"Ito po ang last post ko ngayong taon. Maraming salamat sa lahat na kaibigan worldwide dito sa blog. Kita kits tayo sa susunod na taon."
PANGGULO NA KANDIDATO
Ni: Arvin U. de la Peña
Halalan
na naman sa susunod na taon. Siguro sa inyong lugar kung saan man kayo
alam niyo na kung sila sino ang mga kandidato. Higit sa lahat alam niyo
na rin kung sino ang kandidato para sa inyong lugar na maituturing na
panggulo.
Panggulo na kandidato, ano nga ba iyon? Ang panggulo na
kandidato ay kandidato na angkop lang para sa
isang lugar na kinaiinisan na ang kasalukuyan na namumuno dahil hindi
maganda ang pagserbisyo at maraming isyu tungkol sa katiwalian. Lalo na
patungkol sa pangungurakot o pagnanakaw sa pera ng bayan. At dahil doon
ay may tatapat sa halalan na malakas ang karisma at malaki ang
posibilidad na manalo kung mag one on one lang. Ngunit iyon ay maaaring
hindi mangyari dahil sa pagtakbo rin sa halalan ng isa pa. At iyon na
nga ang
panggulo na kandidato. Kung bakit tumakbo sa halalan ay dahil gusto na
manatili lang sa poder ang kinaiinisan na namumuno o kaya dahil sa
binayaran.
Hindi makabayan, walang pagmamahal sa bayan. Ganun ang
panggulo na kandidato. Sarili lang niya ang iniisip. Dahil kung mahal
niya ang bayan, mahal niya ang mga naninirahan ay hindi siya tatakbo sa
halalan para magtatlo ang kandidato o kaya hindi niya ipagbibili ang
kanyang kandidatura.
Nakakainis, nakakasuklam ang panggulo na
kandidato dahil siya ang magiging dahilan para hindi mag-iba ang
administrasyon sa lugar. Hindi nga naman maganda kung ang boto ay
mahahati pa. Pabor ang pagtakbo ng panggulo na kandidato para sa
kinaiinisan na kandidato lalo na kung malaking halaga ng pera ang
ibibigay ng kinaiinisan na kandidato para sa mga botante.
Ang
hiling na lang ay magkaroon ng himala. Tatanggapin ang pera na bigay ng
kinaiinisan na kandidato pero hindi siya iboboto. Ang iboboto ay ang
kandidato na maaaring makapagbago sa lugar. At ang panggulo na
kandidato ay babalewalain kahit pa mamigay ng pera. Dahil bistado na ang totoong kulay niya,
panggulo. Ngunit may himala nga ba kung pera ang pinag-uusapan? Mayroon himala, iyon ay ang kanta na Himala na inawit ng Rivermaya
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
25 comments:
Natatawa ako dito...
Ang dami talagang gustong makapasok sa gobyerno para instant yaman!
Bitter reality. Awakening post.
ang ganda ng last post mo for this year "political rant" ha ha
Happy Holidays Arvin!
Naku, marami din ganyang mga politiko dito sa amin. Saka idagdag mo pa ang political dynasty, na magkakamaganak na lang namumuno sa isang distrito, mula mayor hanggang barangay chairman.
vote wisely next year!
and HAPPY CHRISTMAS sa iyo parekoy :)
Hindi matatapos ang rants ko sa mga kandidatong iyan. Pati ang Party-List system natin ay binaboy na rin. Hay, sana tamaan ng kidlat ang mga magaling! Dagdag mo pa mga epal posters na nagkalat na ngayon.
Neweys, Happy Holidays parekoy! :)
ganyan talaga madami ding ganyan sa lugar namin.. mga politiko na tiwali na gustong magpayaman sa gobyerno..
kaya dapat tama ang iboboto natin para makabawas sa mga corrupt sa gobyerno!
Sana the people will vote wisely.
Merry Christmas, Arvs!
Maraming panggulong kandidato dito sa amin Arvin. merong nakaupo na ng 20 years pinagsasalit salitan lang nilang magpapamilya.
Sa kanila na hayzzzz.
Di talaga mawawala ang mga ganyang klase ng tao. Advance Merry Christmas to you and your family!
Hahaha, gusto ko yung kantang Himala nang River Maya na si Bamboo ang kumanta. Kainis talaga ang lahat nang kandidatong panggulo. Salamat sa lathalain. Merry Christmas and a Happy New Year sa iyo. God bless you always.
Panggulo din ba ang tawag sa mga pumapalit lang sa magulang o kapatid ngunit bagito o alang alam sa larangan na tatakbuhan? Hays, kaloka eleksyon dito sa atin, tsk!
Madalas sumulpot ang mga panggulong kandidato kasi nga madaming panggulong botante. Ang Executive branch, ang Senate, lalu na ang House of Representatives, kinagagalitan natin but they are just our own reflection.
I've seen politicians come and go dito sa abroad, mabait sila sa personal, at hindi naman questionable ang mga policies nila, pero bakit lumalangoy pa rin tayo sa mga kawalanghiyaan?
It's unfair to say na MADUMI ANG PULITIKA, at KURAKOT ANG LAHAT NG PULITIKO, o PANGGULO ANG KANDIDATONG ITO. Naniniwala ako na kahit ang mga criminal tulad ni Estrada ay mayroong puso para sa mamamayan.
Pero nasa mamamayan pa rin. Nadramahan lang tayo ng kaunti, nakapag-English na agad, o may pinayaman na lalawigan, eh siya na agad ang tagapagligtas ng sambayanang Pilipino. Iboboto natin, pero hindi natin susuriin mabuti ang mga pinaggagawa nila.
Tama si PNOy, tayo ang boss niya. Pero hindi tayo umaasal boss. Bagama't may mabuting nagagawa ang present administration eh marami pa din ang nakakalampas sa ating mga mata.
Mas busy tayo sa pagtitimbang sa talino at ganda sa Miss Universe, mas apektado pa tayo sa kamalasan ni Pacquiao, ang INEVITABLE FUTURE PRESIDENT OF THE PHILIPPINES, at hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang mga biktima ng pamilyang Marcos at ang barkadahan nila.
Sabi nga ni F. Sionil José, it's our despicable social amnesia. Ang bilis nating kalimutan ang lahat.
Noon nga lang commemoration sa Martial Law, maraming kabataan ngayon ang convinced na maraming kabutihan na nagawa ang mag-asawang Marcos. Hindi pa ba sapat ang mga na disclose na files at reports ng CIA, Washington, at ng Capitol Hill regarding sa mga funds na itinulong ng Republican government para sa Martial Law, ang mga utang sa IMF, at ang libu-libong bangkay ng mga aktibista, private citizens, at students na pinatay ng mga Marcos?
Totoo, mga hayop din ang ilang mga kandidato. Ang kakapal din ng mga mukha nilang humarap bilang messia ng bansa. Pero hindi ba natin naiisip na kaya sila ganyang kakapal ang mukha, at kaya sila talagang mga panggulo at proud pa sila ay dahil sa deliberate ignorance natin at failure to act upon their errors?
tandaan: we, the sovereign people of the Philippines, have the power, and we've shown in twice in our contemporary history, but we've fully realized our own responsibility as citizens.
it happens talaga kay vote wisely...;) Happy holidays!
xx!
to be honest, parang ayoko nang gamitin yung right ko para bumoto....,
merry christmas
hehe. para sa akin bahala na... hehehe
Merry Christmas sayo!
Sad reality..
But I hope you had a happy holidays Arvs!
kaya parang i dont want to exercise the right to suffrage dahil wlang pagbabago ang ngyayari!
Merry christmas!
anyway, wala na tayo magagwa dyan Arvin. kesa ubusin and tinta ng pluma mo sa mga wala wenta kandidato, Happy Holidays na lang. hehehe
~Colors and Grays
funny reality! - ganyan talaga daming mapagsamantala. Hirap kasi dito magkabit ka lang sa sikat na apilyedo eh binoboto na agad-agad ;).
late man ako pero gusto ko batiin kita ng merry christmas arvin ..... at advance happy new year sayo!
Merry Christmas and Happy New Year Arvin. May all your wishes come true this coming year. God bless you always.
Happy New Year, Arvin!
Happy Happy New Year ^^ may ginawa pala ako para sayo... nasa previous post ko ^_^
Happy New YYear ulit ^__^
happy new year, arvin!
Post a Comment