Katulad ng Magkadugo, Pagbangon Ni Mama (aka Sana) ay itong Artista ay napublish din sa diaryo gamit ang pangalan ng nakilala at nakaibigan ko na babae kasi gusto ko din na ma nationwide ang pangalan niya na makita sa diaryo na nagsusulat din ng maikling kuwento o kaya tula. Pero ako ang tunay na nagsulat. Kung sino man siya ay malaman niyo sa una kong blog na www.arvinurmenetadelapena.blogspot.com
ARTISTA
Ni: Arvin U. de la Peña
Kung nakikita ka nila
Sila ay masaya na
Hinahangaan sa TV at pelikula
Kahit paano ay nasilayan nila.
O, artista ka nga
Marami ang sa iyo humahanga
Mundo mo kasing pinasukan
Mahirap na maabot.
Minsan di ka nga lang
Maintindihan ng mga tao
Nagsisinungaling ka kahit totoo
Maprotektahan lang iniingatang imahe.
Marahil nga sadyang ganyan
Ang buhay sa showbiz
Labag man sa kalooban
Kaplastikan di maiiwasan.
5 comments:
Galing naman, napublish talaga itong tula mo parekoy? nice, congrats!
Yeah, that's the truth about being a star. Minsan kailangan mong magkunwaring okay ka sa harap ng camera, pero sa likod naman nito ay sobrang lungkot mo na.
Yes, , mahirap talaga din ang sikat. Nakakagawa ng di dapat. Well ganon din naman kahit di sikat, by the way.
Iba talaga pag artista..
Minsan naman di mo alam kung totoo na o umaarte lang hehehe...
Congrats sa tula....
kaya ayokong maging sikot...lol
musta na Arvin...thanks sa dalaw...a quick visit lang!
Post a Comment