Sunday, July 21, 2013

Pagbangon Ni Mama (aka. SANA NGA)

"Sa panahon na may mga napapublish ako sa diaryo na sinulat ko ay ginusto ko rin na ang nakilala kong babae at nakaibigan ay malagay ang pangalan sa diaryo na siyang nagsulat kahit na ako. Sa madaling salita gusto ko rin na ma nationwide ang pangalan niya. Gumawa ako ng ibang email address at pangalan niya ang gamit sa pagpadala ng kuwento o tula at iyon ay napagtagumpayan ko naman. Nang mapapublish iyon ay bumibili ako ng diaryo at ibinibigay sa kanya. Maraming beses rin na napublish ang pangalan niya bilang nagsulat ng kuwento o tula pero ako ang tunay na nagsulat. Sabi nga ng naka text ko na nagsusulat din ng kuwento at may napapublish sa diaryo bakit ganun daw gumanun ako kasi pangalan niya ang narerecognize na siyang nagsulat at hindi ako. Sabi ko naman ay okey lang iyon kasi masaya ako at nakilala ko siya. Kung sino man ang pangalan niya ay makita niyo sa una kong blog na ginawa ko noon. Ito ang una kong blog www.arvinurmenetadelapena.blogspot.com  at higit sa lahat kahit wala na akong communication sa kanya ay kahit paano masaya ako na minsan nakilala at nakakausap ko siya."

Napublish ang kuwentong ito sa diaryo na ako ang tunay na nagsulat.Napublish ito sa Pilipino Star Ngayon para sa column na Bagong Sibol. Taong 2003 o 2004 yata. Ang pamagat ng kuwentong ito pag submit ko ay SANA NGA pero binago ng editor.

PAGBANGON NI MAMA (aka. SANA NGA)
Ni: Arvin U. de la Peña

Kaysarap dati ng buhay ko. Panahon na sina mama at papa ay nagsasama pa. Bawat Sabado at Linggo ay namamasyal talaga kami. Palibhasa kapwa pumapasok sa opisina at mataas pa ang sahod ay ayos lang kung gumasto man ng pera. Basta para sa ikasasaya ng pamilya walang problema. Kung gusto ko naman ng isang bagay o laruan ay naibibili talaga nina mama at papa para sa akin. Kaya nga noon sinasabi ko suwerte ako at nagkaroon ako ng magulang na tulad nila. Hindi katulad sa iba kong mga kaibigan na bukod sa wala pang katulong sa bahay ay nagsasakripisyo pa sila sa bawat araw para mabuhay. Ako ay hindi na. Mayroon ng nag-aasikaso para sa pagkain namin at naglalaba ng maruming damit.

Akala ko talaga ay walang katapusan ang kasiyahan ko sa pagkakaroon ng magulang na tulad nila. Hindi pala, lahat pala ay may katapusan. Nalaman ko na lang isang umaga na pagkagising ko na si mama ay umiiyak. Iyak na masyadong nasasaktan sa pangyayari. Ako na sampung taong gulang noon at musmos pa ang kaisipan ay di ko agad nadama ang kanyang pag-iyak. Ngunit ng sabihin niya sa akin na si papa ay sumama na sa ibang babae at di na magbabalik sa amin ay di ko napigilan ang di umiyak. Paano?, di ko na makakapiling pa si papa. Noon pa raw pala ay may kinahuhumalingan ng ibang babae si papa.

Lumipas pa ang ilang araw napansin ko na lagi na lang malungkot si mama. Kung dati ay di siya tumitikim ng alak ngayon ay umiinom na siya ng alak. Pinalayas na rin niya ang katulong namin. Kung dati ay hindi ako naglalaba ngayon ay nagkukuskos na ako ng maruming damit. Madalas na rin akong utusan ni mama na bumili ng pagkain. Nag-iba talaga ang buhay ko mula ng mawala sa amin si papa. Ang masakit pa ay pinag-uusapan kami lagi ng aming mga kapit-bahay.

Kapag ako naman ay nasa paaralan at tinatanong ako ng mga kaibigan ko kung nasaan si papa ay di agad ako nakakasagot. Nahihiya ako sa mga kaibigan ko na naghiwalay ang mga magulang ko. At kapag nakikita ko naman ang iba kong mga kaibigan na magkasama silang pamilya ay may pagkainggit sa aking sarili. Naaalala ko ang mga sandali na magkasama kami nina mama at papa.


Tuwing sumasapit naman ang Sabado at Linggo ay lagi na lang ako sa bahay. Nasa isip ko na lamang ang aming pamamasyal. Kung humiling naman ako kay mama na kami ay mamasyal ay di siya pumapayag. Masyado talaga siyang naapektuhan sa nangyari.

Minsan isang gabi ay nanaginip ako. Kaming dalawa ni papa ay namamasyal. Masayang-masaya ako habang kami ay namamasyal. Gusto ko sabihin sa kanya kung bakit niya pinalitan si mama pero hindi ko magawa. Paulit-ulit lang niyang sinasabi sa akin na dapat harapin ko ang mga pagsubok na darating sa akin at huwag akong paaapi para di masaktan si mama.

Kinabukasan pagkagising ko at paglabas sa silid ay nakita ko si mama na nagdarasal sa altar. Namangha ako kasi mula ng magkahiwalay sila ni papa ay di na niya iyon ginawa. Pero ng araw na iyon nagdasal ulit siya sa altar. Taimtim na nagdarasal.
Nasa kusina ako ng tawagin ang pangalan ko ni mama. Maghanda raw ako kasi kami ay mamamasyal. Pagkarinig ko na kami ay mamamasyal ay napaluha ako ng kaunti. Nasa isip ko sana nga ay matanggap na talaga ni mama na si papa ay wala na sa amin.
Tuwang-tuwa ako ng araw na iyon.


11 comments:

Balut said...

Ang bait mo naman Arvin nagsulat ka para sa ibang tao...

Ang lungkot ng kwento...

Joy said...

So nice of you Arvin. Lifting up others than you.
ANyway, parang ganyan ang buhay talaga. Up and down, but there is always hope from above:)

fiel-kun said...

Awww... na-sad naman ako sa story nung Mag-Ina :(

Tama si Mommy Joy, sa ganitong mga pagsubok sa buhay, kapit lang lagi kay Lord at huwag bibitaw. Laging manalig sa kanya and ask for guidance!

Teng said...

Sana nga :|

Dhianz said...

sorry i tried to read the story but for some reason eh dumadaan lang ang mga letra sa mga mata koh... i guess i'm tired... juz wanted to say thanks for droppin' by sa page koh... itz nice to see that you are still an active blogger... nd btw that's so nice of you na gawa moh eh nacredit nang ibah... maybe you love that person... eniweiz sige... ingatz nd Godbless!

Tal | ThePinayWanderer said...

lungkot naman ng kwento pero at least sa huli ay nagkaron na ng pag-asa, "bumangon" na si mama.

bait mo Arvin ha, para sa taong mahal/mahalaga para sa 'yo ay nagsulat/nagpa-publish ka ng kwento, iba ka.

Pinch of thoughts said...

magaling ka talagang manunulat.

eden said...

nice one, arvs!

Gilbert said...

nakakalungkot naman. ok na yan sana matanggap na ni mama mo yung nagyari. well broken family is never be happy as a complete and strong one. pero pasasaan magiging masaya din kayo ni mama mo kahit kayo lang.

Eileen said...

Ang ganda! parang bumalik ako sa panahon na umalis yung asawa ko, hindi para sumama sa ibang babae pero para maging malaya sa obligasyon. Mahigit 8 taon na ang nakalipas at nakapagpa-tapos na ako ng dalawa sa tatlong anak ko. Hindi namin kelangan ang isang lalaking takot sa responsibilidad. Never na siya nagpakita. Kawalan nya, hindi akin.

Unknown said...

Kya nga noh.