Wednesday, November 28, 2012

Pipi

Ito ay mula pa rin sa mapaglaro kong imahinasyon. Salamat sa laging nagbabasa ng sinulat ko.

PIPI
Ni: Arvin U. de la Peña

Kung may mahal man na maituturing si Jericho ito ay walang iba kundi si Kyla. Pero hindi niya masabi dahil pipi siya. Si Kyla na kahit sa isang night club ang trabaho ay labis ang kanyang pagkagusto. Lubos ang kanyang kasiyahan kapag nakikita niya si Kyla. Lalo na kapag bago pumasok sa club ay bibili muna ng fish ball o candy sa kanya. Ang pagtinda niya sa may harapan ng night club ay umaabot minsan hanggang alas dose ng gabi. Masyado siyang nasasaktan kapag nakikita niya na tinitake out si Kyla ng isang customer.

Kung gaano kadalas itake out si Kyla ng isang customer ay ganun din kadalas ang lungkot niya tuwing matutulog na. Sa isipan niya siguro kung hindi lang siya pipi baka nagmahalan na sila ni Kyla.

Ang kanyang nararamdaman kay Kyla ay sinusulat niya na lang sa maliit na notebook. Lahat na nais niyang sabihin at mga plano para kay Kyla ay nakasulat sa maliit na notebook.

Minsan isang araw habang papasok na si Kyla sa night club ay bumili muna sa kanya ng candy. Nang iabot niya ang candy ay ipinakita niya ang kanyang maliit na notebook sa pahina na may nakasulat na "mahal kita Kyla, matagal na." Nang mabasa iyon ni Kyla ay minura niya si Jericho. At pinagsabihan pa bago umalis na "hindi ikaw ang tipo ng lalaki na gusto ko at higit sa lahat pipi ka."

Nakaramdam siya ng lungkot ng marinig iyon kay Kyla. Ganunpaman ay hindi siya nagtanim ng sama ng loob dahil mahal niya si Kyla at nauunawaan kung bakit iyon nasabi.

Isang gabi ay nakita niya si Kyla na lumabas agad ng night club. Nagtaka siya bakit mas nauna pa yata si Kyla na umuwi. Naisip niya na lang na baka masama ang pakiramdam.

Habang pauwi na siya at nasa madilim na kalsada ng may marinig siya na may sinasaktan na babae sa may damuhan. Inalam niya kung saan nagmumula ang tinig. Laking gulat niya ng makita na si Kyla ang sinasaktan ng lalaki. Pilit na hinuhubaran ng damit. Higit sa lahat ay nagmamakaawa. Walang pag-aksaya ng nilapitan niya ang lalaki at sinuntok. Doon agad ay nakatakbo si Kyla. Susuntukin pa sana niya ang lalaki ng biglay siya ay undayan ng saksak. Agad ay nasawi si Jericho at ang lalaki ay mabilis na tumakas.

Sa pagbalik ni Kyla kasama ng mga pulis sa pinangyarihan ng insidente doon ay nakita niya na wala na si Jericho. Ang lalaking nagligtas sa kanya sa kapahamakan. At higit sa lahat ang lalaking may lihim sa kanya na pagmamahal pero binalewala niya. Napahagulgol ng iyak si Kyla.

Sa buhay, minsan ang tao na binabalewala natin ay siya palang magbibigay halaga sa atin. Kung kailan wala na at hindi na puwede ay saka mararamdaman ang tunay na pagmamahal sa kanya.


27 comments:

Pink Line said...

sad ang ending..pero may laman :)

Jag said...

Sad but true...narerealize lang ang halaga ng isang bagay o tao pag wala na ito sa tabi mo...

fiel-kun said...
This comment has been removed by the author.
fiel-kun said...

ang saklap naman nito parekoy T_T porke ba may kapansanan wala nang karapatang magmahal? /sob

isang puna lang kung iyong mamarapatin parekoy, diba kadalasan ang mga taong Pipi ay hindi din nakakarinig? so siguro pwedeng Nakita na lang nya yung pangyayari habang hinahalay si Kyla instead na Narinig. yun lang. pero all in all, napakahusay mo pa rin sa pagsusulat ng mga kuwento. :)

*thumbs up*

Pareng Cyron said...

awww... :( napagilid naman ang luha ko dito.

"Ganunpaman ay hindi siya nagtanim ng sama ng loob dahil mahal niya si Kyla at nauunawaan kung bakit iyon nasabi."- eto talaga yung bumaon sa utak ko dahil kadalasan hindi natin nakukuhang gawin ito kapag tayo ay nagconfess sa taong mahal natin.

beautiful short story. *like*

joanne said...

Aww.. ang lungkot naman ng ending! Di ba pinakamahirap daw ang unrequited love? Kawawa naman si Koya, bakit mo naman kasi pinatay agad agad? Haha, nagreklamo? Joke lang :D

aboutambot said...

bayani si koyah! like:)

Archieviner VersionX said...

Totoo eto. Sanay marami pang tulad ni Jericho. Nakakalungkot pero may ginintuang aral :)

Pao Kun said...

ahhhhwwww (ang arte ng pag "aww", maiba lang^^)

Eto totoo to: "Sa buhay, minsan ang tao na binabalewala natin ay siya palang magbibigay halaga sa atin. Kung kailan wala na at hindi na puwede ay saka mararamdaman ang tunay na pagmamahal sa kanya."

Nice po ser! ^^

joy said...

Kaiyak ang post na eto, pero may aral. Yes, wag tayong manghuhusga ng kapwa, kasi we never know kung tAyo ang tutulungan ng hinahamak natin one day.
Thanks arvin. Another great post:)

anney said...

Sad ending pero may aral ang kwento mo na ito!

Jondmur said...

maganda ang moral lesson ng story... sad ending pero may kurot sa puso....

sherene said...

Nakaka sad.
Yan yung sinasabi ko, dapat every day counts kc di natin alam bukas iba na ang sitwasyon. Pini peg ko ang kasabihan na yan..

Balut said...

bakit nag lungkot ng post mo ngayon arvin? magpa-pasko pa naman. but ang ganda naman ny story lalo na ng pagkaka-sulat mo as usual...

xoxo_grah said...

totoo talaga yan...kaya lang dapat ipa alam mo rin...kasi mas nice na alam ung feelings mo baka kasi forever ka nang un-noticed!...:0)



xx!

Sam D. said...

Vow ako saiyo Arvs lahat ng naisusulat mo patok lagi at laging maganda ang aral na nakukuha ng readers mo. Okay naman po ako sobrang busy lang dahil sa holidays and work. Salamat pala at lagi ka pa rin bumibisita sa blogs ko kahit hindi ako laging nakakavisit saiyo. Regards sa family mo.

Anonymous said...

malungkot ang ending. naniniwala ako ng marami pa rin ang tulad ni Jericho sa panahon natin ngayon. Sana kasi pinaalam na lang niya, baka may magbago pa sana.

eden said...

So true, Arvs. thank you for sharing.

Julie Ann Lozada said...

nice story, kaso sad ending, lol! bakit patay agad, di ba pwedeng na-ospital muna? haha

It’s a GIRL Thing

SunnyToast said...

We only realize pag wala na tlaga..the reality of life too sad:(

Unknown said...

hi arvs.. added you already here

www.puritasjournal.com

tanong lang arvs, do u monetize your site?

Phioxee said...

ang saklap naman ng nangyari sa lalaki.

Noblesse Key said...

Uy! bumaha ata! tsk! touching story. A very thought-provoking post here Arvs! Bravo!

Unknown said...

ay nalungkot naman ako dun at namatay ang bida...i like happy ending stories hahaha

eden said...

Nice sotry at ang ganda ng aral. Thank you for sharing.

Spanish Pinay said...

Kailangan talaga matuto tayo mag-appreciate ng mga taong may pagpapahalaga sa atin.

Spanish Pinay

Dhemz said...

what a great piece of story.