Wednesday, January 16, 2013

Babalik Ka Rin

"Human beings are the only creatures on earth that allow their children to come back home."

BABALIK KA RIN
Ni: Arvin U. de la Peña

Saan ka man naroroon ngayon, Saudi, Japan o Hong Kong
Babalik ka rin, babalik ka rin, babalik ka rin


Sa buhay minsan kailangan na mangibang bansa. At doon ay hanapin ang maaaring makapagpaganda ng katayuan sa buhay. Hindi para lang sa sarili, kundi para na rin sa mga minamahal. Dahil kung mananatili lang sa bansang kinagisnan ay mahirap na mangyari.

Ano mang layo ang narating, Singapore, Australia, Europe o Amerika
Babalik at babalik ka rin


Habang naroon ay makikita mo din ang mga magagandang tanawin. Mga tourist spot din kung tawagin. Iba't ibang lahi ng tao ang makakasalamuha. Higit sa lahat ay magpapakita ng pagsisikap para sa trabaho.

Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin
Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin


Ganunpaman kahit natutunan mo ng mahalin ang bansang pinuntahan mo. Dahil sa bansa na iyon ay natupad mo ang mga pangarap ay mas mahal mo pa rin ang Pilipinas. Ang bansa ng kung saan ikaw ay nagmula.

Sa piling ng iyong pinagmulan, sa iyong nakaraan
Babalik ka rin, babalik ka rin, babalik ka rin


Kahit gaano pa kasarap ang buhay doon. Na dito sa Pilipinas ay hindi mo maramdaman. Hinding hindi mo talaga makakalimutan ang iyong kinagisnang bansa. Ang bansa na kung saan nagkaroon ka ng ambisyon, na natupad naman. Kaya lang sa ibang bansa nangyari.


Anumang layo ang narating, iyong maaalala
Ang dati mong kasama, babalik at babalik ka rin


Ang mga kamag-anak at kaibigan ay sadyang mahirap makalimutan kahit na naroon ka na. Ang mga barkada ay lagi pa ring maiisip. Ang mga biruan at tawanan. Tuksuhan at inisan ay masarap balikan sa piling nila.

Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin
Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin


Muli't muli ay wala pa ring hihigit sa kanila na minsan nakakasama mo habang narito ka sa Pilipinas. Mga taong nagmamahal sa iyo at mga kaibigan na nariyan lang sa tabi-tabi. Masarap pa rin silang kasalo sa pagkain at inuman.

Sa paglipas ng panahon, sa iyong kahapon
Sa alaalang naghihintay sa'yo


Kahit na magkaroon ka na ng pamilya doon. Babalikan mo pa rin ang iyong pinagmulan. Lalo na kung ikaw ay matanda na. Dahil mas masayang ienjoy ang natitirang sandali sa mundo sa sariling bansa.

Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin
Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin

Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin
Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin


Babalik ka rin. Kaya huwag magyabang kung naroon ka man sa ibang bansa. Lalo na kung umuuwi. Hindi mo man mapagbigyan ang lahat ng umaasa sa iyo ang mahalaga ay may natutulungan ka.

15 comments:

fiel-kun said...

Parekoy! isa lang ang masasabi ko, There's no place like home :)

Thanks for this very inspiring poem and nagbalik ala-ala sa akin ang kanta ni Gary V na Babalik Ka rin :D

Lady Fishbone said...

ang galing talaga :)

joy said...

Interesting na tula para sa katulad namin nasa ibang bansa:)

Pareng Cyron said...

gusto ko ng umuwi sa probinsya namin. :(

Anonymous said...

Bat sabi nila tula? Anyway, navivision ko minsan ang Pilipinas na maunlad at hindi na kailangan pang mangibang-bansa ang mga kapwa Pinoy para lang magtrabaho. Mahirap malayo sa mga minamahal.

Mitch said...

Makata ka pa rin pero malalim. Musta lovelife.. hehe.. Ika nga, babalik ka rin tignan mo, parang ako. hehe

Jondmur said...

Tama... kahit saan mapadpad babalik at babalik ka din sa lupang sinilangan mo.....

Galing ^^

Mel Avila Alarilla said...

Tama ang sinulat mo at tama rin ang sinasaad sa kanta. Gaano man kaganda ang buhay sa ibang bansa ay iba pa rin ang sariling bansang kinagisnan. Babalik at babalik pa rin ang mga taong nangibang bansa at duon na nanirahan. Iisa lamang ang ating bansa at iisa din ang ating lahi. Mahalin natin ang bansang Pilipinas. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

KULAPITOT said...

prang kanta lang babalik at babalik ka rin :-)

Archieviner VersionX said...

Babalik na ko ng Pinas. Thumbs up ganda neto :)

Noblesse Key said...

babalik-balikan ko talaga ang blog nato!

ayos talaga ang mga salitang ginagamit mo Arvs... may sipa ang bawat linya!

sherene said...

Pangarap kong mang abroad.

Teng said...

haist balak ko ring mapabilang sa mga mag-babalik ;)

Sam D. said...

Tama ka babalik at babalik kami diyan Arvs pero minsan depende sa situation. Kagaya ko at ng mga kapatid ko na nandito rin babalik kami diyan para makita lang iyong ibang kapamilya namin pero hindi na siguro para tumira pa diyan for good kasi hindi talaga naging maganda experiences namin diyan :(. Congrats ulit dito sa tula mo na napakaganda at maraming aral lagi. Salamat din for keeping in touch. Have a safe and fun weekend to your and to your family as well. God bless always

Dhemz said...

hehehe...tama, babalik ako...babalik at babalik ako...:)