Thursday, September 8, 2011

Pagsusulat (by request)

Matagal na rin ang request na ito. Noong isang taon pa kasi sa draft ng email ko naka save siya August 28,2010. Kasi minsan ang mga nagrerequest ay save ko sa email ang pagrequest nila para ko matandaan. Minsan naman ay hindi ko save kapag gusto kong pagbigyan agad ang request nila. Sa blog niya ay wala pong picture niya at palagay ko ang nagrequest na ito ay hindi isang Pilipino. Malaman naman iyon sa blog niya. Narito po ang sinabi niya ng mag request.


Teacher Jet: Thanks Arvin. Ui,if you have the time,make a poem about teaching.When we blog,we also teach, right ? Thanks!

http://esllesson.blogspot.com/

PAGSUSULAT
Ni: Arvin U. de la Peña

Minsan na kitang kinalimutan
Minsan na rin na binalikan
Pakiwari ang mundo ay di kumpleto
Kung hindi kita pinagkakaabalahan.

Habang hawak ang lapis o ballpen
Sa pagsulat sa papel ng kung ano
Sumasakit man ang isipan ng konti
Binabalewala na lang dahil mahal ka.

Sa pagkahilig ko sa iyo
Maging sa pagkain ko ay naiisip
Ano ang mga isusulat
Mabuo ang isang magandang obra.

Napakasaya ko talaga sa iyo
Mga likha madami nakakabasa
Lalong masarap ang pakiramdam
Kung bawat humihiling napagbibigyan.

Hilig kong ito sa iyo
Siguro ay walang katapusan
Habang ako ay nakapagsusulat
Patuloy magbibigay aliw sa mga mambabasa.

47 comments:

Anonymous said...

may mga snow na dito, ang rarap.. hehe!

magaling! ikaw na! hehe

Anonymous said...

sarap i mean, parang paskong pasko ang dating..:)

hana said...

padaan-daan lang ^_^ uhmmazing ang tula ;)

shirt.quote.toh said...

nice one! salamat sa pagdalaw sa aking mumunting tambayan.

Chubskulit Rose said...

Another heartfelt writing Arvin, keep it up.

TAMBAY said...

ayos sir arvin...

magandang umaga sayo:)

Arvin U. de la Peña said...

@mommy-razz............makita po ang ganyan sa google..search mo snowflakes.....puwede mo din lagyan ang blog mo ng ganyan..

Arvin U. de la Peña said...

@hana banana........salamat sa pagdaan mo sa blog ko.....kumusta po kayo..

Arvin U. de la Peña said...

@shirt.quote.toh..........walang anuman iyon....thanks din at pinuntahan mo ang blog ko.....ayos po ang mga design ng tshirt na nasa blog mo..

Arvin U. de la Peña said...

@chubskulit...........maraming salamat sa sinabi mo....matagal nga din bago ko napagbigyan ang request niya..di ko nga alam kung tagasaan ang tao na iyon na nagrequest,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@ISTAMBAY...........thanks..magandangumaga din sa iyo..

Unknown said...

ang ganda... iniisip ko tuloy kun anong ire-request ko. basta pag may naisip ako ah. i'll let you know. :)

Mai Yang said...

Nice one ^_^

eden said...

Another nice poem! Ang galing mo, Arvs.

Thank you for visiting

w0rkingAth0mE said...

Just visiting here, thumbs up for another poem!

anney said...

Tagal na pala nyan buti naman ant na post mo na din. Im sure matutuwa ung nag request pag nalaman nya

Arvin U. de la Peña said...

@mayen............salamat at nagandahan ka sa sinulat kong ito.....basta kaya ko kung ano ang irequest mo ay mapagbibigyan kita..

Arvin U. de la Peña said...

@Mai Yang...............thanks po..naapreciate ko ang sinabi mo..

Arvin U. de la Peña said...

@eden..............salamat din sa sinabi mo....walang anuman iyon..basta pag mag blog hop ako ay pinupuntahan talaga kita..

Arvin U. de la Peña said...

@wOrkingAthOmE............thanks sa muli mong pagbisita sa blog ko at pagbasa sa sinulat kong ito....

Arvin U. de la Peña said...

@anney............yup, matagal na nga po..sobra isang taon din.....medyo wala kasi ako maisip para sa request niya....ito lang ang nagawa ko...

Unknown said...

Christmas na pala dito?

Galing ng poem mo now!

isp101 said...

Hello, Arvin! Sorry ngayon lang ulit napadaan, kasi busy in the past few weeks sa work... I love the poem! And, also, your new template design, yung snowflakes, hehehe! =)

Ka-Swak said...

ikaw na!

magrerequest din ako ha? hehehe

eden said...

Hi Arvs!

Have a great weekend!

Thanks for the visit.

Dhemz said...

ayay! ang galing galing naman....great job Arvin...dami talagang nag rerequest ano?! hehehhe...dapat next time may talent fee na...joke!

ganda dito ah...may snow fall...ehehehe!

zeke said...

you already!

at naks, may snowflakes. hehe

Arvin U. de la Peña said...

@tim.............ang gusto ko talaga na ilagay na design sa blog ko ay iyong parang kumikidlat.....nang mag umpisa ako mag blog may nakita ako na ganun..ewan ko kung anong blog..hindi ko na mahanap..parang kumikidlat talaga..kapag nakita ko iyon na widget ay iyon ang ilagay ko sa blog ko.....nakita ko lang ang design na iyan sa blog ni Wang....punta ka google at search mo snowflakes.....puwede ka rin maglagay niyan sa blog mo..

Arvin U. de la Peña said...

@iso101.............okey lang.......salamat at nagustuhan mo ang sinulat kong ito..........nakita ko lang ang widget na iyan na snowflakes sa isang blogger tapos nagtanong ako kung paano magkaroon ng ganyan.....ng sinabi niya na snowflakes ay nag search ako sa google at ayun nakita ko nga at nilagyan ko ang blog ko....madami nga nilagay ko,hehe.....

Arvin U. de la Peña said...

@Ka-Swak................ganun ba.....mapagbibigyan kita pero hindi pa muna sa ngayon..madami pa kasi nakalinya,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@eden............likewise.....walang anuman iyon..salamat din sa pagbisita uli sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz............mabuti nga at napagbigyan ko na siya.....sobra isang taon din bago ko nagawa.....pagtingin ko kasi sa draft ng email ko ay hindi ko pa iyon napagbibigyan....iyong mga magpapalagay na lang ng logo doon na lang ako kukuha ng bayad,hehe...

Arvin U. de la Peña said...

@the greem breaker.............oo ako na naman at muli napagbigyan ang isang tao na nagrequest.....puwede mo rin lagyan ang blog mo ng ganyan..

Yen said...

Galing naman! lumalalim na ang mga tula mo ah,konte pa at close to perfection ka na:). makapag isip nga rin ng mairerequest dito. hmm, dumadami na talaga ang iyong taga hanga.

kimmyschemy said...

maraming salamat sa post na ito para sa mahilig magsulat..

by the way, do you mind checking out on Grandfather's Glasses?

Arvin U. de la Peña said...

@Yen.................salamat kung ganun.....hindi ba nailagay na kita dito sa blog..by request din yata iyon dati pa....you mean magrequest ka uli for the second time,hehe...

Arvin U. de la Peña said...

@simply_kim.............patungkol nga din ito sa mga tao na mahilig magsulat.....lalo na ang may blog.....katulad ko, sa iyo, at ng iba pa...ok....puntahan ko iyan..

☆Mama Ko☆ said...

isa ka talaga manunulat arvin, at mapagbigay pa ng kahilingan. bumibisita dito.

eden said...

have a great week, arvs!

Umma said...

Galing talaga ni Arvin... grabe, super tagal na pala ito.. buti na remember mo..

Arvin U. de la Peña said...

@Mama Ko.........nakakahiya naman kasi kung hindi ko pagbibigyan ang isang nagrerequest.....minsan nga lang ay natatagalan talaga..kagaya nito.....sobra isang taon din bago ko napaunlakan ang request niya..

Arvin U. de la Peña said...

@eden...........ganun din po sa iyo..

Arvin U. de la Peña said...

@Umma...............salamat sa sinabi mo.....kasi nasa draft ito ng email ko....minsan kasi ang mga sinulat ko lalo na kung mga ilan na ay save ko muna sa draft..madami nga ang naka save sa draft na hindi ko pa post dito sa blog....kasi kapag nakasulat ako sa cellphone ng poem at di ko pa gusto ipost sa blog ko ay save lang muna sa draft ng email ko..

Unknown said...

namiss ko ang isang makatang tulad mo,mabuhay ka sa iyong mga obra, arvin.

wagi:)

http://www.clarizzatomacruz.com

Mel Avila Alarilla said...

Ang pagsusulat ay isang talentong hindi nabibigay sa lahat. Kung merong angking talento sa pagsusulat ay mapapakinabangan nang mga mambabasa at maipahahatid ang mga mensaheng gustong iparating sa mga mambabasa. Ikaw ay may talentong ganuon na nakakapagpaligaya sa mga nagagawan mo nang tula. Salamat sa panibagong tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Arvin U. de la Peña said...

@imriz.............ganun ba..salamat kung ganun.....siguro busy ka lagi kaya minsan ka na lang mag ikot ikot sa mga blog.....salamat at hindi mo nakakalimutan na tingnan ang blog ko..a

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla.......tamang tama ka diyan.....kahit ang ilan kong kaibigan kapag tinatanong ko kung magagawa ba nila na magsulat ng katulad ko ang sabi nila ay hindi daw..mahirap sa kanila ang ganun na katulad ng mga nakikita sa blog ko.....katulad din iyong mga tao na nagsusulat ng kanta..bihira lang ang ganun..hindi lahat ng tao ay kayang mag sulat ng isang kanta..