Wednesday, July 13, 2011

Tunay Na Pag-ibig

" True love is unconditional and everlasting, it is established over time and validated with memories of the past."


TUNAY NA PAG-IBIG
Ni: Arvin U. de la Peña

Dumating sa punto na kailangan ng sumuko ni John sa panliligaw kay Elizabeth. Kahit anong gawin pa niya at panunuyo ay talagang hindi siya gusto ni Elizabeth. Wala sa kanya ang hinahanap ni Elizabeth para sa isang lalaki. Itinuon na lamang ni John sa pag-aaral ang para sana ay atensyon kay Elizabeth. Hindi naman siya nabigo . Siya ang laging nangunguna sa klase.

JS prom ng masyadong masaktan ang puso ni John. Dahil sa unang pagkakataon nakita niyang magkahawak-kamay sina Elizabeth at Eric na sumasayaw. Kitang-kita niya sa mukha ni Elizabeth ang kasiyahan habang kasayaw si Eric na anak mayaman. Kung isa lang sana siyang mayaman siguro ay siya ang kasayaw ni Elizabeth.

Graduation ng si John ang maging valedictorian. Nang sabitan siya ng medalya agad ay tiningnan niya si Elizabeth na sa kanyang mukha ay may bakas ng lungkot. Sa unang pagkakataon nangyari sa kanilang paaralan na ang valedictorian ay hindi masaya. Palabas na siya ng paaralan kasama ang kanyang mga magulang at kapatid ng muli masaktan ang puso niya dahil nakita niya na sumakay sina Elizabeth at ang mga magulang sa sasakyan ni Eric.

Sa kolehiyo sa kursong BS Accountancy ay naging schoolar si John. Tuwing sem break lang siya umuuwi sa kanilang probinsya dahil sa malayo ang kanyang pinag-aralan sa kanilang lugar.Tinitiis niya ang pangungulila sa mga magulang at kapatid.. Tuwing umuuwi si John sa kanilang lugar ay hindi niya maiwasan na hindi itanong sa mga kaibigan ang tungkol kay Elizabeth. Sa bawat pagtatanong ang sagot ay nasa Manila nag-aaral ganun din daw ang kasintahan ni Elizabeth na si Eric.

Sa pagtatapos ni John sa kolehiyo ay naging cum laude siya. Tuwang-tuwa ang kanyang mga magulang at kapatid sa kanyang natamo. Lalo na ng siya ay pumasa sa board exam. Hindi naman nahirapan si John sa paghahanap ng trabaho dahil agad ay tinanggap siya para sa isang branch ng Metro Bank.

Naging masyadong busy ang buhay ni John sa pagtratrabaho. Kung gaano siya kasipag noong nag-aaral pa ay ganun din sa kanyang trabaho. Bihira na rin lang siya umuwi sa kanilang lugar. Nagpapadala na lang siya ng pera o kaya minsan siya ang binibisita ng kanyang mga magulang at kapatid.

Lumipas pa ang ilang taon at siya ay naging manager na sa kanyang pinagtratrabahuan. Tuwang-tuwa siya sa kanyang naabot na posisyon. Kapag tinatanong naman siya ng kanyang mga kasamahan sa trabaho kung sino ang kanyang kasintahan ay nagdadahilan na lamang siya na nasa kanilang probinsya, kahit na wala.

Kung tutuusin ay hindi mahihirapan si John na manligaw lalo at isa na siyang manager. Pero hindi niya ginagawa. Dahil ang nasa puso at isipan niya ay si Elizabeth pa rin kahit na hindi siya mahal.

Buwan ng December ng magbakasyon si John sa kanilang lugar. Alam na ng karamihan na tao sa kanilang lugar na siya ay isa ng manager sa isang sangay ng Metro Bank. Nasa tindahan si John malapit sa kanilang bahay ng lapitan siya ng isang kaibigan at nag-usap.

Sinabi ng kaibigan ni John na nandiyan daw si Elizabeth nagbakasyon mula sa pagiging nurse sa Manila. Nang tinanong ni John sa kaibigan kung may asawa na ang sagot ay wala. Hindi rin daw nagkatuluyan sina Eric at Elizabeth dahil si Eric ay pumunta na ng Amerika kasama ang mga magulang. Ang balita pa nga daw ay may asawa na doon si Eric na alam na din ni Elilzabeth. Sa ibinalita na iyon ng kaibigan ni John ay agad nabuhayaan siya ng loob. Nagkaroon siya ng lakas ng loob na muli suyuin si Elizabeth.

Bisperas ng pasko at tanghali ng puntahan ni John si Elizabeth sa kanilang bahay na may dalang bulaklak at chocolate. Muli ay sinuyo ni John si Elizabeth. Ipinagtapat din ni John kay Elizabeth kung bakit hanggang ngayon ay wala pa siyang kasintahan. Sa mga sinabi ni John ay naantig ang puso ni ELizabeth. Dahil nalaman niya na talagang siya lang ang mahal ni John. Nagpalitan sina John at Elizabeth ng cellphone number. Umalis si John sa bahay nina Elizabeth na may ngiti sa kanyang mukha.

Umagang-umaga, araw ng pasko ng makatanggap ng text si John mula kay Elizabeth na nagsasabing tinatanggap na siya para sa puso niya. Halos mapasigaw si John mula sa kanyang pagkakahiga sa nabasa sa cellphone. Agad ay nireply niya na salamat sa pagtanggap sa kanya at makakaasa na siya lang ang mamahalin wala ng iba.


Araw ng pasko na araw ng pagmamahalan ay di akalain ni John na sila na ni Elizabeth. Ang gusto niya noon pa man ng siya ay matutong umibig.


Sa pag-alis ni John pabalik sa lugar na kung saan siya nagtratrabaho ay masayang-masaya siya. Dahil nakakaasa siya na silang dalawa na ni Elizabeth. Ganun din si Elizabeth ng pabalik na rin sa Manila. Alam niya na siya lang ang mahal ni John.


Kahit magkalayo sina John at Elizabeth ay patuloy ang kanilang pagmamahalan. Bawat araw ay mayroon silang komunikasyon.

46 comments:

Anonymous said...

napakagandang love story.. matiyagang naghintay si John kay Elizabeth.. totoong pag-ibig nga.

SunnyToast said...

ganda naman ng story...e di kayo na ang mag totong pag-ibig...choz!

Your new follower:)

Anonymous said...

napakagandang love story....

sana sila na talaga hanggang sa huli!

Chubskulit Rose said...

Woooot nakakainlove naman tong story mo Arvin. Di you Write this from your thoughts? Galing. Happy ending!

Umma said...

ganda ng story ah... sarap ma-inlove ulit :P

emmanuelmateo said...

nkaka touch po..nainlove ako sa story

Ishmael F. Ahab said...

Love love love.

Love makes the world go 'round.

Unknown said...

Dumugo yung puso ko sa pag kagawa. tunay kang bihasa sa ganito kaibigan.

kikilabotz said...

napakagaling na love story ^_^

eden said...

ganda ng love story. ang tunay na pag ibig talaga marunong maghihintay.. kahit mahaba tinapos kong basahin..hehehe..

Yen said...

Ganda ng story,pedeng pang film fest.

Armored Lady said...

kahit na nasa isang tao na ang lahat
kung walang pagibig
wala pa ring kaligayahan! ♥
no love no smile

Arvin U. de la Peña said...

@mommy-razz........salamat at nagandahan ka sa sinulat kong ito..itong kuwentong ito ay gawa gawa ko lamang at walang katotohanan..kung ito man ay nangyari sa ibang tao ay hindi ko iyon alam..

Arvin U. de la Peña said...

@SunnyToast........hindi po sa nangyari sa akin ang ganito..ito ay sinulat ko lamang mula sa mapaglaro kong imahinasyon..salamat sa pag follow mo sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@JaY RuLEZ.........thank you..sa takbo ng kuwento kong sinulat ay sila na talaga ang magkakatuluyan wala ng iba..

Arvin U. de la Peña said...

@chubskulit.....ito ay gawa gawa ko lamang..hindi po ito nangyari sa akin..kung sa simula ay medyo malungkot dapat lang na sa pagtatapos ng kuwento ay masaya,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Umma..........marami pang pagkakataon para ikaw ay mainlove uli..tingnan mo lang ang paligid mo at makikita mo..

Arvin U. de la Peña said...

@emmanuelmateo.......ganun ba..well kung ganun ibig pa lang sabihin medyo angkop ang sinulat kong ito para sa iyo..kahit sino naman siguro ay matouch talaga sa sinulat kong ito kasi sa umpisa pa lang ay kabiguan na tungkol sa pag ibig ang takbo ng istorya..

Arvin U. de la Peña said...

@Ishamael Fischer Ahab......yah..dito sa mundo kailangan talaga natin ng pagmamahal para naman kahit paano ay panatag tayo sa ating sarili......gawa tayo ng mabuti para ang ganti sa atin ay mabuti din..

Arvin U. de la Peña said...

@tim.........napakarami ko ng sinulat na kuwento at isa ito sa madamdami kong sinulat..salamat sa sinabi mo..hindi ko sadya kong ikaw man ay na touch sa sinulat kong ito..

Arvin U. de la Peña said...

@kikilabotz.........salamat sa iyong sinabi..well appreciated..gawa gawa ko lang po ito at walang katotohanan..salamat sa pagbasa mo nito..

Arvin U. de la Peña said...

@eden...............may mga tao talaga na kung sino ang mahal nila sa simula pa lang ay iyon na ang nais nilang makasama..may mga pangyayari na pong ganito na matanda na ng sila ay magkatuluyan..doon ay nalaman na mahal na mahal ng lalaki ang babae..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen............sa totoo lang sinulat ko ito ng katext ko ikaw at pinapadama ko sa iyo ang feelings ko..naisulat ko ito ng matapos kong ikaw ay makatext ko ng isabi ko sa iyo ang aking nararamdaman..ng mag text sa akin na alam mo na ay nalungkot ako..ang ginawa ko ay kumuha ako ng papel at ballpen at inumpisahan isulat ito..

Arvin U. de la Peña said...

@cLai..........tama ka diyan sa sinabi mo..mayroon ka ngang kayamanan pero wala kang pag ibig..ang ganun ay parang balewala lang ang lahat..madaming tao na ganun ang nangyari sa buhay..

jedpogi said...

ganda ng ending ah hehehehe...

Dhemz said...

ayay! nakakakilig naman tong love story nato Arvin...galing!

Mel Avila Alarilla said...

Parang bitin dahil hindi tapos ang kwento. Baka naman installment ito na parang telenobela. Medyop mahaba ang kwento tapos bitin pa. Anong nangyari sa kanila? Thanks for the post. God bless you always.

Verna Luga said...

wow, so touching naman neto kaibigan.. nangyari na ba to sayo .. heheheh :) salamat sa pasyal :)

Genefaith said...

inspiring story:)

Unknown said...

young love...it happened to me...sarap kz mainlove sa taong inlove din sau, naks!

http://www.bongabonlife.com

MC said...

what a lovely love story. edi ako na ang natouch! true love waits :)

Arvin U. de la Peña said...

@jedpogi..............opo...sa ending ay nagmahalan na sila.....sa paglipas ng panahon ay natutunan din na mahalin ng babae ang lalaki..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz..........salamat naman at kinilig ka sa sinulat kong ito na gawa gawa ko lang....tunay talaga na kapag love story ang kuwento ay madami ang natatamaan,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla.......wala na pong kasunod para sa kuwento na ito..doon na po nagtatapos ang istorya..hanggang doon lang po talaga ang ending para sa sinulat kong ito..sa mga nagbasa nito ay panahon na lang ang magsasabi para sa isip nila para sa kanilang pagkakatuluyan..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz........hindi po ito nangyari sa akin..sa iba baka nangyari ang ganito na nasa kuwento..gaya ng nasabi ko na ito ay gawa gawa ko lang..salamat sa muli mong pagbisita sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Genejosh.........thanks..kumusta ka na ngayon..

Arvin U. de la Peña said...

@imriz.........talaga..kailan nangyari sa iyo ang may related sa sinulat kong ito......madami pala naghahangad sa iyo noon na mga lalaki,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@MC............sa buhay mo tiyak madaming love story kasi maganda ka,hehe..add kita sa blog list ko..

MC said...

ay may ganung basehan? haha dyan ka nagkakamali. anyway salamat! subaybayan ko iba mo pang mga kwento!

eden said...

Salamat sa dalaw friend! Thanks sa comment too

Wanderer Tolentino said...

napakagandang love story ^^ galing mo dude ^^

Zezebel said...

Visiting your blog, :D.

Arvin U. de la Peña said...

@MC..........hmmmmmmm..ramdam ko madami kang pag ibig..baka nag madami ka ng napaluha na mangingibig mo dahil binabasted mo,hehe..joke..nag aalinlangan nga tuloy ako pumasok sa puso mo,haha..

Arvin U. de la Peña said...

@eden.........walang anuman iyon..thanks din sa iyo..

Arvin U. de la Peña said...

@Wanderer Tolentino........salamat sa sinabi mo..it makes me inspire na magsulat pa ng mga kuwento..

Arvin U. de la Peña said...

@Zezebel.........thanks for visiting my blog..