Tuesday, July 5, 2011

Sermon

Noong elementary ako ang harapan ng paaralan ay ang simbahan na nakikita niyo. Ang pinag-aralan ko naman sa high school ay katabi ng simbahan. Kaya noon naiisip ko ano kaya ang pakiramdam ng isang pari. Minsan nga noon sa elementary ako sa ipinapasulat ng guro kong ano ang gusto sa paglaki ang isinulat ko ay "paglaki ko gusto kong maging pari, dahil gusto ko na maipalaganap ang kautusan ng Diyos."










SERMON
Ni: Arvin U. de la Peña

Isinilang tayo ng walang anuman sa buhay. Babalik tayo sa ating pinanggalingan ng wala rin. Bawat isa sa atin ang buhay ay hiram lang sa Diyos. At ang pagpapahiram ay may hangganan. Ngayon ay buhay tayo, pero maaaring bukas ay hindi na. Walang katiyakan kung kailan tayo mamamaalam sa mundo. Kung anuman mayroon tayo ngayon sa buhay ay hindi natin madadala sa kabilang buhay. Ang matitirang alaala para sa maiiwan ay kabutihan na nagawa kung sakali man ikaw ay mabuting tao. Ngunit kung ikaw ay masama na tao ay masamang alaala ang maiiwan mo sa iyong kapwa. Kung mabuting tao ka dapat magpakabuti ka palagai para maganda ang pagtingin sa iyo ng mga tao. Kung ikaw naman ay masama ay may panahon pa para magbago ng sa ganun maging mabuti ang tingin sa iyo ng mga taong nakapaligid sa iyo.

Mga kapatid ko sa ngalan ng Diyos habang tayo ay naririto sa lupa ay ipadama sana natin ang pagmamahal sa sarili at sa kapwa. Katulad ng ginagawa ng Diyos na mahal niya ang bawat isa sa atin. Kung tayo ay nang-aabuso, nang-aapi o may ginagawang hindi maganda ang kasiyahan na natamo dahil doon ay panandalian lang. Halimbawa magnakaw tayo ng pera. Kapag nakanakaw na tayo ng pera ay makakaramdam tayo ng kasiyahan. Kasi kung ano ang kailangan ay mabibili dahil may pera na o kaya kung ano ang gustong paggamitan ng pera ay makakagamit tayo. Ngunit kapag naubos na ang perang ninakaw ay paano na? Balik tayo sa pakiramdam ng kung ano ang walang pera. Sa ganun na pangyayari ang ninakawan ay magiging malungkot sa una dahil ninakawan siya ng pera. Ngunit pagtagal ay sasaya din dahil magkakaroon uli ng pera lalo na kung may trabaho. Pero ikaw na nagnakaw konsensya ang aabutin mo. Kung pera ang kailangan ay gumawa sa mabuting paraan para magkaroon.

Matuto tayong tumanggap ng kung anuman ang mayroon tayo sa buhay. Iwasan natin ang mainggit sa ating kapwa. Makuntento tayo kung anumang kapalaran mayroon tayo. Dahil dito sa lupa sadyang sinadya ng Diyos na ang buhay ay hindi pantay-pantay. Hindi puwede na dito sa lupa ang lahat ng tao ay mayaman. Hindi puwede na dito sa lupa lahat ng pamilya ay maraming pera. Dahil kung ganun na bawat nilalang ay maraming pera walang magiging katulong, walang magtitinda ng kung ano, walang pampasaherong sasakyan, walang mall, o kung ano pa diyan na kumikita ng pera. Kung bakit?, bakit pa maghahanap-buhay para kumita ng pera gayung marami ka ng pera. Walang puwedeng mautusan na tao na babayaran ng pera dahil sa may pera na siya. Talagang sadyang ganun dito sa lupa na may mayaman at mahirap para matuto tayo na magmahal at umintindi para sa ating kapwa.


Narito tayo sa lupa na mayroon tungkulin. Kung anumang tungkulin ang nakalaan sa atin ay ating gampanan ng maayos. Mahalin natin ang kung anuman mayroon uri ng trabaho tayo. Dahil sa trabaho na iyon doon kumikita ng pera, dahil sa trabaho na iyon doon nakakakain pati na ang pamilya, at higit sa lahat dahil sa trabaho na iyon nakakabili ng ibang personal na kagamitan. Marami sa ngayon ang manggagawa na sa umpisa ay aktibo pa sa pagtrabaho. Pagtagal ay hindi na. Magiging pala absent na dahil sa kung anong dahilan. Ang iba ay hindi na papasok dahil inumaga ng inom o kaya tinatamad o kung hindi man hindi gusto ang naging trabaho. Ang magiging katuwiran nila ay "ayos lang dahil marami pa naman ang puwedeng aplayan ng trabaho kung matanggal man.
". Mali ang ganun na katuwiran dahil kahit bawat linggo ay iba-iba ang pagtratrabahuan ay hanggang sa pagtanda ay hindi mapapasukan ang lahat na puwedeng pagtrabahuan dahil sa sobrang dami.

Bilang panghuli para sa sermon kong ito. Gusto kong sabihin sa inyo na isa lang ang buhay natin kaya dapat natin na mahalin ito. Huwag manakit ng kapwa para maiwasan ang pagganti na minsan ang pagganti ay nagdudulot ng pagkasawi ng isang buhay. Higit sa lahat mahalin natin ang ating Panginoon . Sundin natin at ipalaganap ang kanyang mga nais at kautusan. Dahil sa huli ay siya ang ating mapupuntahan.

39 comments:

Dhemz said...

ang galing naman! ang haba nito ha...ehehhee....buti d ka naging pari kasi pag naging pari ka...d ka pwedeng makainom nang red horse...hehhee...joke!

about pala sa tinta...ala kaming ink dito eh...yung ink lang sa cartridges...pede lagyan nalang nang tinta nang pen yung kamay ni akesha...ehhehehe...ala akong maisip eh...lol! thanks again Arvin!

Kim, USA said...

Ganda nang poem mong ito Arvin. Alagaan at e-value ang buhay dahil iisa lang yan.
^)^

Mel Avila Alarilla said...

Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. Para akong nagbasa nang isang tunay na sermon nang isang pari. Pero lahat nang tinuran mo sa lathalain mong ito ay pawang tutuo. Ano ba ang masasabi ko kundi Praise the Lord sa makapanindig balahibo mong lathalain. Maraming salamat dito. Sana marami ang makinabang dito. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Anonymous said...

Umagang kay ganda arvin..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz............medyo mahaba nga ito..kulang pa nga ito dapat,hehe..sakali man na naging pari ako ay iinom pa rin ako ng red horse..patago nga lang.....okey puwede iyong lagyan ng tinta ang kamay ni akesha..iyong nasa misa siya may mga notebook din o libro o kaya gamit school tapos kunwari pinaglaruan niya ang tinta sa kamay.....

Arvin U. de la Peña said...

@Kim,USA..........tama ka diyan..pero may mga tao talaga na hindi pinahalagahan ang buhay..kagaya na lang ng mga kriminal na tao..kapag barilan na kontra sa mga alagad ng batas ay lumalaban pa rin.....walang pakialam kung tamaan man ng bala..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla.........Salamat sa sinabi mo..Habang sinusulat ko ito ay inisip ko talaga na ako ay isang pari..at nag sesermon sa mga tao na nagsimba..Sa sinulat kong ito magbigay sana ng aral sa mga makakabasa..

Arvin U. de la Peña said...

@mommy-razz..........magandang umaga din sa iyo.....ikaw ba talaga iyan noong bata pa......para ka kasing artista...

Akoni said...

Magandang sermon 'to...

Armored Lady said...

susubukan ko na maging mabait
paunti-unti...haysss

eden said...

Another nice poem, Arvs. Buti nalang di ka naging pari kasi di ka siguro nag ba blog pag pari ka..hehehe..

salamat sa dalaw

Yen said...

Pede ka nang mag pari sa haba ng sermon mo. hahaha.

Vivian said...

Nice naman..

Anonymous said...

Hi! Are you inteested in link link exchange?

Pls.let me know if you want to exchange link w/ me?

http://www.philippine-landmarks.co.cc/2011/02/link-exchange-blogroll-web-directory.html

Arvin U. de la Peña said...

@Akoni..............siguro tinamaan ka kahit konti sa sermon kong ito,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@cLai............ok..hindi pa huli ang lahat para sa iyo..may pag asa pa para maging malinis ang pagtingin sa iyo ng mga tao na nakapaligid sa iyo..huwag ka na gagawa ng hindi kanais nais para hindi ka pagalitan o hindi ka mapagsabihan..

Arvin U. de la Peña said...

@eden.............siguro nga..wala yatang pari na may blog..kung nagkaganun na nag pari ako tapos may blog ako ay siguro ako ang unang pari na may blog,hehe....at higit sa lahat kung nag pari ako baka hindi ko kayo nakilala na mga kaibigan ko dito sa mundo ng blog..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen...........kung gugustuhin ko na mag pari ay puwede pa naman..pero paano na tayo,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Emaniuz..............sure..i will add your blog in my blgo list..hope you add me too..thanks..

Arvin U. de la Peña said...

@Vivian..........thanks po..kumusta po kayo..salamat sa pagbisita sa blog ko..

eden said...

Hi, Arvs!

Thank you for the visit. Have a great weekend.

w0rkingAth0mE said...

Amen, heheh .. Siguro ang ganda makinig ng sermon mo kung naging pari ka no .. Tagos sa buto :)

Anonymous said...

Hi! I already added your blog on my link exchange page.

Check it out:

http://www.philippine-landmarks.co.cc/2011/02/link-exchange-blogroll-web-directory.html

Arvin U. de la Peña said...

@eden.............same to you..salamat din sa palaging pagbisita mo sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@wOrkingAthOmE..........ganun kasi ako kung makapagsalita minsan..nakakasakit sa damdamin..at kung naging pari man ako at ganun din mga salita ko baka kulang ang magsimba kasi maraming tatamaan sa mga sermon ko,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Emaniuz.............thank you very much..

Anonymous said...

Lets see kung panu pa natn ma.improv ang link exchange natn.. :-)

Anonymous said...
This comment has been removed by the author.
Anonymous said...

I can’t find the link exchange sa page mo.

Dhemz said...

nakikiraan lang Arvin...:)

btw, am wondering if did you see the link I sent you...the ink photos...ehehehe!

Enhenyero said...

nice one, di ako inantok sa sermon mo hehehe

Anonymous said...

I updated my url and change back to blogspot.com..

My link exchange page is:

http://philippine-landmarks.blogspot.com/2011/02/link-exchange-blogroll-web-directory.html

CaptainRunner said...

Basta sa lahat ng iyong gagawin, isaalang-alang mo ang Panginoon. Nawa'y ipagpatuloy mo ang pagpapalaganap ng salita ng Diyos kahit hindi ka pari.

Arvin U. de la Peña said...

@Emaniuz...........ok..add ko na po ang blog mo sa blog list ko..tingnan mo na lang..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz............nakita ko na po ang picture..sa isa ko pala na sinulat mo nilagay ang link..puwede na rin po ang pic na iyon..kukuha na lang ako..basta ngayong buwan ma post ko iyong TINTA..

Arvin U. de la Peña said...

@Enhenyero...........hehe..ganun ba..sa sinabi kong ito sa sermon may matatauhan kasi basta pakinggan lang ng mabuti..

Arvin U. de la Peña said...

@CapatainRunner.......salamat..ako ay isang mabuti rin naman na tao..basta ba mabuti ang isang tao sa akin ay magiging mabuti rin ako sa kanya..kung maging masama naman ay magtatampo ako o kaya iiwas na sa kanya..ayaw ko makisama sa tao na ayaw naman sa akin..

eden said...

Visiting you again Arvs. Have a nice day always.

Azumi's Mom ★ said...

Musta na Kuya Arvin? Parang di ko maimagine na maging Pari ka pero siguro kung nagkataon, mapaparating mo ng maigi ang mga mensahe ng biblia. Ingat palagi.