Saturday, October 8, 2011

Maalaala Mo Kaya (my blog 3rd anniversary)

Ngayong araw October 8, 2011 ay 3rd anniversary ng blog kong ito. Dahil dito nais kong magpasalamat sa mga tao na bumibisita sa blog ko at lalo na doon sa mga nagiging bahagi ng bawat post ko. Maraming salamat talaga sa inyong lahat.

Ngayong buwan din ay pag celebrate ng 20th anniversary ng the longest-running, top-rating and multi-awarded drama anthology ng abs-cbn ang Maalaala Mo Kaya. Maraming henerasyon na rin ng tao ang nagdaan na naging bahagi ng palabas na iyon. Maraming tao ang napaibig, napaiyak, napaluha, napatawa, nalungkot, naging matatag ang loob sa mga pagsubok, nagkaroon ng inspirasyon sa buhay, at ano pa ng dahil sa Maalaala Mo Kaya. Sa bawat programa ng Maalaala Mo Kaya ay nagkakaroon ng aral para sa mga manonood.












"I hate endings! It's not because I'm left alone or I'm not loved anymore. I hate endings because endings left me thinking of how and when to start again."

MAALAALA MO KAYA
Ni: Arvin U. de la Peña

Maalaala mo kaya ang isang tulad ko
Kung dumating ang sandali nasa kanya ka na
Iyo pa rin bang maiisip
Nakalipas na tayo ay nagkakasama.

Mga pagmamagandang loob ko sa iyo
Kabaitan at pagmamahal kong pinapadama
Ang lahat ng iyon mawala ba sa isip
Sakali siya ang piliin mo.

Tanggap ko naman may kahati ako
Bukod sa akin mayroon ding may gusto sa iyo
Hangad rin na makuha ang pag-ibig mo
Simulat't sapul akin ng ninanais.

Maalaala mo pa kaya ako
Kung kayong dalawa ay nagsasama na
Pagmamahalan niyo ay nagkaroon na ng bunga
Ang lahat sa akin may halaga pa ba.

Maalaala mo pa ba ako aking sinta
Kung sa kanya masaya ka naman
Wala ng mahihiling pa sa sarili
Maalaala mo kaya.

41 comments:

Mai Yang said...

Happy Anniversary =))

Kim, USA said...

Happy 3rd blogniversary Arnel!! Way to go my friend.
About Maalaala Mo Kaya, I stopped watching this show it makes me feel sad. Buti nalang kung comedy pero kung iyakan lang naman huwag na. ^_^ Happy weekend!

Mai Yang said...

re your comment: okay. more videos next day ^_^

Josh said...

happy birthday po sa blog mo, Sir Arvin! congrats. :)

Sam D. said...

Happy 3rd Anniversary to your blog Arvs. Saludo ako sa galing mo sa pagsusulat. Maalaala Mo Kaya? Sigh! Hindi ko mabilang kung ilang beses akong pinaiyak ng Maalaala Mo Kaya. Kakamiss nga panoorin eh and most of the time nakakarelate ako sa story nila :-)

Ishmael F. Ahab said...

Naks. Ang tanda na ho ng blog ninyo ah. Happy anniversary sa iyong blog. Nawa'y marami ka pang mai-blog na mabuting tula.

RHYCKZ said...

Happy 3rd year sa blog mo pre.
Salamat sa mga inspiring tula mo. Sana mas marami pa sa mga susunod pang mga taon.

eji patanao said...

congrats on your blogg anniv :) nice blog, full of wisdom :P followed you!

wild and fierce

don't miss my smexy giveaway! it's my first time :)

model's own lipstick giveaway :)

Arvin U. de la Peña said...

@Kim, USA.........thanks.....bakit naman..hindi nga maiwasan ang madala ka sa istorya..kasi minsan nakakapaluha po talaga ang palabas nila lalo na kung magaling ang pag akting ng artista..nagiging usap usapan nga minsan ang palabas.....nagiging paksa ng mahilig manood..

Arvin U. de la Peña said...

@Mai Yang............okey..abangan ko ang mga iba mo pang video..

Arvin U. de la Peña said...

@Josh.........salamat....naka tatlong na nga ako kung hindi dahil sa mambabasa na katulad mo siguro hindi ako magiging aktibo sa pag blog..nakagiliwan ko na ang pag blog at siguro pang matagalan na ito,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Sam D...........thanks..ganun ba....siguro hindi mo talaga pinapalampas ang palabas na iyon lalo na noong narito ka pa sa Pilipinas..mahirap mapantayan ang naabot na tagumpay ng palabas na Maalaala Mo Kaya..maraming artista ang naging bahagi sa programa na iyon..ang iba nga nakakarami ng beses na lumabas sa palabas na iyon..muling kinukuha para gumanap sa istorya..madali ka palang madala sa istorya kasi sabi mo napapaiyak ka minsan sa pinapanood..

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab........yup, 3 years na po at di ko akalain talaga na marami akong makikilala at magiging kaibigan dito sa blog....noong una ang intensyon ko lang ay malipat ang sinulat ko sa blog na ito para hindi mawala..kasi sa email kong save lang at hindi ma open ng ilang buwan ang email ay na close..si Maria Cristina Falls po ang nag inspire sa akin na mag blog..ng makita ko ang blog niya ay doon nagsabi ako sa sarili na gagawa din ako....noong bago pa lang ako sa pag blog kung may post ako ay sa friendster ako nag shout na tingnan ang blog ko..wala pa kasi ako that time mga nakikita na mga blog ng ibang mga tao.....ng may makita na ako at doon nakipagkaibigan ako sa kanila..hanggan sa maging ganito na..

Arvin U. de la Peña said...

@RHYCKZ..........salamat sa sinabi mo....ang mga sinasabi sa sinulat ko ang nakakapag inspire sa akin na magsulat pa talaga..

Arvin U. de la Peña said...

@eji patanao.......thanks..ok..i will go to your blog..

eden said...

Congratulations on your 3rd blog anniversary!

Paborito ko yong Maalaala Mo Kaya kahit ilang beses akong pinaiyak..hehehe

Umma said...

Way to go Arvs.. keep up writing more tula para sa readers mo.

3 years ka na pala sa blogging.. congrats.

anney said...

Happy 3rd blogniversary! More power!

Verna Luga said...

wow, nakatatlo ka na pala kaibigan.. congrats!..
OO naman..kahit sabihin mung me iba na o maligaya na siya sa iba.. yan yung power ng human memory maka-alala pa rin...

Jenfamily said...

happy anniversary Arv...aba many years ka na pala nagbablog ah..

i like watching MMK kaya alng minsan pati sa dreams ko nadadala ko at it makes me feel very sad...but i love Kapamilya shows..eheh

Ishmael F. Ahab said...

Good for you po at madami kang nakilalang tao through your blogging. Ganyan talaga kapag matyaga lang tayo sa ating pagba-blog. Talagang makakakilala tayo ng mga taong kapareho nating mag-isip. Ganyan din ang nangyari sa akin through bloging. Ang dami kong nakilalang mga tao.

Mel Avila Alarilla said...

Kung ang iyong dating sinisinta ay may karelasyon na at sila naman ay masaya, mas malamang sa hindi ay hindi ka na niya maaalala at kung maalala man ay saglit lamang. Ang mga nagaalala sa dati nilang karelasyon ay yung mga tao na hindi masaya sa kanilang karelasyon ngayon. Happy Third Anniversary sa iyong blog. Thanks for the post. God bless you always.

Unknown said...

congrats...3rd blogversary na pala ng blog mo. sana ang blog umabot rin ng 3 years hahaha

Arvin U. de la Peña said...

@eden.........salamat..good luck lagi sa blog mo..ganun ba..kung mag isa ka lang na nanonood ay siguro madadala ka talaga sa palabas lalo na kung nakakaiyak talaga.....pero kung may kasama ay medyo napipigilan kasi may nakakausap......kapag mapapaluha na ay makikipag usap sa nanonood rin..

Arvin U. de la Peña said...

@Umma.........okey.....may mga naisulat na po akong mga tula na nasa draft lang ng email ko..at for posting iyon pero hindi pa sa ngayon..yup, 3 years na po akong nag blablog..

Arvin U. de la Peña said...

@anney.........thank you so much....more power din sa blog mo....makaasa ka na bibisitahin pa rin kita..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz...........opo....matagal na rin ang blog kong ito.....madami na rin akong naisulat dito.....ang taong hiniwalayan ay tiyak hindi pa rin makakalimutan ng nag iwan kahit may iba na siya..

Arvin U. de la Peña said...

@Jenfamily..........salamat....yah, medyo matagal na rin ako sa pag blog at nakahiligan na rin.....at siguro pang matagalan na ang pagkahilig ko nito,hehe.....talaga..nakakalungkot nga minsan ang mga palabas sa Maalaala Mo Kaya pero ganun kasi ang nakasaad sa letter sender..ako din ay kapamilya talaga..kung napapansin mo marami na akong naisulat na hango sa palabas ng abs cbn.....

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab.....napakadami ko nga pong nakilala na tao dito sa blog....at ang iba ay hindi na nag blog.......dati ay post sila lagi pero pagtagal ay hindi na..at dahil doon minsan nalulungkot ako..kasi hindi na sila aktibo na akala ko pa naman ay pangmatagalan ang pag blog nila..pero inuunawa ko sila kasi baka mas masaya na sila sa totoong mundo..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla........maraming salamat sa sinabi mo..may punto ang lahat ng sinabi mo.....kaya iniisip pa rin ang dating nakarelasyon ay dahil siguro hindi kuntento sa bagong karelasyon....at pinanghihinayangan ang paghihiwalay..

Arvin U. de la Peña said...

@reese...........thanks......aabot ang blog mo ng 3 years basta huwag mo lang iclose,hehe....kung lagi kang nag popost at pagtagal ay tinatamad ka ng palaging mag post ay maging minsanan na lang na pag post.....ang mahalaga ay may maipost pa rin..

Dhemz said...

ayay! ang galing...3 years kana pala sa ere Arvin...way to go!

I always cry every time I watch MMK...I like how they featured the dole pineapple plantation last weekend.

eden said...

Thanks for the visit, Arvs! have a nice day always.

Ka-Swak said...

happy blogniversary arvin!
naway marami pang mainspire sa blog mo.....

Yen said...

Happy 3rd aniversary sa blog mo. ka bday ko pla tong site mo. hehe.
Anyway, bakit ba ang drama lage ng mga tula mo lately. para bang ang lalim ng pinaghuhugutan mo ha. Sana yung happy naman na tula sa susunod na bisita ko dito.:)

Super Mommy Jem said...

This is a dramatic show that it always makes me teary-eyed when I watch.... Happy Anniversary!

I hope you can leave a comment at my blog post at Korea electronics Show 2011

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz............opo, 3 years na at sa loob ng tatlong taon ay medyo maraming beses din sumakit ang ulo ko para sa kung ano ang isulat,hehe.....minsan kasi nahihirapan ako ano mga salitang ilagay....kung ganun kung gaano karami ang naging palabas sa MMK ay ganun din karami na ikaw ay napaiyak dahil sa panonood..

Arvin U. de la Peña said...

@eden.............walang anuman....salamat din sa iyo..

Arvin U. de la Peña said...

@Ka-Swak..........salamat sa sinabi mo.....sana nga..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen............yup, nakalimutan ko ang mag text sa iyo ng birthday mo.....nakalimutan ko kasi na birthday mo sa araw na iyon......haha....ganun ba....eh kasi iyon ang pumasok sa isip ko kaya wala akong magagawa.....huwag kang mag alala kasi mag post ako ng hindi naman nakakalungkot..

Arvin U. de la Peña said...

@Super Mommy Jem............katulad din ang nararamdaman mo ng iba na kung nanonood sila ay napapaluha o iyak.....may pagkakataon talaga na nadadala tayo sa palabas...