Friday, September 2, 2011

Lenguahe

Punta kayo google at search niyo James Soriano ng malaman niyo ang tungkol sa kanya at sa kanyang sinulat na naging controversial.

"Kung ikaw ay Pilipino walang masama kung ang salita ay ibang lenguahe. Ang masama ay iyong magnanakaw ng pera ng bayan."





LENGUAHE
Ni: Arvin U. de la Peña

Naging usap-usapan sa ibang internet site o kahit sa ibang blog ang sinulat ni James Soriano na nalathala sa Manila Bulletin. Marami ang nagalit sa kanya at mayroon din naman sumang-ayon sa sinulat niya. Nang mabasa ko ang sinulat niya ay nasabi ko na wala namang masama sa sinulat niya. Dahil mayroon naman talagang basehan ang kanyang artikulo. Masama bang sabihin na "Filipino was the language of the streets, etc., Filipino subject on the other hand was always the other subject., Filipino was a chore, like washing dishes; it was not the language of learning. It was the language we used to speak to the people who washed our dishes. Para sa akin ay hindi. Dahil maraming Pilipino mismo ang hindi tinatangkilik ang sariling lenguahe.

Pumunta ka sa mga mall, sa mga paaralan lalo na iyong sikat, sa mga meeting, sa conference, sa kongreso, o kahit sa kalsada. May maririnig ka na kapwa Pilipino ang palitan ng salita ay english. Lalo na iyong mga sosyal na tao na nakakasalubong mo. Habang kumakain ng ice cream o anong masarap na pagkain ay english ng english. Proud kasi sa sarili kapag magaling mag english. Nasa sariling bansa pero hindi salita sa Pilipinas ang ginagamit. Ang ibang Pilipino nga kahit mali-mali ang pag english ay english pa rin ng english. Hindi tumitigil sa pag english kahit minsan napagtatawanan na dahil mali ang grammar. Pero nagpipilit pa rin dahil pagtagal ay matututo din.

Dito sa bansang Pilipinas iba-iba ang lenguahe. Depende sa kung anong lugar ka. Kagaya ng tagalog, waray, bisaya, o kung ano pang salita. Kung ikaw ay isang waray o bisaya kapag ikaw ay pumunta sa lugar na ang salita ay tagalog. Kapag salita ka ng salita ng waray o bisaya sa kausap mo na tagalog ay pagtatawanan ka. Minsan pa pagsasabihan ka na hindi naiintindihan. Ako nga naranasan ko sa Cebu noon habang nagsasalita ako ng waray ay sanabihan ako ng ka boardmate ko na "huwag daw ako magsalita ng intsik." Pero kung english ang isalita mo ay baka purihin ka pa nila. Ganun kapag ikaw ay magaling magsalita ng english.

Kung ikaw ay nasa ibang bansa. Sabihin na natin USA at ang kausap mo ay Amerikano. Salitang Pilipino ba ang gagamitin mo, di ba hindi? Kasi hindi kayo magkakaintindihan. Ganun din para sa ibang bansa na mapupuntahan. Kasi ang english na salita ay pang worldwide talaga. Maliban na lamang kung sa ibang bansa ang makakausap ay Pilipino din kasi puwede na salitang Pilipino ang gamitin. Ngunit hindi pa rin nakakasiguro na Filipino language pa rin ang maging usapan.

Sa mga transaksyon lalo na sa gobyerno. Ang nakasulat sa bond paper ay english. Pati sa pagpirma na nagdudulot ng korapsyon ang binabasa ay salitang english bago pirmahan. Kapag nag apply ng trabaho ang nakasulat sa resume ay english. Kaya hindi nakapagtataka na naisulat nga ni James Soriano ang nalathala sa Manila Bulletin. Ang salitang Pilipino ay mahalaga din naman para sa isang transaksyon. Iyon ay kung ikaw ay mangungutang ng pera. Kung anong lugar ka at anong lenguahe ay iyon ang isulat sa papel o bond paper ng nagpapautang na katibayan ikaw ay nangutang ng pera at pirmahan mo iyon.

Kung walang apoy, walang usok. Kung may katotohanan rin lang naman ang sinabi ay huwag magalit. Huwag maghangad na linisin ang isang tao kung mismo sa iyong sarili ay may dapat linisin.

47 comments:

Anonymous said...

tama kau ni James Soriano, dapat tangkilikin ang ating lenguahe..

Jag said...

Pra saken ok lang na matuto ng maraming lenguahe bsta ba wag lang kalimutan ang sariling atin...

Mai Yang said...

Uu nga! ako kahit nahihirapan mag tagalog eh nagtatagalog pa rin eh..
(pero di ako English speaking ha)

-BISAYA kc ako eh :D

Arvin U. de la Peña said...

@mommy-razz............mahirap ng tangkilikin ang sariling atin kasi unti unti napapasakamay na tayo ng ibang bansa....

Arvin U. de la Peña said...

@Jag.............may punto ang sinabi mo..pero siguro napansin mo ng may ilan na tao na kapag napunta sa ibang lugar at matagal bago bumalik sa pinanggalingan ay ang salita laging gamit ay iyong doon na sa lugar na pinuntahan......kahit ba malaki na siya ng umalis sa kanilang lugar....sabihin na lang natin na pumunta ng Maynila..pagbalik ng ilang taon ay tagalog ng tagalog..parang hindi na marunong mag salita kung saan siya nagsimula..medyo nakakainis ang ganun..

Arvin U. de la Peña said...

@Mai Yang..........ganun ba..akala ko nag eenglish ka....pansin ko parang hirap ang bisaya mag tagalog..ewan ko lang kung totoo,hehe..

Unknown said...

Korek, tanggapin ang katoothanan ayun tapos ang gulo diba. pero may mga makikipag debate pa talaga sa mga ganitong topic.

Unknown said...

para sa akin may punto naman si sorriano. Nilahad lamang nya ang katotohanan. Ingles ang ginagamit ko sa pagsusulat pero tagalog ang gamit ko sa pagsasalita. Nagsusulat ako sa Ingles upang mahasa ang kakayahan ko doon. Dahil kailangan yun sa trabaho ko sa pagsusulat ng reports. Karanmihan nga nagpopondo sa NGO dito sa bansa natin ay taga ibang bansa at kailangan ang mode of communication sa mga reports ay Ingles.

Siguro ang hindi ko lang nagustuhan sa sinabi nya eh yung parang sa katulong, tindera o manong driver lang magagamit ang Filipino. Eh ang pinoy naman nakaka-intindi ng Ingles no? kahit pa katulong yan basic english maiintindihan nyan. Awkward nga lang pag-nag-english english ka pa sa kanila. Pero siguro si Soriano ganun kasi pinalaki. Buti na lang sa huli ay bumawi sya. Di lang pala katulong ang kinakausap nya ng tagalog pati naman pala ibang kamag anak nya.

in the end, okaylang ang sinabi nya. Siguro lang ang iba nasa in denial period pa. :)

Ishmael F. Ahab said...

Marami nga ang naapektuhan diyan kay James Soriano. Well, it is high time na maging seryoso sa sarili nating wika. Yung mga Intsik nga hindi nila pinagpapalit ang kanilang wika kahit saan pa sila mapunta.

anney said...

Dapat lang na wag natin kalimutan ang sarili nating wika pero ganun pa man importante din sa isang tao ang marunong magsalita o umintindi kahit konting English lang dahil may mga pagkakataon minsan na dapat nating gamitin ang lenguahe na ito.

Ka-Swak said...

for me ok lang naman. alam na nating kung paano mag filipino. lets open up our mind to something new, kilala taung mga pinoy na magaling sa ingles kaya ipagpatuloy pa natin.

eden said...

Tama Arvs, doon sa Cebu may kakilala akong mga anak nya ay lahat mga english speaking. Dito naman sa Oz tinuruan ko mga anak kong mag tagalog or bisaya. Ang daughter ko interesado siya kasi karamihan sa mga kaibigan nya sa school ay mga Pinoy and everyday she comes home with a new tagalog word.

Arvin U. de la Peña said...

@Shydub.............tama ka..kaya lang ang hirap sa ating mga pilipino parang hindi marunong tumanggap sa katotohanan..may basehan naman kasi bakit niya iyon isinulat..ang daming nag react na tao..siguro tinamaan sila kaya nag react..hindi nila inisip na nangyayari talaga ang mga sinabi ni James Soriano.....hanggang ngayon baliktakan pa rin ang tungkol sa kanyang sinulat..

Arvin U. de la Peña said...

@mayen...............salamat naman at katulad mo rin ako ay sang ayon sa sinulat ni James Soriano.....wala naman talagang masama sa kanyang sinulat..napasama lang dahil sa mga tao na hindi marunong tumanggap sa katotohanan.....eh sila naman na mga tao na kontra sa sinulat ni James Soriano ay baka nga english ng english pa.....

hana said...

I still feel bad when he said,
" Filipino was a chore, like washing dishes;" . He couldve used different term. But anyways, he's right about trying to imply that English is more used than the Filipino language. There's nothing wrong really, about us, Filipinos doing our best to speak in English coz it has been part of our living.

nice blog!

*nosebleed ako dun sa sarili kong comment ah! haha! wala lang feel ko lang!*

--blogwalking--

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab.........iyan ang maganda sa intsik....pero ang bansang China ay iba sila..iba ang mga intsik sa mga pilipino.....iba ang ugali at kultura..dito sa atin hindi puwede na puro na lang salitang Pilipino ang gamitin kasi hindi tayo maunlad na bansa..hindi katulad ng ibang bansa na maunlad sila na umunlad dahil sa pagtutulungan nilang mamamayan..tayo dito sa Pilipinas kailangan pang umasa sa ibang bansa..kaya dapat din talaga na pairalin ang salitang english o ano pa..

Arvin U. de la Peña said...

@anney...........korek ka diyan..hindi sa lahat ng pagkakataon ang makakausap natin na tao ay pilipino lang..may makakausap talaga tayo na banyaga....halimbawa na lang naglalakad ka sa daan at may makakasalubong ka na amerikano at iyon minsan ay nagtatanong..

Arvin U. de la Peña said...

@Ka-Swak............yah, kasi hindi talaga uunlad ang bansa natin kung sariling wika lang.....paano na lang ang mga banyaga na bumibisita sa ating bansa..sila ay dapat din na kausapin sa wika nila..hindi naman kasi iyon makakaintindi ng tagalog..pero tayo ay makakaintindi kung sila may ay magsalita ng english..

Arvin U. de la Peña said...

@eden............may mga bata nga na anak mayaman na pinapag aral talaga sa exclusive school o iyong international school.....nasa murang edad pa lang ay magaling ng mag english...mas magaling pa ngang magsalita ng english kaysa sa wikang pilipino.....kung ganun ay mabuti iyon para sa anak mo para kung sakali ay bumakasyon kayo dito sa Pilipinas ay makakaintindi siya ng salitang tagalog..

Arvin U. de la Peña said...

@hana banana.........nasabi na niya iyon at wala ng magagawa kundi tanggapin na lang kung may katotohanan rin lang naman..mahalaga nga ang salitang english dito sa ating bansa..pati nga sa mga beauty contest na pang barangay lang ay madalas english ang tanong..

stevevhan said...

For me, tama ang mga sinabi, first of all yun naman talaga ang universal Language, kahit ako ay forced magsulat ng english sa blog ko kahit na gustong gusto kong magsulat in Filipino.

Nasa tao na yun, sitwasyon at lugar, ang mahalaga, mahal mo ang sarili mong wika at ipinagmamalaki ko ito.

Maganda din yung naging ending niya na siya ay half filipino lang padating sa kaalaman sa sariling wika. Ang ayoko lang sa paglarawan iya ay yung paghahalintulad nito sa kanyang mga katulong sa bahay, nakakalungkot na mukha naman sana siyang disente pero hindi maganda ang panlalarawan niya sa wikang Filipino,

Hindi proud si Rizal sa mga ganung uri ng tao.

Hindi rin mahirap na tangkilikin ang sariling atin kung ako bilang isang kabataan ay mulat dito, kabataan ako pero marunong akong tumangkilik at magmahal sa bansa ko, pagkatapos ko mag-aral mas gusto ko talagang magtrabah dito sa bansa. Mahal ko ang Pilipinas, ganun lang ka-simple. Depende lang talaga sa tao, sitwasyon at lugar o panahon...

kimmyschemy said...

wala akong nakikitang masama sa pagsasalita ng lengguwahe katulad ng English, sa katunayan isa akong English teacher. Pero bago ako nagturo ng English, sinigurado ko muna na bihasa ako sa Tagalog, sa pagsasalita o pagsusulat. anumang bagay ay hindi nagiging maganda kung ginagawa ng wala sa lugar, kasama na ang pagsasalita ng English sa mga bagay na iyan..

w0rkingAth0mE said...

Mas maraming language na alam mas ok para sa akin pero wag natin kalilimutan yon Tagalog kasi yan ang pambansang wika natin diba!

Mel Avila Alarilla said...

Hindi ko pa nababasa ang artikulo ni James Soriano pero ang masasabi ko, walang masama kung magsalita man nang ingles. May karapatan ang bawat tao na piliin kung anong lenguahe ang gagamitin niya. Ang Pilipino ay ginagamit na natin sa araw araw sa pakikipagusap natin sa ating kapwa. Pero ang ingles ang international, business and instructional language of the world. Bentahe nga sa ating mga Pinoy na marunong tayong mag ingles at hindi na natin kailangan ang translator kapag tayo ay naiinterview. Dapat nga pati espanol ay natutunan din natin dahil matagal tayong nasakop nang Spain. Inggit nga sa atin ang mga ibang Asiano dahil sa galing nating mag ingles. Maski nga mga tindera sa palengke ay pwedeng kausapin nang ingles nang mga turista. Ang masama ay ang itatwa at ikahiya natin ang sarili nating lenguahe at kultura. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Sam D. said...

Salamat sa hindi mo paglimot na dumalaw sa blog ko kaibigang Arvs. Try ko po tomorrow if maasikaso ko iyong ipapalagay ko na badge saiyo. super busy lang talaga...

eden said...

Salamat sa visit , Arvs. Have a great week!

Wanderer Tolentino said...

mahalaga ang ating sariling wika dapat natin ito i respeto at ipagmalaki.

Arvin U. de la Peña said...

@Stevevhan.......mabuti naman at sang ayon ka rin sa sinulat niya.....international language nga ang english..halos lahat yata ng bansa ay ginagamit ang salitang english sa araw araw....pero ang salitang pilipino ay hindi..medyo masakit nga ang sinulat niyang iyon pero wala tayong magagawa kundi respetuhin ang opinyon niya..kasi hindi naman nagkakalayo sa katotohanan....

Arvin U. de la Peña said...

@simply_kim...........ewan ko nga ba bakit ang sinulat niyang iyon ay naging usap usapan.......nabasa ko nga rin sa diaryo ang tungkol sa sinulat niya..pinalaki lang ng mga tao na lubhang mahal ang sariling wika pero sila mismo ay baka english ng english din......mabuti kung ganun na bago ka nagturo ng english ay bihasa ka na sa tagalog..

Arvin U. de la Peña said...

@wOrkingAthOmE.......may punto ka..sa sinulat ni James Soriano hindi naman niya talaga sinasabi na huwag tangkilikin ang wikang pilipino..sinabi lang niya na ang salitang english ay gamit na gamit talaga..kumpara sa tagalog....kaya pinalaki ang isyu kasi napublish sa pahayagan...dami tuloy nag react..

Arvin U. de la Peña said...

@Nelson Souzza.........thanks for visiting my blog..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla........maraming salamat sa mga sinabi mo.....i hope mabasa mo ang sinulat niya na napublish sa manila bulletin....tama ka diyan na may karapatan nga ang bawat tao na pumili kung anong language ang gamitin niyang salita..katulad ni James Soriano na ang english na salita ay mas komportable siya..kung saan komportable na salita ay doon..kaysa naman magka utal utal sa salita na hindi kabisado....

Arvin U. de la Peña said...

@Sam D...........walang anuman iyon..ok..ang pinadala kong paypay account ay iyon ang gamitin mo..

Arvin U. de la Peña said...

@eden...........thanks din po sa iyong pagbisita uli sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Wanderer Tolentino........mahalaga nga kasi sa salitang Pilipino tayo natuto lalo na kung ipinanganak talaga sa Pilipinas..pero hindi natin masisisi si James Soriano kasi opinyon niya iyon..dapat na respetuhin..

eden said...

Salamat sa visit, Arvs!

farjah said...

@Arvin: Sang ayon ako sayo daming na nababago sa ating lipunan hindi lamang ang Pananalita ng mga Pilipino (hindi Filipino) kundi pati na ang Abakada (naging Filipino Alfabeto)na na noon ay 20 titik lamang sa ngayon 28 letra/letters (salitang inangkin sa banyaga). Si Gat Jose Rizal noo’y nagwika "Ang hindi raw magmahal sa sariling wika, Ay higit pa ang amoy sa mabahong isda." Maliban dami na din nakalimot sa ating sinaunang sariling alibata/baybayin (ancient pilipino script). Makikita mo na lang ito sa mga T-shirt ngayon ginawang Art.

Dhemz said...

agree ako...tangkilikin ang sariling wika....pero may punto din naman si Jag....:)

great post Arvin!

Arvin U. de la Peña said...

@eden.............walang anuman..salamat din sa iyo..

Arvin U. de la Peña said...

@admin........madami na nga ang nagbago..kasi ngayon napakadami na ang nagsasalita ng english..minsan nga pati pa nasa elementary student paglabas ng paaralan ay speak english na......katuwaan lang naman siguro nila iyon,hehe..maganda rin naman na ang letra ay nadagdagan..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz............ganun ba..ako din naman,hehe...pero sa ngayon siguro hindi talaga lahat tinatangkilik ang sariling wika....sa paglipas ng panahon nag iba na rin ang pananalita ng ibang tao..

shirt.quote.toh said...

Ang sabi nga ni idol Pepe AKA "Jose"

Ang hindi marunong magmahal, sa sariling Wika, ay higit pa sa amoy nang malansang isda!

Verna Luga said...

Actually.. walang mali sa sinabi ni James .. he was just talking from the context of many so many of us like me .. in fact my first words were .. close-open-close-open...

it was only lately na nagkandarapa tung mga "author - rity' daw na mahalin churva si sariling wika ...

Kaibigan, salamat sa pasyal :) Howdy Arvin?

Unknown said...

Visiting here again arvin.

Arvin U. de la Peña said...

@shirt.quote.toh.........sinabi din ni James na siya din ay parang mabaho pa sa malansang isda kasi hindi siya marunong talaga ng wikang Pilipino......di lang siya pero marami talaga dito sa ating bansa na mas magaling mag english kaysa tagalog..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz...........yup, ang ibang tao ay binigyan lang ng mali ang sinulat niya....eh ang mga tao na iyon baka nga sila ay english ng english pa..sa mga comment pa lang nila sa sinulat ni James Soriano ang iba ay dinaan sa pag english sa pag comment na against sila sa sinulat..

Arvin U. de la Peña said...

@Shydub............salamat sa muli mong pagbisita sa blog ko..