Thursday, August 4, 2011

Tinta

"Minsan sa buhay ay sinusulatan natin ang ating kamay. Minsan pa nga sa paaralan sa kamay sinusulat ang maaaring sagot para sa pagsusulit."


TINTA
Ni: Arvin U. de la Peña

Dahil sa iyo may nababasa
Karaniwan ay itim ang kulay
Ngunit mayroon ring asul
Malaki ang tulong mo para matuto ang tao.

Nagdudulot ka rin ng mantsa
Lalo na sa damit
Hindi ka basta na itinatapon
Pagkat malaki ang pakinabang mo.

Paglaruan ka man sa kamay
Hindi ka agad natatanggal
Daig mo pa ang isang tuko
Kung makadikit mahirap maalis.

Tinta sa panulat mahalaga ka
Tulad ng ibang bagay na nakikita
Malaki ang papel mong ginagampanan
Para sa isang babasahin at gamit pagsulat.

Katulad ng ibang kagamitan sa paaralan
Isang dahilan ka bakit nagkaroon ng karunungan ang estudyante
Sa kaalaman na natamo ng isang nilalang
Malaking bahagi ka doon.

52 comments:

Kathleen said...

nice poem po

Umma said...

cute naman ng model na si Akesha..

Chubskulit Rose said...

Ganda ng model, love the peom too.

Anonymous said...

lupit u talaga sa mga tula arvin!

galing!

Anonymous said...

Galing! iba ka talaga basta sa pag gawa ng tula..

cnu ba ung batang nasa picture? hehe

Arvin U. de la Peña said...

@Kathleen........thank you..salamat sa sinabi mo..nakaka inspire iyon......abangan mo ang susunod kong post na ang pamagat ay hango sa isang palabas sa abs-cbn..

Arvin U. de la Peña said...

@umma.........hindi lang cute..maganda pa na bata.....artistahin ang pagmumukha niya...

Arvin U. de la Peña said...

@chubskulit.......mana sa ina kasi kaya maganda,hehe.....kumusta naman ang pagkikita niyo ng model ko ngayon sa sinulat kong ito..

Arvin U. de la Peña said...

@JaY RuLEZ.............ganun ba..salamat naman kung ganun.....ano pa kaya kung mabasa mo ang next post ko,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@mommy-razz............maraming salamat.....ang bata po na nasa picture ay si Akesha.......siya po ang prinsesa ni Dhemz........siguro kilala mo si Dhemz..madalas din siya dito sa blog ko........madaming beses ko ng ginawang model ang anak niya..katulad ng sinulat kong Notebook, Lapis,....

Mel Avila Alarilla said...

Ang cute naman nang ginamit mong photo ni Akesha, hehehe. Importante talaga ang tinta sa pagsulat. Kung walang tinta ay walang maisusulat. Kung baga, ang tinta ang pinaka kaluluwa nang isang salaysay. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

eden said...

Tama ka. Yan ang problema ko noon pag maglaro na ang mga bata ng ballpen, kahit wall namin may mga drawings na mahirap tanggalin...hehehe.. Ganda ng model and nice poem.

w0rkingAth0mE said...

thumbs up for you kapatid .. Pretty ng model ah si akesha :)

hana said...

ang galing ng iyong tula! napadaan lang ^_^ binasa ko ang profile info nyu and agree po talaga ako na ang buhay ay maaring mawala sa atin ng di inaasahan. ang galing ng iyong mga sulat !

MC said...

ang cute nung little girl :) and as always, tumataludtod ka naman, goodjab! kelan mo ko gagawan ng tula? choz! haha

Anonymous said...

nagulat naman ako sa tugtog ng blog mo :) naalala ko ang aking kabataan hahahha :) Happy Weekend!

anney said...

Naalala ko tuloy ang mga nangonngodigo kong classmates nung HS sa post mo. hehehe!

Unknown said...

I have posted your link on my blog as per your request but I havent seen my link on your blog yet.

Hope its reciprocal and not just on my side.

Dhemz said...

waaaaaaa...ang ganda naman nang pagkagawa mo Arvin...galing mo talaga....thumbs up!

thanks for making Akesha part of your masterpiece...such a pleasure...salamat talaga....:)

Unknown said...

naku sinabi mo pa,arvs. ang tinta ay sakit ng ulo sa aking mga kamay lalo na sa puting poloshirt ng aking binata...hayzzz. wish ko lng lapis na lng ang gamit sa hayskul:)

http://www.balatsibuyas.wordpress.com

Ishmael F. Ahab said...

Arrr...gaya nga sa isang kasabihan The pen is mightier than the sword. Kung walang tinta eh di walang pen na mightier than the sword.

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla.....inuumpisahan ko pa lang magsulat ng TINTA sa cellphone ko ang nasa isip ko na ang maging model ay si Akesha..Nang matapos ko ng isulat ay sinabihan ko si Dhemz na gusto ko maging model si Akesha para sa sinulat kong Tinta..ito po ang naibigay niyang picture.....tama ka diyan..kung walang tinta siguro walang maisusulat....kumbaga sa baril ang punglo ay tinta..kung walang tinta walang maisusulat sa ballpen o kung ano pa na gamit pagsulat..

Arvin U. de la Peña said...

@eden.............haha..ganun ba..mahirap nga ang ganun kasi hindi mapigilan ang mga bata kung maglaro,hehe..tiyak tinatago mo na lang para hindi makasulat..siyempre maganda kasi imodel ko ba naman iyan kung hindi cute...madaming beses ko na siyang ginawang model dito sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@wOrkingAthOmE.......salamat sa iyo..salamat sa paghanga mo sa sinulat ko..bata pa lang ay maganda na..ano pa kaya paglaki,hehe..super maganda..

Arvin U. de la Peña said...

@hana banana.......salamat sa pag punta mo sa aking blog..di ko alam kung saan ka na site galing at napunta ka sa blog ko..i hope muli ay makapunta ka uli sa blog ko..tingnan ko ang blog mo..

Arvin U. de la Peña said...

@MC...........hindi lang cute, pretty pa..tingnan mo ang iba ko pang post at makita mo na madami na akong post na siya ang model..paborito kong model ang batang iyan..huwag kang mag alala at imodel kita dito sa blog ko as by request..handog ko ang isusulat para sa iyo..malaman mo na lang iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@Avee........ibig pa lang sabihin ay mahilig ka din noon manood ng voltez V.....madaming kabataan ang nahilig manood ng voltez V..kahit hanggang sa ngayon kung mayroon pang palabas..di ko alam kung mayroon pa,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@anney............ibig pa lang sabihin ang mga classmate mo na iyon ang kodigo ay nasa kamay na sinulat ng ballpen..ganun ba..

Arvin U. de la Peña said...

@Umihoney...........I will put your blog in my blog list as long as I see my blog in your blog list..now I will visit your blog..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz.........salamat rin sa iyo sa muli na pagpayag mo na maging model ko si Akesha.......kahit na sa request ko ay magkaka tinta ang kamay niya at mahirapan na matanggal..madaming picture kang submit at ito ang pinili ko.......balang araw ay magiging model ko uli si Akesha..hindi ko pa alam kung kailan..walang anuman iyon.......

Arvin U. de la Peña said...

@imriz............kung ganun ay ikaw pala ang naglalaba sa damit niya..akala ko may katulong kayo,hehe..hindi po yata puwede na lapis pa rin sa high school..baka umangal ang mga pagawaan ng ballpen kasi wala ng bibili sa produkto nila..

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab......magandang kasabihan iyan....minsan din ang sinulat ng dahil sa tinta ay nakakasakit ng kapwa..madami ng nangyari na ganun..mga sulat na nakakapanira ng tao........

eden said...

Salamat sa visit, Arvs!

MC said...

she's adorable, swear. talaga? sige sige masaya yan!

Steph Degamo said...

ayos tong tula na to. pero ang pinaka ayos dito ay ang VOLTES V na background music. hahaha. nakakaloka!

Arvin U. de la Peña said...

@eden................walang anuman iyon..thanks din sa palaging pagbisita sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@MC............may naisulat na po akong tula na pagbibigay para sa request mo..iyon ang susunod kong post..malaman mo na lang kung kailan..

Arvin U. de la Peña said...

@Ester..........ganun ba..nakakailang ulit na rin na ang background music ko ay voltez v.....baka sa susunod kong post ay iba naman uli ang background music..pero pagtagal ay binabalik ko uli kasi maganda na background music ang voltez v,hehe..

Dhianz said...

ayos kahit tinda may tula... *apir*... ingatz po... Godbless!

Kim, USA said...

Totoo tinta at kamay ay palaging karamay sa exam hehehe!

bluedreamer27 said...

Hi I would like to invite you to my newest blog Contest...Blog Idol is now on it's 4th year and I'm looking for 12 lucky participants to join this contest..(it's a first come first serve so please confirm your participation now ^_^). you can win up to 40$ and a one year web hosting package
hope you can join us.
here's the link my friend
http://bluedreamer27.blogspot.com/2011/08/blog-idol-season-4-officially-starts.html

Wanderer Tolentino said...

nice poem ^^

kung ako'y magiging tinta nanaisin ko na ako'y maging kulay berde ^^

Arvin U. de la Peña said...

@Dhianz.................kahit ako noon pang magsimula magsulat ng kagaya ng nababasa sa blog ko ay hindi nag akala na makakasulat ako na ganito ang pamagat.......kung ano ang pumasok sa isipan ko ay minsan nakakagawa ako maging ano man ang pamagat..

Arvin U. de la Peña said...

@Kim, USA.............tama ka diyan..lalo na kung ang mga sagot sa exam ay nasa kamay..noong nag aaral pa ako lalo na noong elementary at high school madaming beses na akong nakakita niyan..di ko nga lang alam kung nasubukan ko na ang mag sulat ng sagot sa exam sa kamay,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@bluedreamer27...............thank you for inviting your blog contest..i dont know if i will join..

Arvin U. de la Peña said...

@Wanderer Tolentino...........ibig pa lang sabihin ay love mo ang nature..ang mga dahon kasi ay halos berde ang kulay..

Albert Einstein☺ said...

is there still a space for me?

eden said...

Hi, Arvs!

Visiting you back. Have a nice day always!

Arvin U. de la Peña said...

@Albert Corsame Umbac...........did you mean exchange link..sure..add me in your blog list and i will add you also.....tell me if you add me..

Arvin U. de la Peña said...

@eden..............thanks for visiting again..........have a nice day to you also..

☆Mama Ko☆ said...

super cute ng modelo at inspiratiin ng tula mo arvin.

k and k world said...

cute blog! nice post.