Wala pa ako facebook noon at friendster pa lang ng makilala ko ang babae na makita sa larawan. Naging ka text ko rin siya noon. Nag request siya sa akin noon na magsulat daw ako para sa kanya at ito ay pinagbigyan ko naman. Iyon ay ang post ko noong October 7, 2009 na ang pamagat ay Sa Tamang Pagkakataon. High School pa lang siya noon. Ngayon ay college na. Sa facebook ngayon minsan ay nagkaka chat kami at muli sinasabi niya na kailan daw uli ako magsulat ng para sa kanya. Matagal na rin ang pagsabi niya ng ganun sa akin at ngayon ko lang siya mapagbibigyan. Isa siya sa magandang babae na mga kaibigan ko sa facebook na taga Antipolo, Rizal.
"Hindi ako mayaman para BILHIN ang kahapon. Pero handa akong UTANGIN ang bukas makasama ka lang maghapon."
MINSAN LANG KITA IIBIGIN
Kay: Janine Quinanahan
Kay: Janine Quinanahan
Ni: Arvin U. de la Peña
Ang pag-ibig ko sa iyo minsan lamang
Mamahalin kita ngayon ng lubos
Ibibigay ang lahat para sa iyo
Makasiguro lang na ikaw ay akin.
Sakripisyo at pagod na mararanasan
Hindi ko iintindihin ganun ko ikaw kamahal
Ang puso ko sa iyo lang ngayon tumitibok
Hangad ko para sa atin huwag mo sanang sirain.
Sa puso mo ako lang sana
Hindi magkaroon ng kahati
Pagkat kung mayroon kang ibang mahal
Minsan kong pagmamahal sa iyo hindi na mauulit.
Mga yakap mo at halik sa akin
Sa bawat araw na ako ay pinapaligaya
Hindi ko panghihinayangan na mawala
Kung malaman ko man may iba kang iniibig.
Minsan lamang ako ay magkakaganito
Kaya huwag mong sayangin
Dahil ang minsan kong ito na pag-ibig sa iyo
Maaari na maging kailanman.
41 comments:
ouch naman..
Hi Arvin,
Thanks for dropping by. Ngayon lang ako ulit nakadaan dito nagpalit na ako ng domain Life's Learning of a Filipino Work at Home Mommy.. added ko na ang blog mo sa links ko :)
ganda naman ng recipient ng poem mo Arvs.. bagong GF mo?
wow my love fren, Coco M.. hehe! nalulungkot ako sa pagwawakas ng minsn lang kita iibigin, mamimiss ko ang love fren ko.. i love him!!
naks parang si Cristine Reyes ung fren mo ah.. ganda!
Daming babae ni Arvin heheh ..Saludo talaga ako sayo when it comes to writing ..
whoa.. at ang mowdel mo poise na poise.. lol
Hindi lang isa kang dakilang makata, isa ka ring dakilang mangingibig. Kaya siguro maraming babae ang nagpapahalaga sa iyo. Salamat sa madamdaming tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
Another wonderful composition! Ganda namn ng frend mo.
aylabet ^^ ang ganda ng mensahe...
Is she Anne Curtis? She's cute anyways.
super galing ng minsang lang kitang iibigin! pang world class talaga ang soap opera na to.
dekalibre talaga! gawa kasi ng abs cbn!
100 days to heaven din galing! di aksaya sa kuryente nyo hehe
Aba, in love ka na naman..hehehe.. ang pretty at sexy ng friend mo.
@the green breaker.........kung ang laman ng tula ay ginagawa mo tapos wala pa rin mangyari dahil may iba pa ring inibig tiyak masasaktan ka talaga..
@Super Mommy Jem........ah ok..so puntahan ko ang bago mong domain tapos add ko sa blog list ko..salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..
@Umma...........maganda po talaga siya..hindi ko po siya GF.....matagal na kasi na nais niya na magawan ko ulit siya ng sinulat ko kaya ito ang handog ko..
@mommy-razz.........ngayong week ay magtatapos na nga ang Minsan Lang Kita Iibigin.....hindi ako masyado nakatutok sa palabas na iyan..kasi ang pinanood ko talaga ay ang Mutya..nakakapanood lang ako niyan kung sakali hindi ako lumalabas ng gabi at nasa bahay lang,hehe..maganda ang istorya ng palabas na iyan..ang isa sundalo at ang isa ay rebelde na magkambal sila..minsan nagpapalitan sila ng pagkatao..maganda ang kuwento at saludo ako sa direktor..
@wOrkingAthOmE...........ganun ba..isa lang ang babae ko,hehe..maraming salamat sa sinabi mo..nakaka inspire iyon sa akin..
@tim.........madami pong picture sa facebook niya pero ito ang pinili ko..ewan kung magalit siya dahil itong sexy pic niya ang ginamit ko..hindi ko pa kasi siya sinasabihan na post ko na ang request niya..pero mamaya ay pagsabihan ko na..
@Mel Avila Alarilla........hahahahaha....kapag kasi love poem ang pinag uusapan ay medyo hindi ako nahihirapan masyado sa kaiisip ano ang isulat..sa napakarami ko ng post siguro 75 percent ay about love,hehe..salamat sa iyong sinabi..
@anney..........ang hitsura niya ay artistahin talaga....lalo na ngayon na mag 20 na siya..wow hanep ang kaseksihan niya,hehe..
@Whang..........maraming salamat sa pagbisita mo sa blog ko..puntahan din kita..
@Albert Corsame Umbac.....hindi po siya si Anne Curtis..ang pangalan niya po ay Janine..siguro para sa akin ay mas maganda siya kay Anne Curtis..kasi sa ngayon ay fresh pa siguro siya,hehe..
@Ka-Swak........tama ka diyan dahil kahit nga si Lolit Solis na sa GMA 7 ay hindi pinapalampas na panoorin ang palabas na iyan..kahit naroon siya sa ibang bansa kapag oras na talaga ng Minsan Lang Kitang Iibigin ay nanonood siya..minsan sa internet na lang siya nanonood..hindi niya talaga pinapalampas ang bawat eksena..iyon ang nabasa ko sa column niya sa diaryo..
@eden...........hindi naman masyado inlove..pretty po talaga siya..parang artista..
ayay! napakagaling naman...ganda nya Arvin...ehhehehe!
magtatapos na pala ang seryeng ito...fave ko pa naman to....dami mo talagang magagandang friends...hehehhe....joke!
kakalungkot naman. maybe there are things that are not just meant to be. But that doesn't mean life will end there. If we look around we will know the answer:)
Ganda ng tula mo a, gumagaling ka lalo. Keep it up. Musta?
Aba ang ganda naman nang model mo Arvin. About that teleserye nakita kos a thriller parang ang ganda pero kung aabot yan nang isang taon parang walang thrill ikot nang ikot lang ang istorya at maging boring na rin diba? Ganda pa naman nang casting. ^_^
About the sun tea lasang tea parin kaya lang under the sun mo siya niluto try mo pag mainit dyan sa Pinas. ^_^
@Dhemz.........salamat..maganda po talaga siya..kailan lang yata siya nag debut..ibig palang sabihin nito ay sinusubaybayan mo talaga ang palabas na minsan lang kita iibigin kasi alam mo kung kailan mag tatapos..ayos at abs cbn ka rin,hehe..
@Yen...........yup, madami namang option lalo na sa usaping pag ibig..ganun ba..salamat kung ganun..
@Kim, USA.........tama ka diyan..hindi nga maganda kung ang teleserye ay pinatatagal..minsan kasi dahil sa taas ng ratings ay iniextend..extend ng extend..nagdadagdag ng mga cast..ang palabas na minsan lang kita iibigin hindi na masyado pa pinatagal kasi baka nga ma boring na ang mga tao na manood..maganda ang kuwento at maganda ang pagtatapos..kung ano ang script bago pa mag umpisa mag shooting ay maganda kung hanggang doon lang....sa init pala ng araw iyan iluto..mainit nga dito..minsan lang umuulan,hehe..
Hi (Kuya) Arvin, cheesy. Hehe, di joke lang. Like it, naiinspire tuloy ako sa post mo na magsulat uli..haha BTW, thanks for the follow, followed u back. Weird Treats and Strange Eats :)
Aw. Sweet naman. Sino siya?
ang ganda nung gitl hehe
a fan of yours vin..
the best ka paggawa ng poem
Just visiting you Arvs. Have a great weekend.
Yung recipient ng tula kamukha niya si Cristine Reyes konti hehehe...
MLKI is so far the best teleserye I've seen sa tv hehehe....
@RyHeAnNe..........tiningnan ko ang blog mo at matagal na nga rin hindi ka nagpost..bakit..anong dahilan..post ka kaya uli,hehe..
@Umi............siya po si Janine..naging kaibigan ko po siya sa friendster pa hanggang sa facebook..hindi pa kami nagkikita ng personal...pero noon nakatext ko siya..ngayon hindi na..matagal na rin na wala akong number niya..
@JaY RuLEZ..........salamat naman kung ganda.....maganda nga talaga....artistahin ang pagmumukha..
@eden.........thank you again for visiting my blog..
@Jag..............ganun ba..kumusta ka na ngayon..may bago ka bang post..matagal kang hindi nag post..puntahan kita mamaya.......
Ganda naman ng tula mo sa kanya arvin,
Post a Comment