"Hindi lahat na nakikitang papel sa kalsada ay basura na."
PANDESAL
Ni: Arvin U. de la
Peña
Pagtitinda ng pandesal ang kinagisnan ng trabaho ni Baltazar tuwing
umaga. Bata pa lamang siya ay iyon na ang nakagawian niyang trabaho.
Gamit ang bisikleta na nilagyan ng extension para maging tatlo ang
gulong ay umagang-umaga pa lamang ay pumupunta na siya sa bakery.
Kumukuha doon ng mga pandesal para ibenta. Sa bawat 100 pesos na halaga
ng pandesal na maibenta niya ay mayroon siyang 20 pesos. Sa bawat
pagpadyak niya, ay medyo malakas ang sigaw niya ng PANDESAL. At sa bawat
pagtitinda niya ng pandesal sa umaga ay hindi bababa sa isang daan ang
kita
niya.
Pagkatapos magtinda ng pandesal sa umaga ay agad uuwi sa
kanila para maghanda pagpasok sa paaralan. Sa pera na bigay sa kanya ng
may-ari ng bakery ay kumukuha lang siya ng baon at ang natira ay
binibigay niya sa kanyang
ina. Dahil sa bahay sila na lamang dalawa dahil ang tatay niya ay
sumama na sa ibang babae. Minsan sa paaralan ay tinutukso-tukso siya.
Tinatawag siyang pandesal sabay tawa ng mga kapwa niya estudyante. Ang
lahat ng iyon ay binabalewala na lamang niya. Dahil umiiwas siya sa
away.
Nang makatapos siya sa pag-aaral sa high school ay
nagtrabaho na lang siya sa bakery. Dahil wala silang pera panggasto sa
kolehiyo. Dahil mahirap lamang sila. Taon ay lumipas ay iyon pa rin lagi
ang trabaho niya. Hanggang maging asawa niya si Emily na tindera sa
bakery na pinagtrabahuan niya.
Kahit umuulan ay tuloy ang
pagtinda niya ng pandesal sa umaga. Dahil para sa kanya ay obligasyon na
niya iyon araw-araw. Kahit pagod at puyat ay kailangan niyang bumangon
para umikot sa mga kababayan para magtinda ng tinapay. Ang mga bata pa
noon ng mag-umpisa pa lang siya sa pagtinda ng pandesal sa umaga ay
malaki na. Kaya kilalang kilala talaga siya.
Minsan papauwi na
siya mula pagtinda ng pandesal ng may makita siyang maliit na papel at
pinulot niya. Nang tingnan niya ay may nakasulat na anim na numero
15-30-25-12-05-17. At nilagay niya sa bulsa ang napulot na maliit na
papel.
Gabi pauwi na silang mag-asawa sa bahay ng makita niya na
kaunti lang ang nakapila sa lotto outlet. Doon ay naalala niya na tayaan
ang mga numero sa napulot niyang maliit na papel. Pagkatapos tumaya sa
lotto outlet ay umuwi na sila na mag-asawa.
Kinabukasan ay muli
nag-ikot na naman siya para sa pagtinda ng mga pandesal. Pagkatapos
maubos ang mga pandesal ay pumunta siya sa bilihan ng diaryo para
tumingin ng lotto result. Laking gulat niya ng makita na ang numero na
lumabas sa 6/42 lotto draw kung saan siya tumaya ay ang mga tinayaan
niyang numero, jackpot prize of P8 milyon. Bumili siya ng diaryo at agad
ay umuwi sa kanila. Sinabihan niya ang kanyang asawa na noon ay hindi
pa pumapasok sa bakery at ang kanyang ina. Tuwang-tuwa
silang lahat dahil sa wakas ay may malaking halaga ng pera na sila. Ang
matagal na nilang inaasam na magkaroon para guminhawa naman ang buhay
nila.
Sa buhay, minsan ang suwerte ay hindi natin alam na
darating na pala. Magugulat na lang tayo at hawak kamay na pala. Kaya
huwag mainis kung hindi man maganda ang kapalaran sa simula pa lang.
Huwag magsabi na suwerte siya dahil ipinanganak na may kaya sa buhay ang
pamilya. Ipinanganak na mayaman. Kain at tulog na lang, nasusunod
anuman ang gustuhin at nabibili ang naisin. Bagkus kung anuman ang
kinagisnan na buhay ay tanggapin at gumawa na lang ng paraan para
makaraos sa araw-araw.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 comments:
awww... very inspiring naman tong kwento ni Baltazar :)
na miss ko tuloy bigla kumain ng pandesal na may palamang mantikilya :)
nabitin ako sa kwento... may sequesl ba ito after winning the lotto? abangan ko ha...
cge bukas mag sismula na akong tumaya ng lotto, baka kasi manalo din ako...:) Yung pandesal, naaalala ko trabaho....huhu
xx!
ayay, miss ko tuloy ang pandesal...kakagutom!
ika nga ng author ng librong binabasa ko ngayun eh ang buhay hindi to parang tubig na dumadaloy sa pinakamadaling ruta. Gayun pa man ang hirap ng daan na tinatahak ay me katumbas na gantimpala. Magandang umaga - makabili muna ng pandisal at kape hehe.
ang saya nito ah!
very inspiring po ang kwento nyo... makagawa nga ng pandesal bigla ko namiss to sa mainit na kape :)
wow, that's a lot of money, haha
inspiring story
"Life Is like a Box of Chocolates... You Never Know What You're Gonna Get!" :)
Sarap ng pandesal. Nice poem, Arvs.
great post as always Arvs and sobrang namiss ko pandesal. Okay lang po ako kaso super occupied ang time ko sa pag-aalaga ng father-in-law ko. Kayo kumusta na ng family mo? Thank you pala sa palagian mo pa rin pagvisit. God bless you and your family always.
inspiring! following you now, Arvin.. please follow me back.
You are an inspiration talaga brother:)
Keep it up!
Hey! Great post I just came across your blog and I love it! It would be amazing if you
could visit my blog too. We can also follow each other if you like! :)
very nice!!! thanks for sharing!!!!
Kariotakis
nice poem...
Post a Comment