Taong 2009 ng magsimula ako mag pa imprinta ng t-shirt na may design tungkol sa blog ko sa kaibigan kong si Kim Reyes. At iyon ang nasa slide show na makita sa side bar ng blog ko. At ang latest kong pa imprinta ng t-shirt wala sa slide show ay iyong makita sa post kong ito kasama na rin ang mga larawan na patungkol sa mga gawa ng kaibigan ko na isa ring tattoo artist. Hindi lang tatto artist na matatawag kundi all around artist siya. Kasi bukod sa pagiging tattoo artist ay trabaho din niya ang gumawa ng streamer, banner, drawing, t-shirt printing, tarpaulin, styrofoam cutting, signages, panaflex billboards, layouting, yearbooks, stage décor, interior design at iba pa. Magaling din siya sa painting. Siyempre bukod sa tunay na pag tattoo ay nag hehenna tattoo din siya. Dito sa Leyte ay sumasali siya sa mga competition sa pag tattoo o kaya body painting. Marami na rin siyang award na napanalunan sa mga sa pagsali sa competition. Dito sa aming lugar napakaraming beses rin na kung saan siya ang kinukuha na mamahala para sa pag celebrate ng Alumni ng isang paaralan. Maraming paaralan na rin ang kumuha ng serbisyo niya. Siya na ang bahala sa lahat if the price is right nga lang. Siya na ang bahala gumawa ng design sa t-shirt, paggawa ng mga streamer para sa alumni, design sa stage at kung ano pa na ikagaganda ng event. Minsan din ay labor lang ang hinihingi niya at ang materyal sa host na lang. Sabi nga kaibigan ko na si Alexis na siya iyong lalaki na model ko sa sinulat kong Isang Linggong Pag-ibig ay unlimited daw ang talent ni Kim Reyes kasi madami talaga siyang alam. Ilan lang ang larawan na makita niyo sa napakarami na niyang gawa. Sa mga larawan ay makita niyo na tinatatoan niya ang kaibigan namin na si Felix Arbis na siya iyong nagrequest sa akin ng papaalis na papunta California na magsulat daw ako ng tula na ang pamagat ay "Ang Kaibigan Kong Nagbakasyon" na post ko noong January 31, 2010. At si Kim Reyes ay willing din siya mag trabaho sa ibang lugar kung kailangan ang serbisyo niya. Just e-mail me at sabihin ko sa kanya.
"You think it, I ink it".
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
29 comments:
ouuchhhhh...diba masakit ang tattoo?
nice tattoo designs!
I appreciate tattoo pero ayoko ng may tattoo sa katawan ko hahaha!
Great art of work:) mamagay ka nala ng shirt...lol
Oo nga mamigay naman ng T-Shirt! XD
Astig yung tattoo na sa isang side lang ng likod.
ganda ng tattoo pvisit dn http://papajack.co.cc/
@Albert Corsame Umbac..........di ko alam kung masakit kasi wala akong tattoo sa katawan....sabi ng mga may tattoo ay hindi naman daw masakit.....may lotion naman na nilalagay para hindi masyado o maging masakit sa pagtattoo.....
@reese............ang mga nakita mo ay ilan lang sa mga design at nagawa niya sa pagtattoo.....talaga..what if ang mahal mo sa buhay ay magpatattoo..pipigilan mo ba siya..
@SunnyToast..........mabuti kung mananalo ako ng malaki sa suwertres ay puwede ako mamigay.....hindi naman siguro aabot ng 500 pesos ay puwede ako makabigay para sa isang tao....kung malaki pa ang mapanalo ay puwede madami ang bigyan ng tshirt.....hindi naman mahal pag pa LBC.....kaso walang magandang numero o hearing na puwede tayaan sa suwertres.....kung may hearing ka sa suwertres lotto ay bigyan mo ako at tatayaan ko..
@Josh...........kung manalo ako ng malaki sa suwertres sa lotto.....astig nga iyon..kasi malaki ang bahagi sa likod ang pinatatoan...
@tatoy............salamat at nagandahan ka sa mga nagawa sa pagtattoo ng kaibigan ko..
ang gaganda ng designs tol arvin..
type ko shirts pero tattoo ewwww sakit niyan tsaka dumi lang sa katawan hehehehe. Opinion ko lang po ito wag personalin :-)
I tried tattoo pero henna lang. haha!
ang galing. i am still thinking whether to ink myself or not. part of me says "go for it" but then again, it has to be very discreet 'coz mt profession prohibits me from having one.
my boyfriend has a tattoo on his left arm...oks lang sa akin, pero kung sa sarili ko...AYAW!
Ang galing naman nya. gnada ng tattoo designs but ayaw kong magpa tattoo..hehehe
@jedpogi...........maganda po kasi magaling siya...madami nagpapatattoo sa kanya....dito sa aming lugar kilala siya sa larangan ng pag tattoo at iba pa..
@Sam D...........ganun ba.....nag iisip pa nga din ako magpagawa uli ng tshirt sa kanya.....kasi iyong nasa slideshow ay matagal na rin iyon..gusto ko iyong bago naman..pero sinusuot ko pa rin naman ang mga tshirt na iyon.....try mo kaya magpagawa ng ganun sa lugar mo..
@Mai Yang............maganda rin naman ang henna kaso ilang araw lang ay kumukupas....patok din naman ang henna lalo na sa mga kababaihan..
@Lawstude.............ganun..kahit ba konting tattoo lang at natatabunan naman ng tshirt ay hindi pa rin puwede dahil sa profession mo..puwede naman yata siguro iyon basta nakatago lang..hindi lantad ang tattoo..
@reese...........so kung ganun ay tiyak balang araw ay magpapadagdag pa ng tattoo ang bf mo..kasi hindi pa iyon makuntento sa isang tattoo,hehe..
@eden............ang tulad niya ay walang kapareho dito sa aming lugar na madami ang alam.....dahil ba masakit kaya ayaw mo magpatattoo.....diyan sa lugar mo tiyak madami ang magaling diyan..mga amerikano,hehe..
ang galing. taga saan siya gusto kong mag patato
Hi Arvs, i'm back... :) ang sarap ng feeling makadalaw sa iyo, para na rin akong dumalaw sa Pinas.
Medyo matagal din ako hindi nakapag-post sa blog ko. Super-duper busy.
Very nice ang shirt mo. I wonder kung magkano magpagawa ng shirt na may name ng blog ko. :)
@Diamond R...........taga leyte po siya..dito sa aming lugar..sakali na makapasyal ka sa ibang lugar sa leyte ay puwede mo ako email at puntahan ka para tatoan,hehe.....
@Hi! I'm Grace.........salamat kung ganun na para kang nasa ating bansa kung pinupuntahan mo ang blog ko.....hindi ko alam kung magkano diyan sa inyo magpalagay ng blog site para sa tshirt mo.....dito hindi naman masyado mahal....ako bumibili lang ng tshirt tapos pa imprinta sa kanya..sabi ng kaibigan ko siya na ang bibili ng tshirt tapos siya na ang bahala sa design tapos pa LBC pa ang singil niya lahat ay 500...kung may magpapagawa..pero dapat sa Pilipinas lang..
tama ka talaga Arvin...all around nga sya...what a talent...saludo ako sa kanya....:)
Hindi ako kumporme sa tattoos at body piercings. Bina violate nila ang pagbabawal nang Diyos sa mga ito. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
ang gaganda nung tattoo a... galing din nung artist!
Post a Comment