"Ang luha ay maaaring dahil sa pag iyak o kaya dahil sa sobrang kasiyahan."
LUHA
Ni: Arvin U. de la Peña
Kasabay ng pag iyak ay ang paglabas mo
Sa mata kung saan marami ang nasusulyapan
Sa pagtulo mo hudyat na talagang may dinaramdam
Dahilan para ikaw ay maghatid ng awa.
Mistulang tubig ka kung tingnan
Ngunit naiiba dahil hindi nabibili
Sa tao nakatago ka hindi nakikita
Napagmamasdan ka lang madalas kung may umiiyak.
Luha mistulang baha ka rin
Kalamidad na dulot ng kalikasan
Minsan rumaragasa ang iyong pagdaloy
Minsan naman ay hindi, mahina lang.
Sadyang ang tulad mo mahiwaga
Pagkat kahit masaya ang tao
Sobrang nagagalak sa natamo sa sarili
Bigla na lang ay tumutulo ka.
Thursday, July 28, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
37 comments:
salamat sa pagsali! tama hindi sa lahat ng oras ang dahilan ng iyong pag iyak ay kalungkutan..maari din sa sobrang saya mapapaluha ka din. bow
Ako namn minsan sa sobrang kakatawa ko naiiyak ako. hehehe!
woah..entry din kay iyakin..ncie nice..nice entry... ;)
magaling arvin..
iba ka talaga pagdating sa mga ganitong klaseng panulat..
napakamalaman...
goodluck!
tama, hnd lahat ng luha ay dulot ng kalungkotan..
@iya_khin.............siyempre paggawa ng poem ang contest at sa blog ko marami na rin akong nasulat na poem kaya sumali ako....kahapon ng makita ko sa blog mo na may contest agad ay nag isip ako ng isulat na tungkol sa luha..ibang klase ka rin pala..medyo nahirapan ako mag isip ilapat na mga salita para sa poem kasi hindi ako sanay magsulat ng poem na may magbibigay ng pamagat......mabuti at nakagawa agad ako,hehe..
@anney...........madami nga ang ganun na sa sobrang pagtawa ay napapaluha..
@supergulaman...........opo, ito ang entry ko para sa pa contest ni iya_khin sa pag gawa ng poem na may luha ang pamagat..ikaw sasali ka ba..
@Jay RuLEZ............salamat sa sinabi mo....maganda rin ang sinulat mo para sa contest ni iya_khin....
@mommy-razz..........yup, madalas ang luha na hindi dahil sa kalungkutan ay makikita sa mga artista..lalo na iyong tumatanggap ng award.....sa sobrang tuwa ay napapaluha..siguro nangyari na ito sa iyo kasi para kang artista,hehe..
Gudluck na lang sa ating lahat.
Malayang taludturan. Bakit parang walang ritmo?
Mga paghahambing sa luha naman ang inihatid ng iyong tula Sir Arvin.
Oo nga naman, magtataka ka kung bakit maalat at masyadong clear ang kulay parang Wilkins.
Ba, may pa-contest pala sila diyan ah. Ano kayang panalo? :D
Maganda daw pag luluha ang tao nakakapaglinis nang mata natin hehe ^_^ Salamat sa bisita!
Ang luha ay tanda nang marubdob na emosyon. Ito ay hindi maaaring itago dahil lalabas na lang nang kusa. Salamat sa tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
@EngrMoks........good luck din sa iyo sa pagsali mo sa contest..
@J. Kulisap.......oo nga eh..nabigla din ako sa pa contest na ito.....ng makita ko ang blog niya agad ay nag isip ako ng isasali..madalian ang paggawa ko nito..
@Maria Cristina Falls........hindi pa alam kung ano ang premyo,hehe..malaman na lang kapag naipost na sa nag pa contest..
@Kim, USA..........ganun ba..mag eye mo na lang kaya hindi pa iiyak,hehe..
@Mel Avila Alarilla......tama ka diyan sa sinabi mo..mahirap pigilan ang luha na hindi tumulo lalo na kung umiiyak..mahiwaga talaga ang luha..
My best friend, tears. Haha. I cry a lot kasi, when happy or sad! :) Nice free-flowing verse arvin
Di gawa ng pagkakataon ang managinip ka't bumangon, di hangad nang saya ang paluhain ka at ang huwad mong tawa sa mata nakikita, luha na dala ay may liwanag nang pangamba.
Magandang Hapon.
Tama ka Arvs, meron luha ng kalungkutan at luha ng kaligayahan.
Napakahusay na tula... Tama nga ang luha ay di lamang sa dahil sa kalungkutan, maari din ito dahil sa kasiyahan iyong nadarama.
Maraming salamat sa pagbisita ng aking lahok na entry para kay iya_khin..
Wow, wala nmn plang panama yung sakin sa tula mo. hehe, pro ka na eh. Good luck din pre.
salamat po sa pag follow...
Naiinis ako sa sarili ko kasi masyadong mababaw ang luha ko kahit sa simpleng palabas na naaawa ako naluha n lng ako, lol. Thanks for being one of my top commenters last month.
@MC...............kung ganun ay madali kang umiyak,hehe..bagay sa iyo ang mag artista..kasi hindi na mahihirapan ang director.....sa lalaki siguro may pinaluha ka na dahil binigo mo..maganda ka kasi..tiyak madami ang manliligaw..at isa lang ang pipiliin mo..ang iba basted mo,hehe..
@Claro Santiago............salamat sa sinabi mo..ibang klase ang mga binitawan mong salita..malalim ang pagkakasulat.....
@eden...............salamat sa pag sang ayon sa sinulat kong tula..may luha ng kalungkutan at luha ng kasiyahan..
@Eoz.............pinahiwatig ko lamang sa sinulat ko na ang luha ay may dalawang uri..salamat din sa pagbasa para sa sinulat ko na entry sa pa contest ni iya khin......
@the green breaker.........ganun ba..sulat ka pa ng sulat ng kagaya ng mga sinusulat kong kuwento, poems, o tula malay mo mahigitan mo kung gaano karami ang naisulat ko..hehe..good luck din sa iyo sa pagsali sa contest..
@Melvin Mangahas..............walang anuman iyon.......
@workingAthOmE............hindi ka pala puwede manood ng mga drama na palabas kasi mapapaluha ka sa mga eksena......ano kaya kung sa loob ng sinehan pa at madami kang katabi at iyak ka ng iyak dahil sa eksena,hehe..ganun ba..tingnan ko ang blog mo......
sir arvin kasali ka rin. hahaha. kayo na ang panalo ^_^
nako, feel na feel ko talaga ang tulang ito...ehehehe..galing!
ganda nang model ah....emote!
Galing. jejeje :))) teka ano pa lang exchange ng link yun? :)
Post a Comment