Wednesday, September 5, 2012

Saksi (by request)

Bago po dito ay lahat ng napagbigyan ko sa by request portion ng blog ko ay puro tula ang naisulat ko para sa kanila. At ito ang unang pagbibigay daan para sa request ng isang blogger din na kuwento ang handog ko. Ginawa niya po ang pag request sa post kong Dukha (by request). Narito po ang sinabi niya at ang blog niya ay  http://www.theluckyblog.info/




Blogger Balut The Lucky Blogger said...

congratulations Arvin for another beautiful piece, napakaganda kahit napaka-lungkot nga lang...

lucky jessica that u granted her wish, ako naman sa susunod ha :)

August 25, 2012 6:36 PM

SAKSI (by request)
Ni: Arvin U. de la Peña

Pagtitinda ng diaryo ang hanapbuhay ni Manuel. Araw-araw ay ubos ang paninda niyang diaryo. Hindi umaabot ng tanghali ay nasa kanilang bahay na siya at may dalang pagkain para sa ina niyang maysakit. Sila na lang dalawa ang magkasama dahil iniwan sila ng itay.

Sa dalawang daan na kita niya sa pagtinda ng diaryo ay sapat na sa kanya. Nasa bahay na lang siya kung tanghali nagpapahinga. At para rin may kasama ang ina niya.

Minsan isang umaga habang papunta siya para kumuha ng mga diaryo ay nakasaksi siya sa pagpatay sa nasa mercedes benz na sasakyan. Kitang-kita niya na habang mahina ang takbo ng mercedes benz ay bigla pumagitna ang isang toyota innova at bumaba ang dalawang lalaki at barilin ang mga nasa loob ng mercedes benz. Namukhaan niya ang isang bumaril at tinandaan ang plate number ng umalis ang toyota innova.

Agad-agad ay may mga nagresponding pulis. Marami ang umusyoso sa dalawang binaril. Isang lalaki at babae na nasa hustong gulang na. Nagtanong ang mga pulis kung sino ang nakasaksi pero walang sumasagot. At paglipas ng ilang sandali ay umalis na si Manuel para kumuha ng mga ibebentang diaryo. Habang nagtitinda ng mga diaryo si Manuel ay balisa siya kung sila sino ang pinaslang. Nang maubos ang mga diaryo ay pumunta si Manuel sa pinagkukunan niya ng mga diaryo para bumayad. At doon ay usap-usapan na ang pinatay ay anak ng Senador at Congressman. Anak ng Senador ang lalaki at anak naman ng Congressman ang babae. Magkasintahan ang dalawa. Baka raw selos ang dahilan kung bakit sila ay pinaslang.

Kinabukasan ay laman ng mga pahayagan ang nangyari. Anak ng mga prominenteng tao pinaslang. Ang masakit pa malapit na raw ikasal ang dalawa. Gusto ni Manuel na magkaroon ng hustisya ang nangyari. Pagkatapos maubos ang mga diaryo at makabayad sa pinagkukunan ng mga diaryo ay agad umuwi siya sa kanilang bahay. Pagkatapos kumain ay nagpaalam siya sa ina na aalis muna.

Sa pulisya ay isinalaysay niya ang nangyari. Tinawagan ng pulis ang mga magulang ng biktima dahil may testigo na. At agad naman na dumating. Sa mga tinanong ng pulis at ipinakitang larawan ng mga suspek at naituro ni Manuel ang bumaril. Anak ng isang negosyante. Ang kasamang isa ay hindi niya namukhaan. Sinabi rin niya kung anong plate number ng Toyota Innova. At na confirm sa pagberika sa LTO na anak nga ng isang negosyante ang may ari ng sasakyan.

Naging kredible witness si Manuel. Pansamantala siyang pinatira at ang ina niya sa bahay ng Senador. Naging laman ng mga pahayagan si Manuel lalo na ng mag umpisa ang kaso. "Dating nagtitinda ng mga diaryo, ngayon laman ng mga pahayagan." Hindi si Manuel nagpatalo sa mga tinanong sa kanya ng abogado ng akusado. Kahit ano pang panglilito para hindi siya paniwalaan sa korte. Kampante lang siya habang tinatanong. Pawang katotohanan ang lahat ng mga sinabi niya sa korte. Hanggang sa mahatulan ng korte ang anak ng negosyante at ang kasama. Labis ang pasasalamat ng mga magulang ng biktima kay Manuel dahil nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang anak.

Naipagamot ng Senador ang ina ni Manuel sa sakit at sila ay binigyan ng malaking halaga ng pera. At sinabihan sila na kung may kailangan man ay pumunta lang sa bahay dahil handang tumulong.

Ang buhay natin ay hindi pang habang buhay. May araw na tayo ay mamamaalam sa mundo. Habang tayo ay buhay dapat gumawa tayo ng kabutihan sa kapwa. Huwag matakot na maging saksi sa nakita na hindi maganda lalo na kung krimen ang insidente. Dahil ang pagiging saksi ang siyang magiging tulay para sa katarungan. Dahil kung hahayaan lang natin sila sa kanilang ginawa na hindi makatarungan ay gagawin pa nila ulit iyon sa iba.
Delete

33 comments:

Genskie said...

hindi lahat ng tao sa mundo ay gaya ni Manuel... maaaring mapangunahan sila ng takot at hindi na lamanb maki alam. Napaka tapang nya at dahil sa kanyang ginawa sya ay nabigyan ng pag papala :)

joy said...

maganda ang aral and I love happy ending story:)

fiel-kun said...

Aww... ang ganda naman nito parekoy. Star witness si Manuel ^_^

keep on writing this kind of story, *thumbs up*

sherene said...

Tama si Genskie hindi lahat ng tao prang Manuel na handang tumestigo at panindigan ang katotohanan.
Wish ko lang lumabas din ang ibang saksi sa pagkamatay ng aming ama at tulungan kaming tuntunin ang hustisya.
Ganunpaman, natutuwa ako sa ending, just been served.
Sana ganun din kami in the end..

KULAPITOT said...

matapang tlga si manuel.. dapat gnun din lhat ng tao sa mundo mging mtapang at hndang mgsabi ng puro katotohann lng...

dapat di takot at may pnindigan...

arvin kaw na! hihihi

joanne said...

Hanga ako sa tapang at paninindigan ni Manuel, at happy ako kasi maganda yun ending..


P.S. Lakas maka-emo ng "til my heartaches end", haha, hindi ako makapagsulat sa tag board mo e

eden said...

Another nice poem, Arvs. Weel-wrttien at ang ganda ang aral.

Lady Fishbone said...

nice nice nice :)

Arvin U. de la Peña said...

@Genskie..........tama ka sa sinabi mo....hindi nga lahat ng tao ay kaya magsiwalat ng katotohanan sa nasaksihan......iyon ay dahil sa takot at banta para sa kanila....hindi biro ang maging testigo lalo na kung maimpluwensya ang kalaban...

Arvin U. de la Peña said...

@joy............salamat sa sinabi mo....ito ay gawa gawa ko lang ng kuwento...............sadyang sinadya ko na maging ganun ang katapusan ng istorya...

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun..........yup, sumikat ang pangalan niya dahil sa pagiging witness......may natulungan siya na makamit ang hustisya at sila din ay natulungan.....

Arvin U. de la Peña said...

@sherene.........nakakalungkot naman ang sinabi mo na hanggang ngayon ay wala pa ring justice para sa nangyari sa ama mo...hindi ko alam ano ang tunay na nangyari kung bakit nagkaganun pero sana ang may alam ay makipag ugnayan sa inyo.....huwag itago ang nalalaman.....para naman maparusahan ang may sala..

Arvin U. de la Peña said...

@KULAPITOT............kung ang lahat ng tao ay katulad niya ay marami sanang tao ang nakamit na ang hustisya......bihira na lang ngayon ang tao na ang ugali ay katulad ni Manuel.....

Arvin U. de la Peña said...

@joanne.............sa totoong buhay ay may ganun din talaga na tao na hindi takot na maging testigo......siguro ay paborito mo ang kanta na iyon......hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@eden............thanks po sa iyong sinabi.....ang mga ganun na salita ay nakaka inspire talaga sa akin na magsulat pa ng mga kuwento....

Arvin U. de la Peña said...

@Jessica...........salamat sa sinabi mo..kumusta ka na...

Unknown said...

that's nice of manuel to become a witness...
aba, mahirap maging witness lalo na kung nasa poder o gobyerno ang kakalabanin
iyong mga victims ng extra-judicial killings tulad ng nangyari kay jonas burgos at iba pa, ang mga witness ay nakaranas ng matinding harassment mula sa gobyerno kaya ang iba ay umaatras na lang...

w0rkingAth0mE said...

Hanga ako kay Manuel kasi hindi naman lahat ay may lakas ng loob marami mga saksi ang pinipiling manahimik na lamang para hindi masangkot, sana nga lahat ng mga ganitong pangyayari ay nabibigyan ng hustisya at meron mga testigo lagi na handang ilabas ang katotohanan.

eden said...

Have a great weekend, Arvs!

Jag said...

Bayani kung matituturing si Manuel at kahit mapanganib ang paglabas niya para maging satr witness ay hindi niya ininda ang takot mabigyan lamang ng hustisya ang pamamaslang...

anney said...

Nice poem! I love the ending!

Arvin U. de la Peña said...

@reese..........hindi lang iyon....pati rin ang mga witness laban sa mga Ampatuan ay unti unti na rin na umaatras.....talagang takot sila sa mga Ampatuan na masama talaga.....

Arvin U. de la Peña said...

@wOrkingAthOmE......ang tulad ni Manuel ay kahanga hanga talaga...kasi hindi niya inalintana ang maaaring mangyari kung siya ay maging witness.....ang nasa isip niya talaga ay magkaroon ng katarungan ang nangyari....sa ngayon ay bihira na lang ang tao na katulad niya.....

Arvin U. de la Peña said...

@eden............ganun din po sa iyo....salamat sa muling pagbisita sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag.........tama ang sinabi mo.....isa siyang magandang ehemplo para sa mga tao....dito sa Pilipinas ay marami ang kaso na hindi nalulutas dahil hindi nakikipag cooperate ang saksi sa mga pulis....

Arvin U. de la Peña said...

@anney.........thanks...kumusta ka na po...

Kim, USA said...

Ganda naman nang music dito. ^_^

Salamat sa bisita Alvin!!


Kim,USA

Mel Avila Alarilla said...

Napakagandang istorya na may moral lesson pa. Hindi mo panghihinayangang tapusin ang kwento dahil madrama at makabuluhan ito. Sa pamamagitan nang iyong mga tula at kwento ay nakakatulong ka sa mga mambabasa mo na magkaroon nang inspirasyon. Salamat sa inspiradong lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

McRICH said...

Ui happy ending gusto ko yan apir!

Noblesse Key said...

Being a reporter in newspaper before, coming up with a paper every day is no easy job.

I really like the deep of this story. And the photo was just as striking.

Another master piece Arvs!

hash purcia said...

sana lahat ng nakasaksi tulad ni manuel.. kaso ung iba natatakot sila baka sila ang balikan, lalo kung di makapangyarihang tao ang may gawa..

but i love the story..

www.forcehash.blogspot.com

Balut The Lucky Blogger said...

Hi Arvin,
Siguro nagtataka ka bakit di ako nagko-comment ano :) Actually, I saw this post since u left the comment on my blog. I was just speechless when I saw this kaya hindi pa ako maka-comment :)

THANK YOU very much for this post. I really appreciate it and as part of my appreciation,I created a link from my blog about this.

MARAMING SALAMAT ulet and of course congratulations for another great piece! :)

Jondmur said...

Mahusay! Thumbs up ako sa husay ng kwento!