Monday, January 28, 2013

Sermon Sa Pasko

Noong elementary ako ang harapan ng paaralan ay ang simbahan na nakikita niyo. Ang pinag-aralan ko naman sa high school ay katabi ng simbahan. Kaya noon naiisip ko ano kaya ang pakiramdam ng isang pari. Minsan nga noon sa elementary ako sa ipinapasulat ng guro kong ano ang gusto sa paglaki ang isinulat ko ay "paglaki ko gusto kong maging pari, dahil gusto ko na maipalaganap ang kautusan ng Diyos."


SERMON SA PASKO
Ni: Arvin U. de la Peña

Muli ay narito na naman tayo para sa pag celebrate ng Pasko. Taon-taon ay ginagawa natin ito. Sa ganitong okasyon makikita natin ang kasiyahan ng halos lahat. At pagkatapos ng Pasko ay wala na. Balik na naman sa dati. Parang hindi nangyari ang Pasko. Kanya-kanya na naman. Ang simbolo ng nangyari dahil sa Pasko ay nababalewala na.

Mga kapatid ko, mga kababayan ko. Masakit tanggapin na minsan ang diwa ng Pasko ay ginagawang dahilan ng ibang mga politiko para sa kanilang pansariling interes. Magsisimba, magpapa Christmas Party, mamimigay ng pera para lang mapagtakpan ang masamang imahe sa publiko. Tama ba ang ganun? Hindi iyon ang inaasahan ng Diyos na mangyayari sa hinaharap na panahon para sa ginawa niyang pagsakripisyo sa kanyang sarili.

Sila na ibang mga politiko ang sana ay magliligtas sa atin sa kahirapan. Pero ano ang ginagawa nila sa atin. Tayo ay parang pinapahirapan. Mga ibang bilihin ay nagtaasan ang presyo dahil sa kanila. Pero ang kita ng tao ay hindi masyadong tumataas. Hindi makasabay sa pagtaas ng presyo. Hindi balanse ang ganun. Sa ganun mas kawawa ang mga bata sa paglaki nila, na ngayon ay masaya dahil sa Pasko.

Hanggang ngayon ay napakaraming pangyayari sa paligid na hindi katanggap-tanggap. Nagnanakaw para magkapera, manghoholdap ng sa ganun ay matustusan ang pangangailangan sa buhay. Pero ang mga politiko na ilan lalo na ang mataas ang posiyon ay marami silang pera. Minsan nagkaroon sila ng maraming pera dahil sa kanilang posisyon sa potitika. Pero ang isinukli nila ay hindi magandang pag serbisyo. Pangungurakot ang ginawa. Hindi naman lahat pero may ilan. Nasaan doon ang diwa ng Pasko na bata pa sila ay naramdaman na nila. WALA!

Ang tunay na diwa ng Pasko ay hindi ang mga regalo na natatanggap. Hindi ang ipinapakitang kabaitan para sa mga inaanak. Hindi ang pagbibibay ng pera sa namamasko. Ang tunay na diwa ng Pasko ay pagmamahalan na pang habang panahon. Nang sa ganun ay walang problema na kinakaharap ang mga tao. Maghari ang kasiyahan sa mundo bawat araw. Hindi pa huli ang lahat. Mangyayari ang ganun kapag nagkaroon ng takot sa Diyos ang bawat isa. Lalo na ang mga politiko. Magsitayo po tayong lahat.

12 comments:

fiel-kun said...

Belated Merry Christmas parekoy :D

Naku, what else is new pa ba sa takbo ng sistema ng pulitika dito sa ating bansa. Kahit pa anong gawin natin ay hindi na talaga mae-eliminate pa ang mga trapo at epal na mga pulitong iyan.

So ano, this coming election aasa pa ba tayo ng malaking pagbabago?

sherene said...

Diba nga sabi nila, sana araw araw ay pasko:)

Senyor Iskwater said...

napapanahon ang kapaskuhan post ah...lol


haaayyyyyy naglipana talaga ang mga walang kwentang mga pulitiko...tsk...hopeless...

joy said...

You are right. Ang kabutihan ay d langdapat sa Pasko, but sa habang panahon not only for politicians, but tayo rin.
Have a nice day and thanks for this awakening thought.

Mel Avila Alarilla said...

Tama lahat ang isinulat mo. Agree ako sa mga yun. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Anonymous said...

Sana nasa isip ng mga pulitiko na ang ang diwa ng pagbibigayan ay mahalaga. Hindi yung kuha na lang sila ng kuha.

Lady Fishbone said...

araw araw ay pasko :)

eden said...

Sorry for the late visit, Arvs.. Just came back from the holiday. Hope you did have a lovely Christmas.

Ishmael F. Ahab said...

Hindi ang mga politico ang magliligtas sa atin mula sa kahirapan. Wala silang magic para gawin iyon.

Kaya dapat nang itigil ang pag-depende natin sa mga iyan at dapat tayo na mismo ang kumilos para sa ating pag-unlad.

Lady_Myx said...

HI kuya arvin! visiting here po :D

Myxilog

xoxo_grah said...

nakaka lungkot nga yang isipin....at least if ever hindi nila kayang panitiliin na pasko araw araw, ikaw na lang ang gumawa non...love begins with self ikanga...:)


xx!

Unknown said...

i believe you, you've said it right!
sorry ngayon lang uli nakabisita