"Ang BARKADA ay isa sa mga bagay na parte ng ating buhay. Kahit na simpleng samahan lamang basta walang plastikan at kahit anong trip niyo sa daan basta WALANG IWANAN. Pagalitan man ng magulang, kanya-kanyang DAHILAN. Wala lang LAGLAGAN. Minsan nga gumagawa pa ng paraan para maka jamming lang. Iyan ang tunay na SAMAHAN. Iyong tipong WALANG LIMUTAN kahit sa SIMPLENG ALAALA lang."
DRAMA
Ni: Arvin U. de la Peña
Alam
ko noon pa man darating ang panahon na makakalimutan mo ako. Sino ba
naman ako di ba? Isang ordinaryo lang ako na tao. Hindi katulad ng mga
ibang nakasabayan bilang bata. Mayroon silang naipagmamalaki. Hindi
katulad ko na wala masyadong naipagyayabang sa iyo.
Kapag
dumaraan ako sa bahay niyo noon kapag nakikita mo ako ay tinatawag mo
ako.
Bata pa tayo noon. Naglalaro tayo sa inyo. Kasi ikaw lang naman ang may
mga laruan na magaganda. Play station o kung ano pa. Ingat na ingat ako
noon sa mga laruan mo kasi baka masira ay wala akong pambayad.
Ngayon
ibang-iba na talaga. Kapag dadaan ako sa tapat ng bahay niyo ay hindi
mo na ako pansin. Hanggang tinginan na lang tayo. Siguro akala mo
ay hihirit ako sa iyo ng kung ano gayong hindi ko naman iyon magagawa.
Dahil kaya ko naman maka survive sa buhay.
Napakasakit na minsan
pag dumadaan ako sa inyo at naroon ang ibang mga kaibigan noong bata pa
at nag-iinuman kayo kahit nakikita mo ako at sila ay hindi ako pansin.
Balewala lang ako sa pag daan. Ayaw niyo na makisali ako sa inyo. Kahit
ganun kayo ay inuunawa ko pa rin kayo lalo na ikaw kasi tanggap ko na
ganun ang buhay sa mundo. Minsan nagbabago ang tao kapag naging matayog
na.
Ang mga nakaraan natin noong bata pa ay patuloy ko pa rin
iniisip. Kasi iyon lang ang panahon na may malasakit ka sa akin.
Binibigyan mo ako ng kung ano ang kinakain mo. Kasi ikaw lang naman ang
may pera talaga. Kapag namamasyal tayo sa kung saan, pumupunta sa plaza,
naliligo sa dagat, o naninirador ng ibon ay masaya talaga. Sayang nga
at hindi na iyon maibabalik.
Kung kailan ikaw ay ganyan na sa
akin ay hindi ko alam. Inuunawa ko ikaw kasi baka iyon ang ikinasasaya
mo.
Ganunpaman umaasa pa rin ako na ang dating ikaw na nakilala ko at
nakaibigan noong bata pa ay magiging ganun sa darating na mga araw.
Monday, April 15, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
17 comments:
ang lungkot naman nito...sadyang nag babago ang mga tao...
Sana maging happy ending pa din ang storyang ito
Uyy, thanks for visiting sa site ko http://www.mommyunwired.com/. At thank youe ko ang blog mo :) Magiging regular reader mo ako (your about me pic na parang magazine cover na Vague-lavet! :) )
Dont worry. Kung mawala ang isang kaibigan, may darating namang iba. Someone who.will appreciate you as you are. Friends like him is not worth keeping.
Awww... well some people come and go. Kung may umalis man at nawala sayo, I'm sure may bagong kapalit yan na mas higit pa kesa dati.
Cheer up!
aw that's life po.
Ganoon naman talaga Arvs.. may magbabago. Everything changes and that is part of our life.
Okay lang yan, nag babago naman talaga lahat ng tao. Bumalik man sya o hindi sa dati, cgrado naman na marami kapang ibang kaibigan.
mukhang may pinaghugutan.....
wag kang mag alala... katulad ng sabi ng iba... pag may nawala may kapalit...
people just come and go ... pero let it be ... ganun tlga ang buhay .. at least may oras at minuto na noon sila ay nakasama mo
people just come and go ... pero let it be ... ganun tlga ang buhay .. at least may oras at minuto na noon sila ay nakasama mo
what's wrong? baka nagtampo o nagalit ang friend, kaya di ka na niya pansin...
btw, just a comment about an waray...this is not a genuine partylist group and heir top nominee Rep. Montejo is a multi-millionaire with a net worth of P19.69M, the Montejo family owns the Montejo Newspaper and Hotel Alejandro, a prominent and luxurious hotel in Tacloban City
hope you vote for the geniune partylist...Kabataan Partylist na lang kasi, hehehe
magaling ka talagang gumawa ng tula eh no? everytime i visit this site, parang napapaemo lang talaga ako.
painful truth of trying hard to be a part of something...hopefully kung ano man ung pinagdadaanan mo ay ma overcome mo. Insecurities and stuffs...sabi nga sa movie, there are a lot of kids in the school that is more like you...go find one!
xx!
Have a great weekend, Arvs!
lonely nman ito...visiting here arvin....thanks for dropping by!
Thanks for dropping, Arvs.
Hi there arvin... just visiting your site! please visit mine too... eto po links:
http://mimhijean.com
http://dhiemhie.com
http://allaboutyushin.blogspot.com
http://iknownow16.blogspot.com
Tnx po... I'll follow your blog din
Post a Comment