Wednesday, December 28, 2011

Showbiz Scandal ( DJ Mo and Rhian Ramos )

Una sa lahat nais kong magpasalamat sa mga bumisita sa blog ko at higit sa lahat sa mga blogger na naging bahagi ng blog ko ngayong taon. Maraming salamat talaga sa inyo.

"Ang showbiz ay mundo ng walang katapusang intriga."







SHOWBIZ SCANDAL ( DJ Mo and Rhian Ramos )
Ni: Arvin U. de la Peña

Nitong nakaraang araw ay nagkaroon ng malaking pagsabog sa showbiz. Ito ay iyong tungkol kay DJ Mo at Rhian Ramos na naging magkasintahan pero naghiwalay. Ang unang lumabas na iskandalo ay tungkol sa pagpapa abort ni Rhian Ramos na ang pagsabi ni DJ Mo ay nirekord sa laptop. At ang pangalawang iskandalo naman ay iyong laplapan scandal nilang dalawa. Sa video ay makita na si Rhian Ramos ay nakapatong kay DJ Mo na kapwa sila may damit at halik ng halik si Rhian Ramos kay DJ Mo. Higit sa lahat alam ni Rhian Ramos na naka video. Ang dalawang scandal na iyon ay na upload sa youtube at marami ang nakapanood. Isa na ako sa nakapanood.

Para kay DJ Mo bakit hinayaan mo siya na mailaglag ang bata. Dapat sinabihan mo ang mga magulang ni Rhian Ramos tungkol sa balak na pagpa abort para sana napigilan ang balak. Sa iyo DJ Mo ang masasabi ko ay kinunsinti mo ang kagustuhan ni Rhian Ramos na magpa abort kasi sinamahan mo pa siya sa Singapore. Parang gusto mo rin na siya ay magpa abort. Dahil kung hindi mo gusto ang gagawin niya ay hindi ka sasama at gagawa ka ng hakbang para hindi matuloy ang nais niya kagaya ng pagsabi sa mga magulang ni Rhian Ramos. Hindi kayo naawa sa nasa sinapupunan. Hindi niyo pinagbigyan ng pagkakataon ang nasa sinapupunan na masilayan ang daigdig. Gayong kung maisilang ang bata ay hindi maghihirap hanggang lumaki dahil may pera kayo, mayaman kayong dalawa. Mula sanggol hangggang magbinata ay puwede na makainom ng gatas bawat araw kahit ilang beses pa. Kahit anong klaseng gatas pa at higit sa lahat puwede na mag aral kahit sa mamahaling paaralan. Ang iba nga, halimbawa ang mga natutulong lang sa kalsada o walang tirahan kung buntis ay hindi pinapalaglag. Hinaharap ang magiging kapalaran kung mayroong anak. Pero kayo, hindi kayo naawa sa nasa sinapupunan.

Sa iyo Rhian Ramos kung ang inaalala mo ay ang career mo kung kaya nagdesisyon ka na ipalaglag ang nasa sinapupunan mo ang masasabi ko ay napakamaling desisyon ang ginawa mo. Ang showbiz career mo ay puwede pang maibalik sa iyo. Marami ng naging artista ang nabunits sa katanyagan nila at nakabalik pa sa pag artista ng maisilang na ang sanggol. Kung ikaw ay manganak na ay puwede ka pa ulit maging artista. Ngunit ang ipinalaglag mo ang buhay na iyon ay hindi na maibabalik. Kung may bumalik man sa iyo ay ibang buhay na. Mapalad ka pa nga dahil ikaw ay nabuntis. Eh, ang iba ngang babae ay hindi nabubuntis dahil may diperensya kaya ang ginagawa ay nag-aampon na lang.

Rhian Ramos sa ginawa mo na pagpa abort ay para kang walang tiwala sa iyong sarili. Para kang walang tiwala na kung magkaanak ka habang bata pa at sikat ay hindi na muling sisikat pa. Ang isang artista basta magaling kahit magpahinga muna sa showbiz ng ilang buwan o taon ay magaling pa rin na artista kung bumalik. Sabi nga sa english " a good actress is always a good actress." Pero hindi mo yata iyon naisip. Ang inisip mo ay ang ngayon na ayaw mo mahinto sa showbiz. Alam mo ng ang pakikipag sex ay maaaring mabuntis bakit hindi ka nag ingat. Kung ayaw mong mabuntis dapat lagi kang take ng pills bawat pakikipag sex. Pinagagamit ng condom lagi si DJ Mo. Para kang makasarili dahil sarili mo lang ang inisip. Hindi mo man lang inisip ang nabuo dahil sa pagmamahalan niyo ni DJ Mo. Hindi mo man lang inisip ang naging bunga ng pagtatalik niyo ni DJ Mo na ewan kung nakailang beses kayong dalawa nagpakasarap bago nabuo ang pina abort mo.

Sa inyong dalawa DJ Mo at Rhian Ramos sa huli ang masasabi ko ay hindi kayo dapat na tularan. Hindi kayo magandang halimbawa para sa ibang tao.

Saturday, December 24, 2011

Pabango

Kahit anong perfume pa ang gamitin ng isang tao kung may hindi siya magandang ugali ay hindi pa rin siya magiging mabango para sa nakakakilala sa kanya.
PABANGO
Ni: Arvin U. de la Peña

Huwag gamitin ang pabango
Upang bumango uli ang pangalan mo
Kailan pa man ay mabaho ka na
Hindi na lilinis pa ang imahe mo.

Pabango pa man ang iligo mo
Ganun pa rin ang tingin sa iyo
Akala mo lang ikaw ay mabango
Ngunit sa mata ng tumitingin nakakasuka.

Mga ngiti mo ay wala ng saysay
Karisma mo hindi na katulad ng dati
Bawat makursunadahan mo di mo na basta makukuha
Pagkat sila ay takot matulad sa iba.

Halimuyak mo noon malabo ng makamit ngayon
Kaya huwag ng ipagpilitan ang sarili
Huwag kapalan pa ang mukha
Upang lalong hindi ka pagtawanan.

Kababuyan mo hindi na mabubura
Nakatatak na iyon sa isipan
Habang pinagpipiyestahan ang ginawa mo
Lalo kang kinamumuhian ng nakararami.

Saturday, December 17, 2011

Pag-ibig Mula Sa Gasolinahan

Ang sinulat kong ito na kuwento ay gawa-gawa ko lang at ito ang entry ko para sa 4th Blogversary ng blogger na si The Gasoline Dude's na ang site ay http://www.gasolinedude.com dahil gusto kong manalo ng kahit ano sa tatlong prizes na ang first prize ay 1 Western Digital 1TB Portable Hard Drive with Singapore Shirt, second prize 16GB USB Flash Memory Drive with Singapore Shirt, at 3rd prize ay 1 8GB USB Flash Memory with Singapore Shirt.

To the Teacher: Be proud you are a teacher the future depends on you.
To the Student: Learn us much us you can from your teacher. A bright future is waiting for you.

PAG-IBIG MULA SA GASOLINAHAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Pagkatapos kong maggraduate ng high school ay ako ang nagpasya na hindi muna ako mag-aaral ng kolehiyo. Kahit na pinipilit ako ng aking mga magulang na mag-aral. Kahit lang daw mahirap kami at may iba pang kapatid na pinapaaral ay gagawin ang lahat mapag-aral lang ako. Pero ako ang nagmatigas at umayaw talaga ako. Sinabi ko sa kanila na sa susunod na lang ako na pasukan. Wala na silang nagawa.

Sa kapitbahay naming si Mang Nestor na may pampasaherong jeep ay nakiusap ako na sa kanya kung puwede na maging konduktor ako. Mabuti siya ay pumayag. Tinuruan ako kung ilang pera ang singil sa kung saan sasakay at bababa.

Naging konduktor ako ng pampasaherong jeep. Sa una ay kinakabahan pa ako kasi baka magkamali ako sa pagsingil. Ngunit kalaunan ay nasanay na ako. Minsan ang ibang nakasabay ko pa sa pag-aaral sa high school ang sumasakay at ang iba nakikita ko na naka uniporme sa kung saang paaralan sila nag-aaral. Ang bayad sa akin bilang konduktor ay halos iniipon ko lahat para gamitin kung ako ay mag-aral na sa kolehiyo.

Minsan isang araw ay umaga pa lang ay namasada na kami. May sumakay na mag-asawa at kasama ang anak nila na siguro mga limang taon. Sila palang ang pasahero. Habang sakay na sila ay nagsalita ako ng "barya lang sa umaga." Nang masabi ko iyon ay nagsalita ang babae na P500 raw ang pera nila. Wala silang barya. Sinabi ko kay Mang Nestor na P500 ang pera. Sumagot naman siya na "walang problema malapit na ang gasoline station, doon tayo magpapabarya."

Nang huminto ang jeep agad ay bumaba ako at pumunta sa cashier para magpabarya. Nang makita ko ang cashier na halos kasing edad ko lang bigla ay tumibok ang puso ko sa kanya. Nakaramdam ako ng pag-big. Nang iaabot na niya sa akin ang pera ay sinadya kong hawakan ang kamay niya na agad niya namang inalis. Sa araw na iyon ay masaya ako sa aming pamamasada. Para bang nagkaroon ako ng inspirasyon sa buhay. Kapag mapapadaan na kami sa pinagtratrabahuan ng nagustuhan kong babae ay minsan sinasabi ko kay Mang Nestor na huminto muna kasi magpapabarya ako. Kapag nagpapabarya na ako ay titig na titig talaga ako sa kanya.

Minsan isang araw pagpabarya ko ay hindi ang nagustuhan ko ang nasa cashier. Badtrip agad ako. Tinanong ko ang nasa cashier kung nasaan ang dating cashier at ano ang pangalan. Sinabi niya na pang gabi na ang trabaho at Patricia daw ang pangalan. Matamlay ako ng araw na iyon kasi naging pang gabi si Patricia sa pag cashier at hindi ko siya makikita.

Lumipas ang araw, buwan at nakaisang taon na ako bilang konduktor. Sinabi ko kay Mang Nestor na titigil na ako sa pag konduktor kasi gusto ko ng mag-aral sa kolehiyo. Ayos lang naman sa kanya kasi hahanap na lang siya ng iba. Sinabi pa niya sa akin na good luck daw sa nalalapit kong pag-aaral.

Sinabihan ko ang mga magulang ko na mag-aaral na ako sa kolehiyo at natuwa naman sila. Nakiusap ako sa kaibigan ko na nag-aaral sa kolehiyo na ako ay samahan sa pagpa enroll. Pumayag naman siya.

Habang nasa paaralan na kami at ako ay naglilista ng mga subject para sa kurso na Bachelor of Science in Education ay may tumabi sa akin na babae. Pagtingin ko ay para agad akong lumulutang kasi si Patricia ang tumabi sa akin. Hindi na ako nahiya at agad ay kinumusta ko siya kahit di pa kami magkilala. Sinabi ko sa kanya na ako ang konduktor ng jeep na madalas magpabarya na noong una ay hinawakan ko ang kanyang kamay ng iiabot na ang pera. Sinabi naman niya na "naaalala ko na." Nang tanungin ko siya kung Education din ba ang kukunin niya ay sinabi niya na "oo". At dahil magkapareho pala kami ng kurso na kukunin ay sinabi ko sa kanya na maging classmate na lang kami sa lahat ng subject na hindi naman siya tumutol. Nang araw na iyon ay kumain kami sa labas. Kinuwento ko ang buhay ko sa kanya at ganun din siya. Nagtrabaho daw muna siya para may maipon at maigasto sa pag-aaral dahil mahirap lang din daw sila.

Sabay kaming nag-aral ni Patricia sa kolehiyo. Sabay naming inaabot ang pangarap para makapagturo sa paaralan. Sa kasalukuyan ay nasa 4th year college na kami. At sa darating na graduation namin ay sasagutin na niya ako.

Wednesday, December 7, 2011

Hiling Na Pag-amin ( kay Gloria Macapagal Arroyo )

"Sa buhay ay nakakagawa tayo ng mga pagkakamali. At sa bawat mali na ating nagawa minsan nagsisisi tayo, higit sa lahat ay may natututunan."

HILING NA PAG-AMIN ( kay Gloria Macapagal Arroyo )
Ni: Arvin U. de la Peña

Mga katiwalian mong ginawa aminin mo
Huwag kang mahihiya sa kapwa mo pilipino
Kung patuloy kang di magsisiwalat sa mga mali
Lalong magdududa ang maraming tao.

Masarap ang pakiramdam ng walang tinatago
Magaan ang loob dahil walang pinag-aalala
Kahit saan pa pumunta hindi mahihiya
Maituturing pang isang bayani.

Huwag matatakot sa mga madadamay na malapit sa iyo
May kasalanan rin sila kaya dapat pagbayaran nila
Huwag hayaan na ikaw lang ang madiin sa kaso
Hindi iyon patas lalo at ikaw ay dating pangulo.

Matuto na magpakatotoo dito sa mundo
Upang ikaw maging magandang ehemplo
Ang nabubuhay sa kasinungalingan na isang tao
Walang kapayapaan para sa kanyang sarili.

Habang may lihim kang di nabubunyag sa publiko
Sambayanan ay hindi matutuwa
Ang pag-amin sa mga kasalanan ay hindi masama
Ang pagtanggap sa magiging parusa ay pagpapakita ng katapangan sa sarili.

Saturday, December 3, 2011

Tunay Na Ganda

Some joys are better expressed in silence because a smile holds more meaning than laughter. I was asked if I enjoyed meeting you in my life. Know what? I just smiled.

TUNAY NA GANDA
Ni: Arvin U. de la Peña

Ang tunay na ganda hindi kumukupas
Mula pagkabata hanggang lumaki ganun pa din
Angking ganda walang pagbabago
Nakakapahanga para sa tumitingin.

Kung sa kalsada dumadaan
Kalalakihan hindi mapigilan ang di sumulyap
Ang iba nangangarap at nagnanais
Sa nakita siya ang kasama sa pupuntahan.

Lumayo man at mangibang bayan
Ibang klima ang mararamdaman
Masarap na pagkain laging matitikman
Taglay na kagandahan nananatili pa rin.

Makapag asawa man at magkaroon ng anak
Maging marami man ang gawain
Walang pagkupas na masisilayan
Sa kagandahan na mula pa noon.

Thursday, November 24, 2011

Pagbulusok

Napakasaklap ng nangyayari ngayon sa dating pangulo na si Gloria Macapagal Arroyo. Kahit ang mga Pro GMA noong panahon niya hindi man lang makita sa kalsada para magbigay ng simpatiya sa sinapit niya. Ibig pa lang sabihin silang mga Pro GMA noon ay mga plastik. Ngayon na alam nilang wala na sa poder ang kanilang pinagsisilbihan noon ay hindi na nagpapakita ng suporta. Hindi katulad ng kay Erap at Marcos na mga naging Presidente ng bansang Pilipinas na hanggang ngayon ay mayroon pa rin mga loyalista na handang magpakita ng suporta kung kailangan.
PAGBULUSOK
Ni: Arvin U. de la Peña

Kapangyarihan na mataas nakamit
Ginawa ay pang-aabuso sa bayan
Di man lang inisip mga mamamayan
Sariling kapakanan lamang ang nais.

Pamilya at kaalyado ay nabusog
Nagpasarap sa buhay at nagpayaman
Kung sino sa kanya ang bumabatikos
Tinatakot para hindi na umulit.

Halos bawat nagreretirong heneral
Posisyong maganda ang kinalalagyan
Simbahang katoliko ay binibigyan
Upang hindi pagsalitaan ng pangit.

Hainan man para siya mapatalsik
Walang pagkabahalang nararamdaman
Mga kongresistang kampi nariyan lang
Sagana sa bigay na milyong pork barrel.

Mula sa itaas ngayon ay bumagsak
Walang naaawa sa kanyang sinapit
Pagkat siya di dapat na kaawaan
Ang dapat ay makulong sa kasalanan.

Saturday, November 19, 2011

Sine

"The easy part of life is finding someone to love. The hard part is finding someone to love you back."

SINE
Ni: Arvin U. de la Peña

Hilig ko noon ang manood ng sine. Sabado o kaya Linggo ako nanonood. Minsan sa SM, sa Country Mall, o kaya sa Ayala. Minsan ng manood ako sa Ayala ng Harry Potter ay puno talaga sa loob. Kaya ang ginawa ko tumayo na lang ako katulad ng ibang mga manonood.

Lumilipas na ang mahigit 20 minutes na panonood ko ng bigla may babaeng umiiyak, papalabas ng sinehan. Malakas ang hagulgol niya na nakaagaw pansin sa mga manonood. Iyak siya ng iyak. Tapos sa tinatayuan ko siya dumaan. Ang ginawa ko ay sinundan ko siya kahit na hindi ko kilala. Nakakahiya man pero dahil nasa loob pa ng sinehan pero papalabas na ay hinawakan ko ang kanyang kamay, sabay tanong " miss bakit ka umiiyak"? "Wala", sabi niya. "Anong wala, eh hindi ordinaryo ang pag-iyak mo", sabi ko sa kanya. "Nakipaghiwalay ang boyfriend ko ngayon lang doon mismo sa inuupuan namin", sagot niya". "Ganun ba, o sige huwag ka ng umiyak kasi nakakahiya", sabi ko sa kanya. Hawak ko pa ang kamay niya ng sabihin ko na lumabas kami ng sinehan. Sabi ko sa kanya pumunta ng SM at nag ok naman siya. Nakipagkilala ako sa kanya at doon nalaman ko na siya si Julie Valencia.

Habang sakay kami ng jeep papuntang SM ang nasa isip ko ay parang naka jackpot yata ako kasi hindi na ako mahihirapan pa masyado na ligawan si Julie kasi broken hearted. Pagpunta sa SM dahil pasado 3:00pm na ay agad niyaya ko siya na mag Jollibee muna kami. Nagkuwentuhan kami tungkol sa buhay namin, sa pag-aaral, at doon nalaman ko na pareho pala kaming 4th year college. Magkaiba nga lang ng paaralan. Pagkatapos naming kumain muli ay itinuloy namin ang panonood ng Harry Potter.

Pagkatapos naming manood ng sine at lumabas na ay doon hiningi ko ang cellphone number niya. Binigay naman niya at binigay ko rin ang cellphone number ko sa kanya. Tinanong ko siya kung saang boarding house siya nakatira at ng sabihin niya ay sinabi ko sa kanya na ihahatid ko siya. Hindi naman siya tumutol. Hinatid ko siya sa boarding house niya at doon kita ko sa mga mata niya na may saya at iyon ang nagbigay sa akin ng inspirasyon.

Kinabukasn paggising ko agad ay tinext ko siya ng "good morning", nagreply naman agad siya ng "good morning din". Nagpalitan pa kami ng text hanggang sa magpasya ako na maghanda na para sa pagpasok sa paaralan. Kinagabihan paglabas ng last subject ko na 7:30pm agad ay text ko siya kung nasaan siya. Sinabi niya na nasa paaralan pa dahil 8:30 pm pa daw ang labas niya. Doon ay sinabi ko sa kanya na hintayin ko siya sa labas ng paaralan sa University of San Carlos. Muli ay pumayag siya.

Paglabas niya agad ay kinumusta ko siya at niyaya na kumain. Pagkatapos naming kumain muli ay inihatid ko siya sa boarding house niya. Naulit pa ng naulit ang ganun na pangyayari sa amin ni Julie pati pamamasyal tuwing Sabado o kaya Linggo.

February at malapit na ang Valentine's Day ng magtapat ako ng pag-ibig sa kanya. Hindi muna siya sumagot at pag-iisipan pa raw niya kasi sa ngayon daw ay masaya siya na ako ay kaibigan. Naunawaan ko siya at itinuloy ko pa rin ang magandang ipinapakita sa kanya. Hindi ako nagbago sa kabila ng sinabi niya.

February 13, 2005 gabi ay balisa ako. Di ko alam kung bakit. Hindi ako makatulog masyado. Pasado alas dose ng bigla may natanggap akong text. Nang tingnan ko ay mula kay Julie. Nang basahin ko ang text ay halos mapasigaw ako. Kasi ang laman ng text niya ay sinasagot na niya. Agad ay nag text ako sa kanya ng pasasalamat at sinabi ko na magiging mabuti ako na kasintahan niya.

Pagkita namin kinabukasan ng gabi paglabas niya ng paaralan agad ay niyakap ko siya. Tapos kumain na kami. Paglipas ng araw ay naging abala na sa pag-aaral at isa pa ma graduate na kaya medyo busy na. Ganun din naman siya. Hindi ko na siya natetext lagi. Pero kung gabi ay sinusundo ko pa rin siya sa paaralan niya. Tapos kumakain at inihahatid sa boarding house niya.

Sinabi ko sa kanya na ang graduation namin ay March 25, 2005. Nagpaasa siya na manonood siya at nangako naman ako na manonood sa graduation nila na March 27, 2005.

Akala ko talaga ay kami na. Sa isip ko nakaplano na ang lahat para sa amin. Para sa aming pagsasama pagdating ng panahon na kapwa handa na.

March 24, 2005 ay nakahanda na ang lahat para sa susuotin ko para sa graduation. Excited ako kasi matatapos na rin ang pag-aaral ko sa kolehiyo ng apat na taon. Maaga akong natulog. Pagkagising ko kinabukasan na araw na ng graduation ng tingnan ko ang cellphone ay mga mga tawag mula kay Julie. Hindi ko nasagot. Nang basahin ko ang text agad ay nanghina ako. "Sorry nakikipag break na ako sa iyo. Nakipagbalikan na sa akin ang una kong boyfriend na una kong minahal at tinanggap ko naman kasi mahal ko pa rin siya. Hindi ako makakapanood ng graduation mo. Good luck na lang sa iyo."

Nang matapos kong basahin ang text niya agad ay tinawagan ko siya. Ring lang ng ring ang cellphone niya. Ayaw sagutin ang tawag ko. Text ko siya kung bakit ganun. Wala rin siyang reply.

Nasa loob na ako ng Cebu Coliseum kasama ng mga kaklase ko at iba pa na ma graduate ay ako lang yata ang malungkot. Kita ko sa ibang mga graduating na masaya talaga. Minsan tinitingnan ko ang mga tao na nasa taas na nanonood ng graduation at nagbabakasakali na makita ko si Julie, pero wala.

Hanggang sa mag umpisa na ang graduation. Pagbanggit ng pangalan at pagtanggap ng diploma.

Umakyat ako ng stage para tanggapin ang diploma na walang sigla sa katawan. Bumaba ako ng stage na may lungkot sa mga mata.

Thursday, November 10, 2011

Bilanggo

Matatagalan pa siguro bago uli ako mag blog. Dahil halos tatlong linggo na rin na ang lagnat ko ay pabalik-balik. Hanggang ngayon ay hindi pa ako magaling talaga. Hindi lang naman ako ang may ganitong klaseng sakit kundi pati rin ibang mga tao sa amin lugar at kalapit na lugar. Nabalita pa nga sa tv na may typhoid fever outbreak sa aming lugar at sa iba pa. Marami na nga ang na confine sa iba't ibang hospital dahil sa uri ng sakit na ito na pabalik-balik na lagnat. Napakarami ko ng na take na gamot pero wala pa rin talaga. Nagpilit lang po ako na mag internet at mag post sa blog para malaman niyo kasi baka magtaka kayo na hindi na ako nag blablog hop o punta-punta sa ibang mga blog katulad ng dati. Kung bumuti na talaga ako ay balik sa dati ang gawi ko sa pag blog. Mula dito humihingi ako ng pasensya para sa dalawa kong advertizer na sina Umma at Sam.


"Hindi lahat ng nakukulong ay may kasalanan talaga. May mga nakukulong dahil napagbintangan lang o kaya inakusahan lang. Kung ang nag akusa ay mayaman o kaya maimpluwensya ay tiyak makukulong talaga ang inakusahan. Lalong masakit kung may sariling pamilya."

BILANGGO
Ni: Arvin U. de la Peña

Buong araw nais makawala
Kagandahan sa labas makita
Kung ang hustisya pantay lang sana
Loob ng kulungan wala siya.

Pamilya kanya sanang kasama
Sa pagkain ay laging kasalo
Nasusubaybayan pa paglaki
Ang pagmamahalan naging bunga.

Walang sumasagot tanong niya
Gobyerno parang bingi sa kanya
Hindi niya gusto na magdusa
Labag sa batas di niya gawa.

Lagi na lamang sa isip niya
Ang batas angkop lang sa may pera
Kung tulad niya na isang dukha
Katarungan mahirap makuha.

Kagustuhan niyang makalaya
Hindi alam kung kailan mangyari
Himas sa rehas tuwing umaga
Umaasang pag gabi hindi na.

Friday, October 28, 2011

Hangad

Ilang beses ko na rin na ginawang model ang batang babae na ito na si Akesha. Sa bawat sinulat ko na gusto ko na siya ang model ay sinasabihan ko ang mommy niya na si Dhemz tapos nagpipicture ng kung ano ang gusto ko. Katulad ng sinulat kong NOTEBOOK na sa picture ay may hawak siyang notebook. Sa LAPIS na kung saan sa picture ay nagsusulat siya gamit ang lapis. At ang TINTA na kung saan ang kamay niya ay sinulatan talaga para makita ang tinta. Ito lang ngayon ang post ko na siya ang model na hindi ko pinagsabihan ang mommy niya.













HANGAD
Ni: Arvin U. de la Peña

May magandang loob sa kapwa
Paglaki mo ang nais ko sa iyong pagkatao
Kung gaano ka kaganda sa paningin
Sa ugali dapat ay ganun din.

Mga payo ng magulang mo
Anuman ang nais para sa iyo
Sundin mo ang hangad nila
Kabutihan ang iyong makakamtan.

Huwag mong suwayin mga payo nila
Kung hindi sa kanila ikaw ay wala
Sa buhay walang magulang naghangad ng masama
Para sa kanilang supling.

Mga hamon sa buhay na mararanasan
Harapin mo ng may tapang
Iwasan ang panghinaan ng loob
Bawat pagsubok ay may hangganan.

Makamtan mo man kaginhawaan sa buhay
Maging simple ka lamang
Ang diyos na lumikha ng sanlibutan
Pinagpapala ang mabuti na tao.

Monday, October 17, 2011

Sasakyan

"Sa pag-alis ng isang ilaw ng tahanan minsan ay ang pag-aliw din sa sarili ng iniwanan. Hindi naman nakapagtataka na mangyari ang ganun dahil ang umalis baka nag aaliw din. Napakarami ng pangyayari na ang isang pamilya ay nasira dahil may nangaliwa o kapwa nangaliwa habang malayo sa isa't isa.


SASAKYAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Linisin mo iyan
Dahil diyan ay nabubuhay ka
Pati na ang iyong pamilya
Diyan sa trabaho mo umaasa.

Kung may dumi alisin mo
Dahil walang sasakay sa iyo
Kung kailangan ay pabanguhin mo
Para marami kang pasahero.

Huwag kang mandidiri sa paghawak
Kung halimbawa man may ikakarga
Hanap mo ay pera
Kaya kasama na ang ganyan.

Kinikita mong pera subaybayan mo
Tahakin mo ang daan saan napupunta
Dahil baka ang pinagpapawisan mo
Sa walang katuturan lang napupunta.

Maging mabaho ma ang daan
Tiisin mo ang amoy
Dahil ang daan na dinadaanan mo
Kasing lapad ng kamay mo pagdating sa pera.

Thursday, October 13, 2011

Bigong Paghahanap (by request)

Bago ang lahat nais ko po sanang elike niyo sa facebook ang kaibigan ko na official candidate siya sa HCCC Miss United Nations 2011. Kasi palagay ko naman maraming blogger ang may facebook din. Sampung segundo lang ang hinihingi ko sa inyo kasi sa sampung segundo ay magagawa niyo na ang pag like. Sa sampung segundo na iyon ay malaki na ang maitutulong niyo sa pag like na kung sakali manalo din siya para sa isang parangal din na Facebook Choice Award ay bahagi kayo. Bahagi kayo na sumuporta sa kanya sa kanyang tagumpay. Kasi makikita naman kung sila sino ang nag like. Kayo na sumuporta ay hindi makakalimutan. Lalo na at minsan lang ang pagsali niya ng ganun. Kung maaari din po sana ay mag message din kayo na mga kaibigan ko sa blog sa mga kaibigan niyo na elike siya sa facebook o di kaya mag post sa wall ng facebook niyo. Copy paste lang ito

PAKILIKE NAMAN PLEASE...click the link and like..thanks

http://www.facebook.com/photo.php?fbid=171050426313070&set=a.171049356313177.44830.171012709650175&type=1&theater

Sa inyo po na mga kaibigan ko na blogger o nagbabasa sa blog ko ako humihingi ng pag like kasi kung dito sa aming lugar ay mahirap kasi ay siyam silang candidate at puro taga aming lugar pa. Siyempre kung sino ang pinsan o malapit na kamag-anak o kaibigan ay doon mag like. Sa October 24, 2011 pa po ang pageant night. Sa sampung segundo ay makakatulong na kayo sa kaibigan ko. Click niyo lang po ang link na nasa side bar ng blog ko sa itaas na makita po sa itaas ng picture ng candidate. Ang pangalan po ng kaibigan ko ay Barby Dell Jao. Please like my friend in facebook. Malayo man at hindi pa nakikita ng personal ay maipakita sana ang pagtulong. Thank you........

Ang sinulat kong ito ay pagbibigay daan din sa request ng kaibigang blogger na si Cacai M. Narito po ang sinabi niya ng magrequest sa akin.



Cacai M.: P.S. Can I also request a poem? --- that is if you nver mind. Thanks again Arvin. God bless!

http://www.thoughts-ideas-resources.com/
http://www.cacai-m-place.net/

Bigong Paghahanap
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa madilim na daan naglakad
Kaliwa at kanan tiningnan
Hinahanap anak na naglayas
Ang masakit hindi maaninag.

Tinahak ang liwanag na daan
Umaasa na masusulyapan
Kabiguan lang ang naging hatid
Sa suwail walang nakakaalam.

Mga pahayagan ay tiningnan
Binasa nilalaman sa loob
Walang balita para sa anak
Nakakalito na sa isipan.

Magulang hindi mapalagay
Nais ng sumuko sa paghanap
Nagsisisi nagawa sa anak
Sana ay hindi pinagalitan.

Nagtanong-tanong sa nadaanan
Nagbabakasakaling may alam
Kapighatian lang naging dulot
Sa kahahanap dusa kapalit.

Saturday, October 8, 2011

Maalaala Mo Kaya (my blog 3rd anniversary)

Ngayong araw October 8, 2011 ay 3rd anniversary ng blog kong ito. Dahil dito nais kong magpasalamat sa mga tao na bumibisita sa blog ko at lalo na doon sa mga nagiging bahagi ng bawat post ko. Maraming salamat talaga sa inyong lahat.

Ngayong buwan din ay pag celebrate ng 20th anniversary ng the longest-running, top-rating and multi-awarded drama anthology ng abs-cbn ang Maalaala Mo Kaya. Maraming henerasyon na rin ng tao ang nagdaan na naging bahagi ng palabas na iyon. Maraming tao ang napaibig, napaiyak, napaluha, napatawa, nalungkot, naging matatag ang loob sa mga pagsubok, nagkaroon ng inspirasyon sa buhay, at ano pa ng dahil sa Maalaala Mo Kaya. Sa bawat programa ng Maalaala Mo Kaya ay nagkakaroon ng aral para sa mga manonood.












"I hate endings! It's not because I'm left alone or I'm not loved anymore. I hate endings because endings left me thinking of how and when to start again."

MAALAALA MO KAYA
Ni: Arvin U. de la Peña

Maalaala mo kaya ang isang tulad ko
Kung dumating ang sandali nasa kanya ka na
Iyo pa rin bang maiisip
Nakalipas na tayo ay nagkakasama.

Mga pagmamagandang loob ko sa iyo
Kabaitan at pagmamahal kong pinapadama
Ang lahat ng iyon mawala ba sa isip
Sakali siya ang piliin mo.

Tanggap ko naman may kahati ako
Bukod sa akin mayroon ding may gusto sa iyo
Hangad rin na makuha ang pag-ibig mo
Simulat't sapul akin ng ninanais.

Maalaala mo pa kaya ako
Kung kayong dalawa ay nagsasama na
Pagmamahalan niyo ay nagkaroon na ng bunga
Ang lahat sa akin may halaga pa ba.

Maalaala mo pa ba ako aking sinta
Kung sa kanya masaya ka naman
Wala ng mahihiling pa sa sarili
Maalaala mo kaya.

Friday, September 30, 2011

Payo

"Ang isang kaibigan ay maituturing na mahalaga kung siya ay may pagpapahalaga sa iyo."

Sad

PAYO
Ni: Arvin U. de la Peña

Huwag malungkot kung nararamdaman mo man iniiwasan ka na ng mga naging kaibigan mo. Maging ito ay kaibigan na hindi mo pa nakikita. Ibig kong sabihin naging kaibigan dahil sa text, chat, facebook o kung ano pa. Sadyang dito sa mundo ay walang permamente. Ang lahat ay maaaring magtapos.

Unawain na lamang sila. Hayaan ang kasiyahan nila na walang komunikasyon sa iyo. Hayaan ang tinatamasa nilang kasiyahan kapag hindi ka nakikita.Matuto kang umintindi para sa desisyon nila. Respetuhin ang pasya nila. Kapag may nawawala ay may dumarating naman. Makakahanap ka pa rin ng ipapalit sa kanila bilang kaibigan.

Tandaan mo na hindi lang sila ang tao sa mundo. Silang mga nawala sa iyo na kaibigan ay mapapalitan pa. Baka mas marami pang kaibigan ang pumalit sa kanila na dumating sa buhay mo basta makipagkaibigan ka lang. Kung pinagkakaisahan ka man nila para hindi ka kaibiganin ay unawain sila. Hayaan na sila na lang ang magpansinan. Hayaan na sila-sila na lang ang magdamayan sa hirap at lungkot. Hayaan na sila-sila na lang ang magtawanan. Ang mahalaga ay nabubuhay ka kahit wala sila.

Oo mararamdaman mo ang pagka miss sa kanila. Kasi hindi mo na sila madalas na makikita o nararamdaman. Mamimiss mo ang kanilang mga mukha. Pero iyon ay sa una lang. Paglipas ng mga araw mawawala na ang pagka miss mo sa kanila. Dahil unti-unti mararamdaman mo na may pumalit na sa kanila. Dahil doon mapapatunayan mo na sila ay hindi malaking kawalan sa iyo. Dahil kung sila ay nawala sa iyo, nawala ka rin naman sa kanila. Sapagkat dahil ayaw na nila sa iyo ay ayaw mo na rin sa kanila.

Ganun kasimple ang lahat. Sabi nga "kung ayaw mo, huwag mo." Huwag ipagpilitan ang sarili na sana ay nasa iyo sila lagi. Pagkat hindi mo hawak ang buhay nila. Kung saan ka masaya sa mga kasalukuyan mong mga kaibigan ay doon ka. Huwag kang magbago para sa kanila. Maliban na lang kung magbago sila para sa iyo.

Monday, September 26, 2011

Tattoo Artist

Taong 2009 ng magsimula ako mag pa imprinta ng t-shirt na may design tungkol sa blog ko sa kaibigan kong si Kim Reyes. At iyon ang nasa slide show na makita sa side bar ng blog ko. At ang latest kong pa imprinta ng t-shirt wala sa slide show ay iyong makita sa post kong ito kasama na rin ang mga larawan na patungkol sa mga gawa ng kaibigan ko na isa ring tattoo artist. Hindi lang tatto artist na matatawag kundi all around artist siya. Kasi bukod sa pagiging tattoo artist ay trabaho din niya ang gumawa ng streamer, banner, drawing, t-shirt printing, tarpaulin, styrofoam cutting, signages, panaflex billboards, layouting, yearbooks, stage décor, interior design at iba pa. Magaling din siya sa painting. Siyempre bukod sa tunay na pag tattoo ay nag hehenna tattoo din siya. Dito sa Leyte ay sumasali siya sa mga competition sa pag tattoo o kaya body painting. Marami na rin siyang award na napanalunan sa mga sa pagsali sa competition. Dito sa aming lugar napakaraming beses rin na kung saan siya ang kinukuha na mamahala para sa pag celebrate ng Alumni ng isang paaralan. Maraming paaralan na rin ang kumuha ng serbisyo niya. Siya na ang bahala sa lahat if the price is right nga lang. Siya na ang bahala gumawa ng design sa t-shirt, paggawa ng mga streamer para sa alumni, design sa stage at kung ano pa na ikagaganda ng event. Minsan din ay labor lang ang hinihingi niya at ang materyal sa host na lang. Sabi nga kaibigan ko na si Alexis na siya iyong lalaki na model ko sa sinulat kong Isang Linggong Pag-ibig ay unlimited daw ang talent ni Kim Reyes kasi madami talaga siyang alam. Ilan lang ang larawan na makita niyo sa napakarami na niyang gawa. Sa mga larawan ay makita niyo na tinatatoan niya ang kaibigan namin na si Felix Arbis na siya iyong nagrequest sa akin ng papaalis na papunta California na magsulat daw ako ng tula na ang pamagat ay "Ang Kaibigan Kong Nagbakasyon" na post ko noong January 31, 2010. At si Kim Reyes ay willing din siya mag trabaho sa ibang lugar kung kailangan ang serbisyo niya. Just e-mail me at sabihin ko sa kanya.

"You think it, I ink it".