Sunday, November 18, 2012

Luha, Ligaya, at Langit (by request)

Mahirap para sa akin na ang nagrerequest mismo ang nagbibigay ng magiging pamagat para sa by request portion ng blog ko. Pero ganun pa man ay pilit kong kinakaya dahil ang mapagbigyan sila ay kasiyahan sa akin. Ang sinulat kong ito ay pagbibigay daan para sa request ng isang kaibigan na blogger dito sa mundo ng blog. Ginawa niya ang pag request sa pag post ko ng Araw (by request). Narito ang sinabi niya sa comment at ang blog niya ay http://joysnotepad.blogspot.com/

Blogger joy said...

wow, ang dami ng nga request sa yo:) Galing mo kasi.
I wonder if I am going to request you to write for me something with the title " Luha, Ligaya at langit. Coz, it is my life.
Joke only. kawawa ka naman. pinahirapan ka namin. hi hi.
Anyway, gusto ko ang last part ng sinulat mo:
Iba't ibang pangyayari ang nagaganap
Sa bawat nilalang nagbibigay kahulugan
Bata man o kaya matanda
Nararanasan ang halaga ng araw.

We all have a story to tell, and that what makes one's life exciting.
Have a nice day kababayan!

September 23, 2012 1:46 AM

 
LUHA, LIGAYA, at LANGIT (by request)
Ni: Arvin U. de la Peña

Kabiguan na natamo
Luha man naging kapalit
Di pinanghinaan loob
Hinarap ang kapalaran.

Taas noo pinagyabang
Pagbangon mula ng iwan
Sa ligaya na nakamit
Kapiling ang bagong mahal.

Ang delubyo na sinapit
Parang bula na naglaho
Pagbuhos ulan sa buhay
Sikat ng araw pumalit.

Mistula ng lumilitaw
Langit na ang pakiramdam
Nangyari sa nakaraan
Sa isipan ay limot na.

Luhang tumulo sa mata
Nangyaring sama ng loob
Ligaya ngayon sa puso
Katulong Diyos sa langit.
Delete

28 comments:

joy said...

Napaiyak naman ako Arvid. It is an honor na pinagbigyan mo request mo. I print ko sinulat mo for me and i will keep it as a treasure. So beautiful. Thumbs up ako. Galing mo talaga. Good luck! By doing this you are making many people happy. What a wonderful post to start the week!
Have a nice week kababayan!

joy said...

I mean requet ko:)

joy said...

Sus mali na naman ang type ko. Tumatanda na talaga. This time I mean request. Hi hi

Jondmur said...

wow... nakuha ng atensyon ko ang picture ni Ms. Joy sa reading list... then ung title... kaya sugod agad ako dito hehehe

galing ng pagkakasulat mo...

thumbs up!

Jondmur said...

ewan ko ba pero natutuwa ako hehehe

Archieviner VersionX said...

Ang galing ng pagkakagawa mo ng tula :)Isa ka ding makata. Mukhang tuwang tuwa at nagustuhan nga ni Ms. Joy. At habang binabasa ko ang tula nato ay may background song na nagpapadagdag emosyon sakin. hehe Pano ba mafeatures dito sa blog mo? hehe.

fiel-kun said...

nice poem Arvin :) nakakaaliw talgang basahin ang mga tula mo dito lalo pa at ito ay by special request.

Unknown said...

nagutuhan ko ang tula sir Arvin. Lalo na yung last part. Mabuhay ka sir!

w0rkingAth0mE said...

Ikaw na talaga kabayan Arvin, thumbs up na naman ako sayo :)

Tal | ThePinayWanderer said...

Uy, si ms Joy pala ang featured blogger ngayon, galing ah. at ang ganda ng tula mo para sa kanya. thumbs up! :)

Anonymous said...

nice poem :)

KULAPITOT said...

so lucky ms. joy :)

xoxo_grah said...

Wow...magaling na namang likha boss arvin...very touching ung poem...very concise din...:)


xx!

joanne said...

Aww.. kakatouch naman ang poem for Mommy Joy! Galing! Short pero meaningful.. :D

Anonymous said...

galing mo dito pare :)

makata talga ..

Genskie said...

Napaka galing naman ng pag kakagawa mo ...asan na yung BALUT na tula ko hehehe... mejo mahirap nga naman ang nirerequest ko sayo ano... :)

btw I have something for you on my page
check it out!

eden said...

Wow naman.. galing mo Arvs! Nice poem.

anney said...

Galing mo talaga mag compose! At talagang ikinatutuwa ng ga readers mo kasi napapagbigyan mo mga request nila! Teka makapag request nga din. iisip muna ako. Papahirapan din kita. lol! joke lang po!

sherene said...

Bakit ba nalulungkot ako after kong magbasa:(

Jag said...

Wow! Nagawa mo ang challenge ng requestor mo galing hehe...

Balut The Lucky Blogger said...

Naku archuevine antay mo lang susunod kA na. Malambot puso nyang si arvin sa mga requests ha ha . Sakin nga na-surprise na lang ako and touch talaga ako.(teary eyed).

@joy
Ramdam ko na feel na feel mo talaga tong alay ni arvin.

@arvin
Congrats kapatid! isa na namang kahanga-hangang obra ;)

kimmyschemy said...

ang sad naman nito Arvs.. i wish Ms. Joy all the beauty life has to offer..

a visit from kim!

joy said...

Just dropping by to thank all sa mga nice comments na sinulat ni arvin for me. Nakataba ng puso. Thanks to arvin and God bless you all:)

Dhemz said...

ayay, ang galing mo naman Arvin...another request...dami mo talagang fans...next time may charge na pag may mag request...joke!

eden said...

Salamat sa dalaw, Arvs!

SunnyToast said...

wow! ur such a giver...galing! words in rhym and beautifully chosen words...pero na test ang tagalog ko...hehehe:)

joy said...

Dropping by again:) Do you mind sending me your home address to my email address " syrin@tele2.no"?
Just want to send you a thank you card:)

Travel Quest said...

Nice naman :) tagos sa puso ang pagkakalikha ng tula galing. Also agaw pansin ung larawan sabi ko pamilyar un ah he he si ate joy pala :) keep it up arvin!