Tuesday, February 19, 2013

Lumang Daan

"Justice delayed is justice denied."

LUMANG DAAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa lumang daan naglalakad mag-isa
Hinahanap na mag-isa ang pag-asa
Ang hustisya na nais makamit noon
Hanggang sa ngayon ay wala pa ring linaw.

Pangulo ay ilang beses ng nag-iba
Modernong kagamitan ay nagsulputan
Katarungan para sa anak wala pa
Sa katulad niya mailap ang batas.

Inaasam nasa lumang panahon man
Patuloy pa ring nagbabakasakali
Pagtahak sa tila madilim na daan
Umaasa na hindi panghabambuhay.

Kirot na sa puso ay nararamdaman
Sa lumang daan lamang ay nawawala
Kahit may pagbabago na sa paligid
Sariwa pa sa isip mahal na anak.

14 comments:

fiel-kun said...

Ang lungkot naman neto :(

Bakit nga ba ganito ang sistema ng hustisya dito sa ating bansa? Mailap ang hustisya sa mahihirap pero pag mayaman ang nasangkot sa gulo namamanipula nila ang batas dahil sa pera nila. Kakalungkot.

joy said...

Oo nga. Need talaga mabago ang masa at gobyerno. Katarungan ang kailangan especially for the less fortunate.
Thanks for being a voice for them.
Awakening post.

Pareng Cyron said...

mga walang puso at konsensya. kaya hindi umunlad ang ating bansa. may sadyang mga taong imbes na tuparin ang kanilang tungkulin bilang isang tapat na mamayan ng ating bansa, mas pinili pa ang maling daan para lang sa sariling kaligayahan.

joanne said...

Ang lungkot talaga knowing na ang bagal ng justice system dito saten. Hope that someday everything will change.

sherene said...

Nakaka relate ako Arvin, katarungan din ang sigaw naman sa pagkamatay ng father in law ko:(

Jondmur said...

galing naman ng pagkakasulat...

sana magkaroon ng pagbabago.... para umunlad naman ang bansa natin...

Kakalungkot nga ng post na ito...

Keep on writing!

Unknown said...

ang inhustisya ay pangkaraniwan na nararanasan ng mga mahihirap, hindi kinikilala ng gobyerno ang karapatan ng mamamayan

Anonymous said...

Ang hustisya daw ay mailap sa taong humahanap nito. Hindi ko alam kung bakit nauso ang kasabihan na ito pero naniniwala akong habang may buhay ay naririyan ang pag-asa at kung hindi man makamtam ang hustisya dito sa lupa, ang batas ng Diyos ang huhusga.

Mai Yang said...

feeling ko tuloy lahat ng crimes connected d2 :(

Tal | ThePinayWanderer said...

nakakalungkot nga, sana ay dumating ang panahon na mabigyan ng hustisya ang mga ganito. at kung pupwede, sana wala na ring magiging biktima at wala nang mambibiktima.

eden said...

Nice post. Let's hope and pray na magkaroon nag pag babago. Nakakaawa naman sa mga taong naging biktima lang.

xoxo_grah said...

A sad truth about our country's meaning of justice...:(


xx!

eden said...

HI, Arvs!

Have a great weekend.

luliesc said...

infairness, you can almost write about everything.