Teacher: Kumusta na, saan ka pupunta?
Student: Diyan po ma'm sa mataas na building kasi diyan ako mag aapply ng trabaho.
Teacher: Ha! Mag apply ka iyan ang suot mong sapatos, pangit ng tingnan. Eh noon pa iyon noong nag-aaral ka pa.
Student: Ma'm hindi po ako bibili ng bagong sapatos hanggat wala pa akong nahahanap na trabaho.
LUMANG SAPATOS
Ni: Arvin U. de la Peña
Maraming hakbang kang ginamit
Kung saan lang mapadpad
Sa mga nalaman ko at natutunan
Halos palagi kitang suot.
Tag-araw man o tag-ulan
Hindi kita nakakalimutan
Dahil ikaw ay nag-iisa lang
Walang pambili ng bago.
Anumang okasyon ang daluhan
Hindi ko ikaw ikinakahiya
Humaharap ako sa kanila ng maayos
Magagandang tulad mo ang suot.
Ngunit ngayon ay iba na
Hindi ka na puwede pang gamitin
Dahil masyado ka ng nasira
Sa paglipas ng ilang taon.
Luma kong sapatos maraming salamat
Malaki ang naging tulong mo sa akin
Naging kasama ko ikaw
Maabot mga pangarap sa buhay.
8 comments:
Naalala ko tuloy yong kahapon ko na wala ko sapatos. Recognition sa school at may honor pa ako. Ipinanghiram pa ko ng auntie ko ng shoes.
Pero God has been so good. Now I have shoes, not only one.
Thanks for sharing this heart touching poem.
Ako din naalala ko dati kahit sobrang baho ng shoes ko danil isa lng tiniis ko at ang sapatos na un ang kasama ko sa pag akyat sa entablado from elementary to high school
Sobra din akong nakaka relate sa lumang sapatos na ito. Product ako ng public school noong elementary at college. Kaya kung pwede pa naman talagang gamitin yung old shoes ko, ginagamit ko talaga. Dati nga may leather shoes ako na biak na yung swelas, kaya tuwing umuulan laging soak wet ang talampakan ko. Nice poem parekoy!
naka-relate kaming mga bisita mo dito sa post mo Arvin, mukhang pare-pareho tayo ng klase ng buhay na pinagdaanan. pero nakakatuwang isipin na lahat tayo ay nalagpasan yun, kung hindi eh wala sana itong tula mo at wala sana ang mga komento namin. God is good talaga. :)
aw nakaka inspire naman ito . relate naman ako dito:(
aaaw!
yung mga kabataan ngayon hindi kelangan bago gusto pa branded :(
Nalaala ko tuloy noon pag tag ulan dili na isul ob ang sapatos kay dali lang maguba..
Post a Comment