Tuesday, August 30, 2011

Magdalena (by request)

Ang sinulat kong ito ay pagbibigay daan para sa request ng isang blogger. Ang pagrequest niya po ay dinaan sa tagboard ng blog ko. Narito po ang kanyang sinabi at ang blog niya ay http://thecoffeechic.blogspot.com/






algene: pwede magrequest ng isang tula?














"Prostitution is the oldest profession."

MAGDALENA
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa pagtugtog ng nakakaaliw
Pagsayaw mo ng nakakaakit
Mga manonood ay takam na takam
Sa alindog mong kabigha-bighani.

Habang unti-unti tinatanggal ang saplot
Pilit pinapahumaling mga kalalakihan
Pagkatao mo ay nadudurog
Pagkat ginagawa labag sa kalooban.

Hindi man gusto ganun na trabaho
Walang magawa kundi tanggapin
Iyon lang ang tanging paraan
Magkaroon ng mapagkakakitaan.

Balewala na lang sa iyo
Pagpiyestahan ng mga mata ang pinakatago
Mahalaga matugunan lang ang pangangailangan
Kahit kapalit masilayan hubad na katawan.

Batid mang mababang uri ng pagkatao ang tingin
Walang magawa kundi ang tanggapin
Dahil kung may ibang paraan lamang
Mas gustuhin pa rin disenteng trabaho.

27 comments:

Anonymous said...

malungkot pero magaling na Tula.. gusto ko din mag request.. hiya lang ako.. hehe

Umma said...

As usual, galing talaga ni Arvs.. thanks for the post

anney said...

Bait mo naman at yung mga nag re request sayo e ginagawan mo talaga ng tula! Keep it up as you make people happy!

AkosiUNNI said...

:(
di natin masisisi ang ibang babae na may ganyang uri na work
kasi wala clang ibang choice eh
sa knila makasurvive lng ang pamilya nila...

pwede magrequest?hakhak

Arvin U. de la Peña said...

@mommy-razz..........may bahid nga ng kalungkutan ito kasi kahit sino naman siguro ay hindi talaga hangad ang magtrabaho sa club..pero dahil walang mapagpilian ay kinakaya na lang ang trabaho doon......magsabi ka lang na gusto mo magrequest at pagbibigyan kita..huwag ka mahiya..katulad ng iba na pinagbigyan ko ay walang duda na pagbibigyan din kita..magsabi ka lang.

Arvin U. de la Peña said...

@Umma.............salamat sa sinabi mo....

Arvin U. de la Peña said...

@anney...........kaya ko naman kasi ang request nila.....kung hindi ko kaya hindi ko pagbibigyan..at dahil sa pinagbibigyan ko ang hiling nila ay siguro naman kahit paano ay sumasaya sila ng dahil sa akin..

Arvin U. de la Peña said...

@UnniBenteNwebe.........tama ka diyan..ang ganung uri ng work iyan ang paraan para may ibuhay sa sarili at pamilya..minsan ang ganun na pamumuhay ay nakaka jackpot sa isang gabi at malaki ang kinikita.....puwede po na magrequest.....pagbibigyan din po kita basta magrequest ka lang..

Anonymous said...

galing talaga ni arvin...

at bait bait pa..

nice vin..

emmanuelmateo said...

ang galing kuya! like na like ko po ito

kikilabotz said...

ganda ng pics, nakakagana

Unknown said...

Sad sad sad face ang drama dito- but may natutunan naman po!

hana said...

tomo!!!!
hang lunkgot neto...
hindi natin sila masisis talaga..
ang galing ng yung tula!

Arvin U. de la Peña said...

@JaY RuLEZ.............ganun ba..well salamat sa sinabi mo..basta kaya ko ang request ay pinagbibigyan ko..

Arvin U. de la Peña said...

@emmanuelmateo.............baka naman dahil minsan ay pumupunta ka sa mga bar,hehe....kasi ako minsan ginagawa ko iyon kasama ng ilang kaibigan..lalo na noong nag aaral pa sa cebu,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@kikilabotz...............haha..sa google ko lang po iyan kinuha na picture..iyong isa ay siya iyong blogger na nagrequest sa akin..

Arvin U. de la Peña said...

@hana banana..........medyo nakakalungkot nga ito kasi ang ganun na trabaho ang iba talaga ay kinaiinisan..kasi minsan dahil sa kanila ang lalaking may asawa ay nag aaway ng misis dahil lang sa pagpunta sa night club para manood o minsan pa nagiging kabit..

Mel Avila Alarilla said...

Wala akong makitang justification sa pagiging prostitute nang isang babae maliban na lamang kung sapilitan o hawak sila nang mga sindikato nang white slavery. Maraming mga batang babae na nagnanais umangat ang buhay nila ang naloloko nang mga recruiter nang magandang trabaho kuno ngunit ibinebenta lang sila sa mga sindikatong ito. Pero may mga babae din namang ambisyosa at gustong yumaman agad kaya nagbebenta nang panandaliang aliw. Habang may mga lalakeng hayok sa laman ay hindi mawaala ang mga Magdalena sa tabi tabi. Kawawa talaga sila. Salamat sa iyo na namang madamdaming tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Unknown said...

bilis talaga ng utak mo gumana Arvin pagdating sa tula, kakabilib. pwedi mag request ako ng Friendship

Ruby said...

napakalungkot talaga icpin ano?...tsk tsk tsk...sana nga makayanan nila pagsubok sa buhay at makahanap cla ng matinong trabaho...tsk2x...galing ng tula..talagang nakuha mo ung imahe ni magdalena at kung ano ung nasa isip nya ^_^

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla...........madami na ngang babae ang naloko ng mga recruiter....target nila ang mga babae sa probinsya..papangakuan ng magandang trabaho sa Manila pero ibang trabaho pala......wala ng magawa kasi hawak na ng recruiter at isa pa walang pamasahe pauwi o di kaya hindi alam ang pabalik.....minsan din naman ang mga babae na nag trabaho sa mga club at sumasayaw ay nakaka jackpot lalo na kung asawahin ng isang mayaman na tao....kagaya ng hapon..

Arvin U. de la Peña said...

@Shydub............salamat sa iyong sinabi.....ganun ba.....pagsabihan na lang kita kung ma post ko na ang request mo....may naka linya pa kasi ako na mga sinulat at para din sa ibang nag request..mag iisip ako ng para sa request mo..

Arvin U. de la Peña said...

@Ruby...........ganun talaga ang buhay..hindi pantay pantay.......ang mahalaga ay unawain ang uri ng trabaho mayroon sila..hindi naman nila kagustuhan iyon.....pero dahil walang iba ay nagugustuhan na lang.....ang mahalaga ay may makain..magkaroon ng pera..

Algene said...

ang bait mo naman :) may tula talaga ako. sorry ngayon ko lang nakita kasi naging busy ako. thanks talaga.. :)

eden said...

Another nice poem, Arvs. Thanks for sharing.

Dhemz said...

minsan sa buhay may mga tao talagang walang ibang choice kung hindi gawin ang d nararapat....sabi nang iba "kapit sa patalim" just to survive....gandang tula!

Chubskulit Rose said...

Galing naman!