ngayon nasaan ang pagiging demokrasya ng ating bansa kung mayroon Cybercrime Law na puwede doon makasuhan ng libel. Kung buhay lang si Ninoy at Cory siguro hindi iyon matutuwa na pinirmahan ng anak nila na pangulo ng bansa para maging ganap na batas ang Cybercrime Law.

Tuwid na daan ganun ang sinusulong ng kasalukuyang gobyerno, ang gobyerno ni Pnoy. Ngunit tuwid na daan ba ang pagkakatatag ng Cybercrime Law? Hindi ang sagot, dahil sa baluktot na daan iyon. Pagkat masyadong naging madali ang Cybercrime Law kumpara sa RH Bill o kaya ang Freedom of Information Bill na mas nauna pa pero hanggang ngayon hindi pa nagiging batas. Mabilis na naisabatas ang Cybercrime Law, kasingbilis ng kidlat. Kung gusto na maging batas ay madali maaprubahan pero kapag hindi ay mabagal. Ganun ba ang tuwid na daan? Kung nasa tuwid na daan ang Cybercrime Law ay hindi masyadong marami ang kokontra.

Dito sa Pilipinas masyadong marami ang gumagamit ng computer. Masyado ring marami ang may facebook. Kung mag like o share ka sa post na libelous ay kasama ka ng makakasuhan. Ano pa kaya kung mag comment ka. Paano pa kung hindi naman ikaw ang nag like, nag share, o kaya nag comment kundi ay ginamit lang ang pangalan mo. Ikaw ang madidiin o makakasuhan sa kasalanan na hindi mo naman ginawa lalo kung maimpluwensya ang kalaban. Hindi yata napag aralan ng mabuti para iyon maging batas.

Masyadong mahigpit ang batas na iyon. Hindi maganda para sa isang demokrasya na bansa. Daig pa ang Martial Law ng batas na Cybercrime Law. Ayaw ni Ninoy at Cory ng Martial Law pero gusto yata ng anak nila na si Pangulong Noynoy Aquino ng Martial Law ngunit sa ibang paraan nga lang.

17 comments:

fiel-kun said...

Hopefully, ma repeal na tong cyber crime law. Let's wait and see on days to come.

Saka sana next time na may bill na isasabatas, ang payo ko lang sa mga senador at kay P-noy, basahing mabuti ang nilalaman. Wag basta pirma ng pirma. Para hindi pagsisihan sa huli. Oh ngayon tingnan mo, kanya-kanya na silang naghuhugas kamay. Grabe, nakakahiya lalo pa at alam na din ng ibang bansa ang nangyayari sa atin ngayon.

Dhemz said...

ayay, nasaan ang hustisya....grabi na talaga ang pinas...ang higpit!

joy said...

Interesting to read about this law. Buti there are people like you who voice out for the right.

Anonymous said...

Remember your post before about OFWs? If this law was implemented at the time, malamang nasa kulungan ka na. LOL. Dami kasing balat-sibuyas puro comment lang hindi marunong magrebuttal. Pinipersonal agad ang article.

Genskie said...

parang martial law na nga... suppressing the freedom of speech... kung ang batas na to ay matagal na palang ipinatupad malamang nasa kulungan na ang karamihan hayssss

Archieviner VersionX said...

Babalik paba ako sa Pinas dahil sa ganyang batas? Sana maamend na yan :)

Lady Fishbone said...

hayss... wag nila ipagkait ang kalayaan anting mga Pilipio para mamahayag... :C

Balut said...

ang direktang maapektuhan nyan ay tayong mga bloggers...

joanne said...

To be very honest, hindi ko pa nabasa kung anu-ano talaga ang sakop nun batas na yan, at hindi rin ako expert sa law..

If ginawa siya to promote, responsible online posting, perfect. Pero if it was intended to suppress freedom of speech, sana nga ma-ammend..

KULAPITOT said...

but on the other side may magnda nmn din itong naiidulot sa atin just removed the libel keme

Sam D. said...

Ai nakakalungkot ang nangyayari diyan sa ating bansa ngayon parang nagiging martial law na ulet. Musta Arvs

TAMBAY said...

kulay itim ang profile pic ko sa FB, nakikiisa sa protesta laban sa cybercrime law.

masyadong mapanikil ika nga. bumubusal sa bibig ng malayang pahayag.

No to cybercrime law.

eden said...

I am very behind kasi sa mga news sa Pinas kaya ngayon ko pa ito narinig

vic said...

There is already a law that infringed with the Freedom of expression under the revised penal code, The Criminal offense of Libel and Slander... And the Question here is: Was that limitations that infringe on the guaranteed Bills of Rights can be Justified in its objective proportionate to the infringement ? Yes or No. My answer is No. Libel and Slander is a Tort not a Criminal Offence. Was the inclusion if libel in the Cyber crime law Arbitrary ? Yes or no. It is and therby it is unconstitutional. Arvin,, every rught guaranteed by the bills of rights has been infringed or been reasonably limited. That is a fact. But what is the Test of the Legislators to measure that the limitations are consistently within the Parameter of the Constitution???

For Reference and topic for legal discussion, I Suggest to take a Good Look at the Legal Test arising from the Precedent Test case ...R vs Oakes. This Legal test is applicable to any setting except perhaps the USA. It's been lauded by the Legal Community as the acid test for the Courts to Strike out unjust and unfair law and for the Legislators to Measures their proposed act before giving the GO. and the Public and Legal community as base for protest or legal battle.

Julie Ann Lozada said...

#notocybercrimelaw

haw naku, don't know what to say all i know is... naiinis ako sa batas na yan!

It’s a GIRL Thing

Unknown said...

thumbs up!
sama ka sa protest sa oct 9!

Allan P said...

Sana bumangon mula sa hukay si Ninoy at Cory para mabatukan nila si Noynoy. Such a shame!

Anyways, Added your links on my bloglist on my sidebar.
http://allanistheman.blogspot.com/