Wednesday, September 14, 2011

Boulevard

Ang larawan ko po na makita ay kuha iyan sa boulevard. Pagkatapos ng party sa paaralan dahil sa alumni ay pumunta kasama ng ilang kaibigan around 2 am siguro at doon nag continue sa pag inom. Sa aming lugar kasi sa gilid ng dagat ay may tinatawag na boulevard. Isa siyang pasyalan lalo na kung hapon na kasi may mga nagtitinda. Sa mga nagtitinda ay siyempre hindi nawawala ang San Miguel Beer o kaya Red horse. Kasama na rin doon ang mga paninda para sa pulutan, barbecue o ano pa. Ang ibang tao doon na din kumakain pag gabi. Madami ang nag-iinuman diyan. Maraming beses na rin kaming magkakaibigan nag inuman sa boulevard. At ang babae naman na makita sa larawan ay siya ang modelo ko sa sinulat kong LUHA para sa entry ko sa pagsali kamakailan sa pa contest ni iya_khin ng http://susulatako.blogspot.com

"If there is one mistake in my whole life that I can tolerate. It is when I have loved, though I knew it wouldn't be appreciated."

BOULEVARD
Ni: Arvin U. de la Peña

Kaysarap mong balik-balikan
Kasi kahit paano nakakagaan
ka ng loob
Kahit na sa bawat pagpunta sa iyo
Halos maubos ang perang dala.

Habang tinitingnan ang dagat
At ang malayong bukid
Pakiwara talaga kuntento na sa buhay
Lalo kapag iniinom na ang malamig na beer.

Sa bawat pagpunta sa iyo
Kasama minsan ang ilang mga kaibigan
Ay nagdudulot ka talaga ng saya
Sabihin pang nahihilo kami sa pagkalasing.

Minsan isang gabi napadaan ako sa iyo
Akala ko ay sasaya ako
Akala ko lalasingin mo uli ako
Pero hindi, hindi ganun ang nangyari.

Bakit? bakit sa iyong lugar ko pa
Nakita at magkasama na masaya
Ang tibok ng aking puso
At ang karibal ng aking puso.

Hudyat ba iyon para humanap ako ng iba?
Hudyat ba iyon para kalimutan na lang siya?
Hudyat ba iyon para di ko na siya isipin pa?
O, hudyat iyon para unti-unti iwasan na kita?

Oh, boulevard sikat ka ngang puntahan
Nang magsing-irog o nais mag-inuman
Ngunit bakit sa kabila ng lahat na pagpupunyagi ko sa iyo
Binigyan mo ako ng sakit, walang kapantay na sakit.

36 comments:

Ka-Swak said...

sayang naman ang boulevard.
sana i-restore nila ulit.

w0rkingAth0mE said...

Hmm, sakit naman ..

iya_khin said...

di pa ako nakapunta sa boulevard, strict ang parents ko! lol

zeke said...

Ang hirap talaga pag may mga alaala sa isang lugar na may kasama kang isang tao na hindi mo makakalimutan.. para bang ayaw mong daanan or hanggang maaari eh iwasan mo ang lugar na yun.

ganda ng babae sa picture pre ah.

hana said...

"If there is one mistake in my whole life that I can tolerate. It is when I have loved, though I knew it wouldn't be appreciated."
...relate much po ako sa quote na to!

TAMBAY said...

maaring may hinahanap ka pa sa pagbalik mo sa lugar na iyon.. Katanungan na matagal mo ng gustong makamit ang kasagutan. Siguro kahit alam mong masakit, pinilit mo pa ring alamin. At ang sagot iyong nakamtan.

magandang araw sayo sir arvin

Unknown said...

dont worry bro, sabi nga e laging may liwanag sa kabila ng dilim..

Yen said...

O, boulevard bakit mo sinaktan ang aking mahal na kaibigan.lol! mabuti na lang at merong beer at balut sa boulevard para mapag diskitahan. hahaha.

Arvin U. de la Peña said...

@Ka-Swak..........may boulevard pa po.....minsan nga lang kapag dinadaanan ko may naaalala ako na minsan nasaktan ang puso ko..

Arvin U. de la Peña said...

@wOrkingAthOmE............masakit nga ang ganun kasi hindi mo akalain na ang babae na tibok ng puso mo ay makita na kasama ang karibal.....sa lugar pa na madami ang nag iinuman at nalalasing......alam mo naman kung nakakainom ang tao....mahirap na,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@iya_khin...........haha....ganun ba.....di ako naniniwala..dahil palagay ko ang tulad mo ay kung saan naroon ang magandang puwestuhan para sa inuman ay doon ka....baka balik balikan mo ang boulevard..

Arvin U. de la Peña said...

@the green breaker........tama ka diyan......kasi kahit naghilom na ang sugat na dulot niya ay maaari pa rin na masaktan ka kasi tiyak maaalala pa rin ang nangyari na hindi kanais nais na ikaw ay nasaktan talaga......talagang maganda siya.....sa facebook nga ang tawag ko sa kanya ay Melissa Ricks.....kasi parang ka look alike niya si Melissa Ricks lalo na kung naka shades siya....ang pangalan niya din po ay Melissa.....secret na lang kung ano ang apelyedo....

Arvin U. de la Peña said...

@the green breaker............at siya po ay ka batch ko sa high school.....habang lumilipas ang panahon ay parang paganda siya ng paganda,hehe......alam mo naman na hindi ako nag momodel dito sa blog ng hindi maganda............

Arvin U. de la Peña said...

@hana banana............ganun ba.....pareho pala tayo.....i'm here for you,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@ISTAMBAY.............yup, kasi di ko akalain talaga na doon pa sa boulevard mangyayari ang makikita ng mga mata ko na hindi ko nais na makita....puwede naman sa kalsada pero bakit doon pa sa boulevard.....date na iyon na matatawag kasi madami din talaga ang mag kasintahan na doon lumalagi.....kumakain at minsan inuman.....

Arvin U. de la Peña said...

@Keatodrunk............salamat sa sinabi mo......kung hindi magtagumpay sa isang gusto ay may paraan pa para makahanap ng iba..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen............haha....kapag gabi na po ay may dumadaan talaga sa boulevard na nagtitinda ng balut at pinoy.....masarap kumain ng ganun kapag nakainom ng beer.....

Sam D. said...

Lagi ka kasing dadaan sa boulevard Arvs para masanay ang puso mo na tanggapin ang masakit na nakaraan hehehehe. Nga pala napadala ko na saiyo sa paypal bakit wala pa po dito ang badge ko?

Kim, USA said...

Aba sa boulevard masarap mag tambay dyan. At kung magmuni-muni naman tumpak ang lugar na yan din. Kaya lang pag may maalala ka lang dyan huwag ka nang tumambay dyan masakit hehe. ^_^

Mel Avila Alarilla said...

Walang kinalaman ang boulevard sa nararamdaman mo. Ang boulevard ay isang pasyalan lang nang magsingirog at nang mga magkakaibigan na ibig uminom. Ganun talaga ang buhay. Hindi lahat nang gusto natin ay ating makakamtan. Sa buhay ay may nananalo at may natatalo rin. Kailangan lang na hanapin natin kung ano ang mahahalagang adhikain sa ating buhay. Salamat sa tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Unknown said...

Nice one Arvin! Ikaw na nga talaga ang makata!

jedpogi said...

galing mo talaga tol arvin!

Arvin U. de la Peña said...

@Sam D..............maraming salamat sa iyo.....ngayon ko pa lang po nakita sa email ko kasi ngayon pa lang uli ako nag internet......ilalagay ko po ngayon ang badge ng blog mo.....

Arvin U. de la Peña said...

@Kim,USA........tama ka diyan....masarap nga talagang tumambay sa boulevard lalo na at preskong hangin ang malalanghap....medyo masakit nga kung maaalala ang nakaraan na hindi maganda na nangyari sa boulevard pero ang iyon ay parang nawawala na lang lalo na kung kainuman ang mga kaibigan..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla.........tama ka..kaso di ko maiwasan na hindi sisisihin ang boulevard kasi sa kanyang lugar nangyari ang hindi ko inaasahan na makita.....na naroon ang tibok ng aking puso at karibal ng aking puso.....masakit po..

Arvin U. de la Peña said...

@tim..............salamat po pero marami pa ang iba na maganda din kung sila ay magsulat ng poem.....

Arvin U. de la Peña said...

@jedpogi...............salamat naman kung ganun.....naapreciate ko iyon....magaling ka din naman..

Josh said...

Sakit naman nun. Medyo naka-relate ako.

BTW, new reader/follower niyo po ako, natutuwa po ako sa mga tula niyo, simple lang pero talagang may katuturan. I hope you visit my blog, to... :)

eden said...

Napakasakit naman..but di bale makakalimutan mo rin yan.
Huwag lang palaging hawakan si Red Horse or si SMB, di maganda yan sa katawan natin..hehehe

Arvin U. de la Peña said...

@Josh..............ganun ba.....nangyari na ba sa iyo ang laman ng sinulat ko.....salamat po..okey pupuntahan ko ang blog mo...

Arvin U. de la Peña said...

@eden....................tama ka..makakalimutan ko rin siya....pero hindi pa sa ngayon......kung may inumin na ganun mahirap tanggihan...kahit alam na hindi mabuti sa katawan....dapat hindi lang magpakalasing ng sobra..

Dhemz said...

ayay! ang ganday naman nang model...galing Arvin!

kimmyschemy said...

ang sad naman nito, Arvs.. painful :(

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz............maganda nga po siya...ka batch ko po siya sa high school.............

Arvin U. de la Peña said...

@simply_kim..............oo nag eh...pero kapag nakainom na ng beer ay unti unti naghihilom ang sakit na dulot ng nakita ko na sila ay magkasama...

stormy said...

tana vin boulevard n tyo ! heheheh sarap ng bbq w/ matching red horse or smb.... :)