Thursday, October 13, 2011

Bigong Paghahanap (by request)

Bago ang lahat nais ko po sanang elike niyo sa facebook ang kaibigan ko na official candidate siya sa HCCC Miss United Nations 2011. Kasi palagay ko naman maraming blogger ang may facebook din. Sampung segundo lang ang hinihingi ko sa inyo kasi sa sampung segundo ay magagawa niyo na ang pag like. Sa sampung segundo na iyon ay malaki na ang maitutulong niyo sa pag like na kung sakali manalo din siya para sa isang parangal din na Facebook Choice Award ay bahagi kayo. Bahagi kayo na sumuporta sa kanya sa kanyang tagumpay. Kasi makikita naman kung sila sino ang nag like. Kayo na sumuporta ay hindi makakalimutan. Lalo na at minsan lang ang pagsali niya ng ganun. Kung maaari din po sana ay mag message din kayo na mga kaibigan ko sa blog sa mga kaibigan niyo na elike siya sa facebook o di kaya mag post sa wall ng facebook niyo. Copy paste lang ito

PAKILIKE NAMAN PLEASE...click the link and like..thanks

http://www.facebook.com/photo.php?fbid=171050426313070&set=a.171049356313177.44830.171012709650175&type=1&theater

Sa inyo po na mga kaibigan ko na blogger o nagbabasa sa blog ko ako humihingi ng pag like kasi kung dito sa aming lugar ay mahirap kasi ay siyam silang candidate at puro taga aming lugar pa. Siyempre kung sino ang pinsan o malapit na kamag-anak o kaibigan ay doon mag like. Sa October 24, 2011 pa po ang pageant night. Sa sampung segundo ay makakatulong na kayo sa kaibigan ko. Click niyo lang po ang link na nasa side bar ng blog ko sa itaas na makita po sa itaas ng picture ng candidate. Ang pangalan po ng kaibigan ko ay Barby Dell Jao. Please like my friend in facebook. Malayo man at hindi pa nakikita ng personal ay maipakita sana ang pagtulong. Thank you........

Ang sinulat kong ito ay pagbibigay daan din sa request ng kaibigang blogger na si Cacai M. Narito po ang sinabi niya ng magrequest sa akin.



Cacai M.: P.S. Can I also request a poem? --- that is if you nver mind. Thanks again Arvin. God bless!

http://www.thoughts-ideas-resources.com/
http://www.cacai-m-place.net/

Bigong Paghahanap
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa madilim na daan naglakad
Kaliwa at kanan tiningnan
Hinahanap anak na naglayas
Ang masakit hindi maaninag.

Tinahak ang liwanag na daan
Umaasa na masusulyapan
Kabiguan lang ang naging hatid
Sa suwail walang nakakaalam.

Mga pahayagan ay tiningnan
Binasa nilalaman sa loob
Walang balita para sa anak
Nakakalito na sa isipan.

Magulang hindi mapalagay
Nais ng sumuko sa paghanap
Nagsisisi nagawa sa anak
Sana ay hindi pinagalitan.

Nagtanong-tanong sa nadaanan
Nagbabakasakaling may alam
Kapighatian lang naging dulot
Sa kahahanap dusa kapalit.

22 comments:

Albert Einstein☺ said...

o how sad naman but this is literally and figuratively true.. these days, maraming ganito sa ating lipunan and your post is angkop para rito...

dropping by arvin....

mr837.blogspot.com

TAMBAY said...

nawawala ang kanyang anak dahil lamang sa napagalitan?

kung naging tama ang pagdisiplina hindi sana magiging gayon..

magandang araw sa iyo sir..

Yen said...

hay malungkot pa din :( medyo naka relate naman ako sa tula. Parang ako lang nung nasa kolehiyo, nagpakalayo layo para ipakita ang pag rerebelde sa nanay ko, hahaha.

Cacai M. said...

wow.. so fast ha.. gandang tula ito.. will read it again and again ARvin! Am in hospital now but I will do your request after this. Thanks much talaga friend Arvin! Galing mo talaga!

Cacai M. said...

Done liking it Arvin!

From: Cacai Mrf in Facebook, have a great day! I'll be back to reread this more!

Armored Lady said...

nakakalungkot namn ung tula...
parang nabitin ako...
^_^

Josh said...

na like ko na po sir!

Unknown said...

ok ha ang ganda ng tula.

Verna Luga said...

na like ko na kaibigan..

Kilala ko to a.. blogging pren to eh.. hahah..

ay.. parang relate na relate ako kaso umuwi din ako.. kasi wala ng allowance.. nabatukan tuloy ako.. haha :)

Arvin U. de la Peña said...

@Albert Corsame Umbac........medyo malungkot nga ang sinulat kong ito....may mga nangyayari talaga na dahil lang sa pinagalitan ng magulang ay umaalis ng bahay at minsan matagal bago umuwi....

Arvin U. de la Peña said...

@ISTAMBAY..............may ganun po talaga na nangyayari.....ang masakit ay kung dahil sa paglayas ay napahamak.....ang mga bata ngayon ay sensitibo na.....pagalitan lang o pagsabihan ay nagtatampo agad..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen.............ganun ba.....bakit naman nagrebelde ka dahil sa nanay mo....baka naman pinagbabawalan ka na mag bf tapos go ka pa rin sa pakikipag bf,hehe...

Arvin U. de la Peña said...

@Cacai M........ganun po ba.....salamat din sa iyo at dahil sa pag request mo ay naisulat ko ito.....salamat sa pag like sa facebook sa kaibigan ko.....malaking tulong din iyon sa kanya..

Arvin U. de la Peña said...

@cLai............huwag mo masyado damdamin kung anuman ang nabasa mo,hehe........bakit naman nabitin ka.....wala na pong karugtong ang sinulat kong ito..

Arvin U. de la Peña said...

@Josh.........salamat sa pag like mo....

Arvin U. de la Peña said...

@jear..............salamat sa sinabi mo....

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz...........salamat sa pag like mo sa kaibigan ko sa facebook......ganun ba..uuwi ka nga kung wala ka ng mapagkukunan ng pera.....

Mel Avila Alarilla said...

Nai like ko na yung kandidata mo. Mahirap talaga maghanap nang anak na lumayas at hindi mo alam kung saan pumunta. Para sa isang magulang, ang katulad nito ay ang pagguho nang kanyang mundo. Anuman ang dahilan ay hindi dapat maglayas ang isang anak. Malamang sa hindi ay kapahamakan lang ang idudulot nito. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

eden said...

Na like ko na Arvs. Good luck to her.

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla..........salamat sa pag like sa kaibigan ko.....talagang nakakasakit sa ulo kapag linayasan ng anak.....labis na pag aalala ang mangyayari kapag ganun.....kasi hindi alam kung ang pupuntahan ay hindi siya mapapahamak....

Arvin U. de la Peña said...

@eden...............salamat po sa pag like mo....sana manalo siya sa award na Facebook Choice Award.....pero sa ngayon kasi ay pumapangalawa lang siya...pero matagal pa naman ang pageant...

Dhemz said...

ayay! she's pretty! good luck sa friend mo Arvin!