Friday, October 25, 2013

Lindol

LINDOL
Ni: Arvin U. de la Peña

Hindi malaman kung kailan ka magparamdam
Mga tao takot sa iyo
Minsan ikaw ay mahina
Minsan naman ay malakas.

Sa lahat ng kalamidad ikaw ang pinangangambahan
Dahil niyuyugyog mo ang lupa
Ang di kayang sirain ng bagyo
Sa iyo ay kaya mong wasakin.

Mayaman at mahirap ay pantay-pantay sa iyo
Kahoy at sementong bahay puwede mong masira
Walang matibay sa iyo 
Kapag malakas kang nangyari.

Paghandaan ka man ay kulang pa rin
Dahil di malaman kailan ka darating
Mahirap kang maiwasan
Pagkat kahit saang lugar maaari kang maramdaman.

Lindol, pangyayari mo napakamahiwaga
Pinagagalaw mo lahat ng nasasakupan
Dulot mo minsan ay malaking pinsala
Isa kang bagsik ng kalikasan.

Friday, September 20, 2013

Aanhin Pa Ang Damo, Kung Patay Na Ang Kabayo (The Janet Lim-Napoles and Benhur Luy love story)



AANHIN PA ANG DAMO, KUNG PATAY NA ANG KABAYO
(The Janet Lim-Napoles and Benhur Luy love story)
Ni: Arvin U. de la Peña

Karangyaan sa buhay ay nasa kanya na. Mayroon silang mga magandang bahay, mga mamahalin na sasakyan at iba pa. Kung gustuhin na magbakasyon sa ibang bansa ay madaling makapunta dahil sila ay mayaman. Kung ano ang latest na gadgets katulad ng iphone, ipad, laptop, cellphone ay mayroon agad siya. Siya si Janet Lim-Napoles. Pero kahit ganun siya ay hindi siya matapobre.

Sa kanilang paaralan sa high school ay marami ang humahanga sa kanya dahil simple lamang siya. Mahilig makisalamuha sa mga tao. Higit sa lahat kapag may malalaman siya na ang kanyang kaklase ay walang pambayad para sa pag exam ay pinapahiram niya ng pera. Pati pagkain sa paaralan ay hindi madamot si Janet Lim-Napoles. Ganun siya kabait sa kapwa.

Sa pagtuntong niya ng 4th year high school doon ay may nakaklase siya na bagong lipat mula sa ibang paaralan na lalaki. At na love at first sight siya. Nainlove si Janet Lim-Napoles sa bagong kaklase na ang pangalan ay Benhur Luy. Nang malaman ni Benhur Luy na crush siya ni Janet Lim-Napoles ay niligawan niya dahil crush din naman niya. Hanggang sa maging sila.

Nang malaman ng mga magulang ni Janet Lim-Napoles na mayroon siyang kasintahan at mahirap pa ay pinagalitan siya. Higit sa lahat ay hinigpitan. Pero kinontra ni Janet Lim-Napoles ang kanyang mga magulang dahil mahal niya si Benhur Luy. Nang mag graduate ng high school ay mas pinili ni Janet Lim-Napoles ang sumama kay Benhur Luy at nanirahan sila sa probinsya.

Lahat ng paraan ay ginawa ng mga magulang at kapatid ni Janet Lim-Napoles para siya ay mahanap. Tumagal ng ilang buwan bago siya ay nahanap. Pero ng siya ay mahanap ay buntis na. Minura siya ng kanyang mga magulang. Sinabihan na walang utang na loob. Kung anu-anong masasakit na salita ang sinabi. Pati ang kanyang mga kapatid ay pinagsalitaan din siya ng hindi maganda. Naging mahinahon lang si Janet Lim-Napoles. Hindi siya gumanti ng salita. Hanggang sa umalis na ang kanyang mga magulang at kapatid.
Nang dumating ang kanyang asawa na si Benhur Luy galing pagtrabaho sa construction ay ikinuwento niya ang lahat. Pinangako naman sa kanya ni Benhur Luy na hindi siya pababayaan. Nagyakap silang dalawa.

Nang malapit ng manganak si Janet Lim-Napoles ay kumontak siya sa kanyang mga magulang para humingi ng pera para igasto sa panganganak dahil gusto niya cesarean. Pero sinabihan lang siya na bahala na kayo na mag asawa gumawa ng paraan. Nalungkot siya ng marinig iyon dahil pati sa magiging apo ng mga magulang niya ay kinamumuhian din. Nanganak si Janet Lim-Napoles sa ordinaryong paraan dahil walang mahiraman ng pera.

Taon ay lumipas hanggang sa muling manganak si Janet Lim-Napoles at ito ay kambal. Dahil mahirap lang ang kalagayan nila ay muli humingi siya ng tulong sa mga magulang sa pag aakalang pinatawad na. Sinabi rin niya na may anak na siyang kambal. Pero kinawawa lang siya sa telepono. Wala na raw silang pakialam sa kanya. Hindi na bibigyan pa ng pera. Pagkatapos mag-usap ay napaiyak si Janet Lim-Napoles pag-uwi sa kanila. Habang siya ay umiiyak ay niyakap siya ng kanyang panganay na anak na noon ay limang taong gulang na lalaki at siya ay tumigil na sa pag iyak.

Nagsikap si Janet Lim-Napoles. Natuto siyang magtinda ng mga isda sa palengke kasama ng asawa niya na si Benhur Luy na wala ng trabaho sa construction. Umaga palang ay umaalis na si Janet Lim-Napoles sa kanilang bahay para umangkat ng isda sa kabilang baryo para ibenta sa palengke sa kanilang lugar. Iyon ang naging hanap buhay nilang mag asawa. Minsan ay malaki ang kita, minsan naman ay konti lang. Sa ganun na paraan ay nakakaraos sila bawat araw at napapag aral pa nila ang kanilang panganay na anak. 

Sa ikatlong pagbubuntis ni Janet Lim-Napoles doon ay naging mahirap ang kanyang kalagayan. Nagkaroon pa siya ng sakit. Ilang araw pa bago ang kanyang panganganak ay gusto niya na humiram ng pera sa kanilang mga kaibigan para igasto sa cesarean pero wala siyang mahiraman. Dahil kailangan talaga na dapat cesarean ang panganak niya ay sa muling pagkakataon ay tumawag siya sa kanyang mga magulang. Pinaliwanag niya ang lahat na kailangan niya ng pera para sa cesarean dahil maselan ang kanyang pagbubuntis at may sakit pa siya. Umiyak pa siya sa telepono ng pagmamakaawa. Pero hindi siya pinansin. Naging pusong bato na ang kanyang mga magulang sa kanya. Hanggang sa matapos ang kanilang pag-uusap.

Gabi oras ng panganganak ni Janet Lim-Napoles sa public hospital ay hirap na hirap talaga siya. Hindi niya makaya na mailuwal ang sanggol sa sinapupunan, samahan pa na may sakit siya. Nasabi niya sa sarili na kung may pera lang sila hindi mangyayari ang nararamdaman niya ngayon dahil cesarean ang panganak niya. Hanggang sa hindi na makaya ni Janet Lim-Napoles ang hirap sa panganganak at siya ay namatay. Iyak ng iyak si Benhur Luy sa nangyari. Agad ay tinawagan ni Benhur Luy ang mga magulang ni Janet Lim-Napoles at ipinaliwanag ang nangyari.

Ilang oras ang lumipas ay dumating ang mga magulang at kapatid ni Janet Lim-Napoles sa hospital. Doon ay kitang-kita nila ang kanilang anak na patay na. Humagulgol sila ng iyak, nag iyakan sila. Nagsalita pa na humihingi ng kapatawaran.

Bumuhos ang suporta ng mga magulang ni Janet Lim-Napoles sa kanya. Pinagawan ng magandang nitso, sinuotan ng mamahalin na damit, relo, kuwentas, at singsing. Sa bawat gabi ng kanyang burol ay marami lagi ang nakahandang pagkain. At pagkatapos ng libing ni Janet Lim-Napoles ay binigyan si Benhur Luy ng malaking halaga ng pera ng mga magulang ni Janet Lim-Napoles para sa mga anak at sa negosyo na pag isda. At sinabihan pa na kung kailangan ng pera ay tumawag lang dahil handang tumulong. Nang marinig iyon ay napaluha si Benhur Luy. Nang paalis na ang mga magulang ni Janet Lim-Napoles ay niyakap muna ang kanilang mga apo. Ang panganay na anak at ang mag kambal.

Itinaguyod na mag isa ni Benhur Luy ang kanilang mga anak ni Janet Lim-Napoles. Hindi na siya naghanap pa ng ibang mamahalin dahil si Janet Lim-Napoles lang ang kanyang mahal, wala ng iba.

Friday, September 13, 2013

Artista

Katulad ng Magkadugo, Pagbangon Ni Mama (aka Sana) ay itong Artista ay napublish din sa diaryo gamit ang pangalan ng nakilala at nakaibigan ko na babae kasi gusto ko din na ma nationwide ang pangalan niya na makita sa diaryo na nagsusulat din ng maikling kuwento o kaya tula. Pero ako ang tunay na nagsulat. Kung sino man siya ay malaman niyo sa una kong blog na www.arvinurmenetadelapena.blogspot.com


ARTISTA
Ni: Arvin U. de la Peña

Kung nakikita ka nila
Sila ay masaya na
Hinahangaan sa TV at pelikula
Kahit paano ay nasilayan nila.

O, artista ka nga
Marami ang sa iyo humahanga
Mundo mo kasing pinasukan
Mahirap na maabot.

Minsan di ka nga lang 
Maintindihan ng mga tao
Nagsisinungaling ka kahit totoo
Maprotektahan lang iniingatang imahe.

Marahil nga sadyang ganyan 
Ang buhay sa showbiz
Labag man sa kalooban
Kaplastikan di maiiwasan.

Saturday, August 10, 2013

Kaysarap Ng Pasko Ko Ngayon ( a song )

Noong July 5, 2005 ng ma compose ko ang Christmas song na ito. Inihahandog ko ang kanta kong ito para sa mga tao na minsan ay iniwan ng kanilang kasintahan pero binalikan alang-alang sa diwa ng pasko.


KAYSARAP NG PASKO KO NGAYON (a song)
Composer:  Arvin U. de la Peña

Intro:

Dati ang pasko ko ay kaylungkot
Binabalik tanaw lagi
Magandang alaala na bigay mo
Pakiwari ko ay di na talaga ako
liligaya
Kapag pasko ay sasapit.

do stanza chords

Ngunit ngayong pasko na ito
Iba na ang mangyayari
Dahil ikaw ay muling nagbalik.

chorus:

Kaysarap ng pasko ko ngayon
Makakasama muli kita sinta
Salamat at minahal mo uli ako
Pinakinggan mo hiling ko
Na tayo ay magbalikan
Ngayong malapit na ang pasko.

do stanza chords

Mga kasalanan ko sa'yo
Pagkakamali na labis kang nasaktan
Ilang pasko rin ang nagdaan
Na pinagsisihan ko 'yun

do stanza chords

At ngayong pasko na ito
Mapatawad mo sana ako 
ng lubusan.

repeat chorus

* Instrumental *

repeat chorus except last line

repeat chorus

coda:

ngayong malapit na ang pasko.

( Sinuman ang magkagusto sa compose kong ito ay pagsabihan lamang ako dahil tiyak magkakasundo tayo. Mag email lamang sa akin at ilagay ang cellphone number. arvin9595@yahoo.com )

Sunday, July 21, 2013

Pagbangon Ni Mama (aka. SANA NGA)

"Sa panahon na may mga napapublish ako sa diaryo na sinulat ko ay ginusto ko rin na ang nakilala kong babae at nakaibigan ay malagay ang pangalan sa diaryo na siyang nagsulat kahit na ako. Sa madaling salita gusto ko rin na ma nationwide ang pangalan niya. Gumawa ako ng ibang email address at pangalan niya ang gamit sa pagpadala ng kuwento o tula at iyon ay napagtagumpayan ko naman. Nang mapapublish iyon ay bumibili ako ng diaryo at ibinibigay sa kanya. Maraming beses rin na napublish ang pangalan niya bilang nagsulat ng kuwento o tula pero ako ang tunay na nagsulat. Sabi nga ng naka text ko na nagsusulat din ng kuwento at may napapublish sa diaryo bakit ganun daw gumanun ako kasi pangalan niya ang narerecognize na siyang nagsulat at hindi ako. Sabi ko naman ay okey lang iyon kasi masaya ako at nakilala ko siya. Kung sino man ang pangalan niya ay makita niyo sa una kong blog na ginawa ko noon. Ito ang una kong blog www.arvinurmenetadelapena.blogspot.com  at higit sa lahat kahit wala na akong communication sa kanya ay kahit paano masaya ako na minsan nakilala at nakakausap ko siya."

Napublish ang kuwentong ito sa diaryo na ako ang tunay na nagsulat.Napublish ito sa Pilipino Star Ngayon para sa column na Bagong Sibol. Taong 2003 o 2004 yata. Ang pamagat ng kuwentong ito pag submit ko ay SANA NGA pero binago ng editor.

PAGBANGON NI MAMA (aka. SANA NGA)
Ni: Arvin U. de la Peña

Kaysarap dati ng buhay ko. Panahon na sina mama at papa ay nagsasama pa. Bawat Sabado at Linggo ay namamasyal talaga kami. Palibhasa kapwa pumapasok sa opisina at mataas pa ang sahod ay ayos lang kung gumasto man ng pera. Basta para sa ikasasaya ng pamilya walang problema. Kung gusto ko naman ng isang bagay o laruan ay naibibili talaga nina mama at papa para sa akin. Kaya nga noon sinasabi ko suwerte ako at nagkaroon ako ng magulang na tulad nila. Hindi katulad sa iba kong mga kaibigan na bukod sa wala pang katulong sa bahay ay nagsasakripisyo pa sila sa bawat araw para mabuhay. Ako ay hindi na. Mayroon ng nag-aasikaso para sa pagkain namin at naglalaba ng maruming damit.

Akala ko talaga ay walang katapusan ang kasiyahan ko sa pagkakaroon ng magulang na tulad nila. Hindi pala, lahat pala ay may katapusan. Nalaman ko na lang isang umaga na pagkagising ko na si mama ay umiiyak. Iyak na masyadong nasasaktan sa pangyayari. Ako na sampung taong gulang noon at musmos pa ang kaisipan ay di ko agad nadama ang kanyang pag-iyak. Ngunit ng sabihin niya sa akin na si papa ay sumama na sa ibang babae at di na magbabalik sa amin ay di ko napigilan ang di umiyak. Paano?, di ko na makakapiling pa si papa. Noon pa raw pala ay may kinahuhumalingan ng ibang babae si papa.

Lumipas pa ang ilang araw napansin ko na lagi na lang malungkot si mama. Kung dati ay di siya tumitikim ng alak ngayon ay umiinom na siya ng alak. Pinalayas na rin niya ang katulong namin. Kung dati ay hindi ako naglalaba ngayon ay nagkukuskos na ako ng maruming damit. Madalas na rin akong utusan ni mama na bumili ng pagkain. Nag-iba talaga ang buhay ko mula ng mawala sa amin si papa. Ang masakit pa ay pinag-uusapan kami lagi ng aming mga kapit-bahay.

Kapag ako naman ay nasa paaralan at tinatanong ako ng mga kaibigan ko kung nasaan si papa ay di agad ako nakakasagot. Nahihiya ako sa mga kaibigan ko na naghiwalay ang mga magulang ko. At kapag nakikita ko naman ang iba kong mga kaibigan na magkasama silang pamilya ay may pagkainggit sa aking sarili. Naaalala ko ang mga sandali na magkasama kami nina mama at papa.


Tuwing sumasapit naman ang Sabado at Linggo ay lagi na lang ako sa bahay. Nasa isip ko na lamang ang aming pamamasyal. Kung humiling naman ako kay mama na kami ay mamasyal ay di siya pumapayag. Masyado talaga siyang naapektuhan sa nangyari.

Minsan isang gabi ay nanaginip ako. Kaming dalawa ni papa ay namamasyal. Masayang-masaya ako habang kami ay namamasyal. Gusto ko sabihin sa kanya kung bakit niya pinalitan si mama pero hindi ko magawa. Paulit-ulit lang niyang sinasabi sa akin na dapat harapin ko ang mga pagsubok na darating sa akin at huwag akong paaapi para di masaktan si mama.

Kinabukasan pagkagising ko at paglabas sa silid ay nakita ko si mama na nagdarasal sa altar. Namangha ako kasi mula ng magkahiwalay sila ni papa ay di na niya iyon ginawa. Pero ng araw na iyon nagdasal ulit siya sa altar. Taimtim na nagdarasal.
Nasa kusina ako ng tawagin ang pangalan ko ni mama. Maghanda raw ako kasi kami ay mamamasyal. Pagkarinig ko na kami ay mamamasyal ay napaluha ako ng kaunti. Nasa isip ko sana nga ay matanggap na talaga ni mama na si papa ay wala na sa amin.
Tuwang-tuwa ako ng araw na iyon.


Wednesday, July 3, 2013

Sana Ay Di Magwakas ( a song )

Noong March 25, 2003 ng ma compose ko ang kantang ito.


"Kapag nakuha mo ang isang babae na gusto mo. Nanaisin mo talaga na di siya mawala sa iyo."


SANA AY DI MAGWAKAS
Composer:  Arvin U. de la Peña

Intro:

Hindi ko sinasadya
Na ikaw ay aking inibig
Kahit na ikaw ay langit
At ako ay lupa.

do stanza chords

Sana ako ay mapatawad
Sinunod ko lang ang tibok
ng aking puso
Asahan mong ikaw lang
Wala ng iba.

chorus:

Aking mahal ikaw ang ligaya ko
Pangarap kong ito na sa'yo ay nakamit
Sana ay di magwakas
Makakaasa kang pagmamahal ko sa'yo
Ay walang hanggan
Hanggang sa katapusan ng buhay ko
Sa'yo lamang ako.

do stanza chords

Nabihag mo ang aking puso
Nang una kitang makita
Ang pakiramdam kong mabigat
Ay biglang gumaan.

do stanza chords

Ikaw rin ang nagbigay sigla
Sa buhay kong matamlay
Kaya't ikaw na lamang
Wala ng iba.

repeat chorus

*Instrumental*

repeat chorus

repeat chorus

coda:

hanggang sa katapusan ng buhay ko
sa'yo lamang ako.

(Sinuman ang magkagusto sa compose kong ito ay pagsabihan lamang ako dahil tiyak magkakasundo tayo. Mag email lamang sa akin at ilagay ang cellphone number. arvin9595@yahoo.com)

also visit http://arvin95.blogspot.com/2009/12/kanta-ko-reveal.html

Saturday, June 22, 2013

Lumang Sapatos

Makalipas ang limang buwan pagkatapos makagraduate ng college ay nagkita ang estudyante at guro sa hindi inaasahan na pagkakataon. 

Teacher: Kumusta na, saan ka pupunta?

Student: Diyan po ma'm sa mataas na building kasi diyan ako mag aapply ng trabaho.

Teacher: Ha! Mag apply ka iyan ang suot mong sapatos, pangit ng tingnan.  Eh noon pa iyon noong nag-aaral ka pa.

Student: Ma'm hindi po ako bibili ng bagong sapatos hanggat wala pa akong nahahanap na trabaho.



LUMANG SAPATOS
Ni: Arvin U. de la Peña

Maraming hakbang kang ginamit
Kung saan lang mapadpad
Sa mga nalaman ko at natutunan
Halos palagi kitang suot.

Tag-araw man o tag-ulan
Hindi kita nakakalimutan
Dahil ikaw ay nag-iisa lang
Walang pambili ng bago.

Anumang okasyon ang daluhan
Hindi ko ikaw ikinakahiya
Humaharap ako sa kanila ng maayos
Magagandang tulad mo ang suot.

Ngunit ngayon ay iba na
Hindi ka na puwede pang gamitin
Dahil masyado ka ng nasira
Sa paglipas ng ilang taon.

Luma kong sapatos maraming salamat
Malaki ang naging tulong mo sa akin
Naging kasama ko ikaw
Maabot mga pangarap sa buhay.

Tuesday, June 4, 2013

Magkadugo

"Umaasa pa rin ako na balang araw magkakaroon ng kapayapaan sa bansa. Kapayapaan para sa lahat. Walang gulo na kasasangkutan ang bawat isa."


MAGKADUGO
Ni: Arvin U. de la Peña

Dugong Pilipino ang nasa inyo
Nananalaytay sa inyong mga ugat
Pag-ibig sa bawat isa
Bakit mahirap para sa inyo.

Walang katapusang away
Hindi matigil na gulo
Sa simula't sapul pagkagising
Iyon lagi ang aking naririnig.

O kailan, kailan matutupad
Pangarap ko para sa inyo
Kapayapaan sa inyong pamilya
Ay maghari sa inyong mga puso.

Nais ko man kayo ay patigilin
Isipan ay pumipigil sa akin
Hindi raw ako dapat na makialam
Sa laban ng magkadugo.

Wednesday, May 22, 2013

Bikini Open

BIKINI OPEN
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa entablado ay rumarampa
Kagandahan pinapakita sa mga manonood
Talento ay ibinabahagi
Kaseksihan ay hindi pinagdadamot.

Hubad man ang nasa isip ng kalalakihan
Pinapantasya na sana kaulayaw
Pagharap sa mga nanonood komportable
Hindi nakikitaan ng pagkahiya.

Sa harapan ng maraming nagmamasid
Isa lamang ang hangad
Tanghaling nanalo sa patimpalak
Maiuwi ang inaasam na korona.

Kahit halos makita na ang lahat
Tinatago sa katawan masilayan ng iba
Ito ay balewala lamang
Pagkat may hangad na nais makamit.

Bikini Open patimpalak kang kakaiba
Nagiging usap-usapan ka pag natatapos
Mga may magandang hubog ng katawan lamang
Sa iyo ay sumasali.

Tuesday, April 30, 2013

Dakilang Ina

"Sa mga wala ng ina alam ko bawat araw naiisip niyo siya. Lalo na kung nakakakita kayo ng bata kasama ang ina. Tiyak maaalala niyo ang kayo ay bata pa. Hindi niyo makakalimutan ang kayo ay pinapaliguan o kaya ay pinapakain."




DAKILANG INA
Ni: Arvin U. de la Peña

Buong buhay pinagsilbihan mo kami
Pagod at hirap balewala sa iyo
Ang makita kami na maayos ang kalagayan
Iyon lagi ang nasa isip mo.

Maaga pa lamang gumigising ka na
Ginagawa ang gawain sa bahay
Hindi ka katulad ng ibang ina
May katulong na namamahala sa lahat.

Dakila ka aking ina
Kailanman hindi mo kami pinabayaan
Sa pamilya mayroon man problema
Nariyan ka upang humanap ng solusyon.

Kahit kailan di ka pinanghinaan ng loob
Hindi man marangya ang ating pamumuhay
Sa iyo ang mahalaga ay makaraos
May makain sa takdang oras.

Wala ka naman sa mundo
Alaala mo ay hindi makakalimutan
Mga nagawa mo sa amin
Mananatili sa puso at isip.


Monday, April 15, 2013

Drama

"Ang BARKADA ay isa sa mga bagay na parte ng ating buhay. Kahit na simpleng samahan lamang basta walang plastikan at kahit anong trip niyo sa daan basta WALANG IWANAN. Pagalitan man ng magulang, kanya-kanyang DAHILAN. Wala lang LAGLAGAN. Minsan nga gumagawa pa ng paraan para maka jamming lang. Iyan ang tunay na SAMAHAN. Iyong tipong WALANG LIMUTAN kahit sa SIMPLENG ALAALA lang."




DRAMA
Ni: Arvin U. de la Peña

Alam ko noon pa man darating ang panahon na makakalimutan mo ako. Sino ba naman ako di ba? Isang ordinaryo lang ako na tao. Hindi katulad ng mga ibang nakasabayan bilang bata. Mayroon silang naipagmamalaki. Hindi katulad ko na wala masyadong naipagyayabang sa iyo.

Kapag dumaraan ako sa bahay niyo noon kapag nakikita mo ako ay tinatawag mo ako. Bata pa tayo noon. Naglalaro tayo sa inyo. Kasi ikaw lang naman ang may mga laruan na magaganda. Play station o kung ano pa. Ingat na ingat ako noon sa mga laruan mo kasi baka masira ay wala akong pambayad.

Ngayon ibang-iba na talaga. Kapag dadaan ako sa tapat ng bahay niyo ay hindi mo na ako pansin. Hanggang tinginan na lang tayo. Siguro akala mo ay hihirit ako sa iyo ng kung ano gayong hindi ko naman iyon magagawa. Dahil kaya ko naman maka survive sa buhay.

Napakasakit na minsan pag dumadaan ako sa inyo at naroon ang ibang mga kaibigan noong bata pa at nag-iinuman kayo kahit nakikita mo ako at sila ay hindi ako pansin. Balewala lang ako sa pag daan. Ayaw niyo na makisali ako sa inyo. Kahit ganun kayo ay inuunawa ko pa rin kayo lalo na ikaw kasi tanggap ko na ganun ang buhay sa mundo. Minsan nagbabago ang tao kapag naging matayog na.

Ang mga nakaraan natin noong bata pa ay patuloy ko pa rin iniisip. Kasi iyon lang ang panahon na may malasakit ka sa akin. Binibigyan mo ako ng kung ano ang kinakain mo. Kasi ikaw lang naman ang may pera talaga. Kapag namamasyal tayo sa kung saan, pumupunta sa plaza, naliligo sa dagat, o naninirador ng ibon ay masaya talaga. Sayang nga at hindi na iyon maibabalik.

Kung kailan ikaw ay ganyan na sa akin ay hindi ko alam. Inuunawa ko ikaw kasi baka iyon ang ikinasasaya mo. Ganunpaman umaasa pa rin ako na ang dating ikaw na nakilala ko at nakaibigan noong bata pa ay magiging ganun sa darating na mga araw.


Thursday, March 28, 2013

Balut (by request)

Ito ay pagbibigay daan para sa request ng isang kaibigan din na blogger. Kung may mali man sa sinulat kong ito ay huwag na lang bigyan ng malaking grades. Nag comment po siya parti sa by request sa pag post ko ng Araw (by request) at inulit uli pag post ko ng Luha, Ligaya, at Langit (by request). Ang blog niya po ay http://genskieswrittenvoices.blogspot.com/

Blogger Genskie said...
awesome.... gusto ko gawa ka ng tula ang pamagat BALOT... my 4 na talata hahahaa... at kailangan ang bawat huling salita ng bawat pangungusap ay tutugma... paaunlakan mo ba ako? nais ko sanang gawin mo itong mejo nakakatuwa :)

September 22, 2012 at 9:33 PM

Blogger Genskie said...
Napaka galing naman ng pag kakagawa mo ...asan na yung BALUT na tula ko hehehe... mejo mahirap nga naman ang nirerequest ko sayo ano... :)

btw I have something for you on my page
check it out!

November 21, 2012 at 12:40 AM
Delete

BALUT (by request)
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa tao sadyang nagbibigay lakas
Ang kumakain sadyang tumitikas
Sa gabi ang paglako ay madalas
Minsan pa ay kahit na anong oras.

Mga nag-inuman ay laging nais
Inaabangan marinig ang boses
Balut na marami sa Pilipinas
Pagsipsip sa sabaw mistulang katas.

Ang halaga man nito ay tumaas
Pagtangkilik ay wala pa ring kupas
Minsan pa ang bulsa parang nabutas
Sa pagbili na balewala gastos.

Marami mang henerasyon lumipas
Kung anong kakaiba ang matuklas
Ang balut ng mga pinoy ay ayos
Sa pagtatalik ay para ring armas.

Delete

Tuesday, March 12, 2013

Pandesal

"Hindi lahat na nakikitang papel sa kalsada ay basura na."

PANDESAL
Ni: Arvin U. de la Peña

Pagtitinda ng pandesal ang kinagisnan ng trabaho ni Baltazar tuwing umaga. Bata pa lamang siya ay iyon na ang nakagawian niyang trabaho. Gamit ang bisikleta na nilagyan ng extension para maging tatlo ang gulong ay umagang-umaga pa lamang ay pumupunta na siya sa bakery. Kumukuha doon ng mga pandesal para ibenta. Sa bawat 100 pesos na halaga ng pandesal na maibenta niya ay mayroon siyang 20 pesos. Sa bawat pagpadyak niya, ay medyo malakas ang sigaw niya ng PANDESAL. At sa bawat pagtitinda niya ng pandesal sa umaga ay hindi bababa sa isang daan ang kita niya.

Pagkatapos magtinda ng pandesal sa umaga ay agad uuwi sa kanila para maghanda pagpasok sa paaralan. Sa pera na bigay sa kanya ng may-ari ng bakery ay kumukuha lang siya ng baon at ang natira ay binibigay niya sa kanyang ina. Dahil sa bahay sila na lamang dalawa dahil ang tatay niya ay sumama na sa ibang babae. Minsan sa paaralan ay tinutukso-tukso siya. Tinatawag siyang pandesal sabay tawa ng mga kapwa niya estudyante. Ang lahat ng iyon ay binabalewala na lamang niya. Dahil umiiwas siya sa away.

Nang makatapos siya sa pag-aaral sa high school ay nagtrabaho na lang siya sa bakery. Dahil wala silang pera panggasto sa kolehiyo. Dahil mahirap lamang sila. Taon ay lumipas ay iyon pa rin lagi ang trabaho niya. Hanggang maging asawa niya si Emily na tindera sa bakery na pinagtrabahuan niya.

Kahit umuulan ay tuloy ang pagtinda niya ng pandesal sa umaga. Dahil para sa kanya ay obligasyon na niya iyon araw-araw. Kahit pagod at puyat ay kailangan niyang bumangon para umikot sa mga kababayan para magtinda ng tinapay. Ang mga bata pa noon ng mag-umpisa pa lang siya sa pagtinda ng pandesal sa umaga ay malaki na. Kaya kilalang kilala talaga siya.

Minsan papauwi na siya mula pagtinda ng pandesal ng may makita siyang maliit na papel at pinulot niya. Nang tingnan niya ay may nakasulat na anim na numero 15-30-25-12-05-17. At nilagay niya sa bulsa ang napulot na maliit na papel.

Gabi pauwi na silang mag-asawa sa bahay ng makita niya na kaunti lang ang nakapila sa lotto outlet. Doon ay naalala niya na tayaan ang mga numero sa napulot niyang maliit na papel. Pagkatapos tumaya sa lotto outlet ay umuwi na sila na mag-asawa.

Kinabukasan ay muli nag-ikot na naman siya para sa pagtinda ng mga pandesal. Pagkatapos maubos ang mga pandesal ay pumunta siya sa bilihan ng diaryo para tumingin ng lotto result. Laking gulat niya ng makita na ang numero na lumabas sa 6/42 lotto draw kung saan siya tumaya ay ang mga tinayaan niyang numero, jackpot prize of P8 milyon. Bumili siya ng diaryo at agad ay umuwi sa kanila. Sinabihan niya ang kanyang asawa na noon ay hindi pa pumapasok sa bakery at ang kanyang ina. Tuwang-tuwa silang lahat dahil sa wakas ay may malaking halaga ng pera na sila. Ang matagal na nilang inaasam na magkaroon para guminhawa naman ang buhay nila.

Sa buhay, minsan ang suwerte ay hindi natin alam na darating na pala. Magugulat na lang tayo at hawak kamay na pala. Kaya huwag mainis kung hindi man maganda ang kapalaran sa simula pa lang. Huwag magsabi na suwerte siya dahil ipinanganak na may kaya sa buhay ang pamilya. Ipinanganak na mayaman. Kain at tulog na lang, nasusunod anuman ang gustuhin at nabibili ang naisin. Bagkus kung anuman ang kinagisnan na buhay ay tanggapin at gumawa na lang ng paraan para makaraos sa araw-araw.

Tuesday, February 19, 2013

Lumang Daan

"Justice delayed is justice denied."

LUMANG DAAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa lumang daan naglalakad mag-isa
Hinahanap na mag-isa ang pag-asa
Ang hustisya na nais makamit noon
Hanggang sa ngayon ay wala pa ring linaw.

Pangulo ay ilang beses ng nag-iba
Modernong kagamitan ay nagsulputan
Katarungan para sa anak wala pa
Sa katulad niya mailap ang batas.

Inaasam nasa lumang panahon man
Patuloy pa ring nagbabakasakali
Pagtahak sa tila madilim na daan
Umaasa na hindi panghabambuhay.

Kirot na sa puso ay nararamdaman
Sa lumang daan lamang ay nawawala
Kahit may pagbabago na sa paligid
Sariwa pa sa isip mahal na anak.

Saturday, February 9, 2013

Walang Silbing Tapang

"We can't help everyone, but everyone can help someone."

 
Walang Silbing Tapang
Ni: Arvin U. de la Peña

Matapang kung tapang ang pag-uusapan si Frederick. Dahil kung siya ay may gulong kinasasangkutan ay hindi niya inaatrasan ang mga kalaban. Samahan pa ng mga ka tropa niyang siga din. Kaya kung siya ay maglakad mag-isa o kasama ng tropa ay hindi puwede na magsalita kahit pabulong ng kontra sa kanila. Dahil kapag marinig ay pagagalitan. Kung pumalag ay suntok ang aabutin.

Sa kanilang lugar sa squatter area kapag may humihingi ng saklolo dahil may inaapi kapag sinumbong sa kanya ay bugbog sarado ang aabutin ng nang-aapi kapag hindi nakinig sa pakiusap niya na itigil. Kaya malaki ang respeto ng mga tao sa kanya.

Kaya ang kapatid niyang si Abigail ay walang sinuman ang pumoporma sa kanilang lugar. Dahil kapag naramdaman ni Frederick na may gusto ang isang lalaki sa kapatid niya ay pagsasabihan agad na huwag manligaw sa kapatid dahil gusto niya na makatapos muna ng pag-aaral at makapagtrabaho.

Minsan isang gabi pauwi sila ng barkada galing inuman naglalakad dahil walang masakyan pauwi sa squatter area ng makarinig sila ng humihingi ng tulong malapit lang sa kanila sa isang bakanteng lote na mataas ang mga damo. Sinabi ng kaibigan niya na tulungan pero nagmatigas si Frederick na huwag nalang dahil pauwi na at isa pa hindi naman iyon kaano-ano.

Pag-uwi ni Frederick ng bahay ay nakita niya na nakaupo ang nanay at tatay niya. Nang tunungin niya kung bakit hindi pa natutulog ay doon sinabi na nag-aalala sa kapatid dahil hindi pa umuuwi at unang pangyayari iyon na gabi na talaga ay wala pa sa bahay. Dahil lasing si Frederick sinabi niya na uuwi din iyon at dahil doon ay natulog na lang ang magulang niya.

Kinabukasan umagang-umaga pa natutulog sila ng magising sila sa malakas na pagtawag ng kaibigan niya. At sinabi na naroon si Abigail sa bakanteng lote walang saplot at patay. Agad ay pinuntahan ni Frederick kasama ang magulang at kaibigan ang bakanteng lote na may kalayuan ng konti sa bahay nila. Doon ay nakita niya at ng magulang ang sinapit ni Abigail. Ginahasa at saka pinatay. Dahil doon ay naalala ni Frederick na ang narinig nila ng tropa habang pauwi na ay ang kapatid niya pala. Nagsisi siya dahil kung tinulungan nila ang humihingi ng saklolo ay hindi ganun ang sasapitin ng kapatid niya. Maililigtas niya sana sa kapahamakan.

Sa buhay, huwag tayong umiwas sa pagtulong kapag kaya natin. Sagipin natin sinuman ang nangangailangan kapag kaya natin. Dahil ang lahat kung anuman mayroon tayo ay hindi pang habang panahon.  Maganda na may maiiwan tayong alaala para sa isang tao para sa ginawang pagtulong. Maging sinuman siya.

Monday, January 28, 2013

Sermon Sa Pasko

Noong elementary ako ang harapan ng paaralan ay ang simbahan na nakikita niyo. Ang pinag-aralan ko naman sa high school ay katabi ng simbahan. Kaya noon naiisip ko ano kaya ang pakiramdam ng isang pari. Minsan nga noon sa elementary ako sa ipinapasulat ng guro kong ano ang gusto sa paglaki ang isinulat ko ay "paglaki ko gusto kong maging pari, dahil gusto ko na maipalaganap ang kautusan ng Diyos."


SERMON SA PASKO
Ni: Arvin U. de la Peña

Muli ay narito na naman tayo para sa pag celebrate ng Pasko. Taon-taon ay ginagawa natin ito. Sa ganitong okasyon makikita natin ang kasiyahan ng halos lahat. At pagkatapos ng Pasko ay wala na. Balik na naman sa dati. Parang hindi nangyari ang Pasko. Kanya-kanya na naman. Ang simbolo ng nangyari dahil sa Pasko ay nababalewala na.

Mga kapatid ko, mga kababayan ko. Masakit tanggapin na minsan ang diwa ng Pasko ay ginagawang dahilan ng ibang mga politiko para sa kanilang pansariling interes. Magsisimba, magpapa Christmas Party, mamimigay ng pera para lang mapagtakpan ang masamang imahe sa publiko. Tama ba ang ganun? Hindi iyon ang inaasahan ng Diyos na mangyayari sa hinaharap na panahon para sa ginawa niyang pagsakripisyo sa kanyang sarili.

Sila na ibang mga politiko ang sana ay magliligtas sa atin sa kahirapan. Pero ano ang ginagawa nila sa atin. Tayo ay parang pinapahirapan. Mga ibang bilihin ay nagtaasan ang presyo dahil sa kanila. Pero ang kita ng tao ay hindi masyadong tumataas. Hindi makasabay sa pagtaas ng presyo. Hindi balanse ang ganun. Sa ganun mas kawawa ang mga bata sa paglaki nila, na ngayon ay masaya dahil sa Pasko.

Hanggang ngayon ay napakaraming pangyayari sa paligid na hindi katanggap-tanggap. Nagnanakaw para magkapera, manghoholdap ng sa ganun ay matustusan ang pangangailangan sa buhay. Pero ang mga politiko na ilan lalo na ang mataas ang posiyon ay marami silang pera. Minsan nagkaroon sila ng maraming pera dahil sa kanilang posisyon sa potitika. Pero ang isinukli nila ay hindi magandang pag serbisyo. Pangungurakot ang ginawa. Hindi naman lahat pero may ilan. Nasaan doon ang diwa ng Pasko na bata pa sila ay naramdaman na nila. WALA!

Ang tunay na diwa ng Pasko ay hindi ang mga regalo na natatanggap. Hindi ang ipinapakitang kabaitan para sa mga inaanak. Hindi ang pagbibibay ng pera sa namamasko. Ang tunay na diwa ng Pasko ay pagmamahalan na pang habang panahon. Nang sa ganun ay walang problema na kinakaharap ang mga tao. Maghari ang kasiyahan sa mundo bawat araw. Hindi pa huli ang lahat. Mangyayari ang ganun kapag nagkaroon ng takot sa Diyos ang bawat isa. Lalo na ang mga politiko. Magsitayo po tayong lahat.

Wednesday, January 16, 2013

Babalik Ka Rin

"Human beings are the only creatures on earth that allow their children to come back home."

BABALIK KA RIN
Ni: Arvin U. de la Peña

Saan ka man naroroon ngayon, Saudi, Japan o Hong Kong
Babalik ka rin, babalik ka rin, babalik ka rin


Sa buhay minsan kailangan na mangibang bansa. At doon ay hanapin ang maaaring makapagpaganda ng katayuan sa buhay. Hindi para lang sa sarili, kundi para na rin sa mga minamahal. Dahil kung mananatili lang sa bansang kinagisnan ay mahirap na mangyari.

Ano mang layo ang narating, Singapore, Australia, Europe o Amerika
Babalik at babalik ka rin


Habang naroon ay makikita mo din ang mga magagandang tanawin. Mga tourist spot din kung tawagin. Iba't ibang lahi ng tao ang makakasalamuha. Higit sa lahat ay magpapakita ng pagsisikap para sa trabaho.

Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin
Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin


Ganunpaman kahit natutunan mo ng mahalin ang bansang pinuntahan mo. Dahil sa bansa na iyon ay natupad mo ang mga pangarap ay mas mahal mo pa rin ang Pilipinas. Ang bansa ng kung saan ikaw ay nagmula.

Sa piling ng iyong pinagmulan, sa iyong nakaraan
Babalik ka rin, babalik ka rin, babalik ka rin


Kahit gaano pa kasarap ang buhay doon. Na dito sa Pilipinas ay hindi mo maramdaman. Hinding hindi mo talaga makakalimutan ang iyong kinagisnang bansa. Ang bansa na kung saan nagkaroon ka ng ambisyon, na natupad naman. Kaya lang sa ibang bansa nangyari.


Anumang layo ang narating, iyong maaalala
Ang dati mong kasama, babalik at babalik ka rin


Ang mga kamag-anak at kaibigan ay sadyang mahirap makalimutan kahit na naroon ka na. Ang mga barkada ay lagi pa ring maiisip. Ang mga biruan at tawanan. Tuksuhan at inisan ay masarap balikan sa piling nila.

Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin
Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin


Muli't muli ay wala pa ring hihigit sa kanila na minsan nakakasama mo habang narito ka sa Pilipinas. Mga taong nagmamahal sa iyo at mga kaibigan na nariyan lang sa tabi-tabi. Masarap pa rin silang kasalo sa pagkain at inuman.

Sa paglipas ng panahon, sa iyong kahapon
Sa alaalang naghihintay sa'yo


Kahit na magkaroon ka na ng pamilya doon. Babalikan mo pa rin ang iyong pinagmulan. Lalo na kung ikaw ay matanda na. Dahil mas masayang ienjoy ang natitirang sandali sa mundo sa sariling bansa.

Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin
Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin

Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin
Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin


Babalik ka rin. Kaya huwag magyabang kung naroon ka man sa ibang bansa. Lalo na kung umuuwi. Hindi mo man mapagbigyan ang lahat ng umaasa sa iyo ang mahalaga ay may natutulungan ka.

Thursday, January 3, 2013

Eroplano

"Inihahandog ko ang sinulat kong ito para sa babae na makita sa lawaran. Noong 2011 ay winner po siya ng Ford Fiesta courtesy of Jollibee’s Win a Fiesta Promo na mula Cagayan De Oro. Tawagin na lamang natin siyang Tina Ford."








EROPLANO
Arvin U. de la Peña

Sa himpapawid napagmamasdan
Tila napakalabong abutin
Mga bata labis ang kasiyahan
Kumakaway habang tinitingnan.

Inaambisyon ng ilang tao
Ang ganung lumilipad masakyan
Mula sa itaas ay mapagmasdan
Ganda ng karagatan at lupain.

Hindi lahat nakakahawak sa iyo
Hindi lahat ay nakakasakay
Sadyang sa pag-usad ng buhay
Mayroon napag-iiwan dahil bigo.

Eroplano para ka ring pangarap
Tuktok ng tagumpay ay marating
Sa pagsisikap maabot minimithi
Pakiramdam mistulang nasa ulap.

Sa bawat araw ay kasama ka
May mga sumasakay na masaya
Mayroon naman na malungkot
Dahil malalayo sa mga minamahal.