Saturday, December 8, 2012

Pasko Sa Kulungan

PASKO SA KULUNGAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa abot ng makakaya ay pilit na binubuhay ni Elizalde ang kanyang pamilya. Mula sa pagiging kargador sa palengke ng mga panindang gulay o ano pa hanggang sa pamamasada ng de padyak na tricycle. Ang halos dalawang daan na kita bawat araw ay pilit niyang kinakasya para sila ay mabuhay. Ang asawa niya na walang trabaho at ang dalawang anak niya na ang panganay ay pitong taong gulang at grade one at ang bunso na limang taon na hindi pa nag aaral.

Umagang-umaga pa lang ay gumigising na si Elizalde para pumunta sa palengke. Muling babalik sa kanila na may dalang tinapay. Aalis para mamasada ng tricycle at muling babalik ng tanghali na may dalang pagkain. Pagkatapos manghalian at makapahinga ng konti ay aalis uli at babalik ng gabi. Ganun lagi ang buhay sa araw-araw ni Elizalde. Ngunit kailanman ay hindi siya nagreklamo. Tinitiis niya ang hirap at pagod para sa kanyang pamilya.

Minsan isang gabi ay kumakain sila ng pagsabihan siya ng kanyang panganay na anak na sana sa pasko ay ibili ng bagong damit at sapatos para maisuot sa pag-aaral at ang bunso ay humiling na ibili ng bagong laruan. Para masiyahan ang mga anak ay nangako siya na ibibili kahit hindi siya sigurado na magkakaroon ng pera. Naantig ang damdamin niya ng makitang ngumiti ang dalawang anak.

Papalapit na ang pasko ay wala pa rin siyang pera na pambili para sa ipinangako sa dalawang anak. Nang tanungin siya ng kanyang dalawang anak ay sinabi niya na lang na ibibili talaga para hindi malungkot.

Bisperas ng pasko ay wala pa rin siyang pambili para sa ipinangako sa mga anak. Gabi ay umalis siya para mamasada ng tricycle. Nang may sumakay sa kanya na matandang babae at nakita na maraming pera ay hinoldap niya sa madilim na kalsada. Nang makuha ang pera ay agad pumunta sa mall at bumili para sa kahilingan ng dalawang anak.

Tuwang-tuwa ang dalawang anak niya pag-uwi na dala ang pangako at may pagkain pa. Kahit paano, galing man sa masama ang pera ay nasiyahan si Elizalde dahil napagbigyan ang hiling na kanyang dalawang anak.

Araw ng pasko, nasa bahay lang si Elizalde. Lingid sa kaalaman niya nakilala siya ng matandang babae na hinoldap niya dahil nagtanung-tanong at pumunta pa sa presinto para humingi ng tulong. Hindi na nagtaka si Elizalde ng may dumating sa bahay nila na mga pulis kasama ang matandang babae na hinoldap niya. Ipinaliwanag ni Elizalde kung bakit niya nagawa iyon. Pero kahit anong paliwanag niya at babayaran na lang paunti-unti ay hindi siya pinakinggan ng matandang babae. Kahit pa nagmakaawa siya pati ang asawa at dalawang anak. Kailangan daw niyang pagbayaran ang kanyang ginawa. Walang nagawa si Elizalde kundi tanggapin ang magiging kaparusahan. Inihabilin na lang ni Elizalde ang kanyang pamilya sa kanyang kamag-anak dahil ulila na siya sa magulang at wala pang kapatid. Nakulong si Elizalde sa araw ng pasko.

Sa buhay, minsan nakakagawa tayo ng hindi kanais-nais. Labag man sa kalooban ay kailangan natin gawin. Hindi para sa ating sa sarili, kundi para sa ating mahal sa buhay. Iyon ay dahil mahal natin sila.

26 comments:

joy said...

Kalungkot ang story, pero eye awakening. Yes, marami ang pueding pasayahin ngayong pasko just giving something to those who cannot give back in return.

Archieviner VersionX said...

Nakakalungkot :'( Sana'y wala nang ganito. Sila ang dapat din tulungan ngayong pasko.

fiel-kun said...
This comment has been removed by the author.
fiel-kun said...

Kahit saan anggulo mo tignan ay maling mali ang ginawa ni Elizalde. Pero diba kung isa kang ama, ay gagawin mo ang lahat para lang sa iyong mga anak. Minsan nga lang napapariwara at kulungan ang kinahahantungan. /sniff

Jag said...

Dahil sa kahirapan nakakagawa ng krimen ang isang tao :(

SunnyToast said...

susch a sad story but by opening our hearts we can give and help:)

thank you for reminding us the real meaning of christmas! galing!

Lalah said...

there u are again mr. arvin!! hehehe its always been so deep whenever i come to read ur blog hahaha merry xmas in advance!!

Pinch of thoughts said...

sad story sana lang fair ang mundo at wala talagang ganitong kwento. a story will remain a story na lang sana. kumusta bro? happy holidays!

Balut said...

ang lungkot kapatid...

Jondmur said...

Nakakalungkot nga ang nangyari... minsan ganyan talaga.... sa pagmamahal nakakagawa ng masama... pero mali pa rin dahil sa paraang ginawa niya..

Pero di mo rin masisisi dahil sa sobrang kahirapan sa buhay... at hangad na maibigay ang lahat sa kanyang pamilya...

Anonymous said...

Saludo kay Eli kasi ginagawa niya ang lahat para sa kanyang pamilya. Ito ang realidad na ating mga mahihirap na kababayan. Ngunit, kahit tama ang ating layunin, ang mali ay mali pa rin.

Spanish Pinay said...

Sumakit naman ang puso ko sa kwento na ito. Sana maraming sumaya sa araw ng pasko.

Spanish Pinay

sherene said...

Nakakalungkot:(
Sana maraming bata ang mapasaya natin this xmas.

Tal said...

nakakalungkot naman ang kwento na ito pero nangyayari talaga ito sa totoong buhay.

siguro dahil di pa ako magulang kaya pwede kong masabi na mali ang ginawa nya, na dapat ay ipinaliwanag nya na lang ng mabuti sa kanyang mga anak ang kanilang sitwasyon at di kakayanin ang bumili ng bagong damit o laruan.

pero sa dami ng mga kaibigan at ka-opisina ko na magulang na at sa nakikita ko, ginagawa din nila lahat maibigay lang sa anak ang kanilang mga hiling, kesehodang magkabaon-baon sa utang at mamorsyento, maibigay lang ang hiling ng anak. iba siguro talaga kapag anak na ang humiling, iba ang pakiramdam kapag magulang ka na.

anyway, maligayang pasko Arvin. :)

Noblesse Key said...

Tsk! wooohoooo!!! ang lungkot naman...di bale, may nest year naman para magbagong buhay!

Dhemz said...

this is really a sad story....you know people do some mistakes lalo na pagkapos...namamasko lang!

joanne said...

Ang lungkot naman.. mahirap siguro talaga para sa isang magulang na hindi maibigay ang hiling ng anak, pero mas mabuti pa rin yung sabihin sa kanila yun totoo at ipaliwanag kung bakit hindi pwede yun gusto..

KULAPITOT said...

kung hahantong man ako sa point na ganito , i mean kung ako ung nasa character .. gagawin ko din yung ginawa niya .. pramis!

eden said...

Hi Arvin!

Salamat sa dalaw!

xoxo_grah said...

sad story naman un...sana mas masaya na lang ung pamilya sa pasko..:)


xx!

Anonymous said...

nakakalungkot to...

hays life :(

anney said...

An eye opener! Such a sad story.

Unknown said...

Nakaaantiog ang iyong kuwento. Sabihin na nating pagmamahal ang nagtulak sa ama para magnakaw pero mali pa rin 'yun.

joy said...

Dropping by again to say hello and thank you for the visit. By rhe way, I published what you written for me in my blog before my last post titled" they really made me cry". Hope it is ok for you. Have a nice day:)

eden said...

Sorry the last time I visited here Arvs di ko na nabasa ang new post.

Nakakalungkot naman. Sana huwag na niyang gawin yan. mali pa rin ang ginagawa niya kahit para yan sa mga mahal niya sa buhay.

Sam D. said...

Hello Arvs! Salamat sa palagian mo pa rin pagdalaw sa blog ko kahit hindi ako nakakapag-update lagi. Maligayang pasko at manigong bagong taon saiyo at sa buong pamilya mo.