Saturday, February 9, 2013

Walang Silbing Tapang

"We can't help everyone, but everyone can help someone."

 
Walang Silbing Tapang
Ni: Arvin U. de la Peña

Matapang kung tapang ang pag-uusapan si Frederick. Dahil kung siya ay may gulong kinasasangkutan ay hindi niya inaatrasan ang mga kalaban. Samahan pa ng mga ka tropa niyang siga din. Kaya kung siya ay maglakad mag-isa o kasama ng tropa ay hindi puwede na magsalita kahit pabulong ng kontra sa kanila. Dahil kapag marinig ay pagagalitan. Kung pumalag ay suntok ang aabutin.

Sa kanilang lugar sa squatter area kapag may humihingi ng saklolo dahil may inaapi kapag sinumbong sa kanya ay bugbog sarado ang aabutin ng nang-aapi kapag hindi nakinig sa pakiusap niya na itigil. Kaya malaki ang respeto ng mga tao sa kanya.

Kaya ang kapatid niyang si Abigail ay walang sinuman ang pumoporma sa kanilang lugar. Dahil kapag naramdaman ni Frederick na may gusto ang isang lalaki sa kapatid niya ay pagsasabihan agad na huwag manligaw sa kapatid dahil gusto niya na makatapos muna ng pag-aaral at makapagtrabaho.

Minsan isang gabi pauwi sila ng barkada galing inuman naglalakad dahil walang masakyan pauwi sa squatter area ng makarinig sila ng humihingi ng tulong malapit lang sa kanila sa isang bakanteng lote na mataas ang mga damo. Sinabi ng kaibigan niya na tulungan pero nagmatigas si Frederick na huwag nalang dahil pauwi na at isa pa hindi naman iyon kaano-ano.

Pag-uwi ni Frederick ng bahay ay nakita niya na nakaupo ang nanay at tatay niya. Nang tunungin niya kung bakit hindi pa natutulog ay doon sinabi na nag-aalala sa kapatid dahil hindi pa umuuwi at unang pangyayari iyon na gabi na talaga ay wala pa sa bahay. Dahil lasing si Frederick sinabi niya na uuwi din iyon at dahil doon ay natulog na lang ang magulang niya.

Kinabukasan umagang-umaga pa natutulog sila ng magising sila sa malakas na pagtawag ng kaibigan niya. At sinabi na naroon si Abigail sa bakanteng lote walang saplot at patay. Agad ay pinuntahan ni Frederick kasama ang magulang at kaibigan ang bakanteng lote na may kalayuan ng konti sa bahay nila. Doon ay nakita niya at ng magulang ang sinapit ni Abigail. Ginahasa at saka pinatay. Dahil doon ay naalala ni Frederick na ang narinig nila ng tropa habang pauwi na ay ang kapatid niya pala. Nagsisi siya dahil kung tinulungan nila ang humihingi ng saklolo ay hindi ganun ang sasapitin ng kapatid niya. Maililigtas niya sana sa kapahamakan.

Sa buhay, huwag tayong umiwas sa pagtulong kapag kaya natin. Sagipin natin sinuman ang nangangailangan kapag kaya natin. Dahil ang lahat kung anuman mayroon tayo ay hindi pang habang panahon.  Maganda na may maiiwan tayong alaala para sa isang tao para sa ginawang pagtulong. Maging sinuman siya.

14 comments:

fiel-kun said...

Awww... mala robin hood pala ang peg ni Frederick. Matapang at handang tumulong sa kapwa. Pero bigla naman akong nalungkot sa dulo. Hindi niya akalain na ang kapatid nya pa lang si Abigail ang narinig niyang humihingi ng tulong nung gabing iyon. Sayang talaga at nasa huli ang pagsisisi.

Nice short story parekoy!

KULAPITOT said...

Shocking! Minsan sa buhay dumadating tlga ang pagsisisi , at sana hindi sa huli! Hay tragic peo ang impact sobra!

joy said...

Masyado nakalunkot ang nangyari. But ganda ng lesson ng story.
Thanks for sharing.

Genskie said...

Wow nakakalungkot naman ang ending...
kung kelan mas kailangan ang tapang nya pinag kait nya... tsk tsk..
nasa huli talaga lagi ang pagsisisi

Balut said...

ang lungkot naman neto Arvin :(

eden said...

Napasakit naman sa nangyari sa kapatid niya. Sa buhay we have failures but we learn from it. I love quote. Thank you fro sharing

sherene said...

Another story to inspire others Arvin!

Anonymous said...

ang saklap nun :(

Walang pinipili ang pagtulong - nice lesson pare ...

Unknown said...

you will vote for teddy? wow...thank you, asahan namin yan arvin ah

Anonymous said...

Minsan lang ako tumulong, kapag humingi sila sa akin, pero may pagkukusa din naman ako. Malungkot ang naging katapusan at ang pagsisisi ay nasa huli.

eden said...

Hi, Arvs!

thank you for dropping by..

xoxo_grah said...

tomo! in short wag mag astig astigan kahit wala sa lugar....kawawa naman si abigail..:(


xx!

Unknown said...

happy valentines day, arvin

Dhemz said...

natakot ako bigla sa picture...hehhee!