Friday, September 20, 2013

Aanhin Pa Ang Damo, Kung Patay Na Ang Kabayo (The Janet Lim-Napoles and Benhur Luy love story)



AANHIN PA ANG DAMO, KUNG PATAY NA ANG KABAYO
(The Janet Lim-Napoles and Benhur Luy love story)
Ni: Arvin U. de la Peña

Karangyaan sa buhay ay nasa kanya na. Mayroon silang mga magandang bahay, mga mamahalin na sasakyan at iba pa. Kung gustuhin na magbakasyon sa ibang bansa ay madaling makapunta dahil sila ay mayaman. Kung ano ang latest na gadgets katulad ng iphone, ipad, laptop, cellphone ay mayroon agad siya. Siya si Janet Lim-Napoles. Pero kahit ganun siya ay hindi siya matapobre.

Sa kanilang paaralan sa high school ay marami ang humahanga sa kanya dahil simple lamang siya. Mahilig makisalamuha sa mga tao. Higit sa lahat kapag may malalaman siya na ang kanyang kaklase ay walang pambayad para sa pag exam ay pinapahiram niya ng pera. Pati pagkain sa paaralan ay hindi madamot si Janet Lim-Napoles. Ganun siya kabait sa kapwa.

Sa pagtuntong niya ng 4th year high school doon ay may nakaklase siya na bagong lipat mula sa ibang paaralan na lalaki. At na love at first sight siya. Nainlove si Janet Lim-Napoles sa bagong kaklase na ang pangalan ay Benhur Luy. Nang malaman ni Benhur Luy na crush siya ni Janet Lim-Napoles ay niligawan niya dahil crush din naman niya. Hanggang sa maging sila.

Nang malaman ng mga magulang ni Janet Lim-Napoles na mayroon siyang kasintahan at mahirap pa ay pinagalitan siya. Higit sa lahat ay hinigpitan. Pero kinontra ni Janet Lim-Napoles ang kanyang mga magulang dahil mahal niya si Benhur Luy. Nang mag graduate ng high school ay mas pinili ni Janet Lim-Napoles ang sumama kay Benhur Luy at nanirahan sila sa probinsya.

Lahat ng paraan ay ginawa ng mga magulang at kapatid ni Janet Lim-Napoles para siya ay mahanap. Tumagal ng ilang buwan bago siya ay nahanap. Pero ng siya ay mahanap ay buntis na. Minura siya ng kanyang mga magulang. Sinabihan na walang utang na loob. Kung anu-anong masasakit na salita ang sinabi. Pati ang kanyang mga kapatid ay pinagsalitaan din siya ng hindi maganda. Naging mahinahon lang si Janet Lim-Napoles. Hindi siya gumanti ng salita. Hanggang sa umalis na ang kanyang mga magulang at kapatid.
Nang dumating ang kanyang asawa na si Benhur Luy galing pagtrabaho sa construction ay ikinuwento niya ang lahat. Pinangako naman sa kanya ni Benhur Luy na hindi siya pababayaan. Nagyakap silang dalawa.

Nang malapit ng manganak si Janet Lim-Napoles ay kumontak siya sa kanyang mga magulang para humingi ng pera para igasto sa panganganak dahil gusto niya cesarean. Pero sinabihan lang siya na bahala na kayo na mag asawa gumawa ng paraan. Nalungkot siya ng marinig iyon dahil pati sa magiging apo ng mga magulang niya ay kinamumuhian din. Nanganak si Janet Lim-Napoles sa ordinaryong paraan dahil walang mahiraman ng pera.

Taon ay lumipas hanggang sa muling manganak si Janet Lim-Napoles at ito ay kambal. Dahil mahirap lang ang kalagayan nila ay muli humingi siya ng tulong sa mga magulang sa pag aakalang pinatawad na. Sinabi rin niya na may anak na siyang kambal. Pero kinawawa lang siya sa telepono. Wala na raw silang pakialam sa kanya. Hindi na bibigyan pa ng pera. Pagkatapos mag-usap ay napaiyak si Janet Lim-Napoles pag-uwi sa kanila. Habang siya ay umiiyak ay niyakap siya ng kanyang panganay na anak na noon ay limang taong gulang na lalaki at siya ay tumigil na sa pag iyak.

Nagsikap si Janet Lim-Napoles. Natuto siyang magtinda ng mga isda sa palengke kasama ng asawa niya na si Benhur Luy na wala ng trabaho sa construction. Umaga palang ay umaalis na si Janet Lim-Napoles sa kanilang bahay para umangkat ng isda sa kabilang baryo para ibenta sa palengke sa kanilang lugar. Iyon ang naging hanap buhay nilang mag asawa. Minsan ay malaki ang kita, minsan naman ay konti lang. Sa ganun na paraan ay nakakaraos sila bawat araw at napapag aral pa nila ang kanilang panganay na anak. 

Sa ikatlong pagbubuntis ni Janet Lim-Napoles doon ay naging mahirap ang kanyang kalagayan. Nagkaroon pa siya ng sakit. Ilang araw pa bago ang kanyang panganganak ay gusto niya na humiram ng pera sa kanilang mga kaibigan para igasto sa cesarean pero wala siyang mahiraman. Dahil kailangan talaga na dapat cesarean ang panganak niya ay sa muling pagkakataon ay tumawag siya sa kanyang mga magulang. Pinaliwanag niya ang lahat na kailangan niya ng pera para sa cesarean dahil maselan ang kanyang pagbubuntis at may sakit pa siya. Umiyak pa siya sa telepono ng pagmamakaawa. Pero hindi siya pinansin. Naging pusong bato na ang kanyang mga magulang sa kanya. Hanggang sa matapos ang kanilang pag-uusap.

Gabi oras ng panganganak ni Janet Lim-Napoles sa public hospital ay hirap na hirap talaga siya. Hindi niya makaya na mailuwal ang sanggol sa sinapupunan, samahan pa na may sakit siya. Nasabi niya sa sarili na kung may pera lang sila hindi mangyayari ang nararamdaman niya ngayon dahil cesarean ang panganak niya. Hanggang sa hindi na makaya ni Janet Lim-Napoles ang hirap sa panganganak at siya ay namatay. Iyak ng iyak si Benhur Luy sa nangyari. Agad ay tinawagan ni Benhur Luy ang mga magulang ni Janet Lim-Napoles at ipinaliwanag ang nangyari.

Ilang oras ang lumipas ay dumating ang mga magulang at kapatid ni Janet Lim-Napoles sa hospital. Doon ay kitang-kita nila ang kanilang anak na patay na. Humagulgol sila ng iyak, nag iyakan sila. Nagsalita pa na humihingi ng kapatawaran.

Bumuhos ang suporta ng mga magulang ni Janet Lim-Napoles sa kanya. Pinagawan ng magandang nitso, sinuotan ng mamahalin na damit, relo, kuwentas, at singsing. Sa bawat gabi ng kanyang burol ay marami lagi ang nakahandang pagkain. At pagkatapos ng libing ni Janet Lim-Napoles ay binigyan si Benhur Luy ng malaking halaga ng pera ng mga magulang ni Janet Lim-Napoles para sa mga anak at sa negosyo na pag isda. At sinabihan pa na kung kailangan ng pera ay tumawag lang dahil handang tumulong. Nang marinig iyon ay napaluha si Benhur Luy. Nang paalis na ang mga magulang ni Janet Lim-Napoles ay niyakap muna ang kanilang mga apo. Ang panganay na anak at ang mag kambal.

Itinaguyod na mag isa ni Benhur Luy ang kanilang mga anak ni Janet Lim-Napoles. Hindi na siya naghanap pa ng ibang mamahalin dahil si Janet Lim-Napoles lang ang kanyang mahal, wala ng iba.

7 comments:

Joy said...

Kalungkot naman ng story na eto.
Reminds me of my first daughter. After sya makatapos ng pagaaral ay umibig sa isang kargador sa palenke na sugarol pa at babaero. Sabi ko sa kanya na hirap lang ang pspasukin nya at kawawa magiging mga anak nya. She didnt listened to me. She said na they can manage. Nagpakasal pa rin at ayon, nagtitiis sa hirap at sa bisyo ng asawa nya.
Anyway? My point is as a mother ay di ko rin matiis. So every month ay may sustento sa akin. Kasi kawawa naman mga apo ko. What is money Anyway kung masira ang relationship in between families.
Hope maging aral ang kuwento mo sa.mga taong di makapagpatawad.

fiel-kun said...

Natawa ako kase ang mga pangalan nila Janet Napoles at Benhur Luy ang napili mong ipangalan sa iyong mga tauhan.... pero nakakalungkot din pala ang bandang dulo ng kuwento kung saan nasawi si Janet sa panganganak, although mahirap at payak lang ang kanilang buhay, ay naitaguyod naman magisa ni Benhur ang kanilang mga anak.

KULAPITOT said...

Nadaya ako sa title hahaha :)

Nakakalungkot ang kwento ngyayari tlga sa totoong buhay. :)

Balut said...

akio rin nadaya sa title hate ko pa naman yung mga names na involve ha ha

Unknown said...

Natawa ako sa name ng mga character mo. Kung sa totoong buhay incest yan dahil malapit atang magkamag-anak ang dalawa. Pero may mga ganitong istorya talaga sa totoong buhay. Napadaan lang ...

SunnyToast said...

akala ko namn tlga...real 2..hahahaha! galing:)

Grace said...

Hi Arvin, kumusta ka na? Napadpad ulit ako dito. Binasa ko ang pinakahuling kwento mo, makabagbag-damdamin.

Anyway, eto na naman ako, trying to go back to blogging. We will see where it will take me. :-)