Tuesday, April 30, 2013

Dakilang Ina

"Sa mga wala ng ina alam ko bawat araw naiisip niyo siya. Lalo na kung nakakakita kayo ng bata kasama ang ina. Tiyak maaalala niyo ang kayo ay bata pa. Hindi niyo makakalimutan ang kayo ay pinapaliguan o kaya ay pinapakain."




DAKILANG INA
Ni: Arvin U. de la Peña

Buong buhay pinagsilbihan mo kami
Pagod at hirap balewala sa iyo
Ang makita kami na maayos ang kalagayan
Iyon lagi ang nasa isip mo.

Maaga pa lamang gumigising ka na
Ginagawa ang gawain sa bahay
Hindi ka katulad ng ibang ina
May katulong na namamahala sa lahat.

Dakila ka aking ina
Kailanman hindi mo kami pinabayaan
Sa pamilya mayroon man problema
Nariyan ka upang humanap ng solusyon.

Kahit kailan di ka pinanghinaan ng loob
Hindi man marangya ang ating pamumuhay
Sa iyo ang mahalaga ay makaraos
May makain sa takdang oras.

Wala ka naman sa mundo
Alaala mo ay hindi makakalimutan
Mga nagawa mo sa amin
Mananatili sa puso at isip.


11 comments:

joy said...

What a nice poem for the mothers. Saludo ako kabayan.

joanne said...

Ganda ng tula mo para sa mga nanay.. I can't even imagine life without my mom.

fiel-kun said...

Aww what an inspiring poem para sa ating mga dakilang ina.

Happy Mother's Day sa iyong ina parekoy!

Jondmur said...

tagos sa puso naman ang nilalaman nito...


join ka sa kwento ni nanay ha ^^

Yen said...

walang kapantay ang mothers love d matatawaran ang sakripisyo nila sa atin.:)

Lady Fishbone said...

happy mothers month, hehe :) nice poem.

Lady Fishbone said...

btw nagchange na pala ako ng blog, dahil may prob sa isang blog. i hope you can follow me pa din... thank you

http://jloartworks.wordpress.com/

Anonymous said...

galing mo tlga gumawa ng tula pare. Happy mothers day sa lahat ng nanay :)

Pinch of thoughts said...

happy mother's day sa lahat ng mga nanay, ganda ng tula mo bro! more!

eden said...

Another nice poem, Arvs..

thank you for the visit

Balut The Lucky Blogger said...

Haaay pangalawang balik ko na to arvin. Yung una hindi ako maka comment kasi iyakin ako pagdating sa mga usapang nanay eh :( aga kasi ako nawalan ng ina :(

Btw, bumalik ako para magpasalamat sa suportang ibinigay mo sa aking blog na malapit ng magsara... See you around on my other blog :)