Thursday, March 28, 2013

Balut (by request)

Ito ay pagbibigay daan para sa request ng isang kaibigan din na blogger. Kung may mali man sa sinulat kong ito ay huwag na lang bigyan ng malaking grades. Nag comment po siya parti sa by request sa pag post ko ng Araw (by request) at inulit uli pag post ko ng Luha, Ligaya, at Langit (by request). Ang blog niya po ay http://genskieswrittenvoices.blogspot.com/

Blogger Genskie said...
awesome.... gusto ko gawa ka ng tula ang pamagat BALOT... my 4 na talata hahahaa... at kailangan ang bawat huling salita ng bawat pangungusap ay tutugma... paaunlakan mo ba ako? nais ko sanang gawin mo itong mejo nakakatuwa :)

September 22, 2012 at 9:33 PM

Blogger Genskie said...
Napaka galing naman ng pag kakagawa mo ...asan na yung BALUT na tula ko hehehe... mejo mahirap nga naman ang nirerequest ko sayo ano... :)

btw I have something for you on my page
check it out!

November 21, 2012 at 12:40 AM
Delete

BALUT (by request)
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa tao sadyang nagbibigay lakas
Ang kumakain sadyang tumitikas
Sa gabi ang paglako ay madalas
Minsan pa ay kahit na anong oras.

Mga nag-inuman ay laging nais
Inaabangan marinig ang boses
Balut na marami sa Pilipinas
Pagsipsip sa sabaw mistulang katas.

Ang halaga man nito ay tumaas
Pagtangkilik ay wala pa ring kupas
Minsan pa ang bulsa parang nabutas
Sa pagbili na balewala gastos.

Marami mang henerasyon lumipas
Kung anong kakaiba ang matuklas
Ang balut ng mga pinoy ay ayos
Sa pagtatalik ay para ring armas.

Delete

16 comments:

fiel-kun said...

Huwaw nice poem for Ate Gen :)

Masarap ang balot. Pinoy exotic food yan eh. Basta wag lang susobra para di ma alta presyon hehe.

Blessed Good Friday parekoy!

☆Mama Ko☆ said...

I love balut and i miss eating this darn yummy thing. Ganda ng pagkakatula, pampalakas nga kahit nabibili lng sa tabi, and sustansya ay higit pa sa halaga. sarap nitong pulutan sa inuman, thanks for sharing arvin.

Senyor Iskwater said...

swerte naman ni genskie!

Balut said...

ang ganda... tapos patungkol pa sa pangalan ko... hi hi hi

o hayan genskie girl special talaga yang gawa ni arvin sa yo :)

Phioxee said...

wow naman arvin. kaw na talaga gen! ;-)

sherene said...

Gusto ko yan isa sa mga tatak pinoy:)

Genskie said...

I feel so special naman Arvin...talagang pinaunlakan mo ang aking request. Maraming salamat... Tama ka mejo mahal na nga ang balut pero masarap pa din sya... nais ko tuloy bumili ng balut mamaya hehehe...maraming salamat kaibigan :)

xoxo_grah said...

nice! natawa naman ako dun sa last phrase, boss...hehe


xx!

eden said...

di pa ako nakatikin ng balut..hehehe.. nice poem, arvs

Archieviner VersionX said...

Naks naman. Ayos ang poem. Genskie I'm happy for u :)

Sam D. said...

Nabawasan stress ko ng mabasa ko poem mo pareng Arvs galing mo talaga :D. Okay lang po ako kaso nga lang wala talagang time para magbabad online kasi nga nag-caregiver ako sa father-in-law ko:). Regards to your family.

eden said...

thanks for the visit, Arvs!

Anonymous said...

pampalakas talaga ng tuhod ang balot . parang tongkat ali. pampagana. haha

natuwa ako sa tula mo pare :)

Hi genskie :)

joy said...

Thumbs up naman sko dito. Galing.
Congrats Genskie:)

Tal said...

wow, nasunod talaga ang mga kahilingan ng nag-request, iba ka talaga Arvs, galing!!

pero di ako kumakain ng balut kaya di ko alam ang lasa nito...hehe.

Dhemz said...

ayay, balut has been the talk of the town...I just saw one show awhile ago on TV, chefs eating balut...been awhile since I had one.