Saturday, August 20, 2011

Sabungan (by request)

"Sinulat ko ito dahil kay Councilor Dennis "dodong" Narido Garay, author-cockfighting ordinance."


"Umaasa ako na sa sinulat kong ito ay magkakaroon na uli ng sabungan sa aming lugar. Hindi sabungan na kung saang barangay lang ginagawa dahil para sa nalalapit na fiesta na kung tawagin ay tupada. Eh sobra 50 ang barangay sa aming lugar. Minsan pa pasabong lang ng kung sinong tao. Mahirap para sa mga sabungero ang magbiyahe ng malayo para lang sumabong. Mas maganda talaga kung may isang puwesto na sabungan lang. Sa mga tao na may katungkulan para magkaroon uli ng sabungan ay iwasan na sana ang pamimirsonal. Iwaksi na ang personal na galit. Higit sa lahat alisin ang tungkol sa politika. Kung bakit ko ito nasabi ay dahil noon sa aming lugar ay may sabungan. Pero ng mag-iba na ng administrasyon ay nagsara na. Ilang taon na rin na ganun. Samantala noon ay ayos lang kung may sabungan. Hindi pa nga ako isinisilang ay may sabungan na sa aming lugar."

SABUNGAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Ang sabungan ay maituturing na isang bahay-aliwan. Hindi ito ang bahay-aliwan na inaakala natin na kung saan doon ay puwede makaraos. Mailabas ang init sa katawan. Bagkus ang sabungan ay isang bahay-aliwan na kung saan halos mga lalaki lang ang naroon. Halo-halong uri ng pagkatao ang naroon. Mayroong professional, non professional, high profile, low profile, o kung ano pa na kung saan ang dalawang manok ay pinupustahan ng may ari ng bawat manok. Ang mga tao naman na nanonood na may pera ay pipili sila ng manok na nais pustahan. Sa "meron" ba o sa "wala".

Hindi nagwaldas ng pera na matatawag ang isang tao kung siya ay natalo man sa sabungan. Kundi siya ay nag-aliw lang. Katulad ng pag-aliw na kung saan pumunta siya sa ng beerhouse. Katulad ng pag-aliw na kung saan siya ay nakipag-inuman at siya ang gumasto. Higit sa lahat pera niya naman ang ginamit sa pagpunta sa sabungan. So, walang anong masama doon? Isa pang dahilan ang pagpunta sa sabungan hindi lahat ng araw ay talo ang tao. Mayroon araw na siya ay panalo naman. Dahil sa pagpunta sa sabungan ang tao ay maaaring matalo o kaya manalo. Kaya hindi maganda na kinokondena ang pagpunta sa sabungan o ang mayroong sabungan.

Malaking tulong para sa mamamayan kung may sabungan ang kanilang lugar. Dahil kung may sabungan ang mga tao na mahilig sa manok ay napupuwersa siya na maghanap ng pera para pambili ng pagkain ng manok. Siyempre bukod sa pagkain sa manok na binibili ay iyong para din sa sarili at sa pamilya. Dahil din sa mga manok ang isang tao na nag-aalaga ay natututo siyang mag apply sa sarili ng tinatawang na " time management". Ibig kong sabihin kung ang isang tao ay nakasanayan na niya na ang pagpapakain sa mga manok niyang alaga sa umaga ay dapat 7:00 am to 7:30 am at sa hapon naman ay 4:30 pm to 5:00 pm ay iyon lagi ang kanyang gagawin. Sa mga oras na iyon dapat napakain na niya ang kanyang mga alagang manok. Kung ang isang tao na may alagang manok ay inaantok pa dahil nalasing o ano pa ay babangong talaga siya sa oras na iyon sa umaga para mapakain ang alagang manok. Ganundin din po sa hapon. Kahit gaano pa kasarap ang pagkain o kaya pulutan sa inuman ang isang tao na may alagang manok ay uuwi talaga sa kanilang bahay para mapakain ang manok. Minsan pa gumigising ng maaga ang tao para sa pagpapakondisyon sa manok na isasabong. Lalo na kung isasali sa tinatawag na derby.

Kung may sabungan din ang isang lugar lalo na kung malakas talaga ang hatak sa mga sabungero pati na sa ibang lugar. Ang mga tao na may pera talaga dahil sa negosyo o trabaho ay nagtatayo ng manukan o farm para sa mga manok panabong. Dahil doon sila ay kumukuha ng tao na susuwelduhan nila para mag alaga sa mga manok. Hindi lang isa ang kinukuha na tao kundi dalawa. Minsan pa nga ay tatlo. May tao na ang trabaho ay tagapakain lang ng mga manok at pagpapainom. At may tao din na ang trabaho ay magkondisyon lang ng mga manok para sa pagsabong. Sa ganun na paraan dahil sa sabungan nakakatulong ng tao na walang trabaho para magkaroon ng trabaho. Magkaroon ng mapagkakakitaan kahit paano dahil sa farm ng mga manok panabong. Na doon sa farm ay libre na ng pagkain. Hindi nga lang masarap palagi pero may laman ang tiyan.

Kumikita din ang munisipyo dahil sa sabungan. Kaya nararapat lang na ang sabungan ay pahalagahan. Bigyan ng halaga katulad ng ibang establisiyemento na bumabayad ng buwis sa munisipyo. Dahil sa sabong minsan ang tao na walang pera ay nagkakapera. Iyon ay dahil sila ang inuutusan ng kanilang amo sa sabungan na pumusta ng pera para sa kursunada na manok ng amo. Kapag uwian na at may panalo ay binibigyan ng pera ang tao na kung tawagin din ay kristo. Minsan pa nga kahit talo ay binibigyan pa rin ng amo ng pera. Sa ganun na pangyayari na walang pera ay nagkapera ay kahit paano ay may pambili na. Malaking tulong din ang sabungan para sa mga tao na nagsisilbi sa sabungan kasi binabayaran sila. Katulad ng siya ang nagbebenta ng ticket, bumabantay sa mga pumapasok, namamahala sa paghawak ng pera kung ilan ang pusta sa manok, tagalinis sa sabungan, ang sentensyador sa sabong, at iba pa na sa sabungan kahit paano ay nagkakapera sila. Higit sa lahat malaking tulong ang sabungan para sa mga nagtitinda doon. Kumikita ang mga nagtitinda at kumikita din ang mga binibilhan ng mga paninda.

Kung ang fiesta na iniwan sa atin ng ating mga ninuno ay tinatangkilik. Nagkakaroon ng selebrasyon. Ang sabong na ganun din namana pa sa mga ninuno ay nararapat lang din na tangkilikin. Kasi kung walang pera ang tao ay hindi naman siya pupusta. Manonood lang naman siya ng sabong. Pero sa fiesta minsan ang isang tao ay nangungutang pa ng pera para lang may maihanda dahil sa may mga bisita na darating na pagkabukas ay magproblema kung kailan makakabayad. Alin ang masama doon? Ang mangungutang ka ng pera para may maihanda sa fiesta o ang manonood lang ng nagsasalpukang manok dahil walang pera.

Ang sabong ay bisyo na may maganda ring patutunguhan. Kasi kung maglabas ka ng pera para sa pagpusta sa manok ay maaari iyon na maibalik sa iyo. Hindi katulad ng bawal na gamot na kapag naglabas ng pera pambili ng droga ay wala ng maibabalik. Dahil ang bisyong droga ay sariling kapakanan lang ang iniisip. Hindi iniisip ang ibang tao. Hindi inaalintana ang magiging epekto na kung lumala ay apektado ang mga mahal sa buhay lalo na ang pamilya. Samantalang sa sabong ang pera na inilabas para ipusta sa manok ay maaari na lumago lalo na kung suwertihin talaga.

Nasa modernong panahon na tayo. Kaya dapat nasa modernong pag-iisip na rin. Walang masama kung ang isang lugar ay may sabungan. Kaya nararapat na sa bawat lugar ay may SABUNGAN.

53 comments:

w0rkingAth0mE said...

Hmmm, sorry Arvin hindi ako favor sa sabungan heheh. Pero thumbs up ulit sa iyong sinulat =)

☆Mama Ko☆ said...

Bagay ito sa papa ko na mahilig sa sabong. sana nga magkaroon ng sabungan sa barangay nyo para naman madaming kalalakihan matuwa, at sana manalo ka sa sabong arvin

jedpogi said...

sabungero ka ba tol arvin?

Anonymous said...

di ako maka relate sa sabung.. hehe

Arvin U. de la Peña said...

@wOrkingAthOmE.............ok lang kung hindi ka pabor sa sabungan.....mabuti rin iyon na ayaw mo ng may nagsusugal..pero mahirap pigilan ang sugal..

Arvin U. de la Peña said...

@Mama Ko.............mahilig din pala sa sabong ang papa mo..siguro may mga alaga kayong mga manok..hindi naman siguro ganun na lang na pupunta ang papa mo sa sabong na wala siyang alagang manok pansabong..

Arvin U. de la Peña said...

@jedpogi..............hindi naman po ako sabungero..minsan lang ako kung pumunta sa sabungan..tingin tingin doon ng mga manok..pero minsan sumasabong din ako..minsan lang iyon...kung may nagustuhan akong manok ay inaalagaan tapos pag tagal ay isabong..konti lang din naman ako kung pumusta..hindi malaki..pero hindi bababa ng 1,500 pesos..

Arvin U. de la Peña said...

@mommy-razz..............ic..siguro sa kinalakihan mong lugar walang sabong..for sure alam mo kung ano ang sabong..

eden said...

Every Sunday may sabungan sa lugar namin, that was long time ago but isa lang ang gusto ko, may maraming mag titinda nga bibingka, suman at iba pa..hahayy miss ko na ang mga pagkain na ito.

Ka-Swak said...

nakakamiss ang sabongan sa probinsya!

sayang bawal ang sabong sa place ko ngaun hehehe

isp101 said...

Wala akong alagang manok, pero yung biyenan ko meron, mga 45days lang, hehehe! Ang sabong ay kasama na talaga sa culture nating mga pinoy, mahirap na ito baguhin. Nagpapa pangit lang dito ay yung sugal, maraming pamilya ang lalong naghihirap dahil sa pagkatalo sa pagsusugal, that's the sad part... =(

isp101 said...
This comment has been removed by the author.
miles away said...

yan ba ang tourist spot na cnasabi mo,musta

Silvergirl said...

ang kapatid ko ay may mga manok na inaalagaan na pang sabong, magasto siya, kasi minsan kahit ang gatas ng anak niya pinakakain sa manok niyahahaya, nagalit tuloy ang asawa niya.. hehehehe

zeke said...

bawal ang sugal sa amin, so ayun nga, di rin ako in favor sa sinabi mo na dapat may sabungan sa bawat lugar..

kimmyschemy said...

hmmm.. that's a positive way of looking at it..

by the way, do you mind checking out on <a href="http://kimmyschemy.info/2011/08/the-poor-big-boy.html>The Poor Big Boy</a>?

Arvin U. de la Peña said...

@eden..............sa sabungan nga madami talaga ang nagtitinda..kung may derby may mga nagtitinda ng pagkain..kasi ang derby minsan madaling araw ng matapos..kapag may derby ay madami talaga ang nagtitinda..at iyong mga nagtitinda ng softdrinks lalo na ng beer ay jackpot talaga kasi madami ang bumibili..sa mga sabong na tupada lang ay konti lang ang nagtitinda..hindi katulad kung may sariling sabungan talaga..

Arvin U. de la Peña said...

@Ka-Swak..............kung ganun pala ay mahilig ka rin sa sabong..may sabong din naman diyan sa manila..araw araw ay may sabong diyan..mahal nga lang ang entrance pag pasok..hindi katulad sa probinsya......hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@isp101...............ang sinasabi mong manok ay iyong mga manok na puti kung tawagin dito sa amin ay bantriks.....45 days nga lang iyon dapat ay mabenta na kasi kung hindi ay malugi sa mga nagasto..iyon ang ginagawang chicken joy.......sa sabong ay hindi naman lagi panalo..kung matalo sa ngayon maaaring sa susunod ay manalo na..

Arvin U. de la Peña said...

@miles away.............oo ito ang tourist spot na sinasabi ko..okey lang po ako..

Arvin U. de la Peña said...

@Silvergirl...............hindi naman siguro lahat na dapat para sa pamilya ay ilalaan sa manok......minsan nagagamit nga lang pero hindi lagi.....kung may alagang manok at konti lang hindi naman iyon sakit sa bulsa..lalo ng kung 5 lang ang manok na inaalagaan na pangsabong..pero kung lampas na ng 25 at may mga inahin pa ay medyo mahirap na nga iyon lalo kung walang sapat na income..

Arvin U. de la Peña said...

@the green breaker.........ganun po ba..anong relihiyon ka po.....kung katoliko ay hindi naman masyado bawal..pinapangaralan lang ang tao na hindi mabuti ang pag sugal..pero ang sugal gaya ng sabong ay libangan lang iyon..ang nakakasama lang sa sugal ay kung sobra na talaga..iyong adik na talaga..na kung walang pansugal ay nagnanakaw o nagbebenta ng kung ano sa bahay..iyon ang masama..

Arvin U. de la Peña said...

@simply_kim..............opo..ok tingnan ko ang sinasabi mo..

anney said...

Naalala ko ang tatay ko sa post na ito kasi mahilig sya magsabong. hehehe! By the way may award nga pala ako sayo.

Versatile Blogger Award

Whang said...

haha naalala ko ang lolo ko... madalas kinaiinisan ko yung mga manok panabong nya ^^

Yen said...

Yay! ayoko ng may sabungan sa lugar namin. Yung mga taong sabungero at walang pera pero dahil sa bisyong sabong natututong gumawa ng labag sa batas, katulad ng pag nanakaw. May kilala akong pamilyadong tao na mahilig sa sabong Ayun kawawa ang pamilya niya dahil ang kinikita ng asawa niya napupunta lang sa pagkain ng manok niyang pinakamamahal. Yun na yata ang ginawa niyang asawa, "manok niya". Sabi nga ng kaibigan ko, buti pa rawa ang manok nahihimas niya at nabibilhan ng mga bitamina samantalang sila daw na pamilya niya, dildil ng asin at toyo, nalputulan na sila ng kuryente dahil ang itinabing pambayad sa meralco, ginamit muna ng magaling niyang asawa sa pagtaya sa sabong sa pag asang susuwertehin siya, susmareyosep! ayun umuwing talunan at gutom. Hahay, basta sorry,di sa kinokontra kita no to sabungan ako. hehe. Madami na ko nabalitaang mga sabungerong yumaman sa sabungan pero sa bandang huli balik ulit sa hirap dahil sobrang pag ka adik sa sugal na yan.

Dhemz said...

ayay! ang haba naman nito...ang galing mong mag tugma tugma nang mga words Arvin...good for you....:)

hhahaha...agree ako kay "mama ko"...bagay din to sa papa ko na mahilig sa derby..eehehhe.

Kim, USA said...

If cockfighting could end up somebody's demised it is na wala nalang. It's very hard for people to keep their self down kung hyper na lahat at parang pinepersonal ang lahat. For me walang cockfight! ^_^ Peace!

Mel Avila Alarilla said...

Ang sabong ay namana natin sa mga kastila na maraming libangan na hindi maganda ang epekto sa iba. Katulad din nang torero na kung saan ang matador ay pinapatay ang toro matapos itong matagal na pahirapan at sugatan. Ganun din naman ang mga tandang na masyadong agresibo at nagpapatayan kapag naglalaban. Ang tari sa kanilang paa ang tumitiyak nang kamatayan sa isa sa kanila. Katulad din ito nang sugal sa patayan nang mga pitbull kung saan nagsasakmalan ang mga aso na pinupustahan at ang paglalaban nang mga kabayo sa Mindanao. Ang lahat nang ito ay kalupitan sa hayop sa ngalan nang kasiyahan at pagsusugal nang tao. Pero hindi natin mapipigil ang nakararami kung gusto nila nang sabong. Salamat sa lathalain at tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Wanderer Tolentino said...

another great poem, nakakaadik mag sabong, walang kasaguraduhan kong mananalo o matatalo.

Arvin U. de la Peña said...

@anney...............ako din po ganun .....kasi ng mamulat ang isipan ko ay may alaga ng mga manok ang tatay ko..sayang na lang wala na siya katulad ng nanay ko..naaalala ko nga noon sumilong ako sa bahay namin at bata pa ako noon at gusto kong hulihin ang sisiw..dahil nandoon ang inahin ayun ay syinapolan ako..umiyak talaga ako..ang edad ko noon siguro hindi pa aabot ng 5..basta sa silong ng bahay namin ay syinapolan ako ng inahin kasi ang ipinagtatanggol niya ang mga sisiw sa paghuli ko..salamat po sa award mo sa akin..

Arvin U. de la Peña said...

@Whang................haha..bakit naman..anong dahilan sa pagkainis ng mga manok niya..baka naman dahil mas nakatuon ang atensyon niya sa mga manok panabong kaysa sa iyo,hehe..joke..o kaya baka naman kung gusto mo humingi ng kahit konting pera ay konti lang ang binibigay kasi ang marami ay nakalaan para sa pagpusta..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen...............iyon ang hindi maganda kasi nasobrahan siya sa sugal..hindi siya tumulad ng ibang tao na libangan lang ang pagsabong..ang mga manok panabong ay kailangan nga ng bitamina sa ngayon lalo at kompetinsya na talaga..ibig kong sabihin ay pa high breed na talaga..kadalasan na mga manok panabong sa ngayon ay mga texas na talaga at kailangan ng bitamina o kaya medisina..hindi naman masyado mahal ang bitamina o medisina sa manok..kung gumawa siya ng labag sa batas ay nararapat siyang maparusahan dahil nalulong siya sa sabong..pero palagay ko ang tao na sinasabi mo ay hindi lang sa sabong lulong..kundi pati pa sa ibang sugal......

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz..............salamat sa sinabi mo.....alam ko na ang papa mo ay mahilig sa sabong kasi noon ay nabanggit mo na iyon..siguro madami kayong manok panabong....siguro din ay sumasali ang papa mo sa mga derby sa inyong lugar..may farm ba kayo ng mga manok panabong.....

Arvin U. de la Peña said...

@Kim, USA.............nauunawaan kita..sa akin naman ang sabong ay libangan lang..may tao na ang libangan ay sabong kaysa ibang sugal gaya ng sa casino, karera o ano pa na sugal..iba kasi ang sabong kasi may thrilling..kung may alaga kang manok at isabong iyon ay 50 percent ang tsansa mo na manalo kasi manok mo at ng kalaban lang ang mag aaway..pagalingan na lang ng pagsalpukan..at kung manalo naman ay may pulutan sa inuman,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla.............tama ka diyan sa sinabi mo....ang nangyayari sa sabong na may hayop na namamatay ay katulad din ng nangyayari sa ibang hayop..hindi naman mauubos ang mga manok sa mundo o sa ating bansa kasi bawat araw ay madaming sisiw ang naiisisilang kumpara sa dami ng manok na namamatay ng dahil sa sabong o kahit pa manok na iniihaw para sa pagkain..hindi nga natin mapipigil ang isang tao sa pagsabong kasi buhay niya iyon at pera niya naman ang dala sa pagpunta sa sabungan..

Arvin U. de la Peña said...

@Wanderer Tolentino........opo wala ngang kasiguraduhan kung mananalo ka sa pinustahan mo na manok.......kahit nga iyong tiyopi sa sabong iyong ang manok ay iano ng matatalo talaga ay nababaliktad pa..ang manok na matatalo sana ay siya ang nananalo..daya iyon na hindi natutupad kasi nadisgrasya ang dapat manok na mananalo.....iyon ang masakit..delikado nga lang pag nalaman ng mga tao na naroon na tiyopi ang pag laban ng dalawang manok kasi pagmumulan iyon ng away..hindi maganda ang gawain na iyon kasi dapat ay fairplay talaga sa sabong..

Ishmael F. Ahab said...

Ay, dito uso sa amin yang sabong. Sa may kalsada sa tapat ng kapitbahay namin nagaganap ang sabungan. Ang dami ngang nagpupuntahan para makisali sa sabungan na yan e.

eden said...

Visiting you back Arvs. Have a great day

eden said...

Hi Arvs!

Have a great day!

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab.........kung ganun ay nakapunta ka na rin sa sabungan....kung hindi ka man pumupusta ay nanood ka lang sa loob..tumingin tingin ng mga manok panabong..o kaya mag snack sa loob ng sabungan,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@eden..............thanks for visiting again my blog..........

Arvin U. de la Peña said...

@ayu..............nauunawaan ko ikaw....kanya kanya kasi tayo ng pananaw....pero ang sabong ay sugal na maganda kasi parang fairplay talaga..hindi katulad ng ibang sugal na mayroon daya..

Anonymous said...

MILNE- LOWE- BALL now informing that ACE HARDWARE is a COMPANY with TEXAS SENATORS.
And it was run for the PURPOSE of ELIMINATING evidence in the crimes of OSIRIS.
And as we speak, there is BOO in TORONTO with WATT & ADA.
And what they are now saying is that RUSH LIMABAUGH CULLS in CALIFORNIA with ACE and FRANCE .
And that SC is connected to all of this with EDWARD MEESE and " BOCOMST"...and the EXPLOSIVES called
" SCOME" were meant for all the children after their RAPES- TORTURES- ORGAN HARVESTS for HOSPITALS such as SICK KIDS with physicians attending
closely with their Aryan nurses for the " take".
And BERRIRO was their biggest HO .
And now MASSACHUSETTS id's DELL and LOUISIANA explosives , along with OKLAHOMA.

Jag said...

My father is addicted to sabong...mahal na mahal niya ang mga manok niya pramis!

Glenn said...

nagsasabong ka din ba kuya arvz? ^_^

Unknown said...

naimbitahan nrin ako pmunta sa sabungan ilang beses na kahit nung bata pa, di lang ako masyado familiar sa ilang sabungang lenggwahe, mahilig ka ba pre sa derby

eden said...

Have a great week, Arvs!

Arvin U. de la Peña said...

@Michelle.............ok..how are you..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag................kung di ako nagkakamali ay nag brebreading ng mga manok panabong ang papa mo..tiyak mahal ang presyo ng mga manok niya kung ibenta..sumasali din siguro ng mga derby ang papa mo..at sigurado ako nakasama ka na sa kanya pagpunta sa sabungan..

Arvin U. de la Peña said...

@Glenn kun..............minsan lang po..hindi po ako madalas magsabong..kapag matalo ang manok na isinabong ay ilang buwan muna bago sumabong uli..pero minsan tumatambay ako sa sabungan..tingin tingin..

Arvin U. de la Peña said...

@Keatodrunk...........ganun po ba..tiyak nakita mo doon na ang pera ay inihahagis lang dahil sa pustahan..maingay din..minsan pumupunta ako sa derby.....nanonood lang..

Arvin U. de la Peña said...

@eden......the same to you..kumuta ka na ngayon..