PAYO
Ni: Arvin U. de la Peña
Huwag malungkot kung nararamdaman mo man iniiwasan ka na ng mga naging kaibigan mo. Maging ito ay kaibigan na hindi mo pa nakikita. Ibig kong sabihin naging kaibigan dahil sa text, chat, facebook o kung ano pa. Sadyang dito sa mundo ay walang permamente. Ang lahat ay maaaring magtapos.
Unawain na lamang sila. Hayaan ang kasiyahan nila na walang komunikasyon sa iyo. Hayaan ang tinatamasa nilang kasiyahan kapag hindi ka nakikita.Matuto kang umintindi para sa desisyon nila. Respetuhin ang pasya nila. Kapag may nawawala ay may dumarating naman. Makakahanap ka pa rin ng ipapalit sa kanila bilang kaibigan.
Tandaan mo na hindi lang sila ang tao sa mundo. Silang mga nawala sa iyo na kaibigan ay mapapalitan pa. Baka mas marami pang kaibigan ang pumalit sa kanila na dumating sa buhay mo basta makipagkaibigan ka lang. Kung pinagkakaisahan ka man nila para hindi ka kaibiganin ay unawain sila. Hayaan na sila na lang ang magpansinan. Hayaan na sila-sila na lang ang magdamayan sa hirap at lungkot. Hayaan na sila-sila na lang ang magtawanan. Ang mahalaga ay nabubuhay ka kahit wala sila.
Oo mararamdaman mo ang pagka miss sa kanila. Kasi hindi mo na sila madalas na makikita o nararamdaman. Mamimiss mo ang kanilang mga mukha. Pero iyon ay sa una lang. Paglipas ng mga araw mawawala na ang pagka miss mo sa kanila. Dahil unti-unti mararamdaman mo na may pumalit na sa kanila. Dahil doon mapapatunayan mo na sila ay hindi malaking kawalan sa iyo. Dahil kung sila ay nawala sa iyo, nawala ka rin naman sa kanila. Sapagkat dahil ayaw na nila sa iyo ay ayaw mo na rin sa kanila.
Ganun kasimple ang lahat. Sabi nga "kung ayaw mo, huwag mo." Huwag ipagpilitan ang sarili na sana ay nasa iyo sila lagi. Pagkat hindi mo hawak ang buhay nila. Kung saan ka masaya sa mga kasalukuyan mong mga kaibigan ay doon ka. Huwag kang magbago para sa kanila. Maliban na lang kung magbago sila para sa iyo.
57 comments:
Salamat sa payong ito. :) Oo nga, maging masaya tayo para sa iba, anuman ang mangyari..
thanks for the advise... hahaha. by the way my nuffnang poll is not functioning. it does not show the number/percentage of polls once it has been answered.
mr837.blogspot.com
how do i earn money by blogging?
sang-ayon ako sa sinabi mong yan tol Arvin, cheers!
Astig, pero naduling ata ako sa snow flakes mo...hehe
Okies lang me .. Salamat sa bisit anyway, ganda na naman ng sulat mo .. Inspired ba hehe.
yup, wag ipag-pilitan ang sarili.. kung ayaw, edi wag. hehe
hmmm tama lahat ng sinasabi mo arvin. para sa akin pinakamahalaga ung importansya kasi ung ibang tao, nalalaman lang na importante ang isang tao pag wala na ito...
tama ang lahat ng iyong mga tinuran po..salamat!
www.angbuhayayhindibitin.blogspot.com
Ang mga "kaibigan" na hindi na bigla na lang hindi ka papansinin ay sa tingin ko ay hindi tunay na mga kaibigan. Nagkukunwari lang sila.
True! I can relate to this post 100%. No man is an island as they say. And wherever we go, we always find new friends no matter what.
Merry Xmas in advance. Ang dami kasing snowflakes! lol
Nice poem, Arvs!
Salamat for always visiting my blog.
@aLgene...........walang anuman..yup, huwag tayo magtanim ng sama ng loob para sa isang naging kaibigan na hindi na tayo pansinin.....hangarin din ang kaligayahan niya para sa ibang nakakasalamuha..
@Albert Corsame Umbac....ok....hindi ko alam ang ganun kasi bago pa lang ako naglagay ng add ng nuffnang sa blog ko....wala pa rin iyon earning kapag binubuksan ko....ang iba dahil english blog ang sa kanila ay nag aadvertise sila ng product.....bisitahin mo ang mga advertiser ko at malaman mo ang tungkol sa kanila....ako nag earn dahil sa paglagay ng logo..iyon lang..
@jedpogi...............salamat naman kung ganun....bawat isa siguro sa atin ay naranasan ng iniiwasan ng isang naging kaibigan..
@Akoni...........hehe.....hindi ako nakuntento sa isa lang.....madami akong nilagay...mga limang klase siguro iyan..
@wOrkingAthOmE..........walang anuman..salamat rin at binisita mo uli ako....salamat at nagandahan ka sa sinulat kong ito....hindi naman inspired..as usual ganun pa rin..
@Josh..........yah, kasi hindi lang naman sila ang tao sa mundo..hindi lang sila ang maaari na maging kaibigan..
@Ka-Swak.........ganun po talaga iyon.....ang mahalaga nagpaalaman na walang sama ng loob sa isat isa,hehe..
@emmanuelmateo...........thanks... siguro nakarelate ka rin sa sinulat kong ito..
@Ishmael Fischer Ahab.......may punto din ang sinabi mo........minsan ang isang kaibigan kapag nag iba na ang takbo ng buhay niya ay lumilimot na ng isang kaibigan..
@Itin............maraming salamat sa iyo.....salamat at napadpad ka sa blog ko..puntahan ko ang blog mo..
@eden.............walang anuman iyon...salamat di at hindi mo ako nakakalimutan na puntahan..kumusta po kayo ngayon..
Thank you po sa payo nyo. C: very helpful.
Sabi pa nga ng iba, "hindi sila kawalan!" tamah!
Marami ka pang makikilang taong mamaring maging kaibigan/ka-chikahan/tropa/kchismisan at kung anu-ano pa!
Yup, walang pilitan. Hayaan lang sila. Even though it'll make you sad.
Btw, linked you up in my other blog http://www.loveisamutt.com/ Check it out. :)Thanks!
Hinde lahat dahil friends mo sa facebook or sa chat room or kahit saan friends mo na, acquaintances lang. Dahil ang tunay na kaibigan ay yung gagabay sa iyo, who prays for you, and who is there for you sa hirap at sa ginhawa. And if you find at least one, keep him/her, you found a real treasure! ^_^
Ito ay magandang payo at tula na lahat ay makak relate. gusto ko yang kung ayaw mo wag mo heheh Thanks for the visit arvin
Let's be happy for others, tama ang iyong payo! =)
hmmm.. pag may nawawala ibig sabihin merong darating..
by the way, do you mind checking out in The Indecisive Young Man?
@Lysafae...........walang anuman iyon..salamat sa pagbasa sa blog ko....kumusta naman po kayo..
@Miss Chievous.......tama ka diyan..hindi natin mapipilit ang isang kaibigan kung ayaw na sa atin....siguro naranasan na niya ang iwanan din kaya kailangan din niyang mag iwan ng kaibigan para maramdaman ang sakit ng iniiwanan..
@Kim, USA.............salamat sa iyong sinabi....may punto ang sinabi mo....dahil ganun talaga iyon..halimbawa na lang sa facebook.....madaming friends na hindi naman talaga kakilala...accept ng accept lang ng friends sa facebook.....ang totoong kaibigan talaga ay iyong nakikita at nakakasalamuha talaga kung hindi man araw araw ay minsan..
@Mama Ko............thank you..ang sinulat kong ito ay matatak nga sa isang nagbasa na kung sila may ay iwan ng isang kaibigan ay hindi magdamdam...tanggapin ang pasya ng isang kaibigan kung iiwan man siya sa iyo.....
@isp101.............mahirap po ang magtanim ng sama ng loob sa isang tao na kinaibigan ka tapos bigla ay hindi ka na kakaibiganin....hindi lang naman siya ang tao at mas may higit pang kaibigan na darating.....basta ba ipagpatuloy lang ang magandang pakikitungo....
@simply_kim..............hindi naman po sa lahat ng bagay o tao kung nawala ay may darating.......okey pupuntahan ko ang sinasabi mong site..
Inspiring naman ng nito Arvs.. thanks for the post.
sabi nga nila, "people come and go"
^_^
parang ang bigat ng mga snowflakes mo, ang tagal ko kasing maka scroll down..hehehe ;0)
sabi nga ang tunay na kaibigan makikita sa oras ng lungkot at saya.
Napakagandang payo kaibigan :)... Happy Blogging!
Thanks Arvs for dropping by. have a wonderful day always.
@Umma..............salamat..sana ang sinulat kong ito ay magmulat sa ibang tao na unawain ang kaibigan kung sila may ay iniwanan..
@hana banana......iyon ay dahil walang permamente dito sa daigdig......ganun ba.....parang gusto ko pa nga lagyan ng design ang blog ko...gusto ko lagyan ng design na iyong kumikidlat..kaso hindi ko mahanap anong site..kung may alam ka sabihan mo ako,hehe..
@Keatodrunk............korek ka diyan....may mga kaibigan na kahit sila ay lumayo papuntang ibang lugar ay hindi pa rin nakakalimot na kumustahin ang isang kaibigan na nalayo sa kanya.....tumatawag o kaya nagtetext.....pero ang iba ay hindi ganun....nakakalimot kapag lumayo na ng lugar.....lalo na kung umasenso ang buhay..
@Super Mommy Jem.....thanks..umaasa ako na ang mga magbabasa nito ay may mapupulot na aral..
@eden..............walang anuman....muli ay salamat sa punta sa blog ko..
"if u want friends, let ur friends expel u, if u don't want friends, expel ur friends". natandaan ko pa yan sb ng tatay ko nung tinedyer pa ako...
http://www.clarizzatomacruz.com
Friends and peers come and go...
I like this one Arvin...am sure madaming nakakarelate nito....korek, wag ipagpilitan ang sarili...ehehhe...kung ayaw d wag...simple as that!
Tama ka. Walang permanenteng kaibigan sa internet. Maraming dadating at maramni din ang aalis at hindi dapat ikasama nang loob ang hindi pagbisita nang isang kaibigan. Lahat ay nagbabago at dapat ay makapag adjust tayo sa mga pagbabagong darating sa ating buhay. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
@imriz...........ganun ba..nakatatak pala sa isip mo ang sinabi ng tatay mo na iyon....
@chubskulit.............iyon ay dahil sa mundo ay walang permamente.....
@Dhemz............opo....ang mahalaga naman talaga kahit wala ang isang kaibigan ay masaya pa rin dahil may mga bagong pumalit sa kanila..
@Mel Avila Alarilla........maraming salamat sa sinabi mo..pati na rin mga nakaibigan sa text o chat na hindi na nagpaparamdam ay hindi dapat na magdamdam sa kanila..kung mahal natin ang isang kaibigan ay hayaan na siya ay lumigaya na hindi na tayo kaibigan..
Alam mo Arvs, maaaring mas marami ka lamang libreng panahon kaysa sa kanila. Darating ang time na magiging abala ka rin, at ikaw naman ang lalagay sa katayuan nila upang ganap mong maunawaan ang lahat. Ang kawalan ng komunikasyon sa iyo ng isang kaibigan ay hindi palaging nangangahulugan ng pagtalikod. Napakaraming kaibigan, napakaraming nagiging bagong kakilala, ang lahat ay umaamot ng oras at pansin sa napakaikli at parehong panahon. :)
Have a great weekend! Thanks for always visiting my blog, Arvs.
Galing ng payo mo Arvs. Sabi nga "some good things never last" ganun din sa pagkakaibigan minsan may mga pangyayaring hindi maiwasan na mawalan kayo ng communication pero hindi ibig sabihin na nakalimot na sila sa palagay ko. Sobrang nakarelate daw ako lol.
Post a Comment