Wednesday, August 10, 2011

Luha Ng Napaibig (by request)

Hindi ito ang entry ko para sa contest ni iya_khin ng http://susulatako.blogspot.com na magsulat ng poem na ang pamagat ay dapat kalakip ang salitang luha na sa ngayon ay umaabot na po ng sobra 50 ang sumali. Dahil ang entry ko po para sa contest niya ay ang post ko ng Luha. Ang sinulat ko pong ito ay pagbibigay daan sa request ng blogger na si MC. Dinaan niya po ang pagrequest sa pag comment para sa sinulat kong Tinta. Narito po ang sinabi niya.

Blogger MC said...

ang cute nung little girl :) and as always, tumataludtod ka naman, goodjab! kelan mo ko gagawan ng tula? choz! haha

August 5, 2011 5:37 AM

http://marsyconstantino.blogspot.com/

LUHA NG NAPAIBIG
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa kagandahan mo ako ay nagkagusto
Unang sulyap pa lang tumibok agad ang puso
Ikaw na ang hinahanap-hanap
Masilayan ng mga mata kong kumikislap.

Paghiga ikaw ang nasa isipan
Pinapangarap ko ang kagandahan mo
Sa pagkagising ko ikaw pa rin ang naaalala
Sadyang ikaw na ang nais ko.

Kaysakit ng tayo ay magkakilala
Mayroon ka ng tinatangi
Hindi mo na kaya na siya ay palitan
Pagkat naibigay mo na ang lahat sa kanya.

Puso ko bigla na lamang lumuha
Napaiyak ng dahil sa iyo
Napagtanto na pagdating sa pag-ibig
Hindi puwede na ikaw ay mag akala.

48 comments:

EngrMoks said...

sumali ka ulit? pangalawang entry mo na ba to?

Arvin U. de la Peña said...

@EngrMoks................hindi po ako sumali uli..isa lang po ang entry ko..sinulat ko lang po ito para sa request ng blogger na si MC....

Unknown said...

yes.. ganda ah? pede pala mag request dito. hehe..

arvin, ok no prob. updated na po ang blog roll ko. you're there na. thanks.

Arvin U. de la Peña said...

@mayen..............opo puwede ang magrequest ng isang susulatin ko para pag post sa blog......madami na po akong napagbigyan na tao dahil nag request sila..katulad sa ngayon.. salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..nasa blog list na rin po kita..

Gin Hansson said...

sali ka na Arvin!!!actually hindi ko rin alam yan. hahaha

Anyway, ang galing mo talagang sumulat. Without your knowlwedge, lagi akong dumadalaw sa blog mo para lang makabasa ng napakagandang mga tula mo. Ahay minsan nakakarelate talaga ako at minsan napapaiyak pa.

Salamat sa napakagandang likha Arvin. well done!!!

Mel Avila Alarilla said...

Isa na namang madamdaming love poem. Magaling ka talaga kapag ang tema nang tula mo ay tungkol sa pagibig. Sana natagpuan mo na ang tunay na nililiyag nang iyong puso. Salamat sa makabuluhang tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

=supergulaman= said...

was here...good post...keep penning... ;)

MC said...

ok. so i am surprised! =) talagang sineryoso mo? but this is an honor, really, salamat arvin. ang tagal ko di nakapagcheck ng blog at talagang natuwa ko nung nakita ko ito ngayong umaga, made my day!

i can say you really have the gift of words, parang dumadaloy lang ang mga salita mula sa isip at puso mo at nakakabuo ng isang magandang obra. this one, as usual, is full of emotions. i love how simple and heartfelt this poem is. medyo nakarelate din ako.sana mahanap din natin ang mga taong makakapagpasulat satin ng mga masasayang entry. salamat ulit at more power sa iyong pagsulat. =)

Sam D. said...

Hello Arvs! Okay lang po ako. By the way hangad ko ang panalo mo diyan sa sinalihan mo. By the way if may mareceive na pala akong payment sa akin next week papalagay ko na iyong isa kong badge. Salamat at kumusta sa bago mong sinisinta :-) Okay ba tagalog ko hehehe

Anonymous said...

lupit mo talaga vin....galing mo!

Anonymous said...

ang malas mo arvin dahil may nauna pala sayong sinisinta.. hanap k ng iba, marami p jan.. hehe! nice tula again.

Ka-Swak said...

like it!
im new in ur blog po....

eden said...

Sayang naman ang pag ibig na ito may iba pa naman minamahal..hehehe.. but di bali hanap ka nalang ng iba, daming babae dyan..hehehe..

Btw, good luck sa sinasalihan mo..

jhengpot said...

HENYO KA TALAGA KUYA ARVIN! KAMPAY! :)

Im back at heaven :)
heavenknowsmj.blogspot.com

Arvin U. de la Peña said...

@jhansson.........oo, sumali po ako sa contest ni iya_khin......madami na nga ang sumali.....salamat naman kung ganun na palagi mong binibisita ang blog ko na hindi ko alam.....puntahan din kita ngayon..kung sakali man na madala ka laman ng sinulat ko ay hindi ko iyon sadya..hehe..hindi ko sadya na mapaluha ka dahil sa sinulat ko.....

Arvin U. de la Peña said...

@Prasetyo.........thank you for visiting my blog.......

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla..........salamat sa sinabi mo..iba kasi kapag tungkol sa pag ibig ang sinusulat kasi nasa puso talaga at medyo naranasana na natin..madali po talaga para sa akin basta tungkol sa pag ibig..napakadami ko ng naisulat dito na may tema ng pag ibig talaga kumpara sa iba..

Arvin U. de la Peña said...

@supergulaman.............thanks.. ikaw din ipagpatuloy mo pa ang pagsusulat sa blog mo....ayos rin naman ang blog mo lalo na iyong gumagawa ka ng youtube......

Arvin U. de la Peña said...

@MC.............walang anuman iyon....basta kaya ko ang request ay pinagbibigyan ko talaga..ang iba nga lang natatagalan bago ko napagbibigyan..pero hindi ko nakakalimutan kasi nasa comment pa naman..at ang iba na ang pag request ay sa tag board ko dinadaan ay copy paste ko at save sa email ang sinabi nila kasama na ang link nila para hindi ko makalimutan..kung hindi ka nagrequest siguro hindi ko ito maisusulat..salamat sa iyong pag request,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Sam D............sige po..sabihan mo lang ako kung ipalalagay mo na..hintayin ko ang pag email mo sa akin..

Arvin U. de la Peña said...

@JaY RuLEZ...........ganun ba..well salamat sa sinabi mo....nagbibigay iyon ng inspirasyon para ako ay magsulat pa dito sa blog ng kagaya ng mga nababasa sa blog ko..ang susunod ay malupit din kasi hango sa palabas sa abs cbn ang pamagat..

Arvin U. de la Peña said...

@mommy-razz..........oo nga eh..lagi na lang ganun..kailan kaya iyong makursunadahan ko ay wala akong magiging kahati sa puso,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Ka-Swak.......okey po..sana muli ay bumalik ka dito sa blog ko..follower mo na ako..puntahan kita minsan..

Arvin U. de la Peña said...

@eden............yah, ganun talaga..ang natitipuhan na nakikita ay may minamahal na pala..madalas din ang ganun sa mga disco bar..minsan pa nga dahil doon nakaka trouble dahil ang naging kasayaw ay naroon pala ang mahal niya..

Arvin U. de la Peña said...

@jhengpot..........salamat sa iyong sinabi..siguro naman madalas ka ng magpopost..

Umma said...

Hmmm.. interesting ng tula mo Arvs..keep it coming

Chubskulit Rose said...

Galing mo talaga Arvs!

AJ Banda said...

wow.. tinamaan ako dito ah.. ganda!

Ishmael F. Ahab said...

Cool na tula. ^_^

J.Rylie.C said...

Visiting here Kuya.

Genefaith said...

impressive! i'm sure manalo ka sa contest na sinalihan mo....

Dhemz said...

ay anga galing mo naman Arvin...dami nang nag request ah...ehehhee...dapat next time may talent fee na...ehhehe...joke!

Arvin U. de la Peña said...

@Umma..........salamat po..next post ko ay by request uli.....kumusta naman blogging mo..dami mong inaadvertise,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@chubskulit..........nakaka inspire ang sinabi mo..ang mga iyon na salita ang naghihimok sa akin para magsulat pa..

Arvin U. de la Peña said...

@Aj Banda..................siguro nangyari na sa iyo kung ano ang laman ng sinulat ko..kaya mo sinabi iyan..

Arvin U. de la Peña said...

@Ishamael Fischer Ahab........thanks..kumusta ka na..pag mag blog hop uli ako puntahan kita..

Arvin U. de la Peña said...

@Ms. Burrito......thank you for the visit..come again..

Arvin U. de la Peña said...

@Genejosh.........madami ang magagaling din mag sulat ang sumali sa contest..puro magaganda ang entry..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz............madami na nga po ang nagrequest sa akin..may isa pa nga na nag request at dinaan sa tagboard..pagbibigyan ko siya..hindi pa sa ngayon..

eden said...

Hello Arvs!

Just visiting. have a great week.

kimmyschemy said...

ay, ang painful naman ng poem na ito, hehe...

Sam D. said...

naparito ulit ako para bumisita saiyo Arvs. Panalo lagi ang tula mo para sa akin. Have a wonderful week. :-)

heyoshua said...

sir! follower mo na po ako :) good luck po sa ating lahat lalo't higit sa nagpasimuno ng pakontest hehe :)

ang iyong mga tula dito ay gaya lamang tangan mong serbesa..

humahagod at malakas ang tama! :) apir!

Arvin U. de la Peña said...

@eden..........salamat sa muli mong pagbisita sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu...........talagang masakit kasi nangyari ang maling akala para sana sa mamahalin,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@simply_kim..........opo, masakit nga ito..pero sa ganitong pangyayari ay isipin na lang na siya ay hindi nakita..dumaan lang sa buhay pero hindi nagkagusto..

Arvin U. de la Peña said...

@Sam D...........salamat sa sinabi mo..salamat at isa kang tagahanga para sa mga sinulat ko dito sa blog ko.....

Arvin U. de la Peña said...

@Yehosue...........salamat sa pag follow mo sa aking blog..haha..ganun ba..masarap nga ang red horse..lakas tama talaga siya..pero iba pa rin kapag san miguel beer ang iniinom..hindi masyado masakit sa ulo,hehe..madami nga ang gumawa ng tula dahil sa contest ni iya khin..maganda ang pa contest niya..